Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CARMEN NATIONAL AGRICULTURAL HIGH SCHOOL

Carmen, Surigao del Sur

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7


First Quarter
Petsa: JULY 18, 2018

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ng mag- aaral ang pag- unawa sa mga akdang Pampanitikan ng
Mindanao.
PAMANTAYANG PAGGANAP:
Naisasagawa ng mag- aaral ang isang makatotohanang Proyektong Pangturismo.
I- LAYUNIN:
1. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.
2. Natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda.
3. Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa binasang akda.

II- PAKSA: “Natalo rin si Pilandok”


(Akdang Pampanitikan ng Mindanao)
Genre: PABULA
Sanggunian: PLUMA 7 pahina 27- 39
Kagamitan: Laptop, projector, manila paper, pentel pen

III- PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
- Panalangin
- Checking of attendance
- Balik Aral : Ano ang mga katangian ng kwentong Bayan at paano ito lumaganap at nagpasalin- salin
Sa Iba’t- ibang hererasyon?

B. Pagganyak:
Magpapakita ng Video Clip tungkol sa iba’t- ibang modus operandi ng isang tao upang makapanloko.

C. Presentasyon ng Konsepto:
Mahihinuha ng mga mag- aaral ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa.
Matutukoy ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda at mailalarawan ang isang kakilala na may
pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa binasang akda.

*Pamamaraan/ Stratehiya:
Pangkatang Gawain: Hahatiin sa tatlo ang klase, ang bawat pangkat ay kailangan basahin ang
pabulang “Natalo rin si Pilandok”. At bibigyan sila ng tigtatatlong katanungan na kailangan sagutan at
tatalakayin sa klase.

Pangkat I: 1. Kapag nalaman ng ibang hayop kung paanong namatay ang baboy ramo dahil sa
panlilinlang ni Pilandok. Ano kaya ang kanilang gagawin?
2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya.. Ano kaya ang mangyayari sa susunod
na mag krus uli ang landas ng dalawa?
3. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na, ano
kaya ang mangyayari?

Pangkat II 1. Bakit kaya galit na galit ang buwaya kay Pilandok ?At bakit naman galit din si Pilandok
Sa Buwaya? Sa paanong paraan naisahan ni Pilandok ang Buwaya?
2. Kung ikaw ang tulad ni Pilandok na mahilig manlinlang o manloko ng iyong kapwa,
ano ang gagawin mo para hindi mo pagbayaran ang ginawa mong ito balang
araw?
3. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Sa iyong palagay, pagiging matalino nga ba o
pagiging mapanlinlang ang higit na angkop na paglalarawan sa kanya?

Pangkat III Maglarawan ng tatlong kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa
Kwento..
Bakit sinasabing “kung ano ang itinanim mo ay babalik din sa iyo”?
D. Pagpapalawak ng konsepto:
Magkaroon ng MALAYANG TALAKAYAN pagkatapos ng REPORTING

IV- EBALWASYON:
Pagsulat ng Journal
Mahalagang tanong: Bakit mahalagang pag- aralan ang mga pabula?Paano makatutulong ang mga
aral na taglay nito sa pang araw- araw na pakikisalamuha natin sa kapwa?
V- Paglalahat? Aksyon
Paano kaya maaaring makaiwas sa mga taong mapanlinlang o manloloko?

VI- Takdang Aralin:


Kilalanin ang mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad

Inihanda ni: Iwinasto ni:

JONNA FE M. FLORES LEVI MAR H. PAZO


Guro School Head

You might also like