Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Petsa: Pebrero 12, 2019

Asignatura: Pilipino 4

1:40 – 2:30 IV –Arroyo

Yunit 4-Aralin 20: Pagkakaisa sa Pagkakaiba

I. Layunin
Naayos sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento.

Pagpapahalaga: Pagsunod sa panuto, pagkilala sa magagandang tanawin sa Pilipinas

II. Nilalaman

Paksa: Pagsasaayos ng mga nakalahad na pangyayari upang makabuo ng kwento.

Sanggunian: TG, pp. 305 – 306


Diwang Makabansa, Batayang Aklat sa Pagbasa p.83-88
Diwang Makabansa, Manwal ng Guro, p.77-81
Kagamitan: tsart

III. Pamamaraan:

1. Pagganyak

Pangkatang Gawain: Tumawag ng 5 bata sa bawat pangkat at bigyan ng tig-iisang


larawan, at ipabuo ito ayon sa bilang ng nimutong itinakda.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga larawan.
a. Lima silang magkakasama, si Mang Julian, Aling Belen at tatlong anak.
b. Lahat sila ay masayang-masaya sa panunuod ng mga panuorin ng biglang bumuhos
ang malakas na ulan.
c. Isang araw ng Sabado, Namasyal ang mag-anak na Dela Cruz.
d. Kanya-kanya takbo ang mag-anak patungo sa kanilang sasakyan.
e. Umuwi silang may ngiti sa kanilang mga labi kahit sila ay inulan.

2. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad

Piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng salitang nakalimbag o


nakasalungguhit sa bawat pangungusap.

_______ Malamig ang klima sa Baguio kaya maraming nagpupunta roon kapag tag-
init.
(mga lugar, lagay ng panahon, mga halaman)
_______ Ang isang taong may mabigat na karamdaman ay lagging nababalisa.
(hindi mapalagay, maiinitin, mainit ang ulo)

2. Pagtatalakay

Anu-anong pagbabago sa ating bansa ang napansin nina Tiyo Bert at Tiya Emily?

3. Paglalahat

Itanong: Ano ang dapat tandaan upang makabuo ng isang kwento.


Sagot: Ang mga nakalahad na pangyayari ay dapat na wasto ang pagkakasunod
sunod upang makabuo ng isang kwento.

IV. Pagtataya

Iayos ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng kwento.


Unahan sa pagtatapos ng Gawain

______ nakita nila ang bagong malaking gusali sa Roxas Boulevard.


______ gustong gusto ni George sa tabing dagat.
_____ nakita nila ang mga ipinagbago sa Baguio.
_____ humanga si Tiyo Bert sa dinaraan nilang maluluwang na kalsada.

V. Takdang-Aralin

Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Lagyan ng


bilang na 1,2,3,4, at 5 ang patlang.

______ 1. Nang mahal na alkalde sa G. Lim, nag-isip siya ng proyektong


pakikinabangan ng mga mamamayan.
______ 2. Dumarayo pa ng malayo ang mga mamamayan kung may sakit.
______ 3. Kulang na kulang sa mga manggagamot ang nayon
______ 4. dating walang ospital ang nayon ng San Nicolas.
______ 5. Ang naisipan niyang proyekto ay ang pagtatayo ng ospital para sa mga
mamamayan
VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na 4 – Arroyo


nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na 4 – Arroyo
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ang remediation? 4 – Arroyo
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na 4 – Arroyo
magpapatuloy sa remediation.

You might also like