Manuscript Preliminary

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

PAGWASAK AT PAGBUO NG MGA VIDEO:

ANG PAGSUSUPLING NG BAGONG MENSAHE

MELISSA P. APAO
LOI VINCENT C. DERIADA
JOHNEL T. LUMACAO
LOVELYN JOY D. PEREZ

DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT IBANG MGA WIKA


Sentro ng Pagpapahusay sa Filipino ng CHED
KOLEHIYO NG MGA SINING AT AGHAM PANLIPUNAN
MSU – ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY
LUNGSOD ILIGAN

Mayo 2017
PAGWASAK AT PAGBUO NG MGA VIDEO:
ANG PAGSUSUPLING NG BAGONG MENSAHE

ISANG ANDERGRADWEYT TESIS

na Iniharap sa
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Sentro ng Pagpapahusay sa Filipino ng CHED
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology
Lungsod Iligan

Bilang Bahagi
ng mga Pangangailangan para sa Digring
BATSILYER NG MGA SINING SA FILIPINO

MELISSA P. APAO
LOI VINCENT C. DERIADA
JOHNEL T. LUMACAO
LOVELYN JOY D. PEREZ
Mayo 2017
ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY
iii

ABSTRAK

Isa sa mga kinagigiliwang buksan at bisitahin ng mga gumagamit ng


internet ang mga bidyo. May mga mensahe itong ipinararating na nagdudulot ng
iba’t ibang epekto sa mga manonood. Isa ang tinatawag na video meme sa mga
pangunahing tinatangkilik na uri ng bidyo sa internet dahil sa taglay nitong
katangiang nakatatawa. Ito yaong mula sa isang orihinal na bidyo ay winasak at
binago na nagsupling naman ng panibagong mensaheng ipinararating. Bagama’t
nakatatawa at tila may kababawan, pinaniniwalaan itong isang instrumento ng
pagpapahayag ng mensaheng hindi madaling isiwalat sa isang karaniwang
paglalahad tulad ng mga protesta, paghahantad ng mga katiwalian o kamalian, at
iba pang katulad nito. Layunin ng kasalukuyang pag-aaral na masuri ang mga
popular na video meme partikular ang pagtukoy sa mensahe nito mula sa
pinagmulang bidyo, at malaman kung paano naisupling ang mga bagong mensahe.
Sinikap sagutin sa pag-aaral kung (1) Ano ang karaniwang paksa at uri ng
bidyong ginagawan ng meme? (2) Anong mga mensahe ng protesta ang nabuo sa
mga video meme? at (3) Paano naisupling ang mga bagong kahulugan at ano-ano
ang mga teknik na ginamit sa video meme? Ibinatay ang pagsusuri ng mga video
meme sa mga teorya o konsepto ng dekonstruksyon, pagwasak at pagbuo,
hermenyutika, pagbasa at pagtanggap, protest literature, at carnivalesque.
Nabuo ang konseptong ang video meme ay resulta ng winasak at binuong bidyo
na may layuning magpatawa. Naglalantad ito ng isang bagong mensaheng
bagama’t nababalot ng katatawanan o kalokohan ay maaaring mangahulugan ng
paglalantad ng mga kasiraan o kapintasan ng tao o lipunan.

Kwalitatibong disenyo ng pag-aaral at deskriptibong analitikal naman ang


ginamit sa pagsusuri sa mga video meme. Kinalap ang datos mula sa youtube sa
pamamagitan ng search engine at inilagay ang tag na “Pinoy video meme”,
iv

natuklasang maraming lumilikha ng video meme ngunit hinanap lamang ang


limang may pinakamaraming uploaded videos upang gagamitin sa pag-aaral.
Natuklasang karaniwang nagmula sa mga pelikula, panayam, serye, balita
at patalastas ang mga orihinal na bidyong ginawan ng video meme. Pumapaksa
ito sa pagtatanggol, pagmamahal, kakayahan, pang-aabuso at kapayapaan.
Natuklasan ding pumapaksa ang mga mga video meme sa pananakit sa kapwa,
maling kaugalian ng tao, hindi pagiging matapat, anomaliya sa gobyerno, bawal
na pakikipagrelasyon, kawalan ng hustisya, paggamit ng ilegal na droga, maling
patakaran sa eskwelahan, pagbabanta sa kapwa at paglaban sa makapangyarihan.
Winasak ang tunay na kahulugan ng bidyo at nakabuo ng panibagong mensahe.
Ang ganitong uri ng bidyo ay nagagawa sa pamamagitan ng mga teknik o
pamamaraan tulad ng subtitling at dubbing, paglalapat ng awit, rap at iba pang
musika, pagbanggit sa mga sikat na tao o salita, paglalapat ng imahen o bidyo
mula sa ibang bidyo, clipping, pagbanggit ng bagay o lugar tungkol sa Pilipinas,
deaf interpretation at subtitling
Sa video meme winawasak ang orihinal na bidyo upang makabuo ng bago.
Batid man o hindi ng gumagawa ng meme ang epekto nito sa nanonood,
masasabing kakaibang paraan ang video meme sa pagpapahayag ng mensahe sa
isang makabago at tinatangkilik na paraan. Sa pag-aaral na ito, ginawang bagong
pamamamaraan ng protesta ang mga nakalap na video meme.
Sa kadahilang bago pa lamang ang pag-aaral na ito, inirerekomendang
hanapin pa ang mga tagagawa ng video meme na ipinapakita rin sa pamamagitan
nito ang mga isyung panlipunan. Sa pamamagitan nito, maaring mas makatuklas
ng iba pang mga teknik na ginamit. Makapagsagawa pa ng mga pagsusuri sa mga
video meme upang makita ang iba pang teknik na hindi pa natuklasan ng mga
mananaliksik.
v

Nanay El, Tatay Muloy, Ate Vergie, Angkol


Ven, Ante Lody, Kuya Judd,
Kamag-anak at Mak-Mak

~Melissa

Mama Flor, Papa Vic, Kuya Tan, Mommy


Inday, mga Kamag-anak at sa mga patuloy na
nagmamahal at nagtitiwala sa kakayahan ko.

~Loi
~Loi

Mama Ping, Ate Jabz, Kuya Elmer, Russel, Ate


Niza, Lolo at Lola, Ate Welma, Ate Maricel at
mga kamag-anak

~Johnel

Para kay Vergel at Liam

~Lovelyn
vi

PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Poong Maykapal


na naging gabay at patnubay sa ginawang pag-aaral. Hindi magiging posible ang
lahat ng ito kung hindi dahil sa walang sawang pagdinig Niya sa aming mga
panalangin.
Hindi rin makalilimutang mapasalamatan ng mga mananaliksik ang taong
hindi nag-atubiling nagpadama ng matinding pagmamahal at suporta lalong-lalo
na usaping pinansyal at moral. Ang mga pamilya, mga magulang at mga taong
naniniwala sa kakayahang mabuo ang pananaliksik na ito.
Lubos din ang pasasalamat sa aming advayser na si Dr. Mary Ann S.
Sandoval sa kanyang pagbibigay ng suhestyon sa ikagaganda ng pananaliksik na
ito sa kabila ng kanyang sandamakmak na trabaho sa departamento. Sa mga
miyembro ng panel na sina Prof. Melba B. Ijan at Prof. Ivy C. Victorio sa
kanilang pagbibigay ng inspirasyon sa pagsasagawa ng pag-aaral at pagbibigay ng
puna para sa ikabubuti ng papel.
Salamat din sa pamilya Vente lalong-lalo na kay Ate Lovelyn na siyang
may-ari ng bahay kung saan kadalasang tinuluyan ng mananaliksik sa
pagsasagawa ng pag-aaral.
Sa mga fakulti ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika, maraming
salamat sa pagbibigay ninyo ng kaalaman tungo pagiging mabuti indibidwal sa
lipunan.

-mga mananaliksik-
vii

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
DAHON NG PAGPAPATIBAY ………………………………………….. ii
ABSTRAK ………………………………………………………………….. iii
DEDIKASYON……………………………………………………………... vi
PASASALAMAT…………………………………………………………… v
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN…………………………………... x
TALAAN NG MGA FIGYUR………… ………………………………….. xi

TSAPTER

1 VIDEO MEME: LUNSARAN NG 1


MAKABAGONG KRITISISMONG
PANLIPUNAN

1.1 Paglalahad ng Suliranin ………………………. 3


1.2 Kahalagahan ng Pag-aaral ……...…………...... 4
1.3 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ………...… 4
1.4 Depinisyon ng mga Terminong Ginamit...……. 5

2 KAUGNAY NA PAG-AARAL AT 7
LITERATURA

2.1 Mga Kaugnay na Pag-aaral …………………… 7


2.1.1 Meme …………………………………………. 7
2.1.2 Social Media …………………………………. 8
2.1.3 Dekonstruksyon………….……………………. 10
2.2 Mga Kaugnay na Literatura …….…………….. 11
2.2.1 Social Media at Meme ...…………….………. 11
2.2.2 Dekonstruksyon ………………………………. 12
2.2.3 Protestang Pampanitikan ……………………... 13
2.3 Batayang Teoretikal …………………………... 15
2.3.1 Dekonstruksyon ………………………………. 15
2.3.2 Hermeneutics ………………………………… 17
2.3.3 Carnivalesque………………………………… 20
2.3.4 Teorya ng Pagbasa-Pagtanggap ………………. 22
2.4 Batayang Konseptwal ………………………… 24
viii

Pahina

3 METODOLOHIYA NG PAG-AARAL 26

3.1 Pangangalap ng Datos ………………………… 26


3.2 Pagsasaayos at Pagsusuri ng Datos …………… 27

4 VIDEO MEME: ANG PAGSUSUPLING NG 29


BAGONG MENSAHE

4.1 Mga Katangian ng Orihinal na Bidyo ………….. 29


4.1.1 Uri ng Orihinal na Bidyo ………...……………... 29
4.1.2 Paksa ng Orihinal na Bidyo ………...…………... 31
4.1.2.1Pagtatanggol ………..…………………… 33
4.1.2.2 Pagmamahal ……..……………………... 43
4.1.2.3Kakayahan ……………...……………...... 49
4.1.2.4Pang-aabuso……………………………... 54
4.1.2.5 Kapayapaan …………………………….. 56
4.2 Video Meme Bilang Pagpapahayag ng
Protesta …………………………………………. 58
4.2.1 Pananakit sa Kapwa………………………...…... 60
4.2.2 Maling Kaugalian ng mga Tao……………..…... 69
4.2.3 Hindi Pagiging Matapat……..………………….. 75
4.2.4 Anomaliya sa Gobyerno…....….………………... 79
4.2.5 Bawal na Pakikipagrelasyon …………………… 81
4.2.6 Kawalan ng Hustisya…...……..………….……... 82
4.2.7 Paggamit ng Ilegal na Droga …..……………….. 84
4.2.8 Maling Patakaran sa Eskwelahan ……..……….. 86
4.2.9 Pagbabanta sa Kapwa…..……………………..... 88
4.2.10 Paglaban sa Makapangyarihan ……………….... 89
4.3 Mga Teknik at Pamamaraan sa Pagbuo ng Video
Meme …………………………………………... 92
4.3.1 Subtitling at Dubbing ………………………..... 103
4.3.2 Paglalapat ng Awit, Rap at iba pang Musika …... 104
4.3.3 Pagbanggit ng mga Sikat na Tao o Salita ……..... 105
4.3.4 Paglapat ng Imahen o Bidyo mula sa Ibang
Bidyo………………………………...………..… 106
4.3.5 Clipping…………...……….…………………. 108
4.3.6 Pagbanggit ng Bagay o Lugar tungkol sa
Pilipinas………………………………………..... 109
4.3.7 Deaf Interpreter/ Sign Language Interpreter... 109
ix

Pahina

4.3.8 Subtitling ………………...…………………..... 110

5 BUOD, RESULTA, KONGKLUSYON AT 112


REKOMENDASYON
5.1 Buod …….……………………………………… 112
5.2 Resulta ng Pag-aaral……...…………………….. 113
5.3 Kongklusyon……………………………...……. 115
5.4 Rekomendasyon ………………………………... 116

MGA REPERENSYA 118


MGA MANANALIKSIK 129
x

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan Pahina

1 Mga Uri ng mga Orihinal na Bidyo 30

2 Paksa ng Orihinal na Bidyo 32

3 Paksa at Mensahe ng Video Meme 58

4 Mga Paksa ng Orihinal Bidyo at Video Meme 92

5 Mga Teknik at Pamamamaraan sa Pagbuo ng Video

Meme
102
xi

TALAAN NG MGA FIGYUR

Figyur Pahina

1 Konsepto ni Moon (2014) sa Hermeneutics 19

2 Iskimatikong Dayagram ng Paradaym ng Pag-aaral 25

3 Daloy ng Pag-aaral 28

4 Eksenang Pagmamahal sa “A Little Princess Sarah” 44

5 Eksenang Pagsakripisyo sa “Train to Busan” 46

6 Eksenang Pagmamahal “Vow” 48

7 Pagpapakita ng Kakayahan ni De Lima sa Pagsayaw 51

8 Pagpapakita ng Kakayahan ni Hatton sa Boksing 53

9 Pagpapakita ng Kakayahan sa Mahika 53

10 Eksenang Pagtatanggol sa “Troy” 57

11 Paggamit ng Ilegal na Droga sa “Train to Busan” 84

12 Image Meme ng mga Senador 91

13 Paglalagay ng Subtitle at Dubbing 104


xii

Pahina

14 Paglalagay ng Bidyo/ Imahen mula sa ibang Bidyo 106

15 Paglalagay ng Mukha ng Sikat na Personalidad 107

16 Paglalagay ng Imahen sa Bidyo ni De Lima 107

17 Paglalagay ng Deaf Interpreter 110

You might also like