Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

#12 CAMACHO, Allan Justine G.

1M MT
FILIPINO 1

Wika

Ito ay grupo ng mga simbolo at tunog na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ito ay


dynamiko at nakatutulong upang mapagyaman ang kultura ng isang bansa. Ginagamit ito sa
pamamamaraan ng pagbigkas at pagsulat upang magkaunawan at magkaisa ang grupo ng mga
tao o isang komunidad. Ang wika na ginagamit ng isang bansa ay pinagkasunduan at
kumbensyonal na ginagamit para maipahayag ang iba’t-ibang kaisapan. May iba’t-ibang klase ng
wika o dayalekto na tinuturing na pantay-pantay sa isang bansa, Ang pagiging opisyal na wika,
wikang panturo, at pambansang wika ay ang mga gampanin ng wika.

Filipino

Ang pambansang wika ng Pilipinas. Ito ay tinalaga noong 1973 ng Komisyon ng Wikang
Filipino. Ginagamit ito bilang wikang panturo at sa mga akademikong diskusyon. May iba’t-
ibang dayalekto sa bawat parte ng bansa. Ilan sa halimbawa nito ay ang Bikolano ng mga taga-
Bicol at Waray ng mga taga-Samar. Ang wika, bukod sa pagpapayaman ng kultura, ay
nagsisilbing pagkakakilanlan at imbakan ng karunungan ng bansa, Sa kadahilanang ito, marapat
lamang na ito’y ay pagyamanin at ugaliing gamitin. Sa kasalukuyan ay mababa ang porsyento ng
mga bihasa sa ating sariling wika. Pinaniniwalaang ito ay dulot ng laganap na paggamit ng
wikang Ingles, sa paaralan at opisina. Sa National Achievement Test noong taong 2013 ay
67.12% lamang ang grado ng mag-aaral sa Filipino, samantalang 72.1% naman ang para sa
Ingles. Sadyang mas mataas ang porsyento ng banyagang wika dahil Executive Order 210 ni
dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo; sinasabi nito na ang wikang Ingles ang gagamitin
pangturo sa mga paaralan.

Mahalaga ang wikang Filipino, mula noon at hangang ngayong, dahil nagpapatunay ito
na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol,
mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang sariling atin. Sadyang
nakapanghihinayang na mas laganap ang paggamit ng Ingles kaysa Filipino, na ating
pambansang wika. Sa aking pananaw ay hindi dapat ituring na magkaaway ang dalawa. Tandaan,
sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika ay nagkakaroon ang gumagamit nito
ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdaman. Sa
halip, dapat ay gamitin natin ang sariling wika upang mapagyaman lalo ang ating kultura,
kaalaman, at literatura. Kasabay nito, aralin din natin ang Ingles upang higit na makipagsabayan
tayo sa internasyonal na diskusyon.

You might also like