Ang Ibong Nakahawla (Kabuuan)

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG IBONG NAKAHAWLA

(KABUUAN)
Ang akdang ito ay nagsisilbing salamin sa kung ano ang naranasan at naramdaman ni Maya
Angelou habang siya’y lumalaki. Ito ay isang malikhaing paraan para maihayag niya sa buong mundo
ang kanyang buhay na puno na kapighatian at pagsasakripisyo. Ang akda ring ito, ay isang napaka-
importanteng kontribusyon sa feminismong pagsusulat noong 1970s. Talakayin natin ang kanyang
tula o akda kada taludtod:

Isang ibon ang umigpaw


Sa likod ng hangin
At nagpalutang pababa sa Ngunit and isang ibong
may ilog nanlilisik
Haggang sa magwakas ang Sa kanyang makitid na hawla
agos Ay bihirang makasilip
At nagtawtaw ng kanyang Sa mga rehas ng kanyang
mga pakpak pagngingitngit
Sa kahel na silahis ng araw Mga pakpak niya’y pinutulan at
At nangahas angkinin ang Mga paa’y tinalian
langit. Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka
upang makaawit.

Para sa unang dalawang taludtod na ito, ipinapakita ang pagkukumpara ng dalawang klase ng
ibon. Isang malayang ibon at isang nakakulong na ibon. Ang malayang ibon ay inilarawan na
nakikipag-ugnayan sa kalikasan, at naghahamon pang sakupin ang kalangitan. Samantalang, ang
nakakulong na ibon ay nilalarawang nagtitiis sa kanyang hawla na putol ang mga pakpak, nakatali
ang paa at punong-puno ng galit. Ngunit sa kabila nito, ang ibon ay kumanta pa rin.

Ang ibong nakahawla’y Ang malayangibon nama’y nag-


umaawit iisip ng ibang simoy
Nang may kasindak-sindak Ng hangin malamyos sa mga
na tinig punong nagbubuntonghininga
Ng tungkol sa di-batid na Ng matatabang uod na
mga bagay naghihintay sa damuhang
Ngunit minimithi ang
kapayapaan
At ang kanyang himig ay
naririnig
Sa malayong burol
Sapagkat ang ibong sinisinagan
nakahawla’y Ng umaga
Umaawit ng kalayaan At ang langit ay itinuturing na
kanyang sarili

Ang ibong nakahawla’y


Ngunit ang isang ibong umaawit
nakahawla’y nakatayo Nang may kasindak-sindak
Sa puntod ng na tinig
Mga pangarap Ng tungkol sa di-batid na
Anino niya’y sumisigaw sa tili ng mga bagay
isang bangungot Ngunit minimithi ang
Mga pakpak niya’y pinutulan at kapayapaan
mga paa’y tinalian At ang kanyang himig ay
Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka naririnig
upang makaawit. Sa malayong burol
Sapagkat ang ibong
nakahawla’y
Umaawit ng kalayaan

Ang ikatlo at ang huling taludtod ay naglalarawan ng pag-awit ng nakakulong na ibon ng


kanta ng kalayaan. Kahit na ang kanyang puso ay puno ng takot at pangungulila, patuloy pa rin siya
sa pag-awit. Ang pang-apat at panlimang taludtod naman ay patuloy pa ring kinukumpara ang
dalawang ibon.

Sanggunian: https://makabayangblogger.wordpress.com/2016/05/06/ang-ibong-nakahawla-2/

You might also like