Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jose Rizal 1998: (Reaction paper)

Ang pelikulang Jose Rizal na pinangunahan ni Cesar Montano ang siyang nagmulat sa ating mga mata’t
isipan patungkol sa labis na pagpapahirap at pagsakop sa atin ng mga Espanyol sa loob ng mahabang
panahon. Masasaksihan dito ang buhay ng ating pambansang bayani na si Rizal mula sa kaniyang
pagkabata, pag-aaral, at paghihirap upang matamo ang kalayaan sa pagsulat maging sa kaniyang buhay
na naging laman ng ating kasaysayan. Ipinakilala tayo ng pelikulang ito sa buhay ng mga Pilipinong
sinusupil o inaapi sa ilalim ng pamumuno ng mga Paring Espanyol. Ito ay isang nakatutuyang pelikula na
naglalarawan sa paghahari ng Espanya sa Pilipinas. Nakikita natin ang mga eksena mula sa tunay na
buhay ni Rizal at mula naman sa kaniyang imahinasiyon o alter-ego (pangalawang sarili).

Sa kabuuan, ang Jose Rizal (1998) ay isang kapuri-puring pelikulang may mga magagaling na actor at
paglipat o pagbabago-bago ng mga eksena. Ang pelikula ay sumasaklaw sa buhay ni Rizal mula sa
kaniyang pagkabata hanggang sa pagtanggap niya sa parusang kamatayan noong huli nang ika-19 na
siglo. Tayo rin ay dinala sa mundo ng mga nobela ni Rizal kung kaya’t ating nasilip kung paano niya
nakikita ang lipunang Pilipino sa ilalim ng pang-aapi ng mga Espanyol. Ginawa nilang madali para sa akin
na maunawaan ang istorya. Ang ilang mga eksena ay brutal at hindi angkop sa mga bata, tulad na
lamang noong sinubukan ng Espanyol na pari gamitin ang kanyang kapangyarihan upang gahasain ang
isang dalagang pilipina. Mailalarawan ko ito bilang melodrama at makasaysayan. Mayroong mga
nakakatawa, nakakaiyak, pighati at pagkamuhi na pangyayari na siguradong iyong magugustuhan.

Kung hindi tumayo si Rizal para sa atin ay siguro hawak pa rin tayo ng mga mapaniil na Espanyol. Sa
pamamagitan ng tapang at talino ni Rizal, ay napalaya niya ang ating bansa mula sa tatlong siglong
pananahan ng kasamaan sa ating bansa. Labis akong humahanga kay Dr. Jose Rizal dahil sa kaniyang
katapangan hindi dahil sa kaniyang lakas, kundi dahil sa kaniyang kumpiyansang taglay upang isulat ang
lahat ng kasakiman ng mga Espanyol at ikalat ito sa buong mundo. Isang marangal na tao si Jose Rizal.
Ang kaniyang mga salita’t pangako ay kanyang naisakatuparan. Ang kaniyang pagmamahal sa sariling
wika’t bansa ay walang katumbas.

Napagtantuhan kong mas mabisang panlaban ang panulat kaysa sa paggamit ng dahas. At sa
pamamagitan ng edukasyon napapangaralan ang mga Pilipino tungkol sa tunay na nangyayari sa
kanilang paligid at sila’y nagkakaroon ng pagkakataon na ihayag ang kanilang sarili.

Sa kabila nito, tayo’y patuloy na nabubuhay, salamat sa ating mga ninunong nakipaglaban para sa ating
kalayaan. Bilang isang kabataan, ay paghuhusayin ko ang bawat kilos na aking gagawin. Hindi sila
namatay para sa wala ngunit para sa atin. Kahit si Rizal ay naniniwala na ang kabataan ang pag-asa ng
bayan.

You might also like