Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG GRAMATIKA AT ANG RETORIKA

Wastong Gamit ng mga Salita


Kaayusan ng Salita sa Pagbuo ng mga Pangungusap at Organisasyon ng mga
Ideya
Hindi maaaring paghiwalayin ang gramatika at retorika sapagkat ang gramatika ang may tungkulin sa wastong paggamit ng mga salita at sa
kaibahan ng tama sa maling pangungusap upang maging wasto at malinaw ang pagpapahayag samantalang ang retorika naman ang may
tungkulin sa pagpapaganda at pagpapatimyas ng mga pahayag upang maging masining at kaakit-akit ang pagsasalita at pagsulat.
BALARILA
Balarila o gramatika ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-ugnay.

Ayon kina Cruz at Bisa, higit na mabisa at masining ang pagpapahayag kung isasaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Isaalang-alang ang higit na natural na estruktura.
2. Wastong gamit ng mga salita.
3. Paraan ng paghahanay ng mga salita sa isang pahayag.
Halimbawa:
Mali:
Ang nanay ay niluto ang masarap na pagkain para sa atin.
Wasto:
Nagluto ang nanay ng masarap na pagkain para sa atin.
Marami sa mga di bihasa sa wikang Tagalog ang nagkakamali sa paggamit ng mga pahayag kaya dapat na taglayin nito ang kawastuhang
pambalarila. May mga salitang akala natin ay tama na ang gamit nito subalit kung uunawaing mabuti ang tuntuning pambalarila ay marami pala
ang mali sa mga gamit nito.
Nang
a. Ginagamit ang
nang
na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap.
Nakaalis na ang mga tao
nang
lumindol.
b. Ginagamit ang
nang
na nagmula sa na at ito’y inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito.
Nag-uusap
nang
tahimik ang dalawang guro.
c. Ginagamit ang
nang
sa gitna o pagitan ng pandiwang inuulit.
Labas
nang
labas, ihi
nang
ihi, tawa
nang
tawa
Ng
a. Ginagamit ang
ng
na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Kumuha siya
ng
pasaporte sa DFA.
b. Ginagamit ang
ng
bilang pananda sa aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Ipinaghain
ng
katulong ang mga bisita.
c. Ginagamit ang
ng
kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Pinuri ang kariktan
ng
tulang kanyang ginawa.
Mabuting pagtuunan ng pansin ang
Panuring at pantukoy
Pandiwa
Mga bantas
Kaangkupan ng mga salita
Wastong gamit ng salita
Narito ang ilan sa mga sumusunod na wastong gamit ng salita:
Panuring at Pantukoy
Mga Pantukoy
Ito ay binubuo ng mga katagang ang, ng, sa, ni, nina, si, kay at kina.
Mga Panuring
Ang mga pang-abay at pang-uri na nakalapit sa salitang tinuturingan upang matamo ang kawastuhan.
Tinig ng Pandiwa
Tahasan ang pandiwa kung saan ang aktor ang gumaganap ng kilos, nilalapian ito ng -um, mag-, maki-, makipag- at mang-.
Si Rebecca ay humiram ng kaldero sa nanay.
Ang simuno ay di gumaganap ng kilos, gumagamit ng panlaping -in, -hin, -an, -han, ipaki-, ipag-, pag, -an at i-.
Basahin mo ang aklat sa Retorika.
Pagbabantas
Tuldok ( . )
– sa mga pahayag na nagsasalaysay, sa mga pagpapaikli at mga akronim.
Atty
.
Dondie Ruiz
U
.
E
.
Napakataas ng ating aakyatin
.
Kuwit ( , )
– sa paghahanay ng mga kaisipan o halimbawa sa isang uri o pangkat.
Ang mga pamantasang kabilang sa UAAP ay: UP
,
UE
,
UST
,
ADMU
,
DLSU
,
FEU
,
AdU at NU.
Din
Ang din ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa
w
o
y
.
Umusok
din
ang ilong ni LJ sa kanyang narinig.
Rin
Ang katagang rin ay ginagamit kung ang sinusundan na salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na
w
o
y
Pumunta na
rin
sila sa isla.
Sumayaw
rin
si Julian sa gitna ng entablado.
Daw
Tulad ng din, ang daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa
w
o
y
.
Nabitin
daw
sila sa pagkain.
Raw
Tulad ng rin, ang katagang raw ay ginagamit kung ang sinusundan na salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na
w
o
y
.
Nauuhaw
raw
ang iyong anak.
Maganda
raw
ang palabas sa sinehan.
Sinulat
Ginagamit kung tumutukoy nang tiyakan sa bagay na ginawa o pinaksa ng panulat – liham, kuwento, tula, talumpati, at iba pa.
Ang batas ay
sinulat
ng mga mambabatas.
Isinulat
Ginagamit sa “ bagay na ipinalaman sa isang sulat o liham”.
Ang aming
isinulat
ay magpapabago sa takbo ng iyong mundo.
Kung di
Ang kung di ay pinaikling "kung hindi" (
if not
).
Kung hindi
ka kikilos ngayon, wala kang matatapos.
Kundi
Ang kundi ay isang buong salitang nangangahulugan na but o except.
Wala kang magagawa
kundi
ang sumunod kay Bb. Minchin.
Pananong ( ? )
– sa mga pahayag na nagtatanong o humihingi ng impormasyon
May gagawin ba bukas
?
Pandamdam ( ! )
– panghalili sa panaklong, sa mga pagbabagong diwa ng pahayag.
Para
!
Aray ko po
!
Huwag po
!
Tutuldok ( : )
– sa hanay ng mga tala o halimbawa.
Ang tatlong musketeer
:
Athos, Aramis at Porthos.
bala ng dila = BALARILA
Tuldukuwit ( ; )
– humahalili sa pangatnig at naghihiwalay ng mga sugnay.
Dapat na ikulong si Janet Napoles sa pangkaraniwang bilangguan
;
kaiba sa pinagkukulungan niya ngayon.
Gitling ( - )
– sa pagitan ng mga panlaping maka, taga, mag sa at sa mga tambalang salita.
Maka
-
Twitter
Taga
-
Malabon
Akyat
-
bahay
Gatlang ( – )
– panghalili sa panaklong, sa mga pagbabagong diwa ng pahayag.
Iba’t-ibang bansa ang sinakop ng Inglatera

India, Australia at Pilipinas.
Kung
Ginagamit ang kung sa pangatnig na panubali at ito'y karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Irerespeto ka ng mga tao
kung
rerespetuhin mo ang iyong sarili.
Kong
Ginagamit ang kong na panghalip panaong ko at ito'y inaangkupan ng ng.
Ikaw ang lagi kong hinahanap araw-araw at gabi-gabi.
May

Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao sa kaukulang paari.
a. Pangngalan
May
matandang lumapit sa kanya kanina.
b. Pandiwa
May
narinig akong kumakaluskos.
c. Pang-uri
May
magandang kinabukasan ang naghihintay sa iyo.
d. Panghalip panao sa kaukulang paari
Tayo ay
may
kanya-kanyang karapatan.
Mayroon
a. Ginagamit ang mayroon kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito:
Mayroon
pa bang ulam sa bahay?
b. Ginagamit ang mayroon biglang panagot sa tanong.
May quiz ba? -
Mayroon
c. Ginagamit ang mayroon kapag nangangahulugan ng pagkamaykaya sa buhay.
Tahasan
Balintiyak
Ang pamilyang Urayenza ay
mayroon
sa Navotas.
Subukin

Ang subukin (
try
) ay nangangahulugang pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
Subukin
mong mag-aral nang ika'y umasenso.
Subukan
Ginagamit ang subukan (
test
) kung ito'y nangangahulugang pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao.
Subukan
mo ang bago naming produkto.
Iba pang halimbawa ng wastong paggamit ng salita
Pahirin
Ginagamit ang pahirin (
remove something
) kung ito'y pag-alis o pagpawi ng isang bagay.
Pahirin
mo ang luha sa kanyang puso.
Pahiran
Ginagamit ang pahiran (
to put something
) na nangangahulugang paglalagay ng isang bagay.
Pahiran
mo ng saya't ngiti ang kanyang buhay.
Operahin
Ginagamit ang operahin sa pagtukoy ng tiyak na bahagi ng katawan na tinitistis.
Dapat nang
operahin
ang kanyang puso.
Operahan
Ginagamit ang operahan kapag ang tinutukoy ay ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.
Ooperahan
na si Rachel sa makalawa.
Napakasal
Ginagamit ang napakasal kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang-dibdib ng dalawang taong nagmamahalan.
Napakasal
na si Rosa at Enrico sa huwes.
Nagpakasal
Ginagamit ang nagpakasal kapag ang tinutukoy ay ang taong naging punong-abala o nangasiwa upang makasal ang dalawang tao.
Si Lian ang
nagpakasal
kina Rosa at Enrico.
Sila
Ang sila ay panghalip panao.
Bumagsak
silang
lahat sa pagsusulit.
Sina
Ang sina ay panandang pangkayarian sa pangngalan.
Nadulas
sina
Joy at Mark sa sahig.
Pinto
Ang pinto (
door
) ay bahagi ng dinaraanan na isinasara at ibinubukas.
Kulay lila ang
pinto
ng mansyon ni Doña Juana.
Pintuan
Ang pintuan (
doorway
) ay kinalalagayan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas ang pinto.
Nauntog siya sa
pintuan
.
Hagdan
Ang hagdan (
stairs
) ay mga baitang na inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali.
Madulas ang
hagdan
sa gusali ng inhinyerya.
Hagdanan
Ang hagdanan (
stairways
) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Nasa kaliwa po ang
hagdanan
.
Iwan
Ang iwan (
to leave something
) ay nangangahulugang huwag isama o dalhin.
Iwan
mo na siya.
Iwanan
Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung anong bagay ang isang tao.
Iwanan
mo ng baon ang iyong kapatid.
Sundin
Ang sundin (
follow an advice
) ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.
Sundin
mo ang panuto ni Lolo Lucio.
Sundan
Ang sundan (
follow where one is going; follow what one does
) ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Sundan
mo ng tanaw ang buhay.
Ang mapula ay kotseng nakaparada sa kalsada.
Mapula ang kotseng nakaparada sa kalsada.
Ang kotseng nakaparada sa kalsada ay mapula.
Kaangkupan ng mga Salita
May ilang salita na higit sa isa ang kahulugan at may iba ring hindi angkop gamitin batay sa hinihingi ng tamang panlasa
Ang
saya
ng dalaga ay mahaba.
Ang
saya
nila sa paglalaro.
Tama:
Ang
banyo
ay malinis at maaliwalas.
Mali:
Ang
kubeta
ay malinis at maaliwalas.
More presentations by jirah manaol
Copy of Copy of Com Arts Soc VP GPOA
Copy of Copy of Com Arts Soc VP GPOA
Mr. Gabriel, 3rd Period

Integumentary System
Integumentary System

Copy of Skin
Copy of Skin
This is about the human skin and it's sensory system.

More prezis by author

Popular presentations
See more popular or the latest prezis

You might also like