4th Periodical

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
MALVAR NATIONAL HIGH SCHOOL
(Formerly Jose P. Laurel Memorial School of Arts and Trades)
Malvar, Batangas
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
G9 Filipino
Pangalan: __________________________ Petsa: __________________
Seksyon: ________________ Iskor: __________________

I. Isulat ang TAMA kung wasto ang inilalahad na pahayag, MALI naman kung hindi wasto.

____________________1. Ang Noli Me Tangere ay naisulat para sa inang bayan.


____________________2. Ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naging inspirasyon ni Rizal sa
pagsulat ng Noli ay tungkol sa katiwalian sa pamahalaan.
____________________3. Sinasabing ang tauhang si Maria Clara sa nobela maihahalintulad sa pagkatao ni Leonor
Rivera, ang asawa ni Jose Rizal.
____________________4. Malaki ang naging hirap ni Rizal sa pagbuo ng nobelang Noli Me Tangere sapagkat
kinapos siya sa pera panlimbag, sa kabutihang palad ay pinautang siya ni Maximo Viola
____________________5. Hinango ni Rizal ang pamagat na “Huwag mo akong Salingin” mula sa bibliya.
___________________6. Ang nobelang Noli Me Tangere ang nagpapakita ng kabayanihan katapatan at
katatagan sa larangan ng panulat ni Dr. Jose Rizal
____________________7. Si Josephine Bracken ang itinuturing na una at seryosong minahal ni Jose Rizal.
____________________8. Isa sa mga adhikain ni Rizal na makamit ng mga Pilipino ang pantay-pantay na
karapatan sa ilalim na batas sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila.
____________________9. Nagkaroon ng isang anak si Rizal na pinangalanang Fernando ngunit namatay din ito
agad pagkasilang.
____________________10. Ang Noli Me Tangere ay nobela ng paghihimagsik at ang El Filibusterismo ay
nobela ng pag-ibig.
____________________11. Kilala si Rizal sa iba’t ibang larangan tulad ng pagpinta, pagguhit, paglilok at pag
ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista.
____________________12. Ang huling akdang naisulat ni Rizal bago siya bitayin ay ang dulang Mi Ultimo
Adios na ang ibig sabihin ay ”ang huling paalam”.
____________________13. Nang si Rizal ay namalagi sa Dapitan nagawa niyang makapagpatayo ng paaralan,
hospital at simbahan para sa mga taong naninirahan doon.
____________________14. Sinasabing ang tauhang si Crisostomo Ibarra ay sinasalamin ang pagkatao ni Jose
Rizal noong panahon ng Kastila.
____________________15. Isang gurong Pransiskano ang kauna-unahang naging guro ni Jose Rizal.

II. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung sino sa loob ng kahon ang inilalarawan
nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. Lucas F. Padre Salvi K. Donya Victorina P. Sisa


B. Juan Crisostomo Ibarra G. Padre Damaso L. Elias
C. Kapitan Tiyago H. alperes M. Pilosopo Tasyo
D. Donya Consolacion I. Don Rafael Ibarra N. Maria Clara
E. taong madilaw J. Padre Sibyla O. Basilio

______ 16. Siya ay kakaibang mag-isip kaysa sa normal na mamayan sa San Diego dala ng angking talino
simula pagkabata.
______17. Hindi nagtagumpay ang masama niyang balak kay Ibarra sa isinagawa ng paghuhugos ng bato
sa ipapatayong paaralan.
______18. Sumisimbolo sa kawalan ng katarungan sa bansa at kung paano ito inabuso ng mga Kastila
______19. Nagpakita ng kalambutan para kay Maria Clara sa kabila ng pagiging malupit at gahaman sa
ibang tao.
_______20. Siya ang itinuring na mata at tainga ni Ibarra.
_______21. Ang kanyang pagiging haligi ng tahanan ay nawalan ng silbi dahil sa pagiging sunud-sunuran
at takot sa mga prayle.
_______22. Idealismo ng mga kabataang nakapag-aral
_______23. Malaki ang bilib sa sarili kahit pa kabaligtaran nito ang tingin sa kanya ng ibang tao
_______24. Isang Pilipinong nagpapasakop (puppet) sa mga Kastila at walang sariling pagdedesisyon.
_______25. Isang indiyong may kaisipang dayuhan at nagkokolorete ng mukha upang magmukhang Kastila.
_______26. Nakilala sa simula bilang alagad ng simbahan ngunit sa nagpakita ng kanyang pag-ibig sa
isang dalaga.
_______27. Ideyal na babae ni Jose Rizal.
_______29. Ang tanging katunggali ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego.
_______30. Maagang namulat sa katotohanan at dumanas ng kahirapan at kalupitan ng lipunan sa
murang edad pa lamang.

III. Basahin ang mga dayalogo. Ibigay kung sino ang nagsabi o kanino sinabi ang mga pahayag.

Sino ang nagsabi? Dayalogo Kanino sinabi?


Ginoong Laruja “Tayo po’y nasa bahay ng isang Indiyo” 31.
32. “Hindi ka nagkakamali ngunit kailanman ay hindi ko naging Ibarra
matalik na kaibigan ang ama mo.”
33. “Itong upua’y para sa iyo, Padre Damaso, dahil sa iyong Padre Damaso
gulang, katungkulan at kapangyarihan.”
34. “Binata, mag-iingat kayo. Maging aral sa inyo ang nangyari sa Ibarra
inyong ama.”
Matandang paring “Lalong makabubuti sa ating korporasyon kung si Ibarra’y 35.
may sakit magiging kaaway”
Padre Salvi “Hindi po ako ang nagpatapon ng bangkay, kundi si Padre 36.
Damaso na aking pinalitan.”
37. “Pati ang mga magulang ay nagsabing kailangang gamitin ang Ibarra
pamalo, kaya napilitan akong gamitin muli ang suplina.”
Pilosopo Tasyo “Namumuhi sa inyo ang inyong mga kalaban. Kapag natalo 38.
kayo, ipasok ninyo sa isang kasapi ang ibig ninyong
imungkahi, kailangang ilihim ito.”
39. “Ayaw mong magsabi ng totoo? Kung gayo’y isasama ka namin Sisa
at hindi pawawalan hanggat hindi isinasauli ang ninakaw ng
iyong mga anak.”
40. Ito po’y inilalaan ko sa sunod na salinlahi. Susunugin po ang Ibarra
lahat ng aking aklat kung ito’y mababasa.”
Pilosopo Tasyo “Magbitiw kayo sa tungkulin.” 41.
42. Dapat kayong layuan ng mga babae upang hindi lumaganap Ibarra
pa ang binhi ng diyablo! Kung kayo’y may isang bahagi ng
katawang humihila sa inyo sa pagkakasala, putulin ito at
itapon sa apoy!”
43. Sa paglalagay ng unang bato ng paaralan, wag kayong lalapit Ibarra
sa batong panghugos, sapagkat nakataya roon ang inyong
buhay.”
44. “Bago makapagpatayo ng isang gusali, isang perito o Padre Damaso
dalubahasa ang kailangan.”
45. “Ginoong Ibarra, aalis na ako sa loob ng isang buwan. Hindi Ibarra
kayo nababagay rito. Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian at
sumama kayo sa akin sa Europa.”

IV. Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod ayon sa wastong pangyayari sa takbo ng istorya ng Noli Me
Tangere. Gumamit ng titik a-e sa pagsasaayos.

Ang Pagbabalik ni Ibarra sa Pilipinas


_______46. Sa hapunan ay hinamak ni Padre Damaso ang ama ni Ibarra gayundin ang pag-aaral nito sa Euorpa.
_______47. Sa araw ng mga patay ay laging pagkagimbal ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng bangkay ng
kanyang ama at kung sino ang may kagagawan nito.
_______48. Nagkaroon ng pagdiriwang sa bahay ng ni Kapitan Tiyago
_______49. Dinalaw ni Ibarra si Maria Clara sa kanilang tahanan bago ito umuwi sa bayan ng San Diego.
_______50. Nalaman ni Ibarra mula kay Tenyente Guevarra ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang
ama.

Ang Kasaysayan ng Mag-iina


_______51. Nang hindi makita ang dalawang bata, pilit na pinaamin ng mga guwardiya sibil si Sisa at ikinulong pa
ito.
_______52. Pinagbibintangan si Crispin na nagnakaw ng pera ng kura kaya pinarusahan ito, samantalang
nakatakas naman si Basilio sa kumbento at umuwi.
_______53. Nakita na lamang si Sisa na wala na siya sa kanyang katinuan, umaawit, umuungol at naglalakad sa
kawalan tila isang baliw.
_______54. Kinabuksan, sinubukang sunduin ni Sisa si Crispin sa kumbento ngunit hindi niya ito nakita.
_______55. Naghanda si Sisa ng hapunan ng gabing iyon para sa kanyang dalawang anak.

Pagdaraos ng Kapistahan ng San Diego


_______56. Nagsermon si Padre Damaso at marami ang nagsimba, tanging mga patama at panghahamak ang mga
sinabi ng kura sa mga Pilipino gayundin sa ama ni Ibarra.
_______57. Sa bisperas ng pista ay abala ang lahat sa paghahanda para sa kinabukasan habang si Ibarra naman
ang pinagkakaabalahan ay ang kanyang ipapatayong bahay-paaralan.
_______58. Namasyal sina Maria Clara at Ibarra sa klaye ng San Diego at nilimusan ng dalaga ang isang lalaking
may ketongin.
_______59. Namatay ang taong madilaw sa paghuhugos ng unang bato, matapos iligtas ni Elias si Ibarra sa
kapahamakan.
_______60. Nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal ang koserbador at liberal upang pag-usapan ang mga
gaganapin sa araw ng pista.

“Consumatum est”

Inihanda nina:

__________________________________ _________________________________
Jamaica R. Arcillas Mylene M. Panghulan
Guro sa Filipino Guro sa Filipino
Iwinasto ni:
__________________________________________
Buenaflor M. Macandili
Tagapag-ugnay sa Filipino

Binigyang pansin ni:


__________________________________________
Nilo M. Vanguardia
Ulongguro I

Pinagtibay ni:
__________________________________________
Mary Jane M. Gonzales, Ed. D.
Punonggguro II

You might also like