Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kasing-Kahulugan CSC Reviewer

Panuto: Piliin ang salitang-kahulugan ng salitang nakapahilig.


1. Nauulinigan ang pag-uusap ng grupo dahil sa lakas ng tinig nila.
nahihimigan
napakikinggan
nakikita
nararamdaman
2. Karapatan ng bawat batang Pilipino ang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga sa
kanya.
mag-aalaga
magsasaway
gagabay
tutulong
3. Nagugulumihan si Rochelle kung anong kurso ang kanyang kukunin sa kolehiyo.
nagtataka
natutuwa
nagpapasalamat
nalilito
4. Tigib na ng pasahero ang dyip nang ito ay umalis.
punung-puno
kulang-kulang
kakaunti
marami-rami
5. Hindi na nakapagpigil ang kaawa-awang katulong kaya ibinulalas ang sama ng loob
sa mapang-aping amo.
isinabi
inilahad
isinigaw
ibinulgar
6. Iminungkahi ang pagbabawal magtapon ng basura sa di-wastong lugar.
Ipinatupad
Inilahad
Isiniwalat
Kinalat
7. Madalas silang mapaaway dahil sa kanilang kapalaluan.
kalabisan
kayabangan
kagandahan
kasinungalingan
8. Pakiramdam niya ay labis-labis ang kanyang suliranin kung kaya siya ay maligalig.
matalino
masaya
magulo ang isip
malinaw ang isip
9. Maalwan lamang ang nararapat na dalahin ng isang bata.
magaan
maganda
malaki
maliit
10. Sa palihan nagagawa ang mga itak, espada at iba pang yari sa bakal.
palikuran
pamilihang-bayan
palengke
pandayan
11. Hindi mo dapat gawing katuwaan ang pagkutya sa kapwa.
pagsumbong
panunukso
pagtampo
pagkurot
12. Ang pag-eensayo ng banda ay nakabubulahaw.
nakaiinis
nakagugulo
nakatutuwa
nakababahala
13. Dapat kang magkamal ng salapi sa mabuting paraan lamang.
magmana
magnakaw
mag-ipon
maghanda
14. Ilan taon ding siniil ng mga dayuhan ang mga Pilipino.
tinago
inapi
tinimpi
pinalaya
15. Ang anumang alitan ay di dapat hayaang magtagal.
proyekto
pagkakaibigan
hiniram
di-pagkakasunduan
16. Laganap ang krisis kaya tayo ay dapat magtipid.
Kalat
Kapos
Limitado
Pantay
17. Madaling nababalino sa lihis na gawain ang mga kabataang laki sa lansangan.
natutuwa
namamalik-mata
nagaganyak
nakaiiwas
18. Maraming himutok ang mga manggagawa laban sa kanilang kumpanya gaya ng di
pagtaas ng kanilang sahod.
nais
balakid
kilos
reklamo
19. Walang minimithi ang iyong magulangkung di ang mabigyan ka ng magandang
kinabukasan.
dinadalangin
ninanais
ikinatutuwa
tinitiis
20. Iwasang sumugba sa alanganin.
lumusong
tumigil
lumayo
lumapit
21. Huwag mong pukawin ang batang nahihimlay.
libangin
palayain
pigilin
gisingin
22. Hindi ka dapat magmaktol kung ika’y napagsasabihan.
umiyak
magtampo
magdabog
lumayas
23. Tuwing Marso, ang puno ng mangga ay namumutiktik sa bunga.
maraming-marami
bilang na bilang
kakaunti
malalaki
24. Kumipot ang Maynila sa dami ng taong naninirahan dito.
Lumuwag
Lumaki
Sumikip
Lumiit
25. Patang-pata siya nang marating ang tuktok ng bundok Apo.
Pagod na pagod
Masiglang-masigla
Masayang-masaya
Hinayang na hinayang
Click the "Check Your Answers" button below to see your score.

You might also like