Ang Kapanganakan Ni Jesus

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Kapanganakan ni Jesus

26Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa


Nazaret, isang lungsod ng Galilea. 27 Isinugo siya sa isang dalagang birhen na
ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose. Si
Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay
Maria. 28 Paglapit ng anghel ay sinabi sa kaniya: Binabati kita, ikaw na
kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga
kababaihan.

29Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa kaniyang salita at


pinag-isipan niya kung ano kayang uri ng bati ito.30 Sinabi ng anghel sa
kaniya: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya
sa Diyos. 31 Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang
lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. 32 Siya ay magiging dakila
at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng
Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang ninuno. 33 Siya ay
maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari
ay hindi magwawakas.

Sinabi ni Maria sa anghel: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi


34

nakakakilala ng isang lalaki?

Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Darating sa iyo ang Banal na


35

Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil


dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng
Diyos. 36 Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang
anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng
kaniyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. 37 Ito ay sapagkat sa
Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.

Sinabi ni Maria: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin


38

ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.

Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagmamadaling pumunta sa


lupaing maburol sa lungsod ng Juda. 40 Pumasok siya sa bahay ni Zacarias at
bumati kay Elisabet. 41 At nangyari, nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni
Maria, ang sanggol sa kaniyang sinapupunan ay napalundag. At si Elisabet
ay napuspos ng Banal na Espiritu. 42 Sa isang malakas na tinig, siya ay
sumigaw na sinasabi: Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. Kapuri-puri ang
bunga ng iyong sinapupunan. 43 Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng
aking Panginoon ay pumunta sa akin? 44 Narito, sa pagdinig ko ng iyong tinig
ng pagbati, ang sanggol sa aking sinapupunan ay napalundag sa
kagalakan. 45 Ikaw na sumampalataya ay lubos na pinagpala sapagkat
magkakaroon ng kaganapan ang mga bagay na sinabi sa iyo ng Panginoon.

Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon.47 Ang aking


46

espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. 48 Ito ay


sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng kaniyang aliping babae at
mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi. 49 Ito ay
sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa akin ng mga dakilang bagay
at Banal ang kaniyang pangalan. 50 Ang kaniyang kahabagan ay sa lahat ng
saling lahi, sa kanila na may pagkatakot sa kaniya.

51 Nagpakita siya ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang mga bisig. Ikinalat


niya ang mapagmataas sa haka ng kanilang mga puso. 52 Ibinaba niya ang
mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga
mabababang-loob.53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga
nagugutom. Ang mga mayaman ay pinaalis niyang walang dala. 54 Tinulungan
niya si Israel na kaniyang lingkod bilang ala-ala ng kaniyang
kahabagan. 55 Ginawa niya ito ayon sa sinabi niya sa ating mga ninuno, kay
Abraham at sa kaniyang lahi magpakailanman.
56 Si Maria ay nanatiling kasama ni Elisabet ng halos tatlong buwan at

pagkatapos nito, umuwi siya sa sarili niyang bahay.

57 Dumating na ang panahon ng panganganak ni Elisabet at siya ay nagsilang


ng isang lalaki. 58 Narinig ng mga kapitbahay at ng kaniyang mga kamag-
anak na dinadagdagan ng Panginoon ang habag niya sa kaniya. At sila ay
nakigalak sa kaniya.
59 Nangyari, nang ika-walong araw, sila ay dumating upang tuliin ang

sanggol. At siya ay tinatawag nilang Zacarias alinsunod sa pangalan ng


kaniyang ama. 60 Ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi: Hindi. Siya ay
tatawaging Juan.
61 Sinabi nila sa kaniya: Wala kang kamag-anak na tinawag sa ganiyang

pangalan.
62 Sila ay sumenyas sa ama ng sanggol kung ano ang nais niyang itawag sa

kaniya. 63 Pagkahingi niya ng isang masusulatan, sumulat siya na sinasabi:


Juan ang kaniyang pangalan. At silang lahat ay namangha.
64 At kaagad nabuksan ang kaniyang bibig at nakalag ang kaniyang dila at

siya ay nagsalita na nagpupuri sa Diyos. 65 Natakot ang lahat ng mga


naninirahan sa kanilang paligid. At ang lahat ng mga bagay na ito ay pinag-
usap-usapan sa buong lupain sa burol ng Judea. 66 Isinapuso ng mga
nakarinig ang mga bagay na ito. Kanilang sinasabi: Magiging ano kaya ang
batang ito? At ang kamay ng Panginoon ay sumakaniya.

67Si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Banal na Espiritu. Nagsalita


siyang tulad ng propeta. 68 Sinabi niya: Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng
Israel sapagkat dumating siya at tinubos ang kaniyang mga tao. 69 Siya ay
nagbangon ng isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ni David na
kaniyang lingkod.70 Ito ay ayon sa kaniyang sinabi sa pamamagitan ng bibig
ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang pasimula.71 Kaniyang
sinabi na tayo ay ililigtas mula sa ating mga kaaway. Gayundin, mula sa
kamay ng lahat ng mga napopoot sa atin. 72 Ito ay upang tuparin ang
kaniyang kahabagan sa ating mga magulang at alalahanin ang kaniyang
banal na tipan. 73 Ito ang panunumpa na kaniyang sinumpaan sa ating amang
si Abraham na ibibigay sa atin. 74 Ginawa niya ito upang tayo ay maglingkod
sa kaniya nang walang takot, pagkatapos niya tayong iligtas mula sa kamay
ng ating mga kaaway. 75 Tayo ay maglilingkod sa kabanalan at katuwiran sa
harapan niya habang tayo ay nabubuhay. 76 Ikaw, maliit na bata, ay
tatawaging propeta ng Kataas-taasan sapagkat yayaon ka sa harapan ng
Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daan. 77 Ikaw ay yayaon upang
magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao, para sa
kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. 78 Ito ay sa pamamagitan ng taos-
pusong kahabagan ng ating Diyos, kung saan ang bukang-liwayway mula sa
kataasan ay dumating sa atin. 79 Ito ay upang magliwanag sa mga nakaupo
sa kadiliman at sa anino ng kamatayan at upang patnubayan ang ating mga
paa sa daan ng kapayapaan.
At ang bata ay lumaki at pinalakas sa espiritu. At siya ay nasa mga ilang
80

hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.

You might also like