Pabula

You might also like

You are on page 1of 9

PABULA – isang kwento na ang mga tauhan ay mga hayop

Ang Dagang Taga-Bukid at ang Dagang Taga-Siyudad


Magkaibigan sina Dagang-bukid at Dagang Bayan. Isang araw, dinalaw ni Dagang-Bukid
sa tirahan niya. Ipinasyal niya si Dagang Bayan sa magagandang tanawin, halamanan at
palaisdaan sa bukid.

Ang saya nila!

Matapos silang maglibot, naghain si Dagang Bukid. Pinagsaluhan nila ang palay at mais
na naipon niya.

Pagkatapos nilang kumain, ibinalita naman ni Dagang Bayan ang pagkain doon.

Sabi niya, "Masaya sa lungsod. Maraming mapapasyalang magagandang lugar. Marami


ring masasarap na pagkain, may keso, karne at tinapay. Sumama ka sakin.

Naingganya si Dagang bukid sa paanyaya ni Dagang Bayan na pumunta sa lungsod.

Dumating sila sa malaking bahay na tinitirhan ni Dagang Bayan. Humanga si Dagang


Bukid sa nagggagandahan palamuti at kasangkapang nakita niya. May masarap na pagkain sa
mesa tulad na keso, prutas,karne at iba pa.

Talagang doon na sana siya magtitira nang biglang may lumabas na malalaking pusssa.
Hinabol sila at nagtatakbo sila sa lungga upang magtago.

Nang wala na ang pusa, napag isip isip niya na mahirap pala ang buhay sa lungsod.

Sabi ni Dagang Bukid, "Aanhin ko ang buhay na masarap dito sa lungsod, kung ang buhay
ko naman ay laging nasa bingit ng kamatayan at takot."

Siya'y nagpaalam na sa kaibigan at tuluyan nang umalis upang di na bumalik.


I. Sagutin ang mga tanong.

A. Sino ang mga tauhan sa pabula?

1. _____________________________________

2. _____________________________________

3. _____________________________________

B. Saan ang tagpuan ng kwento?

__________________________

C. Ano ang ikinabubuhay ni Dagang bukid?

____________________________________________________________________________

D. Ano ang ikinabubuhay ni Dagang siyudad?

____________________________________________________________________________

E. Bakit umalis si Dagang Taga-bukid sa Siyudad?

____________________________________________________________________________

F. Anong aral ang natutunan mo sa kwento?

____________________________________________________________________________
PANGHALIP – ipinapalit o inihahalili sa pangngalan (tao, bagay, lugar, hayop) para
hindi paulit-ulit ang paggamit nito sa pangungusap. Ako, ko, kami, mo, sila, kanila

1. Panghalip na panao – Ito ay inihahalili sa pangalan ng tao.

Mga salitang ginagamit sa panghalip panao.

ako, ko, akin, kami, tayo, atin, ikaw, mo, kayo, siya, kaniya, kanila

Halimbawa:

Ako ay pumunta sa eskwelahan.

Pumunta kami sa mall.

Siya ay isang mabuting tao.

PAGSASANAY:

Bilugan ang tamang panghalip panao.

1. Nakita (ikaw, ko ) ang batang nagdarasal sa simbahan.

2. (Kami, kanila) ay maglalaro sa parke.

3. Magbibigay (ako, kanila) ng pagkain sa matanda.

2. Panghalip na pamatlig – Ito ay inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar.

Mga salitang ginagamit sa panghalip na pamatlig:

Ito, dito, diyan, doon, iyon

Halimbawa:

Dito mo itapon ang iyong basura.

Ito ay masarap na prutas.


PAGSASANAY:

Bilugan ang tamang panghalip na pamatlig.

1. Bumili ng gulay si nanay. (Dito, Ito) ay mapait at kulay berde.

2. Ako ay (doon, iyon) pumapasok sa Assumption College.

3. (Iyon, Dito) ang paborito kong laruan.

3. Panghalip pananong – Ito ay ginagamit sa pagtatanong.

Mga salitang ginagamit sa panghalip pananong:

Sino at kanino- para sa tao

Ano – para sa bagay

Kailan – para sa petsa at panahon

Bakit – para sa dahilan

Saan – para sa lugar

Halimbawa:

Saan ka nakatira?

Kailan ang iyong kaarawan?

Bakit ka aalis?

PAGSASANAY:

Bilugan ang tamang panghalip pananong.

1. (Sino, Ano) ang nagluto ng masarap na pagkain?

2. (Ano, Saan) ka magbabakasyon sa pasko?

3. (Ano, Bakit ) ang regalong ibibigay mo sa iyong nanay?


I. Bumuo ng mga pangungusap gamit ang panghalip na panao.

1. _______________________________________________________.

2. _______________________________________________________.

II. Bumuo ng mga pangungusap gamit ang panghalip na pamatlig.

1. _______________________________________________________.

2. _______________________________________________________.

III. Bumuo ng mga pangungusap gamit ang panghalip na pananong.

1. _______________________________________________________.

2. _______________________________________________________.

IV. Ihighlight ang mga panghalip na ginamit sa pabula. Isulat kahon ang mga
panghalip kung saan ito nakabilang.

Panghalip panao Panghalip pamatlig Panghalip pananong


Ang Mayabang na Palaka

mayabang – arrogant

mag-anak – pamilya

sulok – tabi

ipinagmamalaki – nagyayabang

bulalas - sabi

May mag-anak na palaka na masayang naninirahan sa isang sulok ng bukid. Si


Amang Palaka ay isang mabuting ama. Ngunit ito ay may kayabangan. Palagi nitong
ipinagmamalaki ang kanyang sarili.

"Ako ang pinakamalaki. Tingnan mo ang katawan ko," buong pagmamalaking sabi nito.

"Oo nga! Ama, ang laki-laki mo!" humahangang sabi ng anak.

Minsan ay namasyal ang Batang Palaka. Nakakita siya ng kalabaw. Iyon ang
unang pagkakataon na nakakita siya ng kalabaw. Nalibang siya sa kakatingin dito kaya't
matagal bago niya naisipang umuwi na.

"Saan ka ba galing? Ang tagal-tagal mong nawala," tanong ni Inang Palaka pagkakita
kay Batang Palaka.

"Namasyal ako, Ina. Marami akong nakita sa labas. May katulad din natin," sagot ni
Batang Palaka.

"Anong katulad natin?" tanong naman ni Amang Palaka.

"Kapareho natin, Ama. Apat din ang paa. Kaya lang..." ang mahinang tugon ni Batang
Palaka.
"Anong kaya lang? Sige, ituloy mo," udyok ni Amang Palaka.

"Akala ko sabi n'yo, kayo ang pinakamalaki," ang may pagtatakang himig ng anak.

"Bakit? Ako naman talaga ang pinakamalaki sa lahat ng palaka rito sa atin, a," sagot
naman ng ama.

"May nakita ako, Ama. Mas malaki sa iyo at may sungay pa!" ang bulalas ni Batang
Palaka.

"Ano? Hindi maaari iyon!" malakas na sigaw ng ama.

"Totoo, Ama. Napakalaki niya," mahinang sagot ni Batang Palaka.Pinalaki ni Amang


Palaka ang kanyang tiyan.

"Ganito ba kalaki?" tanong ng ama sa anak.

"Malaki pa riyan, Ama," sagot ng anak.

Pinuno ng hangin ni Amang Palaka ang kanyang tiyan.

"Ganito ba?" tanong muli ni Amang Palaka.

"Hindi, Ama. Malaking-malaki pa riyan," sagot naman ni Batang Palaka.

At pinuno nang pinuno ng hangin ni Amang Palaka ang kanyang tiyan. Hanggang sa
pumutok ang tiyan ng mayabahg na palaka.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-mayabang-na-palaka/

TAUHAN TAGPUAN ARAL


A. Bilugan sa loob ng panaklong ang wastong Panghalip PANAO para sa
pangungusap.

1. Ba

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

B. Ikahon sa loob ng panaklong ang wastong Panghalip PAMATLIG para sa


pangungusap.

1.

2.

3.

4.

5.

6.
7.

8.

9.

10.

C. Piliin ang tamang Panghalip PANANONG sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
patlang.

Bakit Kailan Ano Saan Sino


Sino

1.

2.

3.

4.

5.

You might also like