Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Aklan Catholic College

Kalibo, Aklan

PANGUNAHING HINAING NG MGA MAG-AARAL NA NASA IKA-


APAT NA TAON SA ANTAS NG KOLEHIYO SA AKLAN
CATHOLIC COLLEGE

ni

Roxanne T. Maghinang
Preda A. Nanit
Jessa Mae B. Autencio
Dieza T. Estimado
Joralyn A. Canlog
Jielyn De Jose
Pebrero 2012
Page | 1
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy at mabigyang-pansin ang mga

hinaing ng mga mag-aaral ng Aklan Catholic College na nasa kanilang ika-apat na taon sa

kolehiyo at nag-ugat sa paglalayon ng mga mananaliksik na hindi lamang matukoy ngunit

mapag-isipan ng nararapat na tugon o solusyon at makapagbigay ng mungkahi sa mga

kinauukulan ng mga posibleng tugon sa mga hinaing na ito.

Isa pa sa mga layunin ng pag-aaral na ito ay ang mapukaw ang kaisipan ng mga

mag-aaral ng Aklan Catholic College na ang kanilang mga hinaing ay nararapat na para

sa ikabubuti ng nakararami at hindi para sa pansariling kabutihan lamang. Maaari rin na

sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mapakinggan at mabigyan ng katugunan ang

kanilang mga hinaing at kanilang malaman na sa pamamagitan ng wasto, masistema at

matalinong pamamaraan, magkakaroon ng solusyon ang kanilang mga suliranin sa halip

na magreklamo nang walang kapararakan.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang survey para sa mga mag-aaral ng

Aklan Catholic College na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo sa kadahilanang sila ang

nanatili ng pinakamatagal bilang mag-aaral ng institusyon. Sa

kadahilanang ito, nalalaman nila ang mga isyu na paulit-ulit na nagaganap o suliraning

hindi nawawala at nararanasan o kinakaharap ng mga mag-aaral sa bawat taon. Maaring

sila ay malapit nang magtapos ngunit sa pamamagitan ng pananaliksik na ito,

makapagiiwan sila ng malaking tulong sa susunod na henerasyon ng mga mag-aaral.

Page | 2
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

PAGKILALA

Ang mga mananaliksik ay nagpaparating ng pasasalamat sa mga sumusunod na

indibidwal at mga institusyon para sa kanilang napakahalagang pagtulong at suporta para

sa tagumpay ng pananaliksik na ito.

Makapangyarihang Panginoon, para sa kanyang patuloy na pagbibigay ng mga

biyaya at paggabay;

Pamilya Maghinang, Nanit, Autencio, Estimado, Canlog at De Jose, para sa

kanilang pagmamahal at walang sawang pagsuporta;

Ginoong Darren Naelgas, para sa pagkakataon ng matuto hindi lamang sa

pagsasaliksik ngunit maging sa pagkamulat ng aming mga mata sa mga suliraning

kinakaharap ng mga mag-aaral ng Aklan Catholic College at posibilidad na makatulong

sa pamamagitan ng pagiging instrument upang mabatid ng mga kinauukulan ang mga

suliraning ito at mabigyan ng katugunan;

Ginang Margie Morales, para sa kanyang pagbabahagi ng kanyang kaalaman

tungkol sa Filipino at sa pagsasaliksik;

Aming mga kamag-aral, para sa masasayang sandal at mga kaganapan na nagging

dahilan upang ang karanasang ito ay

maging kaaya-ayang alaala na aming babalik-balikan sa hinaharap;

Aklan Catholic College, para sa mga pasilidad at pagkakataon na matuto at

nagging dahilan ng pagiging matagumpay ng pananaliksik na ito.

Page | 3
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

TALAAN NG NILALAMAN

Abstract
Pagkilala
Talaan ng Nilalaman

Kabanata 1:
Introduksiyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5
Paglalahad ng Suliranin at Ipotisis . . . . . . . . . . . 6
Teyoryang Balangkas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8
Paggawa ng Balangkas . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9
Katuturan ng mga Kahulugan . . . . . . . . . . . . . . . 9
Saklaw at Limitasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . .12

Kabanata 2:
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura . . . . . . . . .12

Kabanata 3:
Methodolohiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .13

Kabanata 4:
Implementasyon at output . . . . . . . . . . . . . . . . 14

Kabanata 5:
Insights and Recommendations . . . . . . . . . . . . . .50
References . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .52

Page | 4
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

INTRODUKSIYON

Ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga suliraning kinakaharap maging ng

indibidwal man o isang institusyon katulad ng paaralan ay napakalaki. Araw-araw ay

maraming pagbabago sa ating kapaligiran at upang manatiling matagumpay ang isang

institusyon ay nararapat na patuloy na dumaan din sa mga pagbabago na maglilinang sa

taglay nitong mga katangian upang makasabay sa agos ng panahon at mapagtagumpayan

ang mga pagsubok sa katatagan nito.

Napakaraming elemento ang dapat na suriin upang matukoy ang mga suliranin ng

isang institusyon: mga pasilidad, mga kagamitan, mga manggagawa, mga

establisyementong nakapaligid, ang kinalalagyan ng institusyon at ang isa sa mahalaga

kung hindi man ang pinakamahalaga: ang mga parukyano, o sa kalagayang ito, ang mga

estudyante.

Bilang mga mag-aaral, ang maghapon ay karaniwang lumilipas sa pagpasok sa

mga klase, paglalagi sa loob ng paaralan sa kanilang mga bakanteng oras, paggamit ng

mga pasilidad at kagamitan sa paaralan na maaaring makatulong hindi lamang sa pang-

akademikong mga pangangailangan ngunit maging sa kanilang ikagiginhawa upang

magampanan nang husto ang kanilang mga tungkulin bilang estudyante. Isa pang

pinaggugugulan nila ng panahon ay ang pakikisalamuha at pakikitungo sa kanilang

kapwa kamag-aral, sa mga guro, administrador at iba pang kawani ng institusyon.

Page | 5
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

Ang suliranin ay natural na pinagdadaanan ng isang tao. Ang mga mag-aaral ay

may kanya-kanya ring pinagdadaanang pagsubok sa buhay at mga suliranin sa kanilang

pang-araw-araw na buhay estudyante. Ang mga suliranin na ito ay karaniwang maririnig

sa mga estudyante ngunit karaniwan ay nagtatapos na ito sa kanilang mga hinaing sa

kanilang mga kaibigan at kamag-aral.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang mga hinaing na

iyon at maiparating ito sa kinauukulan. Kasama na ng layuning ito ang maturuan o

maimulat ang mga mag-aaral sa tamang paraan ng paghahatag ng hinaing at wastong

paraan ng pagbibigay ng mga suhestiyon upang hindi ito maging pagaaksaya lamang ng

panahon at pagod, sa halip ay maging isang prosesong may patutunguhan.

Makatutulong sa pagiging produktibo ng isang mag-aaral ang pagkakaroon ng

maginhawang kalagayan at pagkakaroon ng maraming oportunidad na matuto o umunlad

bilang isang estudyante o isang indibidwal. Ang paaralan ay isang institusyon kung saan

maaaring matagpuan ang mga ito.

Patutunayan din ng pananaliksik na ito ang hindi masusukat na kahalagahan ng

komunikasyon tungo sa pagbabago na magbibigay-daan tungo sa pag-unlad at tagumpay.

Ang pananaliksik na ito ay hindi naglalayon na humanap ng kapintasan ng Aklan

Catholic College ngunit upang humanap pa ng ibang paraan upang ito ay mas maging

matagumpay sa mga layunin nito na mag-produce ng “Authentic Competent Christians”.

Page | 6
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT IPOTISIS

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa mga pangunahing hinaing ng

mga mag-aaral ng Aklan Catholic College na nasa kanilang ika-apat na taon ng kolehiyo

sa nasabing institusyon sa taong 2011-2012. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang

sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga pangunahing hinaing ng mga mag-aaral ng Aklan Catholic

College na nasa ika-apat na taon?

2. Ano ang epekto ng mga suliraning ito sa mga estudyante?

3. Kanino dapat iparating ang mga hinaing na ito?

4. Paano mabibigyan ng solusyon ang mga hinaing na ito?

TEORYA NG BALANGKAS
Napakalaki ng epekto ng kalagayan ng lugar kung saan ang proseso ng pag-aaral

ay nagaganap. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga hinaing ng mga mag-aaral ng

ACC na nasa ika-apat na taon tungkol sa kanilang paaralan. Ang pananaliksik na ito ay

nababatay sa sumusunod na teorya:

SOCIAL LEARNING THEORY – ALBERT BANDURA

Ayon sa Social Learning Theory ni Albert Bandura, ang mga indibidwal ay

natututo mula sa kanyang mga naoobserbahan sa kanyang paligid. Bukod sa mga

direktang itinuturo sa paaralan, nakakapulot din ng kaalaman at pag-uugali ang isang

Page | 7
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

indibidwal ayon sa mga sinasabi, ginagawa at ipinapakita ng mga tao sa kanyang paligid.

Sa isang paaralan, kadalasan na tinitignan o itinuturing na modelo ang mga guro.

SOCIAL DEVELOPMENT THEORY – LEV VYGOTSKY

Ayon sa teoryang ito, ang pakikisalamuha at interaksyon ng isang indibidwal sa

mga tao sa kanyang paligid ay may malaking naitutulong sa pag-unlad ng pag-iisip at

kakayahan niya. Dahil ditto, nararapat na mabigyan sila ng sapat na oportunidad at mga

karanasang magtuturo sa kanila na maging mabuting tao at maging kritikal sa pagpili ng

mga kaalaman na dapat nilang gamitin sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay

maaaring maibigay ng paaralan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng makabago at

epektibong mga pasilidad at napapanahon at naaangkop sa sitwasyon na kurikulum,

masikap at malikhaing mga propesyunal na gagabay sa mga mag-aaral na magiging

instrument upang ang proseso ng pag-aaral ay maging epektibo at kapaki-pakinabang.

SITUATED LEARNING THEORY – LAVE

Ang edukasyon ay binubuo ng kultura, mga gawain at sitwasyon. Ang edukasyon

ay karaniwang nangyayari lamang nang hindi pinaplano. Bukod sa mga itinuturo sa atin

sa mga asignaturang akademiko, natututunan natin ang maraming bagay tungkol sa iba’t

ibang kultura, pag-uugali at paniniwala ng mga taong ating nakakasalamuha at napapag-

aralan , mga gawain na ibinibigay ng ating mga guro kung saan hindi lamang tayo

natututo sa magiging produkto kundi maging sa proseso at sa mga sitwasyong ating

pinagdadaanan. Ang lahat ng ito ay makikita at maaaring matutunan sa paaralan. Dahil


Page | 8
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

dito, nararapat lamang na tayo ay maging kumportable at magkaroon ng tiwala sa

institusyong ating pinapasukan upang maging ganap ang proseso ng edukasyon at maging

matagumpay ang pag-aaral.

PAGGAWA NG BALANGKAS

Mga Pangunahing
Hinaing ng mga Mag- Pakikipag-
Solusyon
aaral ng Aklan komunikasyon sa
Catholic College na Kinauukulan
nasa ika-apat na taon

KATUTURAN NG MGA KAHULUGAN

Pangunahing hinaing. ito ay nagbibigay kahulugan sa pangunahing saloobin o reklamo na


nais magkaroon ng solusyon.

Kultura. ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao

mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan

.Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao

sa mundo.

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kultura

Gawain. ang gawain ay tumutukoy sa isang tungkulin na dapat gampanan.

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_gawain

Page | 9
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

Sitwasyon. ang gawain ay nangangahulugan ng kalagayan.

http://mymemory.translated.net/s.php?q=situation&sl=en-GB&tl=tl-PH&sj=all

Modelo. tumutukoy sa pagiging huwaran.

http://mymemory.translated.net/s.php?q=model&sl=en-GB&tl=tl-PH&sj=all

Page | 10
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang mga pangunahing hinaing ng mga

estudyanteng nasa ika-apat na taon ng kolehiyo sa Aklan Catholic College tungkol sa

iba’t bang sangay at aspeto ng institusyon.

Ang pananaliksik na ito ay kapaki-pakinabang para sa mga:

1. TAGAPAMAHALA NG PAARALAN. Sa pamamagitan ng pananaliksik na

ito ay matutukoy at malalaman ng mga tagapamahala ng paaralan ang

saloobin ng mga mag-aaral at maaaring matukoy kung ang mga ito ay

makatuwiran at maaaring masolusyunan o kailangan lamang ng paglilinaw

upang maunawaan ng mga estudyante ang mga rason sa likod ng mga isyung

ito.

2. MGA GURO. Malalaman ng mga guro kung ano ang mga ekspektasyon at

mga ninanais ng mga mag-aaral na pagbabago sa kanilang pagtuturo at

makapagbibigay ng karagdagang puna o ebalwasyong makapagpaparating sa

kanilang kaalaman kung ang kanilang istilo ng pagtuturo ay epektibo mula sa

pananaw ng mga estudyante.

3. MGA EMPLEYADO NG ACC. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay

ng papuri o puna ayon sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa serbisyo ng iba

pang empleyado ng ACC bukod pa sa mga miyembro ng faculty. Maaari itong

Page | 11
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

maging batayan kung ang kanilang pamamaraan ay sapat o kung ito ay

nangangailangan pa ng ibayong pagbabago.

4. MGA OPISYAL NG SUPREME STUDENT GOVERNMENT. Sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring matukoy ang mga hinaing ng

mga mag-aaral na nangangailangan ng tugon o solusyon na maaaring maging

batayan ng mga susunod na proyekto ng organisasyon.

5. MGA MAG-AARAL. Ang pananaliksik na ito ay mapayapa, matalino at

maayos na paraan ng pagpaparating ng kanilang mga hinaing sa kinauukulan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga pangunahing hinaing ng mga mag-

aaral na nasa ika-apat na taon ng kolehiyo sa Aklan Catholic College. Ang pangunahing

layunin ng pananaliksik na ito ay ang pagtukoy sa mga suliraning ito sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng isang survey.

Page | 12
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

ISANG PAGSASALIKSIK NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON NG

MATAAS NA PAARALAN UKOL SA SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA DAMI

NG TAKDANG-ARALIN ARAW-ARAW SA TAONG PAMPAARALAN NG HOLY

ANGEL 2008-2009

Ayon sa isa sa mga unang pananaliksik sa institusyon ng Holy Angel,

napakahalaga ng oras lalo na sa isang mag-aaral. Napakalaki ng maaaring maitulong nito

o mapinsala depende sa paggamit nito.

Inilahad din nito ang kahalagahan ng pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-

aaral. Bukod sa pang-akademikong benepisyo ay sinasabing ito rin ay magtuturo sa mga

mag-aaral kung paano pamamahalaan ang kanilang mga oras at pati na rin ng pagiging

responsible.

Isa sa mga hinaing ng mga mag-aaral ay ang hirap na kanilang pinagdadaanan sa

tuwing magkakasabay-sabay ang pagbibigay ng takdang-aralin ng kanilang mga guro. Ito

ay nakapagdudulot ng stress sa kanila at kadalasan ay mas nabibigyan ng pansin at

panahon ang ibang asignatura depende sa interes ng mga mag-aaral o sa kanilang guro sa

mga asignaturang iyon. Maaari ring nagiging dahilan ito ng kakulangan sa tulog at

pahinga ng mga mag-aaral, pati na rin sa hindi nila pagkain sa tamang oras.

Ang naging konklusyon ng nasabing pag-aaral ay ang pagtutol ng mga mag-aaral

sa sunod-sunod o sabay-sabay na

Page | 13
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

pagbibigay ng mga guro ng takdang aralin. Sila ay naniniwala na ito ay masyadong

magpapahirap sa kanila at sumasalungat sa tunay na layunin ng pagbibigay ng takdang-

aralin na mapabuti ang kanilang estadong pang-akademiko.

Page | 14
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng apat na proseso. Ang

unang proseso ay ang pagsasagawa ng isang survey kung saan aalamin ang pananaw ng

mga mag-aaral ng Aklan Catholic College na nasa ika-apat na taon ng kolehiyo. Ito ay

isang uri ng ebalwasyon kung saan may mga ibinibigay na pagpipilian ayon sa kanilang

pagtitimbang sa iba’t ibang aspeto ng ACC at mga serbisyong inihahatag nito. Maliban

dito, mayroon din silang kalayaan na magdagdag ng iba pang komento. Ang ikalawang

proseso ay ang pagsusuma ng mga sagot na ibinigay ng mga mag-aaral. Ikatlo ay ang

pagbibigay kahulugan sa mga istatistikang nakalap, napili at naiayos ayon sa dami ng

mga mag-aaral na nagbigay ng mga naturang sagot. Ang huling proseso ay ang

pagbibigay ng rekomendasyon ukol sa paraan kung paano matutugunan o mareresolba

ang mga ito.

Page | 15
Aklan Catholic College
Kalibo, Aklan

Basahin ang mga sumusunod, lagyan ng tsek ang patlang sa ilalim ng numerong
nagsasaad ng inyong opinyon.

5- Lubos na kasiya-siya

4- Kasiya-siya

3- Mahusay

2- Katanggap-tanggap

1- Kailangan ng pagbabago

5 4 3 2 1

1. Pasilidad ng Paaralan _ _ _ _ _
2. Kalinisan at Kaayusan ng Paaralan _ _ _ _ _
3. Pagkakaroon ng mga makabagong kagamitan _ _ _ _ _
4. Pagiging kompetitib ng Faculty _ _ _ _ _
5. Kalidad ng pagtuturo _ _ _ _ _
6. Lebel ng pagtuturo _ _ _ _ _
7. Kakayahan ng mga Guro sa pagtuturo _ _ _ _ _
8. Performance ng mga non-teaching employee _ _ _ _ _
9. Seguridad ng Paaralan _ _ _ _ _
10.Natatamo ang nais na serbisyo sa mga departamentong tulad ng
Business Center, Finance, Registrar at iba pa. _ _ _ _ _

Suwestiyon/ Rekumendasyon:

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Page | 16

You might also like