Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Filipino 461

INTRODUKSYON SA KONTEMPORARYONG PANITIKANG TAGALOG


(Introduction to Contemporary Tagalog Literature)

Nilalaman ng Kurso

Mahaba at malawak ang saklaw panitikang Tagalog. Sintanda ito ng wika at ng


mga taga-Pilipinas na nabibilang sa liping Tagalog. Nagmula ito sa pasalindilang
panitikan (memoryado, bahagi ng kamalayan) hanggang sa panitikang itinala ng mga
kagamitang elektroniko (pelikula, telebisyon, kompyuter, atb). Mula sa pananaw ng
kasaysayan lalapitan ang kursong ito ngunit bibigyang-diin ang kontemporaryong
panitikang Tagalog.
Tutukuyin ng “kontemporaryo”ang panahong pagkatapos ng ikalawang digmaang
pandaidig (sa Pilipinas, 1941-45). Ang literatura ay yaong mga akdang prosa (maikling
kuwento, sanaysay. nobela at drama) at tulain (tula, epiko, atbp.) na nasulat sa wikang
Tagalog (na tinatawag ngayong Filipino). Aalamin nito ang mga suliranin, panaginip,
pagpapahalaga at iba pang makabuluhang bagay na nauugnay sa pagiging Pilipino batay
sa nilalaman ng mga akda. Sapagkat introduksyon lamang, babasahin lamang sa kurso
ang mga representatibong akda ng bawat panahon.

Layunin ng Kurso

1. Makilala, mabasa at maranasan ang mga ilang katangi-tanging kuwento, tula, dula
at iba pang makabagong akdang Filipino.
2. Matukoy ang kultura at pagpapahalagang Filipino na masasalamin sa mga akda.
3. Mapalawak ang kasanayan sa pagninilay-nilay (analitikal) at pagsusuri (kritikal)
sa wikang Filipino.
4. Maisulat at maipahayag ang damdamin, palagay, puna at pagsusuri sa mga akdang
binasa.
5. Makapagsaliksik tungkol sa isang akda/awtor at makapagsulat ng isang
akademikong papel sa larangang ito.

Pangangailangan

 4 na mahabang papel na may 4 pahina bawat isa, batay sa paksang itinakda sa


silabus (isa sa mga papel ay nararapat malathala sa Katipunan Magazin).
 rebisyon ng mga papel hanggang sa maging anyong handa na sa paglalathala o
hanggang maging mahusay ang marka nito
 pagdalo sa mga gawaing kultural ng Katipunan o mga kaugnay na pagtatanghal
 pagbasa ng mga itinakdang babasahin
 pagdalo at partisipasyon sa klase (15 meetings)
 bumasa ng isang maikling nobela (BATA, BATA, PAANO KA GINAWA)

TEXT:

1
Mga Babasahin sa Filipino 461 (inihanda ni Ruth Elynia Mabanglo), mabibili sa
Professional Image.

PETSA ARALIN/DISKUSYON GAWAIN/TAKDA

Linggo 1 Introduksyon sa Panitikan ng Lektyur


Pilipinas (Depinisyon, saklaw, atb)
(Bidyo: Panitikan) Talakayan
Panitikang Bago Magkadigma
Linggo Kapaligiran Isulat ang Buod ng mga akda
2 “Aloha” (kuwento, Deogracias
Rosario) “Sa Pula, Sa Puti” Pagbibigay ng Takda
“Bulaklak ng Lahing Kalinis- Talakayan
linisan” (Balagtasan ni Jose Corazon BUOD, TANONG PUNA
de Jesus at Florentino Collantes)
Panitikan sa Panahon ng Hapon Tanungan/Talakayan
Linggo Kapaligiran Lektyur
3 “”Uhaw ang Tigang na Lupa” Elemento ng Kuwento
(kuwento, Liwayway Arceo) Gawain sa Pag-unawa ng akda
“Ako ang Daigdig” (tula, Abadilla) Maikling Pagsusulit
BUOD, TANONG PUNA
Pag-uusap tungkol sa unang papel
“Lupang Tinubuan” (kuwento, Maikling Pagsusulit
Linggo 4 Reyes) Pag-uulat
“Talambuhay ng aming Nayon” Talakayan
(Sanaysay, Pineda) BUOD, TANONG, PUNA
SABMISYON NG PAPEL 1
“Suyuan sa Tubigan” (kuwento, Talakayan: Elemento ng
Linggo 5 Pineda) Sanaysay/ Tula
“Dugo at Utak” (kuwento, Reyes)
Maikling Pagsusulit
Panahon ng mga Akdang Talakayan/Pagbasa ng Tula
Linggo 6 Makalipunan
“Tinig ng Darating” (Tula: Baylen) Gawain sa Pagbasa
“Kung Tuyo ng ang Luha mo, Aking Bidyo
Bayan” (Tula, Hernandez) BUOD, TANONG, PUNA

PETSA GAWAIN/TAKDA
ARALIN/DISKUSYON

Panahon ng Makalipunang Akda BUOD,TANONG, PUNA


Linggo 7 “Impeng Negro” (kuwento, Sicat)
“Ang Burgis sa Kanyang Almusal” Tanungan, Talakayan

2
“Kagila-gilalas na Paikipagsapalaran
ni Juan de la Cruz” IKALAWANG PAPEL
Panonood ng Bidyo/Pananaliksik
Linggo 8 Partikular na Kuwento/Dula ng Bawat Estudyante (iuulat)
Panahon ng Makalipunang Akda Sabmisyon ng ika-2 Papel
Linggo 9 Pag-uulat ng:
“Usok ng Mapupusok ng Araw” GAWAIN SA PAKIKINIG NG
“Dalaw” ULAT
“Silid 21 Paraiso Motel”
“Isang Lunes”
Pag-uulat ng: GAWAIN SA PAKIKINIG NG
Linggo 10 “May Isang Sundalo” ULAT
Limang Tulang Aktibista
“Abong Pangarap” n.b.: Ika-3 papel ng mga
Limang akda tungkol sa estudyante ang kanilang iniulat na
pangingibang-bayan literatura
Introduksyon sa Nobela Takda: Panoorin ang sineng
Linggo 11 (Ilang sipi; panonood ng bidyo) “Dekada Sitenta”
Excerpt ng “Kuko ng Liwanag” BUOD, TANONG, PUNA

Linggo 12 “Bata, Bata, Paano ka Ginawa” ni


Lualhati Bautista
“Bata, Bata, Paano ka Ginawa”
Linggo 13 Patuloy na Talakayan BUOD, TANONG, PUNA
“Bata, Bata, Paano ka Ginawa”
Linggo 14 Talakayan BUOD, TANONG, PUNA
Huling Araw ng Pagtuturo
Linggo 15 SABMISYON NG IKA-4 PAPEL tungkol sa ‘BATA..”
Panonood ng “Bata, Bata, Paano ka Ginawa”

Sanggunian:

Aguila, Reuel Molina, et al (Mga Editor). Kamao: Panitikan ng Protesta 1970-1986


(Tula), Cultural Center of the Philippines. 1987.
Arrogante, Jose A. Panitikang Filipino: Antolohiya. Maynila: National Bookstore. 1983
Cruz, Isagani at Soledad Reyes. Ang Ating Panitikan. Maynila. Goodwill Trading
Company, Inc. 1984.
Dela Rosa, JJ Alvarez at Roland Tolentino. Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng
mga Kabataang Manunulat. Maynila: Kalikasan Press. 1990.
Medina Jr., B.S. Tatlong Panahon ng Panitikan. Manila: National Bookstore, 1972.
Pineda, P., Gerturdes Pinada at Tomas Ongoco, Ang Panitikang Pilipino sa Kaunlarang
Bansa, Maynila: National Bookstore, 1979.
Torres-Yu, Rosario. (Ed) Panitikan at Kritisismo, Bahagi I-III. Maynila: National
Bookstore, 1981.

3
TAGUBILIN PARA SA MGA PAPEL:
 Ipasa ang mga papel sa itinakdang petsa
 Isabmit nang nakamakinilya, dalawat patlang ang espasyo (double-spaced), may
titulo o pamagat, inayos nang mainam upang hindi gaanong mali ang baybay o
ispeling at nilagyan ng angkop na sanggunian kung kailangan.
 Kung isinauli na ng guro ang papel para sa rebisyon, mangyaring gawin agad ang
koreksyon at ipasa agad.
 Kung inihahanda ang papel para sa publikasyon, mangyaring sumunod sa mga
deadline. Alamin ang mga deadline ng kahit anong dapat ipasang papel.
 Hanggat posible iwasan ang paggamit ng Ingles. Kung hindi alam ang ekwibalent
sa Filipino ng nais ipahayag o sabihin, magtanong sa guro, kaklase, kaibigan o
kaya’y sumangguni sa diksyonaryo.
 Ipunin ang papel . Isama ang mga burador o draft at ipasa sa isang portfolio sa
huling araw ng klase.

MARKAHAN
(Kabuuan: 100%)

 Atendans at partisipasyon sa mga talakayan gayundin sa iba pang gawing kultural


ng Katipunan at ng Programang Filipino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40%
 Mga Papel (4 at iba pang buod) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40%
 Pag-uulat at Pagsusulit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20%

You might also like