Professional Documents
Culture Documents
EPP5 q4 Week7 D 1 d5
EPP5 q4 Week7 D 1 d5
(Agriculture)
I. Layunin:
a. Naisasagawa ang mga paraan ng paglilinis ng inaning gulay.
II. Nilalaman
a. Paksang Aralin : Mga Paraan ng Paglilinis ng Inaning Gulay
b. Sanggunian : K to 12 Curriculum Guide 1.9.1, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Tx. 5pahina190-198
III. Pamamaraan
a. Lunsarang – awit
− Ipaawit ang Bahay – Kubo
b. Balik-aral
− Anong mga halaman ang binanggit sa awiting bahay-kubo?
c. Pagganyak
− Alin sa mga halamang gulay at prutas ang gusto mong kainin? Bakit?
− Ano ang dapat gawin bago kainin , itinda, o gamitin sa pagluluto ang Inaning gulay?
d. Gawain–
− Isulat ng guro ang mga pangungusap sa strip ng Kartolina ang mga sumusunod na pangungusap:
1) Anihin ang gulay sa umaga o bandang –hapon
2) Ang inaning gulay ay dapat linisin sa pamamagitan ng malinis na tubig upng maalis ang dumi, putik o lupa,
alikabok at iba pang mantsa sa inaning gulay.
3) Ang inaning gulay ay ilagay agad sa lagayan kahit hindi pa malinis.
4) Iwasan na magkaroon ng pasa , lamog, o sugat ang inaning prutas/gulay upang maiwasan ang mabilis na
pagkasira at pagkabulok nito.
5) Ilagay sa isangmalinis at tuyong sisidlan ang inaning gulay at dalhin sa pamilihan.
6) Ihagis ang mga inaning prutas/gulay kahit ito ay masira.
− Hayaang piliin ng mga mag-aaral kung alin sa mga pangungusap angtamang paraan ng paglilinis ng inaning
gulay.
e. Pagsusuri
− Kailan nakabubuti na mag-ani ng gulay?
− Ano ang mga dapat ihanda sa paglilinis ng gulay?
f. Paghahalaw
− Anu-ano ang mga dapat na isagawang paraan ng paglilinis ng inaning gulay?
g. Aplikasyon
− Panuto: Lagyan ng tsek kung ang pangungusap ay nagsasagawa ngtamang paraan ang paglilinis ng inaning
gulay at ekis kung hindi.
1) Iwasan na magkapasa ang gulay/prutaS
2) Linisin ang gulay ng malinis na tubig.
3) Ilagay ang gulay/prutas sa malinis na sisidlan
4) Lagyan ng kemikal na gamot ang tubig na ginagamit sa paglilinis.
5) Ingatan na malamog, magkapasa ang gulay / prutas habang nililinis ito.
IV. Pagtataya
a. Panuto : Basahing mabuti ang bawat kalagayan at piliin ang tititk ng tamangsagot.
V. Takdang – Aralin
a. Mag - interbyu ng mga nagtatanim , nag-aani at nagtitinda ng gulay/prutas. Alamin ang paraan na
ginagawa nila sa paglilinis ng mga ito.
EPP5- Q4-Week 7 Day 2 (February 25-March 1, 2019)
(Agriculture)
I. Layunin:
a. Naipakikita ang wastong paraan ng pagpapakete ng inaning gulay/prutas
II. Nilalaman
a. Paksang Aralin: Wastong Paraan ng Pagpapakete ng Inaning Gulay/Prutas
b. Sanggunian: to 12 Curriculum Guide 1.9. Internet, Agritech sa DZRH, Agricultural Information
K
c. Kagamitan: mga larawan ng ibat-ibang gulay/prutas
d. Pagpapahalaga: Pagkamaingat
III. Pamamaraan
a. Balik – aral – “Off the Wall”
− May mga paraan ng paglilinis ng inaning gulay/prutas sa dingding. Piliin sa mga ito ang tamang sagot
at idikit sa pisara.
b. Pagganyak
− Pagpapakita ng larawan ng mga gulay/prutas na nakapakete upang dalhin sa pamilihan.
− Itanong : Ano ang ibig sabihin ng “pakete”?. Bakit kailangan na ipakete ang inaning gulay/prutas?
c. Gawain:
− Pagbasa ng Sanaysay
Alam ba ninyo na kailangan ang tamang teknolohiya para maiwasan ang madaling pagkasira ng
mga produkto mula sa paghahalaman sa pamamagitan ng tamang pagpapakete ng mga ito. Ano nga ba ang
layunin at pakinabang ng pagpapakete. Una, maiiwasang mahawahan ng mikro - organismo ang
gulay/prutas upang hadlangan ang proseso ng pagkabulok at pangangasim. Pangalawa, Maiwasan na
mahanginan upang maiwasan ang oksidasyon o pagkawala ng tubig sa gulay /prutas. Ikatlo, mapanatili ang
kasariwaan ng gulay. Ikaapat, mapasigla ang pagkagusto ng mamimili. Ano ang mga kasangkapan at
kagamitan sa pagpapakete. Kailangan tandaan na ang pagpapakete ng gulay/prutas ay dapat na nasa
mabuting kondisyon ang mga ito. Ang mga materyales at kagamitan ay ang sumusunod, gulay/ prutas tulad
ng sili, kamatis, talong, patola at iba pa. chlorine solution, calcium chloride, hugasang palanggana,
bandehado, kutsara, sangkalan,at salaan, platong styrofoam, at plastic na pambalot.
(Agriculture)
I. Layunin:
a. Naipakikita ang wastong paraan ng pagpapakete ng inaning gulay/prutas
II. Nilalaman
a. Paksang Aralin: Wastong Paraan ng Pagpapakete ng Inaning Gulay/Prutas
b. Sanggunian: to 12 Curriculum Guide 1.9. Internet, Agritech sa DZRH, Agricultural Information
K
c. Kagamitan: mga larawan ng ibat-ibang gulay/prutas
d. Pagpapahalaga: Pagkamaingat
III. Pamamaraan
a. Pagsusuri
− Ano ang tamang teknolohiya upang maiwasan ang madaling pagkasira ng mga produkto mula sa
paghahalaman?
− Magbigay ng mga layunin at pakinabang ng pagpapakete ng gulay/prutas?
− Ano ang kailangang tandaan sa pagpapakete?
− Sa pagpapakete ng gulay/prutas , ano ang mga dapat ihanda?
b. Paghahalaw
− Ano ang dapat tandaan sa pagpapakete ng inaning gulay/prutas?
c. Aplikasyon
− Ipasagot ng pasalita sa mga mag-aaral
1) Nabulok at umasim agad ang inaning gulay/prutas nina Mang Fred at Aling Merlie, ano-ano kaya
ang hindi nila isinaalang-alang sa tamang paraan ngpagpapakete?
IV. Pagtataya
a. Panuto: Lagyan ng tsek(/) kung ito ay ginagamit na kasangkapan at kagamitan sa tamang pagpapakete ng
gulay/prutas at ekis (x) kung hindi.
_____1. Plastik
_____2. Styrofoam
_____3. Gulay at prutas
_____4. Martilyo
_____5. Palanggana
_____6. Disturnilyador
_____7. Palanggan
_____8. Lubi
_____9. Sangkalan
_____10. Salaan
V. Takdang –aralin
a. Mag-interbyu ng tindera sa palengke, alamin ang iba pang kasangkapan sa pagpapakete ng inaning
gulay/prutas.
(Agriculture)
I. Layunin:
a. Nasusunod ang mga alituntunin sa pagpepresyo at pagbebenta ng inaning gulay/prutas
II. Nilalaman
a. Paksa Aralin: Mga Alituntunin sa Pagpepresyo at Pagbebenta ng InaningGulay
b. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 1.9.3
BEC Handdbook 5 pahina 53, 61
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
c. Pagpapahalaga:Pagkamatapat
III. Pamamaraan
a. Pagbasa ng tula
Halina sa Bukid
Halina sa bukid na aming tahanan
Hangin ay sariwa’t kay raming halaman
Mga paru-paro’t tutubi sa parang
Ang aking kalaro’t laging kaulayaw.
d. Gawain
− Mga Alituntunin sa Pagpepresyo at Pagbibili ng Inaning Gulay/Prutas
1) Itala ang gastusin sa pagtatanim, pag-aani, pag-iimbak at pagbibiyahe
2) Idagdag sa gastos ang porsiyentong ipapatong ng mga ahente hanggang sa makarating ang kalakal
sa pamilihan.
3) Kung iisipin, higit na mura para sa mamimili at higit na tutubo ang magsasaka kung siya mismo ang
magdadala ng inani sa palengke.
4) Alalahanin din ang mga batas na umiiral at itinakda para sa mga ahensiya ng pamahalaan upang
makatiyak.
5) Laging isaisip na anumang uri ng paglabag ay may kaukulang kaparusahan.
6) Sa pagpepresyo nagbabago ito kapag may dumarating na kaguluhan at pagsama ng panahon sa
bansa tulad ng malalakas na bagyo , tagtuyot at pagbaha.
e. Pagsusuri
− Ano ang mga batayang dahilan sa pagpepresyo ng inaning gulay/prutas?
− Dapat ba tayong sumunod sa umiiral na paraan ng pagpepresyo at pagbibili?Ipaliwanag ang sagot.
f. Paghahalaw
− Anong katangian ang dapat taglayin ng isang magtitinda? Paano niya maipakikita ang pagiging
matapat?
EPP5- Q4-Week 7 Day 5 (February 25-March 1, 2019)
(Agriculture)
I. Layunin:
a. Nasusunod ang mga alituntunin sa pagpepresyo at pagbebenta ng inaning gulay/prutas
II. Nilalaman
a. Paksa Aralin: Mga Alituntunin sa Pagpepresyo at Pagbebenta ng InaningGulay
b. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 1.9.3
BEC Handdbook 5 pahina 53, 61
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
c. Pagpapahalaga:Pagkamatapat
III. Pamamaraan
a. Aplikasyon
− Ilarawan ang sarili bilang tindera ng gulay/prutas sa palengke. Ikaw ba ay susunod sa mga alituntunin
sa pagpepresyo at pagbibili ng produkto. Bakit?
IV. Pagtataya
a. Panuto : Lagyan ng (/) kung ito ay nagpapakita ng katapatan at (x) kung hindi.
1) Itala ang mga nagastos upang makasunod sa tamang pagpepresyo ng inaning gulay.
2) Maglagay ng presyo ayon sa sariling kagustuhan.
3) Sumunod sa mga batas na umiiral na itinakda ng batas.
4) Samantalahin ang paglalagay ng presyo kung may sama ng panahon .
5) Higit na malaki ang kikitain kung doble ang presyo ng panindang gulay/prutas.
V. Takdang –Aralin
a. Mag-interbyu ng tindera sa palengke, alamin ang sumusunod sa kanya
1) Pinakamabentang produkto
2) Pinakamabentang araw sa palengke
3) Pinakamahirap ibenta at dahilan nito
4) Pinakamadaling masira at dahilan nito
5) Solusyon sa pagkalugi