Professional Documents
Culture Documents
Jimboy
Jimboy
Jimboy
Espares
Memorandum
Para sa Kabataan
Sabi niya ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, pero sa nangyayari sa kabataan ngayon,
mukang magiging malabo ang tinatawag nating pag-asa.
Kung ikukumpara natin ang kabataan noon, sa kabataan ngayon, naku, walang gawa ang
kabataan ngayon. Sa ngayon kasi, hindi na uso ang po at opo. Nakalimutan na ang
pagmamano. Wala nang saysay ang paga-aral. At higit sa lahat wala nang saysay ang
virginity.
Dota ng dota, hindi naman naga-aral. Hindi mo naiisip ang magulang mo na nagpapa-aral
sayo. Hindi nila tinatae ang perang pinapang-aral mo. Edukasyon na nga lang ang kaya
nilang ibigay sayo, hindi mo pa ma-appreciate. Na-first blood ka no? Kung hindi ka parin
tinablan, eto pa.
Hindi na bago ngayon ang makakita ng grupo ng kabataang babae na parang kinulang sa
tela ang mga suot. Kitang-kita ang mga parte ng katawan na hindi naman dapat ipakita sa
publiko. Ang aga-aga mangati, nagpakamot sa kapwa kabataan, ayun nabuntis. Sabi ng
matatanda, ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa asawa mo sa araw ng
honeymoon nyo e, ang virginity. Kaso winalang bahala mo ang kasabihan yun kasi hindi ka
na marunong makinig sa matatanda. Feeling mo may mas alam ka sa kanila kasi nabubuhay
ka sa panahon ngayong may internet at pwede mo i-Google ang lahat. Kung titignan natin,
mas matalino at maabilidad sila noon. Walang internet na makakapagbigay sa kanila ng
impormasyon tungkol sa research nila pero nakapasa sila’t nakapagtapos. Walang copy-
paste noon, ita-type mo mano-mano ang research mo, malas mo pa kapag nagkamali ka ng
kahit isang letra kasi walang erase ang gamit mong typewriter. Pero sa kabila ng hirap
noon, hindi sila tinamad gumawa ng assignments. E ikaw, copy-paste na nga lang kailangan
mong gawin, tinamad ka parin at pina-xerox mo nalang yung assignment ng utu-uto mong
classmate!
May pagkain ka sa tapat mo pero hindi mo kinain kasi diet ka. Bat ka ba nagda-diet?
Mainstream kasi? O trip mo lang? Hindi mo ba naiisip yung mga batang namamalimos sayo
kanina? Nakita mo yung katawan nila na sa ilalim ng balat e, buto kaagad at wala nang
laman? Ganun ang mangyayari sayo kung hindi ka makakain. Yung mga batang yun, salat sa
pagkain, e ikaw nasa harap mo na yung biyaya hindi mo pa kinain. Nag-aaksaya ka
masyado, kung ipagpapatuloy mo yan, dapat ikaw nalang yung naging bata sa kalsada at
yung bata nalang yung may sapat na pagkain. At least siya, maa-appreciate niya yung
pagkain na nasa harap niya.
Bisyo, hay, bisyo. Pang matanda lang ‘to kaso curious ka kaya tinry mo din. Yosi ka ng yosi,
bat di ka pa namatay. Tutal unti-unti mo namang binabawasan ang oras ng buhay mo sa
pagyoyosi. Isang yosi ay katumbas ng limang minuto ng buhay mo. Hindi ka naman siguro
kawalan sa mundo kung sakaling mamatay ka dahil sa bisyo mo, pero malaking kawalan ka
para sa mga magulang mo at mga nagmamahal sayo. Isipin mo naman sila.
Nagpakahirap ang nanay mo na dalhin ka sa tiyan niya ng siyam na buwan tapos ngayon
magpapakamatay ka? Wag kang timang sa katotohanan. Kahit gaano kasakit ang
katotohanan kailangan mo ‘tong tanggapin. Hindi pagpapakamatay ang sagot sa problema.
Isipin mo, may isang tao sa isang parte sa mundo na mamamatay na dahil sa isang sakit.
Sila, nagkukumahog na mabuhay pa ng mas matagal tapos ikaw, ikaw na mahaba pa ang
buhay, gusto magpakamatay. Siguro kapag mamamatay na tayo, dun lang natin naiisip na
dapat ginawa nating makabuluhan ang buhay natin para kahit nasa kabilang buhay ka na,
wala kang regrets. Dun lang din natin maiisip na mahalaga pala ang buhay at dapat hindi
natin pinangunahan ang Diyos dito. Habang hindi mo pa oras, gumawa ka na ng
mabubuting bagay para kapag dumating na yung oras na kailangan na maghiwalay ng
katawan mo at kaluluwa mo, hindi ka masusunog sa nagbabagang apoy sa impyerno.
Bata ka pa, madami ka pang tatahakin kaya hindi mo kailangan dibdibin yang tampuhan
niyong magsyota. Laslas, sus, emo. Tapos ipagmamalaki mo yang sugat mo sa braso? Try
mo sa leeg minsan. Hindi kasi nakakamatay yang sa braso e. Ang labo ko no? Kanina ayoko
kayong magpakamatay, ngayon sinasabihan ko kayong i-try maglaslas sa leeg. Kasi naman,
bakit ba natin sinasaktan ang sarili natin e, nasaktan na nga tayo? Ano yun, gusto mo ma-
double kill? Bakit hindi natin i-try na magpakasaya kapag nasasaktan?
Sana naman may naitulong ako sa inyo. Kung hindi ko man naimulat ang mga nakapikit
nyong mata, sana minuta kayo dahil medyo naluha kayo sa mga sinabi ko. Hindi pa huli ang
lahat para magbago ka. Bata ka pa, madami pang pagkakataon sa buhay mo na pwede mong
baguhin ang mga maling gawa mo noon. Naway maging pag-asa tayo ng bayan tulad ng sabi
ni Rizal. Tayo ang kinabusakan. Kung mapapariwara tayo, paano na ang susunod na
henerasyon ?Mahalin mo ang buhay, magulang at bayan mo. Manalig ka lagi sa Diyos at
magpasalamat sa mga biyayang binibigay niya kahit di mo naman hinihingi. Magpasalamat
ka din sa mga pagsubok na nagpapatatag sayo. Ibigin mo ang kapaligiran. Kung hindi man
kaibig-ibig ang kapaligiran, gawin mo itong kaibig-ibig. Gumawa ka ng paraan, hindi yung
naghihintay ka lang. Salamat sa pakikinig
Patatapon ng Sariling Atin
Posisyong Papel
Isang malakas na wika ang Ingles, ngunit hindi sapat na dahilan upang palitan ang ating
sariling wika. Maaaring may mga ilang trabaho ang naaapektuhan sa kakulangan sa
kaalaman ng wikang Ingles ngunit hindi ang pag-aalis ng wikang filipino ang solusyon sa
mga ito.
Karaniwang sagot ng mga bata sa tanong na . “ Ano ang gusto mo paglaki?” ay ang maging
doctor, at kung tatanungin pa kung bakit , ang kanilang sagot ay.” Upang makatulong at
magamot ang mga may sakit .” Sa ating pagtanda nagbabago an gating pananaw ukol sa
landas sa nais nating tahakian sa hinaharap . Ang iba ay pinipiling maging inhinyero ,
karamihan ay gusting magtrabaho sa barko o di kaya’y maging abogado . Ngunit kapansin
–pansin din na ang rason sa pagpili ng landas na ito ay nagbabago. Pumili tayo ng
trabahong may malaking kita o di kaya’y maraming benipisyo. Sa kabilang banda,
nakaliligtas natin ang isa sa mga pinkamahalagang aspeto ng pagsisilbi, at ito ay ang
pagiging propesyonal para sa kapwa at sariling bayan.
Habang pinapanood ang maikling bidyo tungkol sa mga doktor sa baryo, pumasok sa
aking sa aking isipan na sa panahon ngayon , masyadong pinapatrona ng mga tao salapi at
kapangyarihan. Hindi ko maikakaila na ako bilang estudyante , ay nabibihag din ng mga
luhong ito sa paraan na hindi ko nababatid, lalong lalo na ng mga maliit na bagay . Naisipan
ko rin na tila baliktad an gating paglaki, dahil sa ating pagtanda ay nakalilimutan natin ang
tunay na esensiya ng paghihirp at pagsisilbi na isa sa mga konseptong tinatalakay sa
mababang paaralan. Noon, nakatatak pa sa ating isipan na tayo ay ng- aaral at
magtatarabaho sa hinaharap upang makatulong sa ating mga kapwa . Nguni t unti- unti
itong nabura sa paglipas ng mga taon at ang kasalukuyan nating perspektibo ng pagiging
matagumpay ay ang pagiging makapangyarihan at pagkita ng malaking salapi . Kung
aalalahanin natin ng mabuti , ang tagumpay ay nakabase hindi sa mga material na bagay
kundi sa bilang ng mga ngiting nabubuo at pasasalamat na natatanggap.
Mabigat para sa atin ang pagsasakripisyo ngunit , kung ating susuriin ang pinagdaanan
ng ating tagapagligtas sa krus, maituturing itong maliit lamang. Tumatak sana sa ating
mga isipan na responsibilidad nating ipagpatuloy ang landas ng manunubos.
Bionote
( Ang aking na- inerbyu ay si ) Bb. Hazel A. Hinay . Siya ay nagtapos ng Master of Arts in
Education Major in English Language. Ang kanyang mga karangalan ay ang pagtuturo ng
Ingles sa Father Saturnino Urios University nang matapos siya sa kursong Edukasyon sa
Marawi State University .