Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa lahat ng mga Pilipino, sa isip, sa puso, sa salita at sa gawa at sa lahat ng mga

mamayanan ng Pilipinas na may pusong makabayan. Isang magandang hapon po sa


inyong lahat. Pinapangarap ko ang maunlad at magandang Pilipinas na paninirahan
ng bawat Pilipino sa ating bansa. Subalit bakit ngayon? Laganap pa rin ang
kahirapan. Kitang-kita pa rin ang mukha ng kahirapan sa ating bansa. Kahirapan, na
makikita sa mga taong nakatambay, nagchichismisan, walang ginagawa. Sapagkat
wala raw trabaho. Walang makitang oportunidad dito sa Pilipinas kaya’t
kinakailangan pa na pumunta sa iba’t ibang mga bansa kung saan mas maunlad
kaysa sa ating bansa. Sinasabi ng pamahalaan ang sagot daw “RH Bill” RH Bill na
magpapaunti ng ating populasyon. RH Bill na magpapaunlad sa ating bansa. RH Bill
daw ang paraan upang magkaroon tayo ng mas magandang Pilipinas. RH Bill na
magtuturo sa kabataan ngayon ng tamang sex education at ng tamang paraan sa
pagpaplanong pamilya. Subalit ano ba ang pananaw ng simbahan? Sinasabi nila na
kailangan ng natural, natural na paraan ng pagpapaunlad sa ekonomiya. Ano nga ba
ang tama? Ano nga ba ang kailangan natin? Sinasabi rin ng simbahan na kailangan
nating mga Pilipino ng disiplina. Disipina sa ating mga sarili. Kitang-kita naman natin.
Pumunta kayo sa EDSA, sa Commonwealth, makikita niyo mga taong tumatakbo sa
lansangan. Kahit nakalagay na “Nakamamatay!”. Nakikipagpatintero pa rin sa mga
sasakyan. Nasaan ang disiplina doon? Nasaan ang Pilipinas? Nasaan ang disiplina sa
ating mga Pilipino? Kaya’t sinasabi ko sa inyo lalo na sa kabataang pag-asa ng bayan.
Kayo, Kayo ang susunod na henerasyon na magpapaunlad sa ating bansa. At ang
kailangan niyo, disiplina. Aanhin pa ang RH Bill kung sige lang nang sige ang mga
mamamayan? Kung pasok lang ng pasok sa kung saan-saang desisyon? Aanhin pa
ang RH Bill kung wala rin disiplina? Kaya’t tayo na mga kabataan. Tayong mga
Pilipino. Uunlad din ang Pilipinas. Uunlad din ang ating bansa. Sa pamamagitan ng
disiplina sa bawat isa sa atin, sa pamamagitan ng kabataan na susunod na lider ng
ating bansa, sana’y disiplina ang tumatak sa inyong mga puso. Disiplina ang
papairalin sa lahat ng mga mamayanan ng Pilipinas. Uunlad ang Pilipinas sa
pamamagitan ng disiplina. Tayo na, tayo na kabataan, tayong Pilipinas at tayong mga
Pilipino ang mangunguna at magiging mga bayani ng ating mundo. Magandang
hapon at nawa’y mapasainyo ang pusong makabayan ng bawat Pilipino.

You might also like