Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Time Started: ________________ Time Ended: ________________

SCIENCE 3
Demo Lesson Plan
March 19, 2019

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipakikita ang pang-unawa sa iba’t-ibang uri ng anyong lupa at
kahalagahan nito sa tao at iba pang mga bagay sa kapaligiran.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naipapakita ang tamang pangangalaga sa anyong lupa sa kapaligiran.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nailalarawan ang mga anyong lupa.
2. Napahahalagahan ang iba’t-ibang anyong lupa.
3. Naiguguhit ang ilang anyong lupa.
II. NILALAMAN:
Kapaligiran
III. KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
178-179
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral
156-158

B. Mga kagamitan:
Mga larawan, kahon, paper strips, metacards, manila paper, Crayon

IV. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


A. ENGAGE
1. Pagwawasto ng Takdang Aralin
2. Balik-aral
Mga bata, sino sa inyo ang nakakatanda
ng pinag-aralan natin noong nakaraang
linggo? - Mga anyong tubig

Ano-ano ang iba’t-ibang anyong tubig? - ilog, dagat, lawa, lawa, bukal at iba pa.

3. Paghawan sa Balakid

Mga bata meron akong salita na nasa


metacard na bibigyan natin ng
kahulugan.
PATAG
Sino sa inyo ang nakakaalam kung ano - Pantay
ang patag?

NAGBUBUGA

Sino sa inyo ang nakakaalam kung ano - Naglalabas


ang nagbubuga?

4. Pagganyak

Mga bata, alam ba ninyo ang kantang


Leron-Leron Sinta?

Aawit tayo ng mga anyong lupa sa himig


ng Leron-Leron Sinta.

(Aawit muna ang guro pagkatapos


susundan naman ito ng mga bata)

Mga Anyong Lupa


Mga anyong lupa
Dito sa ating bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at Bulkan
Kay gandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan

Sige nga, tumayo tayong lahat at awitin


natin ang Leron-Leron Sinta. - (aawit ang mga bata)

Mga bata, ano ang pamagat ng kantang


inawit natin? - Mga Anyong Lupa

Ano-ano naman ang binabanggit sa


kanta? - Lambak, kapatagan, talampas at iba pa.

Ano ang tawag sa mga ito?


- Mga anyong lupa
Alin sa mga anyong lupa na nabanggit
ang Nakita na ninyo ng personal?
- (tanggapin ang sagot ng mga bata)

B. EXPLORE

Ngayon ay sama-sama nating tuklasin ang


mahahalagang bagay tungkol sa anyong
lupa.

Mga bata hahatiin ko kayo sa tatlong


pangkat. Pipili kayo ng lider sa bawat
pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
kani-kanilang gawain, pagkatapos iuulat ng
lider ang kanilang ginawa.

Bago natin simulan ang pangkatang gawain,


ano ang dapat tandaan habang ginagawa
ang pangkatang gawain?
- Unawain at sundin ang direksyon nang
maayos.
- Tahimik na gumagawa
- Makipag tulungan sa mga kasamahan.
(Meron lamang kayong limang minuto
upang matapos ito.)

Pangkat 1
Panuto: Ayusin ang mga titik upang makabuo ng
pangalan. Magbigay ng maikling
paglalarawan tungkol dito.

1. g a k p a a t a n

2. s a p t a m a l

3. m a b k a l

Pangkat 2
Panuto: Gumuhit ng bulkan at magbigay ng
maikling paglalarawan tungkol dito.

Pangkat 3
Panuto: Buohin ang larawan. Tukuyin ang
pangalan nito at magbigay ng maikling
paglalarawan tungkol dito.
C. EXPLAIN
Ngayon mga bata mag-uulat na ang bawat
grupo.

Pangkat 1
Panuto: Ayusin ang mga titik upang makabuo ng
pangalan. Magbigay ng maikling
paglalarawan tungkol dito.

1. g a k p a a t a n

Kapatagan
- Ang kapatagan ay patag at pantay na lupa.

2. s a p t a m a l

Talampas
- Ang talampas ay patag na lupa sa ibabaw
ng bundok.

3. m a b k a l

Lambak
- Ang lambak ay mababang lupain sa pagitan
ng dalawang bundok.

Pangkat 2
Panuto: Gumuhit ng bulkan at magbigay ng
maikling paglalarawan tungkol ditto.

Pangkat 3
Panuto: Buohin ang larawan. Tukuyin ang
pangalan nito at magbigay ng maikling
paglalarawan tungkol dito.

Burol
- Ito ay mataas na bahagi ng lupa at mas
mababa sa bundok.

Bundok
- Ito ang pinakamataas na anyong lupa.
Ano ang masasabi ninyo sa katatapos
lang na gawain? - Masaya
- Madali
- (tanggapin ang iba pang sagot)

D. ELABORATE
1. Pagtatalakay
(ididikit ng guro ang iba’t-ibang larawan
ng anyong lupa kasama ang kahulugan
nito.)

kapatagan
- Malawak at patag na lupain.

talampas

- Kapatagan sa itaas ng kabundukan.

lambak

- Patag at mababang lupain sa pagitan ng


dalawang bundok.
-

bulkan

- Nagbubuga ng mainit na usok at


kumukulong putik kapag sumasabog.

burol

- Maliit at mababa kung ihahambing sa


bundok.
bundok

- Pinakamataas na anyong lupa.

Pagpapahalaga
Mga bata, mahalaga ba ang anyong lupa?
Bakit? - Opo.
- Nakakadagdag ito ng ganda ng kapaligiran.
- Nagsisilbing taniman ng halaman.
- Nagbibigay ng hanap-buhay sa tao.
Dahil nakakatulong ang mga ito sa tao,
dapat ba natin itong pahalagahan?
Sa paanong paraan? - Opo.
- Pangalagaan ang kapaligiran ng mga
anyong lupang ito.
Paglalahat
Mga bata naunawaan ba ninyo ang ating
tinalakay?
Sino ang may tanong?
Tungkol saan nga ulit ang ating tinalakay? - Mga anyong lupa
Ano-ano nga ang iba’t-ibang uri ng anyong - Kapatagan, talampas, lambak, bulkan, burol
lupa? at bundok.
Ibigay nga ang katangian ng bawat isa. - Kapatagan- malawak at patag na lupain.
- Talampas- kapatagan sa itaas ng
kabundukan.
- Lambak- patag at mababang lupain sa
pagitan ng dalawang bundok.
- Bulkan- nagbubuga ng mainit na usok at
kumukulong putik kapag sumasabog.
- Burol- maliliit at mababa kung ihahambing
sa bundok.
- Bundok- pinakamataas na anyong lupa.

1. Paglalapat
(Ilalarawan ng mga bata ang mga
anyong lupa sa bawat bilang. Bubunot
ang bata ng paper strip sa loob ng kahon
at ididikit ito sa tapat ng anyog lupa na
inilalarawan)

1. kapatagan

2. talampas

3. lambak

4. bulkan 1. Malawak at patag na lupain.


2. Kapatagan sa itaas ng kabundukan.
5. burol 3. Patag at mababang lupain sa pagitan ng
dalawang bundok.
4. Nagbubuga ng mainit na usok at
6. bundok kumukulong putik kapag sumasabog.
5. Maliliit at mababa kung ihahambing sa
bundok.
6. Pinakamataas na anyong lupa.

E. EVALUATE
Panuto: Ilarawan ang mga anyong lupa na
isinasaad sa bawat bilang. Piliin
ang sagot mula sa kahon at isulat
ang titik ng tamang sagot.

a. Patag at pantay na lupa


b. Kapatagan sa itaas ng
kabundukan.
c. Patag at mababang lupain
sa pagitan ng dalawang
bundok.
d. Nagbubuga ng mainit na
usok at kumukulong putik
kapag sumasabog
e. Maliit at mababa kung
ihahambing sa bundok
Inaasahang Sagot:
1. Lambak 1. c
2. Kapatagan 2. a
3. Bulkan 3. d
4. Burol 4. e
5. Talampas 5. b

V. Takdang Aralin:

Panuto: Magtanong sa inyong magulang


ng iba pang anyong lupa na alam nila.
Iguhit ito sa kuwaderno. Ibahagi ito sa
klase.

Prepared By:

REGINE S. SUARILLA
Student Teacher

You might also like