Mala-Masusing Banghay Aralin Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


akdang pampanitikan ng Luzon.

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong


pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.

I. LAYUNIN

Sa loob ng animnapung minutong talakayan, walumpung bahagdan ng pagkatuto


sa mga mag-aaral ang inaasahang:

a. nasusuri ng mga salitang ginamit sa pagsusulat ng balita ayon sa


napakinggang halimbawa; at
b. natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita
batay sa material na binasa.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagbabalita
Sanggunian: https://www.slideshare.net/divinegarciasarmiento/pagsulat-ng-balita-ppt
Kagamitan: video, speaker, powerpoint presentation, manila paper, marker.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban sa klase
d. Pagbibigay pamantayan sa loob ng klase
e. Pagpapasa at pagwawasto ng takdang aralin
f. Pagbabalik-aral

B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
-Itatanong sa mga mag-aaral kung gaano sila kadalas manood ng balita.
-Itatanong din sa kanila ang dahilan kung bakit sila nanonood ng balita.

b. Paglalahad ng Bagong Aralin


-Ipabasa ng guro ang gabay na tanong sa mga mag-aaral na nasa
powerpoint presentation.
-Ipakita sa mga mag-aaral ang video ng balita.

c. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagtalakay sa Pangkagandahan
-Italakay ng guro ang genre ng akda
-Italakay ng guro ang paksa sa iba’t ibang larangan

2. Pagtalakay Pangnilalaman
1. Ano ang pamagat ng balita?
2. Ano ang sinasabi ng ulo ng balita?
3. Ano ang impormasyon na napaloob sa balita?
4. Sa lahat ng binigay na impormasyon, alin ang hindi mo makakalimutan?
Bakit?

-Magkaroon ng malalimang pagtalakay sa katuturan, katangian,


kahalagahan sa pagsulat balita.

e. Paglalahat
-Bakit mahalaga ang pakikinig o panonood ng balita araw-araw?

f. Paglalapat
-Pagpapangkat-pangkatin sa apat ang mga mag-aaral at ipabunot sa
kanila ang kanilang task o gawain.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat puwang upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Balita Patas Nagbibigay ng impormasyon


Kawilihan Nagtuturo Timbang
Mambabasa/Tagapakinig Lumilibang
. Mga pangyayari Ganap na kawastuhan

1. Ang _______________ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga di


pangkariniwang pangyayari.
2. Ang mga salik na mahalaga sa isang balita ay __________, ___________, at
___________.
3. Mahalaga ang balita dahil ito ay ________________ at ______________.
4. Ang katangian ng isang mahusay na balita ay may _____________ at __________.
5. Mahalaga sa isang balita ang pagiging ______________ o walang kinikilingan.

V. TAKDANG ARALIN

Magkalap ng mga impormasyon hinggi; sa mga nangyayari sa kampus at iulat ito


sa klase.

Inihanda ni:

JERIC C. MARTIREZ
Guro sa Filipino

Pinagmasdan ni:

ELIZABETH P. CANAYA
Ulong-guro

You might also like