Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XII
DIVISION OF COTABATO
ALEOSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
ALEOSAN, COTABATO

IKA-APAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 10 – MGA KONTEMPORARYONG ISYU

I.Pagpipili: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng
mga mamamayan sa buong mundo.
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa
sa mundo.

2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon

3. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban
sa isa. Ano ito?

A. Hanapuhay B. Turismo C. Edukasyon D. Tirahan

4.Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa kompanya sa kalapit na bansa.


A. Outsourcing B. Nearshoring C. Onshoring D. Offshoring

5. Ano ang migrasyon?


A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari
sa lugar na pinagmulan

6. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex
at gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex

7. Ano ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki?
A.Sex B. Gender C. Bi-sexual D. Transgender
8. Ang GABRIELA ay tumutukoy sa mga salitang - General Assembly ________ _________ for
Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action.
A. Because Women C. Binding Women
B. Believed in Women D. Broadcast about Women

9. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makasama ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Heterosexual B. Gay C. Homosexual D. Bisexual

10. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa
anumang pag uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit

II. Pagsusuri: Isulat ang salitang “PILIPINO” kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapahayag
ng pagkamamamayang Pilipino at “ HINDI” kung ito ay kasalungat.
Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Alamin kung ang nakasalungguhit na pangalan ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa sitwasyon.

11. Si Mark ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.
12. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Nyro na isang Australyano.
13. Si Smith na isang Amerikano ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas.
Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas.
14. Si Fatima ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina ay
Hapones.
15. Si Kapitan Ben ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang sumiklab ang
labanan ng Abu Sayaf at militar, siya ay tumakas kasama ang kaniyang pamilya.

III. Pagkilala: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang
sagot.

A. Jus sanguinis B. Jus soli C. Likas o katutubo D. Naturalisasyon


E. Saligang batas F. Polis G. Citizenship

16. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
17. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.
18. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga
magulang.
19. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
20. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa
ay sasailalim sa isang proseso sa korte.
A. Amnesty International B. Human Rights Action Center (HRAC)
C. Global Rights D. Asian Human Rights Commission (AHRC)
E. African Commission on Human and People’s Rights

21. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at
pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
22. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng
mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig.
23. Ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong
milyong katao.
24. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao at magbigay ng interpretasyon
sa African Charter on Human and People’s Rights.
25. Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan
ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan.

You might also like