Panaghoy NG Gereo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panaghoy ng Gereo

Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di
nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang
umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya
nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na
malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.

Sa Harap ng Dalawang Leon

Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito
sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang
binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata
na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan
nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.

Ang Pagliligtas sa Lalaking Nakagapos

Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng
tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng
nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng
malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito
at kinalong ang binata.

Sa Kandungan ng Gerero

Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di
niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din
sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na
magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas.
Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.

Paglingap ng Gerero

Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa
isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay
nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing
magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang
binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.

Kamusmusan ni Florante

Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo
ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang
kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa
kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na
siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong
arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang
siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na
siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.

Ang Laki sa Layaw

Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang
bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay
maramdamin at di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na
mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

You might also like