Professional Documents
Culture Documents
COT. Aralin 4.2.IbongAdarna
COT. Aralin 4.2.IbongAdarna
COT. Aralin 4.2.IbongAdarna
Sheena R. Bacurin
Teacher I
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang 80% ng mga mag-aaral ay:
1. Nabibigyang linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula sa akda sa
pamamagitan ng pagsulat.
2. Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda na maiuugnay sa
kasalukuyan sa pamamagitan ng pagsulat o pagsasalita.
3. Natutukoy ang mga katangian at ugali ng may-akda na dapat tularan sa pamamagitan ng
pagsulat.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mga mag-aaral ay nagpapamalas ng pagsusuri ng mga pangyayari sa akda na nagpapakita
ng mga suliraning panlipunan na dapat bigyan ng solusyon.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan na may
kaugnayan sa kabataan.
III. SANGGUNIAN
1. Supplemental lesson plan; www.rexinteractive.com, pahina 3-10.
2. Tekstong Patnubay sa pag-aaral ng Ibong Adarana; Revimarc L. de Mesa. C&E
Publishing, Inc. 2002; pahina 3-4.
3. www.ratante.wordpress.com; iadarnarnaresources
Kagamitan: visual aids, chalk at chalk board, larawan ng Birheng Maria
IV. PAMAMARAAN
Pagbabalik-aral o Panimula ng Bagong Aralin
Babalikan ang layunin ng korido.
Gabay na tanong: Ano ang layunin ng korido?
Pagbibigay ng kahulugan ng mga salitang ginamit sa saknong 1-6.
a. Liwanagin yaring isip nang sa layo’y di-malihis.
b. Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa.
c. Ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa.
d. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa.
e. Nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay.
Ibibigay ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita gamit ang alinman sa
sumusunod: a.) diksyunaryo o talahulugan, b.)internet at c.) context clues (kontekstong
palatandaan?)
Pagganyak
Paano kayo nakikiusap sa Diyos kapag may kahilingan?
Isahang Pagsasanay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga gabay na tanong sa kanilang kuwaderno.
Mga gabay na tanong:
1. Sino ang nagdarasal sa unang bahagi ng akda?
2. Ano ang nilalaman ng kaniyang panalangin? Bakit siya nananalangin?
3. Bakit sa Mahal na Birhen siya nagdarasal? Sino ang Mahal na Birhen?
4. Ano ang suliranin ng may-akda?
5. Ano ang suliranin ng may-akda ang parehas na kinahaharap natin sa kasalukuyan?
6. Bakit kailangang ilarawan ng makata ang kaniyang sarili bilang napakababang uri ng tao?
7. Anong alituntunin ang nais isiwalat ukol sa pagsusulat ng panitikan noong panahon ng
mga Espanyol?
8. Ano ang kulturang ipinapakita sa unang saknong?
9. Ano ang mga katangian at/o ugali ng may-akda ang dapat nating tularan?
Paglalahat ng Aralin
Iisa-isahin ng mga mag-aaral ang mga di-pamilyar na salita at kahulugan nito.
Malihis-maligaw o mawala sa landas
Pasaliwa-mali; hindi ayon sa naitakda
Pahidwa- hindi ayon sa pamantayan; masama
Lumayag- umalis; maglakbay sa dagat
Pagbanghay-paggawa o paglikha
Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga sitwasyon o suliraning nagaganap sa ating
lipunan kung saan naliligaw tayo ng landas kagaya ng paggawa ng krimen ng mga
kabataang menor de edad at iba pa.
Iisa-isahin ng mga mag-aaral ang mga katangian at/o ugali ng may-akda na dapat tularan.
Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang ginawa ng may-akda sa panahong siya ay nahihirapan na makamit ang layon
niya?
2. Dapat ba natin itong tularan? Ipaliwanag.
Pagtataya ng Aralin
Para sa Layunin 1. (Bilang 1-7)
Panuto: Pagtapatin ang mga salita sa kolum A ng mga kahulugan nito sa kolum B.
KOLUM A KOLUM B
1. Malihis Maligaw o mawala sa landas
2. Pasaliwa Hindi ayon sa pamantayan; masama
3. Tumpak Marunong tumingin
4. Lumayag Mali; hindi ayon sa naitakda
5. Matangkakal Pakinggan; dinigin
6. Pahidwa Marunong tumingin; gumagabay
7. Pagbanghay Wasto o tama
Maglakbay sa dagat
Para sa Layunin 2. (Bilang 8-10)
Ako’y isang hamak lamang
Taong lupa ang katawan,
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw
8. Ano ang nais iparating ng may-akda sa saknong na ito?
A. Siya ay tao lang at hindi perpekto.
B. Siya ay tao na marusing at mahina ang katawan.
C. Siya ay isang mahusay na manunulat.
D. Siya ay may malinaw na isip.
Para sa bilang 9-11.
O,Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.
9. Kanino patungkol ang dasal sa unang saknong?
A. magulang C. Diyos
B. Inang Candelaria D. Birheng Maria
10. Ano ang ipinagdarasal ng may-akda?
A. Gabayan siya upang di maligaw ng landas.
B. Bigyan siya ng malakas na pangangatawan.
C. Mawala ang kaniyang problema.
D. Maging mas matalino siya.
11. Ano ang kaniyang layon?
A. Bumuo ng awit C. Bumuo ng korido
B. Bumuo ng tula D. Bumuo ng kuwento
Para sa bilang 12-15.
Labis yaring pangagamba
Na lumayag na mag-isa
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y di makaya.
Inihanda ni: