FGFGGGGG

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 3: Metodolohiya

I. PAMAMARAAN

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya


ng pananaliksik. Ang Palararawan/Deskriptibong Metodolohiya (Descriptive Method) ay
idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan.
Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na
naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito'y may
kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga
paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarang
nilinang. Ninais ng mga mananaliksik na gamitin ang deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik sa kadahilanang mahalaga ang paglalarawan sa tekso dahil makatutulong ito upang
lalong maunawaan ng mga mambabasa ang mga impormasyong nais iparating ng mga
mananaliksik. Isa pang dahilan ng mga mananaliksik kung bakit ginamit ang pamamaraan na ito
ay dahil mas mapapadali ang pagtukoy sa mga dahlia kung bakit nawawalan ng interes ang mga
mag-aaral sa pag-aaral at kung bakit sila nagkakaroon ng mababang marka.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong pananaliksik. Ayon kay Castillo


(2017), ang mga kwantitatibong pananaliksik ay nagbibigay diin sa mga sukat ng layunin at ang
statistical, matematika, o numerical analysis ng data na nakolekta sa pamamagitan ng mga
botohan, mga questionnaire, at mga survey, o sa pamamagitan ng pagmamanipula ng mga umiiral
nang statistical data gamit ang computational techniques. Nagtutuos ang dami ng pananaliksik sa
pag-iipon ng numerong datos at pangkalahatan sa mga grupo ng mga tao o upang ipaliwanag ang
isang partikular na kababalaghan.

II. PARAAN

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Sarbey Questionnaire sa kanilang


ginawang pag-aaral. Sa tulong nito nalaman ng mga mananaliksik ang mga dahilan kung
bakit nawawalan ng interes at pagkakaroon ng mababang marka ang mga mag-aaral ng
Senior High School sa paaralang Universidad de Manila sa taong Akademiko 2018-2019.
Ang mga talatanungan ay ginamitan ng paraang masasagot ng tseklist.

Ang mga napiling respondente ng mga mananaliksik ay galing sa Senior High


School Department ng Universidad de Manila sapagkat naninibago sila sa mga
asignatura na nakapaloob sa K-12 Curriculum. Ang kabuuang bilang ng mga respondente
ay 50 (limampu) dahil…….

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral


upang masiguro at maunawaan ng mga sumagot sa mga sarbey form ang bawat bagay
maging ang pagiging kompidensyal sa bawat datos upang maihayag ang nararapat at
kailangang impormasyon.

III. PAGTRATONG ESTADISTIKAL

You might also like