Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

FIL 52

(Gramatika at Istruktura ng Wikang Filipino)

Ponolohiya ng Wikang Filipino


(Written Report)

Ipinasa ni:

Guinares, Erica B.

Ipinasa Kay:

Angeles E. Ysmael
1. ANG PAGSASALITA

 Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang


kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng
paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

(Ang pagsasalita – pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan mensahe sa


pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong
tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at
kaisipan.)

 Pangalawa sa pakikinig (passive), ang pagsasalita (active) ay ang


aktibong anyo ng komunikasyon ng tao

 Pinaggugugulan ng tao ng kanyang malaking panahon

 Ginagamit sa pakikipag-usap, pagbabalita, pag-uulat,


pagtatalumpati, pakikipanayam, pakikipagtalo, pangangatwiran,
pakikipagtalakayan, atbp.

SALIK UPANG MAKAPAGSALITA ANG TAO:

1. Ang pinanggagalingan ng lakas at enerhiya.


2. Ang kumakatal na bagay o artikulador.
3. Ang patunugan o resonador.

A. SANGKAP NG PANANALITA
B. PATUNUGAN O PONOLOHIYA

 Agham na pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika.

(Ang Patunugan o Ponolohiya ay pag-aaral ng mga tunog na bumubuo ng


mga salita sa isang wika.)

2. ANG PONEMANG SEGMENTAL

- ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik


upang mabasa at mabigkas.

(May dalawang kategorya ang Fonemang/Ponemang Filipino: Ito ay ang


Ponemang Segmental at Ponemang Suprasegmental.)

Ang Filipino ay may 21 ponema – 16 Katinig at 5 Patinig

A. Mga Katinig - Ito ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon


at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig
(w.t.).

/b,k,d,g,h,k,l,m,n,ng,p,r,s,t,w,y/

PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON


ARTIKULASYON
Panlabi Panlabi Pang- Pang- Pang- Panlala- Glotal o
ngipin gilagid ngalangala munan Impit
Pangipin

Pasara

w.t. p t k

m.t. b d g ?

Pailong m n ŋ

Pasutsot

w.t. f s h

m.t. v z

Aprikatibo
w.t.

m.t. j

Pagilid l

Pakatal r

Malapatinig y w

Punto ng Artikulasyon

- Isinasagawa ang pagbigkas ng fonema, na maaaring panlabi, pangngipin,


panggilagid, pangngalangala, bilar o sa dulo ng lalamunan at ang glottal
o ang impit.

(Tinatawag ito na punto ng artikulasyon ang bahaging pinakamaliit na


guwang para makalabas ang hangin o di-makalabas ang hangin.)

Paraan ng Artikulasyon

- Paraan ng pagbigkas o paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o


kaya’y sa ilong – kung ito ay pasara o kaya’y pailong o nasal, pasutsot,
pagilid, pakatal, at malapatinig

(Pamamaraan ng artikulasyon ang tawag sa paraan ng paglabas ng hangin.)

 Pasara – ang paglabas ng hangin kapag nasasarhan o napipigil ang


paglabas ng hangin.
 Pailong – kapag lumalabas sa ilong ang hangin.
 Pasutsot – kapag lumalabas ang hangin sa makitid na daanan sa
pagitan ng artikulador at punto ng artikulasyon.
 Pagilid – kapag lumalabas ang hangin sa magkabilang tabi ng dila na
siyang pumipigil dito.
 Pangatal – buhat sa sunod-sunod na galaw ng dila.

B. Mga Patinig – ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o


pinakaprominenteng bahagi ng pantig.

/a,e,i,o,u/

(Mula sa dating 21 bilang ng fonema, naging 25 na ito – 20 Katinig at 5 Panitig.


Naging bahagi na ng fonemang Filipino ang mga tunog na /f/, /j/, /v/, at /z/)
BAHAGI NG DILA

Posisyon ng Dila Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a

C. Ponemang Malayang Nagpapalitan

- Pares ng salita na parehong pareho ang bigkas maliban sa isang ponema


subalit hindi nagbabago ang kahulugan.

Halimbawa: lalaki – lalake babae – babai


sinu-sino

D. Pares Minimal

- Ito ang mga pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit


magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema (Ronda, et al., 2009).

Halimbawa: ewan – iwan oso – uso


mesa – misa bala - pala

E. Diptonggo

- Ang diptonggo ay magkasamang tunog ng isang fonemang


patinig at isang fonemang malapatinig (/y/ o /w/) sa isang
pantig.

- /aw/, /ew/, /iw/, /ow/, /uw/, /ay/, /ey/, /iy/, /oy/, at


/uy/.

Halimbawa: a-raw ba-duy tag-hoy ba-liw


(Hindi karaniwang ginagamit sa Filipino ang /ew/, /uw/, at /iy/ katulad
din ng /ow/ at /ey/ maliban na lamang sa mga salitang banyagang
naasimila o nahiram na.)

F. Kambal-Katinig o Klaster

- Magkasamang tunog ng dalawang fonemang katinig sa isang


pantig.

- Hindi ito karaniwang nakikita sa mga salitang Tagalog o iba


pang pangkatutubong wika kundi sa mga salitang banyagang
naasimila na ang wikang Filipino.

Halimbawa: Eks-pe-ri-men-to Kli-ma E-lek-tri-si-dad

3. ANG PONEMANG SUPRASEGMENTAL

- ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging


mabisa ang pakikipagtalastasan.

May tatlong fonemang suprasegmental ang Filipino. Ito ay ang tono, diin, at
antala.

A. TONO. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng


isang salita.

Halimbawa:

1. I
kaw – (may katiyakan)

2. kaw? – (hindi sigurado, nagtatanong)


I
B. HABA AT DIIN. Ang haba ito ay bigkas na iniuukol sa patinig ng
pantig ng isang salita. Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na
siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita.

Halimbawa: /baGA’/ - tumor /baGa/ - kumbaga


/BA.ga’/ - lungs /BA.ga/ - uling panluto

Ang diin naman ay ang lakas ng bigkas sa pantig ng salita. May apat na uri ng
diin ito ay ang:

1. Malumay – ang salitang malumay ay hindi tinutuldikan.


- maaring magtapos sa katinig o patinig.

Halimbawa: /BA.ga/ - uling panluto /ta.oh/

2. Malumi – nagtatapos sa impit na tunog.


- laging nagtatapos sa patinig.
- ang huling letra ay may tudlik na paiwa ( )

Halimbawa: /BA.ga’/ - lungs /LA.hi’/

3. Mabilis – binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig


ngunit walang impit sa dulo.
- Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng tudlik na pahilis.

Halimbawa: /baGa/ - kumbaga

4. Maragsa – binibigkas nang tuloy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay


may impit.
- Ito ay laging nagtatapos sa patinig.
- Ito ay tinutudlikan ng pakupya ( ) na itinatapat sa huling
patinig ng salita.

Halimbawa: /ba.GA’/ /yug.TO’/ /du.GO’/

C. ANTALA. Ang antala ay isang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang


lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang ipinahahayag.

Halimbawa: Hindi ako ang kumuha// (Maaaring ibang tao


ang kumuha)
Hindi// ako ang kumuha. (Inamin ng naagsasalita na
siya ang kumuha)
SANGGUNIAN

(AKLAT)

Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon

(WEBSITE)

https://www.slideshare.net/earlgangoso/pagsasalita-filipino-1-ang-
komunikasyon-sa-wikang-filipino

https://www.sribd.com/doc/252108428/Kahulugan-ng-Pagsasalita-docx

https://www.slideshare.net/MaechelleAnnEstomat/mga-prinsipal-na-
sangkap-sa-pananalita

https://www.slideshare.net/EdenGraceAlfafara/ponolohiya-o-
palatunugan?qid=9a327d62-5774-4752-
a7fb=6bd1814628f9&v=&b=&from_search=2

https://www.slideshare.net/Jann3196/ponemang-suprasegmental-
124120040?qid=9a327d62-5774-4752-a7fb-
6bd1814628f9&v=&b=&from_search=1

https://www.slideshare.net/shekainalea/mga-ponemang-
suprasegmental?qid=9a327d62-5774-4752-a7fb-
6bd1814628f9&v=&b=&from_search=6

https://www.slideshare.net/dangtaba/ponemang-pilipino?qid=9a327d62-
5774-4752-a7fb-6bd1814628f9&v=&b=from_search=9

https://www.sribd.com/doc/89898945/Sangkap-Sa-Pagsasalita-Power-Point

https://prezi.com/tl-e-vinhbtp/ponemang-suprasegmental-haba-ng=diin/

filipinoangatingwika.blogspot.com/2014/12/tona-haba-diin-at-antala.html

proyektosasignaturangfilipino.blogspot.com/2014/12/ang-tono-haba-diin-at-
antala.html

You might also like