Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


LEARNING PLAN

FILIPINO VII

Yunit IV: Ibong Adarna


Grade Level: 7 Date: Enero
ANTAS I – INAASAHANG BUNGA

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng masusing paglalahad ng mga bawat aralin hinggil sa mga Obra Maestrang may malaking
kahalagahan pampanitikang Filipino at gagamiting wika bilang pagsusuri tungo sa kanilang pagkatuto sa makabagong kurikulum.

LAYUNING MAY KAHULUGAN


Kakailanganing Pang-Unawa: Mahahalagang Tanong:
Panitikan Panitikan
1. Anong kasunduan ang napag-usapan ng bata at ng ibon sa akdang
binasa?
2. Magagawa mo bang ipahamak ang bagay na iniwan sayo kaysa sa
iyong sarili?
MGA LAYUNING NATATAMO
Nilalaman: Kasanayan:
Panitikan Panitikan
A. Ang Bata, Ang Ibon, Ang Ulan (Maikling Kwento) ni Aurora Batnag? 1. Matutukoy ang mahahalagang detalye na nakapaloob sa kwentong
Wika binasa.
B. Pagbuo ng Talata. Wika
2. Maiisa-isa ang mga tuntunin sa paggawa ng talata.
3. Makakabuo ng isang talata na may simula, gitna at wakas.
ANTAS II - PAGTATAYA
Inaasahang Pagganap: Iba Pang Pagpapatunay ng Pang-unawa:
Panitikan A. Pagtatanong na may kinalaman sa paksa.
A. Pagtukoy sa detalye ng kwento: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Mensahe B. Pagsagot sa mga gawain na nasa batayang aklat.
at Pagpapahalaga.
Wika
B. Pagtalakay Pagbuo ng Talata
ANTAS III – MGA GAWAIN NG PAGKATUTO
UNANG ARAW

I. Mga Layunin:
Panitikan
A. Naiisa-isa ang mahahalagang detalye at pangyari sa maikling kwentong binasa na: KAIBIGAN NGA KAYA?
B. Naipapaliwanag sa tulong ng dayagram kung katanggap-tanggap o di katanggap-tanggap ang kilos at gawi na pinakita ng pangunahing tauhan
sa akdang binasa.

II. Paksang Aralin:


ARALIN II: “ANG BATA, ANG IBON, ANG ULAN ni AURORA BATNAG”

III. Mga Sanggunian:


Sanayang Aklat sa Filipino VII: Wika at Panitikan ni Dolores F. Jamero at Maurita L. Glinofria, Pahina 8-11

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak:

Isusulat ng guro sa pisara ang salitang...

PAGTITIWALA

1. Ipapabasa ng guro ang salita sa klase.


2. Itatanong ng guro kung ano-anong kaisipan ang ang pumapasok sa mag-aaral sa salitang nasa pisara.
3. Ipapalahad ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan at sasabihin ng guro na ito’y may kinalaman sa paksang tatalakayin.

C. Paghawan ng Sagabal:
1. mataimtim-mataos
2. matamaan - makita
3. kasukalan – kagubatan
4. nakatulala – walang imik
5. pagakpak – ingay na likha ng pakpak

D. Paglinang ng Aralin:
1. Ipapabasa sa mag-aaral ang kwento sa klase ng may katahimikan.
2. Ilalahad ng mag-aaral ang mga elemento na nakapaloob sa kwento: TAUHAN, TAGPUAN, BANGHAY NG PANGYAYARI, MENSAHE
at ARAL.

V. Values/Pagpapahalaga:
Magandang samahan at ang pagkakaroon ng malaking tiwala ng tao at hayop sa isa't isa.

VI. Ebalwasyon:

Kilos at Gawi ng Bata

Katanggap-tanggap Di – Katanggap-tanggap

VII. Kasunduan:
Basahin at Unawain ang Bahagi at Ayos ng Pangungusap sa pahina 32-33 sa inyong batayang aklat sa Filipino sa Wika at Pagbasa.

IKALAWANG ARAW

I. Mga Layunin:
Wika
1. Naiisa-isa ang mga tuntunin sa pagbuo ng talata na may simula, gitna at wakas.
2. Nakakabuo ng sariling talata gamit ang pagsasaalang-alang ng mga tuntunin nito.

II. Paksang Aralin:


PAGBUO NG TALATA

III. Mga Sanggunian:


Sanayang Aklat sa Filipino VII: Wika at Panitikan ni Dolores F. Jamero at Maurita L. Glinofria, Pahina 14

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

RUMBLED LETTERS Game


1. T A T A A L - Talata
2. M U S A L I - simula
3. N G I T A - gitna
4. S W K A A – wakas

C. Paglinang ng Aralin.
1. Pagtalakay saPagbuo ng Talata.
2. Pag-iisa-isa ng mga tuntunin sa pagbuo ng talata.
3. Paggamit ng akdang binasa na: ANG BATA, ANG IBON, ANG ULAN bilang sa halimbawa ng pagbuo ng talata.

V. Pagpapahalaga:
Ang pagsulat ng talata ay nakakatulong upang mahasa ang kaisipan natin sa mga pansariling kaalaman ngunit isaalang alang pa rin natin ang mga
alintuntunin sa pagbuo ng isang talata sapagkat hindi matatawag itong talata kung wala itong simula gitna at wakas.

VI. Kasunduan:
Bumuo ng isang talata batay sa paksang “Ang Unang Araw Ko sa Paaralan” gamitan ito ng mga alituntunin sa pagsulat ng talata.

Prepared by: Noted by:

_____________ ____________________
Marvin P. Nava Mrs. Mary Ann T. Abejar
Grade 7 Adviser School Pricipal

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
LEARNING PLAN
FILIPINO VII

Yunit I: Kulturang Pilipino, Gabay sa Pagbabago


Grade Level: 7 Date: Hunyo 28 at Hulyo 2, 3
ANTAS I – INAASAHANG BUNGA

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng masusing paglalahad ng mga bawat aralin hinggil sa mga babasahing mga akdang
pampanitikan at gagamiting wika bilang pagsusuri tungo sa kanilang pagkatuto sa makabagong kurikulum.

LAYUNING MAY KAHULUGAN


Kakailanganing Pang-Unawa: Mahahalagang Tanong:
Panitikan Panitikan
Ang ay isang hiyas na hindi nahihiram, hindi nauutang o nabibili at 1. Paano nasabing ang ngiti ay isang hiyas?
lalong hindi nanakaw. ang ngiti ay pampasigla ng puso, panlunas sa 2. Ano ang naidudulot ng ngiti sa atin?
kalungkutan, pamawi ng alinlangan at palatandaan ng pagmamahal. Wika
Wika 3. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa paglalarawan?
Mabisang gamitin sa paglalarawan ang mga salitang naglalarawan tulad
ng pang-uri at pang-abay upang maipahayag ang katangiang taglay ng
isang ngalan.
MGA LAYUNING NATATAMO
Nilalaman: Kasanayan:
Panitikan Panitikan
A. Ang Ngiti (Sanaysay) ni Socorro Vera Cruz 1. Makapagbibigay ng mga mahahalagang kaisipan at nilalaman sa
Wika sanaysay na binasa.
B. Pahayag na Naglalarawan. Wika
2. Maiisa-isa ang mga dapat tandaan sa paglalarawan.
3. Makapagbibigay ng mga pangungusap na may paglalarawan.
ANTAS II - PAGTATAYA
Inaasahang Pagganap: Iba Pang Pagpapatunay ng Pang-unawa:
Panitikan A. Pagtatanong na may kinalaman sa paksa.
A. Pagtukoy sa kaisipan at nilalaman ng sanaysay na may pinamagatang: B. Pagsagot sa mga gawain na nasa batayang aklat.
“Ang Ngiti” ni Socorro Vera Cruz
Wika
B. Pagtalakay sa Pahayag na Naglalarawan
ANTAS III – MGA GAWAIN NG PAGKATUTO
UNANG ARAW

I. Mga Layunin:
Panitikan
A. Nakapagbibigay ng mahahalagang kaisipan at kaalaman sa sanaysay na binasa.
B. Nasasagot ang mga katanungang may kinalaman sa paksa.

II. Paksang Aralin:


ARALIN III: “ANG NGITI (Sanaysay) ni Socorro Vera Cruz”

III. Mga Sanggunian:


Sanayang Aklat sa Filipino VII: Wika at Panitikan ni Dolores F. Jamero at Maurita L. Glinofria, Pahina 16-17

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak:

Ipapalarawan sa klase ang mga larawan ng emoji...

1. Ipapasuri ng guro sa klase kung anong emosyon ang pinapahiwatig ng mga emoji na nasa larawan.
2. Itatanong ng guro sa klase kung saan sitwasyon sila ngumingiti.
3. Ipapalahad ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan at sasabihin ng guro na ito’y may kinalaman sa paksang tatalakayin.

C. Paghawan ng Sagabal:
1. sakdal - ubod
2. aliw - saya
3. hiyas - kayamanan
4. mahawi - matanggal
5. maikintal - maisipan
D. Paglinang ng Aralin:
1. Ipapabasa sa mag-aaral ang sanaysay sa klase ng may katahimikan.
2. Magtatanong ang guro sa mga mahahalgang kaisipan nakapaloob sa sanaysay.
a. bakit sinabi na ang ngiti ay hiyas?
b. sa papanong sitwasyon natin mapapabatid na tayo ay nakangiti?

V. Values/Pagpapahalaga:
Ang pagNGITI ay nakakagamot sa mga problemang tahak natin sa buhay.

VI. Ebalwasyon:
Pagpapasagot ng gawain sa batayang aklat (Talakayin) pahina 18

IKALAWANG ARAW

I. Mga Layunin:
Wika
1. Naiisa-isa ang mga dapat tandaan sa paglalarawan sa pagbibigay ng pangungusap.
2. Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng mga pahayag na naglalarwan gamit ang Observed-Think-Click
.
II. Paksang Aralin:
PAHAYAG NA NAGLALARAWAN

III. Mga Sanggunian:


Sanayang Aklat sa Filipino VII: Wika at Panitikan ni Dolores F. Jamero at Maurita L. Glinofria, Pahina 20

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

Magpapakita ang guro n g larawan ng...


1. Ilalarawan ng mga mag-aaral kung ano ang ginagawa ng dalawang bata sa larawan.
2. Isusulat ng guro sa pisara ang NAGBABASA ANG DALAWANG BATA.

C. Paglinang ng Aralin.
1. Pagtalakay sa Pahayag na Naglalarawan.
2. Pagbibigay ng halimbawa ng mga pahayag na naglalarawan.
3. Paggamit ng akdang binasa na: ANG NGITI sa pagtukoy ng mga pahayag sa akda na naglalarawan.

V. Pagpapahalaga:
Ang Paglalarawan ay mahalagang gamit ng wika sa panahon natin ngayon sapagkat natututo tayong bigyang katangian o paglalarawan ang mga
bagay-bagay na naoobserbahan natin sa ating kapaligiran.

VII. Ebalwasyon
Sumulat ng isang talatang naglalarawan gamit ang paksang “Ang Guro Ko Sa Filipino”

VII. Kasunduan:
Maghanda sa maikling pagsuslit ukol sa pahayag na naglalarawan at basahin ang susunod na aralin sa inyong batayang aklat sa pahina 22 – 23
Ang Guryon ni Ildefonso Santos.

Prepared by: Noted by:

_____________ ____________________
Marvin P. Nava Mrs. Mary Ann T. Abejar
Grade 7 Adviser School Pricipal

You might also like