Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Gawain 1.

ImbestigaSaysayan

Panuto: Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na


arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang
imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na tanong.

1 Ilarawan ang
disenyo
3Ano ang
iyong masasabi
sa kakayahan
ng mga
gumawa?
2
Bakit
ipinagawa?

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg

1Ilarawan ang 3
disenyo Ano ang
iyong
masasabi sa
kakayahan
ng mga
gumawa?
2
Bakit
ipinagawa?

http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg
Pigura 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 B.C.E. – 500
C.E.)

Mesopotamia Egypt Africa Mediterranean Northern Western Asia India China America
at Lands of Europe Europe
Persia
3000 - Pag-unlad - Pag-unlad Mga guhit Pagtayo ng mga Pagtayo Mga Mga
B.C.E. ng ng sa bato sa batong ng mga unang unang
agrikultura agrikultura gitnang monument sa batong magsasaka magsasak
- Pag- Paggawa ng Sahara na Malta monu- . a
usbong ng palayok nagpapakita mento
Sumer - Naimbento ng tao sa Mga unang
- Naimbento ang hilaga siyudad ng
ang Hieroglyphic at Jericho at Pag-usbong ng Pagtatani
Cuneiform at s SINAUNANG timog Catal Huyuk kabihasnang m ng
paggamit ng PANAHON Europe Indus Maize
gulong OLD NG MINOAN
KINGDOM sa
Crete
2500 Pamumuno Pagtatayo ng Pagdating ng Pagtatag sa
B.C.E. ni Sargon g mga pyramid mga Assyrian siyudad ng
Akkad upang Mohenjo-Daro at
makipagkalakala Harappa
n
2000 - Pag- - MIDDL GITNANG Pagtatag Pagdating ng Pagbasak ng
B.C.E. usbong ng E PANAHON ng mga Hittites sa kabihasnan sa
Babylon KINGDO NG MINOAN Stone- Anatolia Indus
- Pamumuno M henge
ni Haring - Pananako HULING Pagdating ng mga
Hammurabi p ng Nubia PANAHON Paggaw dayuhang Aryan
- Pag- - Pananako NG MINOAN a ng
usbong ng p ng kagami-
Assyria Hyksos Paglakas tang
ng bronze
Mycenean
1500 - NEW Pagbagsak Paglakas - Pag-unlad ng SHANG
B.C.E. KINGDO ng Crete ng Sistemang DYNAST
Ang M Imperyong Caste Y
pamumuno ng - Pamumun Pagwasak HITTITE
Mitanni sa o ng mga sa Knossos - Pag-unlad
hilagang warrior- ng relihiyong Naimbent
Mesopotamia pharaoh Hinduismo o ang
- Queen sistema ng
Hatshepsu pagsulat
t

171
-Tutankhamun
1000 Unti-unting Pagsimula - Pagbagsak Pagdating ng
B.C.E. Pag-usbong pagbagsak ng Kaharian ng Mycenean mga Israelite sa
at pagbagsak ng ng Kush Canaan
ng kabihasnan -Pagdating Pamumuno nina
- Pagsulat ng DINASITI- Ang pag-
Imperyong Pananakop Pagtatag ng mga Haring David at
Assyria ng Assyrian ng Dorian sa Pandara Haring Solomon Vedas YANG usbong ng
at Kushite Carthage Greece - yuhan sa Israel (religious CHOU mga Olmec
- DARK AGES ng mga writings) sa Mexico
sa Celts sa Isinilang
Greece - Isinilang si si
iba’t
- Ang mga ibang Gautama Confucius
Etruscan sa bahagi ng Pananakop ni (Buddha)
Hilagang Europe Alexander the
Italy Great sa
- Ang pagtatag ng Eastern
- Rome Mediterranean
753
B.C.E.
- Pag-unlad ng
mga lungsod-
estado sa
Greece
500 Ang - Pananakop Digmaang - Digmaang Paglunsad ng - Panahon Pag-
B.C.E. PERSIAN ng Punic sa Persian sa tangkang ng usbong ng
EMPIRE sa Imperyong Pagitan ng pagitan ng pananakop ni warring mga Maya
kaniyang Persia, Carthage Greeks a Alexander sa states
kalakasa pananakop at Rome Persians India - Pag-iisa
Panana-
n ni Alexander - Pagiging Pananakop ng China
kop ng
the Great makapangyariha ng mga sa ilalim ni
mga
Pananakop ni - Pamumun Natalo at n ng lungsod- Roman Shih
Roman sa Huang Ti
Alexander the o ng mga nasakop ng estado ng
malaking - Itinayo
Great kung Ptolemies Carthage Athens
bahagi ng ang Great
saan naisama ang - Digmaang
Hilagang Wall
ang sa - Pamumun teritoryo ng Peloponnesia
Europe - CHI’IN
kaniyang o ni Imperyong n
teritoryo ang Cleopatra Rome sa - Pamumuno DYNAST
Persian Hilagang ni Alexander Y
Empire - Pananakop Africa the Great - HAN
ng Pag-usbong DYNAST
Imperyong ng Rome Y
Roman
Naimbento
ang papel

172
Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa


Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na
magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na
bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at
nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng
sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa
nakaraang Modyul.
Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging
maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at
Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa
Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang
naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na
Kabihasnang Klasikal sa America.

Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)

Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico
hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun,
Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng
kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.

173
Mapa. 2.1 Lokasyon
ng Kabihasnang
Maya

1. Ano-anong lungsod ang makikita


sa timog na bahagi ng Yucatan
Peninsula?

2. Paano nakipagkalakalan ang


mga Maya sa iba pang bahagi

Sa lipunang Maya, katuwang ng


mga pinuno ang mgakapariansa
pamamahala. Pinalawig ng mga
pinunong tinatatawag na halach
uinic o “tunay na
lalaki” ang mga pamayanang

urban nasentro rin ng


kanilang pagsamba sa
kanilang mga diyos.

Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado.


Sa kabilang larangan ng ekonomiya,
Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. pangkalakal
sa mga produktong
Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at
ay mais, asin, tapa,
rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya.
pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at
Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati
balat ng hayop. Nagtatanim sila sa
ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng
pamamagitan ng pagkakaingin. Ang
mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat
pangunahing pananim nila ay mais, patani,
lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay
kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at
dambana para sa mga diyos. May mga templo at
cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura
palasyo sa tabi ng pyramid.
sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang
diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad
ng
mais gayundin ang tungkol sa ulan.
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa
pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa
pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang
inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng
Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki
ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari
rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga
nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay
natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang
ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at
Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang
isang pag-aalsa noong 1450.

Kasingtulad ng pyramid ang


estrukturang ito. Subalit, Ipinagawa ang templo
mapapansin, na ang itaas na upang pagdausan ng mga
bahagi nito ay patag. Sa loob seremonyang
nito ay may altar kung saan panrelihiyon. Ito ay
isinasagawa ang pag-aalay. parangal para kay
Kukulcan, ang
tinaguriang “God of the
Feathered Serpent”

Gawa ang pyramid


mula sa malalaking
bato. Mayroon itong Ang pyramid na ito ay
apat na panig na may patunay ng mataas na
mahabang hagdan. kaalaman ng mga
Mayan sa arkitektura,
Larawan 2.1 ang Pyramid of inhenyeriya, at
Kukulcan matematika.
Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa
diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.

Paglakas

Tapat ang mga


nasasakupan sa pinuno.
Siya ay namumuno sa
pamahalaan at relihiyon.
Paghina
Napag-isa ang mga
mamamayan dahil sa iisang
Pamahalaan paniniwala. Palagiang
nakikipagdigma ang mga
at Relihiyon pinuno at kaniyang
nasasakupan upang
makahuli ng mga alipin
Paglakas na iaalay sa kanilang
mga diyos. Nagbunga
May mahusay na sistema ito ng pagkaubos ng
ng pagtatanim na nagdulot yaman ng mga lungsod-
ng sobrang produkto. estado.
Ekonomiya
at Paghina
Kabuhayan
Pagkawala ng sustansya
Paglakas
ng lupa. Ang paglaki ng
populasyon ay nagdulot
Mayaman at maunlad ang ng suliranin sa suplay ng
mga lungsod-estado ng pagkain.
Maya.
Mga
Paghina
Lungsod-
Estado
Nagdulot ng kaguluhan
at kahirapan ang
madalas na digmaan sa
pagitan ng mga lungsod-
estado.

Pigura. 2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi at
bunga ng paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan.

Gabay na Tanong
1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema ng pagtatanim?
Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng
Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito.
Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga
nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec.
Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo.
Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga
Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga
karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.

Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)

Ang mga Aztec ay mga


nomadikong tribo na ang
orihinal na pinagmulan ay hindi
tukoy. Unti-unti silang tumungo
sa Lambak ng Mexico sa
pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang
salitang Aztec ay
nangangahulugang “isang
nagmula sa Aztlan,”isang
mitikong lugar sa Hilagang
Mexico.

Noong 1325, itinatag nila ang


pamayanan ng Tenochtitlan,
isang maliit na isla sa gitna ng
lawa ng Texcoco. Ang
Texcoco ay nasa sentro ng
Mapa 2.2 Sakop ng Kabihasnang Aztec Gabay na Tanong: Mexico Valley. Nang
1. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitlan ang nagbigay-daan upang ito ay lumaon, ang lungsod ay
maging sentrong pangkalakalan sa Mesoamerica noong sinaunang panahon? naging mahalagang sentrong
pangkalakalan.
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain
upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay
matagumpay na natugunan ng mga Aztec.

1
Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang
madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at
lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating
garden.

Wala silang kasangkapang pambungkal ng 3


lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa
sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at
matulis na kahoy. kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato,
at gansa.

4
Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng
kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila
ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga
magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc,
ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging
malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa
pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay
kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusang-
loob ialay ang sarili.
Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga
Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging
maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang
kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsod-
estado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa
iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.

Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang

militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa

mgapagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya

ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang

maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at

pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang makontrol

at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na

lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at

mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at

politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula

sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.

Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga

estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng

irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.


1.5

Mga Milyon
1.4

1.3

1.2

1.1
Populasyon

1
9
8

5
lamang ng 160 taon.
Mesoamerica
populasyon
kabuuang
hanggang 95 bahagdan ng
naubos
kabuuan,tinatayang
at pagsasamantala. SSa
digmaan, labis na paggawa,
bulutong,
dulot
pagbaba ng populasyon ay
mga
anggraph ng populasyon ng
Makikita
4

Aztec.
3

ng

sa
ang

epidemya

Ang

pahinang
pang-aalipin,
sa

mula
katutubong

biglaang
loob

85

ito
ng

ng

1500 1520 1540 1560 1580 1600 16201640 1660 1680 1700

Taon

Pigura 2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani
ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa
Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang
sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga
ito.Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.
Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga pangyayari, hamon, tugon, at katangian
ng mga Kabihasnang Maya at Aztec. Nakabatay ang kaunlaran at kapangyarihan ng
dalawang kabihasnan sa agrikultura at pananakop ng lupain partikular na ang Aztec. Isa
pang maunlad at higit na malawak na imperyo ang naging makapangyarihan sa America. Ito
ang Kabihasnang Inca na lumaganap sa South America.

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA


May magkakaibang klima at
heograpiya ang South America kung
ihahambing sa Mesoamerica.
Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River na
dumadaloy sa mayayabong na kagubatan.
Pawang ang mga prairie at steppe naman ang
matatagpuan sa Andes Mountains sa timog na
bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang
nasa kanlurang gulod ng mga bundok na
kahilera ng Pacific Ocean.
Dahil sa higit na kaaya-aya ang
topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga
unang pamayanan. May mga indikasyon ng
pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid
ng Andes noong 2000 B.C.E.
Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E,
maraming pamayanan sa gitnang Andes ang
naging sentrong panrelihiyon. Ang mga
pamayanang ito ay umusbong sa
kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang
lumaon, nagawang masakop ng lang
malalaking estado ang kanilang mga karatig-
lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man
ang nangibabaw sa lupain
Kabihasnang Inca (1200-1521)
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa
hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng
Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit
na lungsod-estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa
pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan
sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo
hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan
ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang Gabay na
lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina. Tanong
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang 1. Ano ang ibig
lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong sabihin ng Inca?
estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang 2. Sino si
imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Pachakuti?
Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o
Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru.
Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.

Makikita sa talahanayan ang pagkakatulad ng mga Aztec at Inca.

BATAYAN AZTEC INCA PATUNAY


Pinagmulan Parehas na umunlad ang dalawang
- nagmula sa maliliit na pamayanang imperyo mula sa matagumpay na
agrikultural pagtatanim.
Paniniwala Huitzilopochtli – diyos ng araw ng mga
- pagsamba sa araw bilang diyos Aztec Inti – diyos ng araw ng mga Incan
Inhinyera Pyramid of the Sun – ginawa ng mga
- mahusay sa paggawa ng Aztec Mahaba at batong kalsada –
kalsada, templo, at iba pang ginawa ng mga Incan
gusali
Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng
Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa
bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang
kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito
ang tila napakalaking saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa
Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang
kapangyarihan.

Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya


ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol.
Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya
noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina
Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang
naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos
ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon,
sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong
teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay
nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal,
ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 157

Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal na Maya,
Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod
ng Machu Picchu ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian
nito. Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang mamamayan sa
America.

You might also like