EXAMS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

San Miguel Village School Inc.

Bauhinia St., San Miguel Village,


Pala-o, Iligan City
4th Summative Test
FILIPINO 9

Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ______________ Iskor:

I. KNOWLEDGE

A. Panuto. Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Ilagay ito sa patlang na nakalaan.

__________________ 1. Ang petsa kung kailan isinilang ang pamabansang bayani na si Jose Rizal.
__________________ 2. Ang petsa kung kailan ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Claveria na gamitin ng pamilya ang
apelyidong Rizal.
__________________ 3. Siya ang unang naging guro ng pambansang bayani.
__________________ 4. Edad kung kailan ipinadala si Rizal sa Binyang upang mag-aral.
__________________ 5. Ang buong pangalan ni Gat Jose Rizal.
__________________ 6. Ito ay pagkilalang natanggap ni Rizal mula sa Ateneo Municipal de Manila na katumbas ng
excellent sa wikang Ingles.
__________________ 7. Partikular na lugar sa Europa kung saan ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral ng Medicina at
Filosofia y Letras.
__________________ 8. Taon kung kailan natapos ni Rizal ang Noli Me Tangere.
__________________ 9. Samahan na itinatag ni Jose Rizal na ang mithiin ay ang mabago ang naghaharing sistema ng
pamahalaan sa Pilipinas.
__________________ 10. Dito ipinatapon si Jose Rizal nang siya ay ipinadakip ni Gobernador-Heneral Dispujol.
__________________ 11. Sa kanya humingi ng pahintulot si Jose Rizal upang makapaglayag patungong Cuba.
__________________ 12. Ang dating katawagan sa Fort Santiago.
__________________ 13. Eksaktong petsa kung kailan binaril si Jose Rizal sa Bagumbayan.
__________________ 14. Dito inialay ni Rizal ang nobelang Noli.
__________________ 15. Dito inialay ni Rizal ang El Fili.
__________________ 16. Ang kasalukuyang katawagan sa Bagumbayan.
__________________ 17. Sa nobela, siya ang itinuturing na tagapagligtas ni Crisostomo Ibarra.
__________________ 18. Isa siyang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng mga marurunong na mamamayan ng San Diego.
__________________ 19. Ang pinaghanguan ng karakter ni Maria Clara.
__________________ 20. Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa bansa.

B. Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot.

21. Ang nobelang Noli ay isinulat ni Jose Rizal noong siya ay __________.
a. 21 b. 23 c. 25 d. 26
22. Ang pamagat na Noli Me Tangere ay nangangahulugang _________.
a. huwag mo akong salingin
b. huwag mo akong hawakan
c. huwag mo akong linlangin
d. a at b
23. Ang Noli ayon kay _________ ay “isinulat sa dugo ng puso.”
a. Dr. Blumentritt b. Heneral Garcia c. Lopez Jaena d. Andres Bonifacio
24. Ang mga sumusunod ay ang nagtulak kay Jose Rizal upang isulat ang kanyang mga nobela maliban sa isa.
a. Ang kalupitan ng mga Espanyol sa mga Pilipino
b. Pagkabilanggo ng kanyang ina dahil sa maling paratang.
c. Nais niyang bigyang-pansin siya ng mga mamamayan at ng Hari ng Espanya.
d. Ang ginawang pagbitay sa tatlong paring martir.
25. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit isinulat niya ang Noli Me Tangere?
a. Nais niyang sumikat sa madla.
b. Nais niyang humingi ng pagbabago para sa bayan.
c. Nais niyang mamulat ang mga mamamayan sa maling pamamalakad ng mga Kastila.
d. Nais niyang mamuno sa Pilipinas
26. Alin sa mga sumusunod na akda ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli?
a. Twilight b. The Wandering Jew c. Harry Potter d. A Tale of Two Cities
27. Sino sa mga kaibigan ni Rizal ang nagpahiram sa kanya ng salapi upang mapalimbag ang kanyang Noli?
a. Dr. Blumentritt b. Graciano Lopez Jaena c. Maximo Viola d. Del Pilar
28. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging reaksyon ng mga tao sa nobelang Noli noong panahong nailabas ito?
a. marami ang humanga b. marami ang nagalit
c. marami ang natakot d. wala sa nabanggit
29. Ang Por Telefono ay ang naging tugon niya sa paring nanguna sa pagtuligsa sa Noli? Sino ang paring ito?
a. Fray Rodriguez b. Fray Salvador c. Fray Damaso d. Fray Butod
30. Ang Noli Me Tangere ay isang uri ng nobelang _____________.
a. pampolitika b. pambayan c. panlipunan d. pang-ekonomiya

C. Panuto. Isa-isahin ang mga sumusunod.

31-33. Mga rason kung bakit nagbalik si Rizal sa Pilipinas matapos mailabas ang nobelang Noli

34-36. Mga tauhang pari sa Noli Me Tangere

37-39. Tatlong lugar kung saan isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere

40-42. Mga akdang nagging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli.

43-45. Mga pamagat ng Kabanata 1 hanggang Kabanata 3.

II. PROCESS

Panuto. Ilarawan ang mga sumusunod na tauhan batay sa nobelang Noli Me Tangere gamit ang isang talahanayan
(table). Gawin ito sa espasyo sa ibaba.

36. Juan Crisostomo Ibarra 37. Maria Clara 38. Elias 39. Donya Victorina 40. Padre Damaso

III. UNDERSTANDING

Panuto. Sagutin ang sumusunod na katangungan?

41-45. Bakit itinuturing na isang nobelang panlipunan ang Noli Me Tangere? Palawakin ang sagot.

46-50. Bakit Noli Me Tangere ang ginawang pamagat ni Jose Rizal sa kanyang unang nobela? Palawigin ang sagot.

Good Luck!!!   
San Miguel Village School Inc.
Bauhinia St., San Miguel Village,
Pala-o, Iligan City
4th Summative Test
FILIPINO 10

Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ______________ Iskor:

I. KNOWLEDGE

A. Panuto. Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Ilagay ito sa patlang na nakalaan.

__________________ 1. Ang petsa kung kailan natapos ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo.
__________________ 2. Ang matalik na kaibigang Briton ni Jose Rizal na pinagsasabihan niya ng mga nararamadaman.
__________________ 3. Sa kanya ibinahagi ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng El Fili bilang pasasalamat.
__________________ 4. Kaibigang kasama ng pambansang bayani sa paninirahan sa ibang bansa.
__________________ 5. Ang buong pangalan ni Gat Jose Rizal.
__________________ 6. Bilang ng mga pahinang hindi isinama ni Rizal sa El Fili.
__________________ 7. Taon kung kailan napasakamay ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng El Filibusterismo.
__________________ 8. Tauhan sa nobela na hinango kay Maria Clara.
__________________ 9. Samahan na itinatag ni Jose Rizal na ang mithiin ay ang mabago ang naghaharing sistema ng
pamahalaan sa Pilipinas.
__________________ 10. Ang opisyal na pahayagan ng kilusang Propaganda.
__________________ 11. Tauhan sa nobela na ang kapalaran ay katulad ng sinapit ng pamilya ni Rizal.
__________________ 12. Lugar kung saan isinulat ni Rizal ang El Filibusterismo.
__________________ 13. Eksaktong petsa kung kailan binaril si Jose Rizal sa Bagumbayan.
__________________ 14. Dito inialay ni Rizal ang nobelang Noli.
__________________ 15. Pamagat sa Ingles ng El Filibusterismo.
__________________ 16. Ito ang pinakamabisang sandatang ginamit ng pambansang bayani sa pagkakamit ng
pagbabago.
__________________ 17. Ito ay nangangahulugang kalaban ng pamahalaan at simbahan.
__________________ 18. Dito inialay ni Rizal ang El Fili.
__________________ 19. Paksang nais isulat ng mga kaibigan ni Rizal.
__________________ 20. Petsa kung kailan tumalilis ng Pilipinas si Rizal upang makaiwas sa galit ng kanyang mga
kalaban

B. Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot.

21. Si Jose Rizal ay umalis ng bansa noong siya ay __________.


a. 21 b. 23 c. 24 d. 25
22. Ang El Filibusterismo ay pumapaksa ng _________.
a. kabuktutan ng mga Espanyol
b. kawalang katarungan ng mga Espanyol
c. kasakiman ng mga Espanyol
d. lahat ng nabanggit
23. Si Simoun ay isang mang-aalahas na nagbalik sa Pilipinas makalipas ang labintatlong taon. Ano ang layunin niya sa
pagbabalik sa bansa?
a. mag-alahas b. mag-asawa c. maghiganti d. mag-artista
24. Ang mga sumusunod ay ang nagtulak kay Jose Rizal upang isulat ang kanyang mga nobela maliban sa isa.
a. Ang kalupitan ng mga Espanyol sa mga Pilipino
b. Pagkabilanggo ng kanyang ina dahil sa maling paratang.
c. Nais niyang bigyang-pansin siya ng mga mamamayan at ng Hari ng Espanya.
d. Ang ginawang pagbitay sa tatlong paring martir.
25. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit isinulat niya ang El Filibusterismo?
a. Nais niyang sumikat sa madla.
b. Nais niyang humingi ng pagbabago para sa bayan.
c. Nais niyang mamulat ang mga mamamayan sa maling pamamalakad ng mga Kastila.
d. Nais niyang mamuno sa Pilipinas
26. Alin sa mga sumusunod na akda ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli?
a. Twilight b. Uncle Tom’s Cabin c. Harry Potter d. A Tale of Two Cities
27. Sino sa mga kaibigan ni Rizal ang nagpahiram sa kanya ng salapi upang mapalimbag ang kanyang El Filibusterismo?
a. Dr. Blumentritt b. Graciano Lopez Jaena c. Maximo Viola d. Valentin Ventura
28. Sa El Fili, naging malapit na kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral si Simoun. Ano ang dahilan nang pagkakalapit
nila?
a. magkaklase sila sa kolehiyo sa Europa
b. pagkakaroon ng utang na loob ng Kapitan Heneral kay Simoun
c. pagkakaroon nila ng camaraderie noong sila ay nasa Cuba
d. wala sa nabanggit
29. Matapang na Pilipinong mag-aaral na mahusay sa pakikipagtalo at tutol sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain.
a. Makaraig b. Basilio c. Isagani d. Pecson
30. Ang El Filibusterismo ay isang uri ng nobelang _____________.
a. pampolitika b. pambayan c. panlipunan d. pang-ekonomiya

C. Panuto. Isa-isahin ang mga sumusunod.

31-33. Mga akdang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli.

34-36. Mga tauhang pari sa El Filibusterismo

37-39. Mga dahilan nang pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas matapos lumabas ang Noli Me Tangere

40-42. Buong pangalan ng tatlong paring martir

43-45. Mga pamagat ng Kabanata 1 hanggang Kabanata 3

II. PROCESS

Panuto. Ilarawan ang mga sumusunod na tauhan batay sa nobelang Noli Me Tangere gamit ang isang talahanayan
(table). Gawin ito sa espasyo sa ibaba.

36. Simoun 37. Kapitan Heneral 39. Donya Victorina 39. Kabesang Tales 40. Makaraig

III. UNDERSTANDING

Panuto. Sagutin ang sumusunod na katangungan?

46-50. Bakit itinuturing na isang nobelang pampolitika ang El Filibusterismo? Palawakin ang sagot.

51-55. Bakit isinulat ni Jose Rizal ang El Filibusterismo? Palawigin ang sagot.

Good Luck!!!   
San Miguel Village School Inc.
Bauhinia St., San Miguel Village,
Pala-o, Iligan City
4th Summative Test
FILIPINO 8

Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ______________ Iskor:

I. KNOWLEDGE

A. Panuto. Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Ilagay ito sa patlang na nakalaan.

__________________ 1. Lugar kung saan ipinanganak si Francisco Balagtas.


__________________ 2. Ito ang tawag sa batas ng pananampalataya.
__________________ 3. Siya ang naging guro ni Balagtas sa San Juan de Letran na sumulat ng Pasyon.
__________________ 4. Ang unang pag-ibig ni Francisco Balagtas.
__________________ 5. Tauhan ng Florante at Laura na nakapagligtas ng 17 kaharian.
__________________ 6. Ito ang muntikan nang dumagit kay Florante noong siya’y sanggol pa lamang.
__________________ 7. Taksil at mortal na kalaban ni Florante.
__________________ 8. Tauhan ng Florante at Laura na kasingganda ni Venus.
__________________ 9. Edad kung kailan pumanaw si Balagtas.
__________________ 10. Ang hiningan ng tulong ni Balagtas sa pagsasaayos ng kanyang tulang iaalay sana sa kanyang
iniibig.
__________________ 11. Prinsipe ng Persya na napilitang magpakalayo-layo mula sa kanilang kaharian.
__________________ 12. Ang kaagaw ni Balagtas sa kay M.A.R na nag-akusa at nagpakulong sa kanya.
__________________ 13. Ang bilang ng saknong na bumubuo sa Florante at Laura.
__________________ 14. Ginamit ni Balagtas sa kanyang Florante at Laura upang makalusot sa mahigpit na sensurang
ipinatupad ng mga Kastila.
__________________ 15. Wikang ginamit ni Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura.
__________________ 16. Palayaw ni Balagtas.
__________________ 17. Ito ay nangangahulugang kalaban ng pamahalaan at simbahan.
__________________ 18. Ang tagpuan ng Florante at Laura.
__________________ 19. Ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang Kay Selya.
__________________ 20. Ito ay tulang tuluyan na inaawit ng malumanay sa saliw ng gitara.

B. Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot.

21. Anong paratang ang ipinukol kay Balagtas na naging dahilan ng pagkakakulong niya sa pangalawang pagkakataon?
a. pananakit ng kapwa
b. pagpapahiya sa isa sa kanyang nasasakupan
c. paggupit sa buhok ng isang babaeng tauhan ng Alferes
d. Pagnanakaw sa pera ng kanyang nasasakupan
22. Ang Florante at Laura ay isang tulang tuluyan na tinatawag na _________.
a. soneto b. epiko c. korido d. awit
23. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kaanyuan ni Florante?
a. matangkad, kayumanggi, makisig b. maputi at mamula-mula ang balat
c. may makintab at malagintong buhok d. b at c
24. Ang awit para “Kay Selya” ay naglalaman ng mga sumusunod maliban sa isa.
a. pangambang baka makalimutan ni Selya ang makata
b. mga alaalang pinagsaluhan nina Selya at ng makata
c. ang wagas na pag-ibig ng makata kay Selya
d. pagkawala ng pag-ibig ng makata kay Selya
25. Alin sa mga sumusunod ang labis na pinagsisisihan ni Balagtas na mahihinuha sa awit na “Kay Selya?”
a. pagtatapat ng kanyang tunay na nararamdaman
b. hindi paghingi sa mga kamay ni Selya
c. ang mga hirap at pawis na iginugol niya sa pagmamahal kay Selya
d. wala sa nabanggit
26. Ano ang pangunahing pinapaksa ng awit?
a. pag-ibig b. relihiyon c. kabayanihan d. lahat ng nabanggit
27. Ano ang kahulugan ng salitang nakadiin sa taludtod na “halos naghihirap ang kay Pebong silang?”
a. buwan b. mundo c. araw d. bituin
28. Saang bahagi ng kagubatan naroroon at nakagapos si Florante?
a. malapit sa ilog b. sa pinakagitna c. sa labasan d. sa unahan
29. Anong kulay ang mababanaag sa kagubatan?
a. lila at itim b. dilaw at puti c. berde at asul d. lahat ng nabanggit
30. Ano ang habilin ni Balagtas sa makababasa ng kanyang Florante at Laura?
a. huwag husgahan ang kanyang likha
b. basahin ito nang maigi upang maintindihan ang nilalaman
c. huwag na huwag babaguhin ang mga nakasulat dito
d. lahat ng nabanggit

C. Panuto. Isa-isahin ang mga sumusunod.

31-34. Himagsikang masasalamin sa Florante at Laura ayon Lope K. Santos

35-37. Tatlong babaeng inibig ni Francisco Balagtas

38-40. Mga pamagat ng tatlong unang bahagi ng Florante at Laura

41-45. Mga Tauhang Moro sa Florante at Laura

II. PROCESS

Panuto. Ilarawan ang mga sumusunod na tauhan batay sa nobelang Noli Me Tangere gamit ang isang talahanayan
(table). Gawin ito sa espasyo sa ibaba.

46. Florante 47. Laura 48. Konde Adolfo 49. Aladin 50. Flerida

III. UNDERSTANDING

Panuto. Sagutin ang sumusunod na katangungan?

51-55. Bakit naisulat ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura? Palawakin.

56-60. Bakit kinailangang maghabilin si Balagtas sa mga mambabasa? Palawigin ang sagot.

Good Luck!!!   

You might also like