Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

AJOS ELEMENTARY SCHOOL

Catanauan, Quezon
Banghay Aralin sa Filipino
COT- Forth Quarter
February 28, 2019
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa ibat-ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.
B. Pamantayan ng Pagganap
Nakakasulat ng talatang nangangatwiran tungkol sa isang isyu o paksa at makagawa ng
portfolio ng mga sulatin.
C. Tatas
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at
ekspresyon.
I. Layunin
1. Nasasagot ang mga tanong mula sa kuwento.
2. Naiibigay ang kasing kahulugang kasalungat ng mga salita mula sa kuwentong binsasa.
3. Nabibigyang kahulugan ang matalinhagang salita.
4. Naipakita ang kawilihan sa pakikinig sa kuwento.
5. Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

II. Paksang Aralin: Sanhi at Bunga


A. Mga kagamitan: PPT presentation, laptop, projector, larawan, video clip, filipino wika V pp.
145-151, catolina at pentelpen.
III. Pamamaraan
A. Awit: Ilog Pasig
B. Ipakita ang video clip ng awiting Ilog Pasig.
Pag-sapan ang awit.
Itanong: Tungkol saan ang awit?
Ano-ano ang mga nakikita sa awit?
Ano ang nangyari sa paligid ng Ilog Pasig?
C. Pagkukuwento at Paglalahad ng bagong aralin
Pakikinig ng kuwento at pagsagot sa mga tanong mula sa kuwento.
Magpapakita ng mga larawan ng Ilog Pasig noon at ngayon. (See it in PPT Presentation)

ILOG PASIG: NOON AT NGAYON


Malimit noong Makitang namamangka sa Ilog Pasig si Jose Rizal. Kasama niya ang
kanyang kasintahang si Leonor Rivera. Ito ang naging saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan.
Madalas nilang pasyalan noon ang Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing
pinagmamasdan nila ito.
Ayon sa matatanda, ibang-iba raw ang Ibang-iba daw ang Ilog Pasig noon. Bukod sa mga
magkasuyong namamasyal dito, marami ring kababaihan ang nakikitang naglalaba rito. Paliguan din ito
ng marami at dito nangingisda ang mga tao.
Kulay asul noon ang tubig nito, malinis, manamis-namis, at malinaw. Iba’t ibang mga sariwang
isda ang nahuhuli rito tulad ng talimusak, dalag, at kanduli.
Presko ang simoy ng hangin. Naging inspirasyon ng mga makata at manunulat ang ilog na ito
upang maipahayag nila ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng mga tula at awit. Gaanoman
kabigat ang mga suliranin ng isang tao, dagli nila itong nalilimutan kung namamalas ang kagandahan ng
Ilog Pasig, lalo na kung naririnig nila ang along tila musika sa pandinig. Ganyan kaaya-aya ang Ilog Pasig
noon.
Ngunit ngayon, ano ang nangyari sa ilog na ito? Ang dating asul na tubig ay itim na. Ang presko
at sariwang simoy ng hangin ay napalitan na ng mabahong kapaligiran dulot ng mga basurang itinatapon
dito.
Ang mga isda ay wala nang pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay puro burak na. Sino pa ang
masisiyahang mamasyal sa ppok na ito? Paano tayo uunlad kung pati ang kaligtasan ay sinisira natin
dahil sa ating kapabayaan? Paano narin ang ating kalusugan? Sana ay magising na tayo sa paggawa ng
kabutihan para na tin sa mga sususnod pang henerasyon.
Sa kasalukuyan, marami nang proyekto ang pamahalaan upang buhaying muli ang
makasaysayang Ilog Pasig. Sana ay makiisa ang lahat sa mga proyektong ito. Ikaw, handa ka bang maging
bahagi nito? Isang hamon ito para sa iyo.
KASAYSAYAN

Alam mo ba na may iba’t ibang mga teoryang


nagpapaliwanag sa pinagmulan ng salitang “Pasig.” Isa sa
mga ito ay ang teorya ni Dr. Jose Villa Panganiban. Ayon sa
kanya, ang salitang “Pasig.” Ay mula sa sinaunang salitang
Sanskrit na tumutukoy sa ilog na dumadaloy mula sa isang
anyong-tubig patungo sa isa pang anyong-tubig. Sinasabing
tumutukoy ito sa katangian ng Ilog Pasig na dumadaloy
mula sa Laguna de Bay patungong Look ng Maynila.

1. Sino-sino ang madalas


mamasyal sa Ilog Pasig?
2. Ilarawan ang Ilog Pasig noon. Ano ang kaibahan nito sa kalagayan ng Ilog Pasig ngayon?
3. Bakit inspirasyon noon ng manunulat ang Ilog Pasig?
4. Bilang isang mabuting mamamayan, paano ka makikipagtulungan sa pamahalaan upang masagip
ang Ilog Pasig?
5. Ano-ano ang mga dapat gawin upang mapanatili ang kagandahan ng Ilog Pasig?
Suriin ang sumusunod na pares ng mga salita. Isulat sa patlang ang titik K kung ang mga ito ay
magkakasingkahulugan o titik S kung ang mga ito ay magkasalungat.
____1. Noon = ngayon
____2. Kapayapaan = katahimikan
____3. Malinaw = Malabo
____4. Dagli = sa isang iglap
____5. Maipahayag = masabi
____6. Ibang-iba = parehong-pareho
____7. Sariwa = bilasa
____8. Malimit = madalang
____9. Mabaho = masansang
____10. Malinis = marumi

Lagyan ng ang kahong pinakamalapit na kasing kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa


bawat pangungusap.
1. Si Leonor Rivera ay nakadarama ng kapayapaan sa tuwing tinitingnan ang ilog.
kaligayan kasaganaan
katahimikan kalinisan
2. Nagbago sa isang iglap ang magandang Ilog Pasig.
nang husto bigla
ng ilang araw sumandali
3. Marami ang naiinis sa masansang na amoy ng makasaysayang ilog.
mabaho mahalimuyak
matindi makasaysayan
4. Sa Ilog Pasig ipinahayag ni Jose Rizal ang pagmamahal niya sa dalaga.
binigkas nakita
tinukoy isinulat
5. Inaasahang muling manunumbalik ang kaaya-ayang ganda ng ilog.
napakalakas napakaganda
napakalinis napakatahimik

D. Paglalahad

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap na hinango sa kuwentong binsa. Bigyang-


pasin ang mga sinalungguhitan nang isang beses at dalawang beses.
1. Madalas nilang pasyalan noon ang Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng
kalooban tuwing pinagmamasdan nila ito.
2. Ang mga isda ay wala nang pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay burak na.
Ang mga sugnay na sinalungguhitan nang isang beses ay tinatawag na sanhi. Nagsasaad
ang sanhi ng dahilan ng isang pangyayari. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit.
Ang sugnay naman na sinalungguhitan nang dalawang beses ay tinatawag na bunga.
Nagsasaad ang bunga ng kinalabasan o resulta ng isang pangyayari.
Sa paglalahad, pasalita o pasulat man, mayroong tinatawag na sanhi at bunga.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng:
1. Pagtuon ng pansin sa kondisyong sinasabi ng unang pahayag; at
2. Pagtunton ng bunga o epektong nanggagaling sa tiyak na kondisyon o sitwasyon.

E. I do (Modelling) Pagtatalakay

Salungguhitan nang isang beses ang sanhi at dalwang beses ang bunga sa bawat
pangungusap.
1. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog.
2. Napuno ang basura ang illog, kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito.
3. Kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao.
4. Dahil sa malinis, mabango, at malinaw na tubig, madalas na pasyalan at paliguan ang
Ilog Pasig.
5. Nangamba ang mga taong tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kumilos na sila bago
mahuli ang lahat.

F. We do (Pinatnubayang Pagsasanay)

Basahin muna ang pangungusap bago pasagutan.


Tumawag ng isang mag-aaral at ipasalungguhitan ng isang beses ang sanhi at dalawang
beses ang bunga sa bawat pangungusap.
Pansinin ang mga binilugang salita sa bawat bilang. Isulat sa bilog ang titik S kung ang
isinasaad nito ay sanhi o titik B kung ang isinasaad nito ay bunga.
1. Dahil napakalinis at napakaganda noon ng Ilog Pasig , madalas itong gawing
pasyalan at pahingahan.
2. Bunsod ng patuloy na pagtatapon ng basura sa ilog, unti-unting nauubos ang mga
isda.
3. Nagkasakit at namatay ang bunsong anak ni Aling Cedes dahil sa mikrobyong nakuha
nito sa paglangoy sa maburak at maruming ilog.
4. Inalagaan at nilinis Mabuti ng mamamayan ang ilog kaya kinilala ito bilang isa sa
pinakamalinis na ilog sa buong Pilipinas.
5. Nagging maginhawa ang kanyang pakiramdam dahil nakalanghap siya ng malinis at
preskong hangin mula sa ilog.

G. You do (Pang isahang Gawain)


Tatawag ng mag-aaral upang ipaliwanag ang pang isahang Gawain.
Tanong: Sino sa mga mamamayan ng bansa ang maipagmamalaki mo dahil sa kanyang
matiyagang pag-aalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran? Isulat ang kanyang pangalan sa
loob ng kahon at ipaliwanag kung bakit.

Ipinagmamalaki Kita
H. Paglalahat
 Ano ang kahulugan ng sanhi/bunga?
 Bakit mahalaga ang mga tao ay magkaroon ng disiplina?
 Bakit mahalagang manumbalik ang kagandahan at kalinisan ng Ilog Pasig?

I. Pagtataya
Punan ng sanhi o bunga ang sumusunod na mga patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap sa bawat bilang.
1. Gumagawa ng paraan ang taong-bayan na mapagandang muli ang Ilog Pasig
____________________________________________.
2. ______________________________________________ anupa’t nanghihinayang sila sa
nangamatay na mga isda.
3. Maglulunsad sila ng proyekto upang mabuhay muli ang makasaysayang Ilog Pasig
______________________________________________________.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ng kapitan ng barangay ang pagtatapon ng basura sa
ilog______________________________________.
5. ______________________________________ sanhi ng patuloy nap ag-agos sa ilog ng
kemikal na nanggagaling sa mga pabrikang malapit dito.

J. Takdang Aralin
Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na mga sitwasyon?
1. Namamasyal kayo sa isang parkeng malapit sa ilog. May Nakita kang grupo ng mga mag-
aaral na nagtatapon ng kanilang pinagkainan dito.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Nakita mong ang duming nanggagaling sa pabrika ang sanhi ng pagdumi ng ilog sa
inyong pamayanan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like