Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MARIGONDON NATIONAL HIGH SCHOOL

MARIGONDON PIO DURAN, ALBAY


IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Pangalan: __________________________________________ Petsa: ___________________ISKOR______________________
I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa PATLANG ang titik ng tamang sagot.
______1. Isang obra maestro ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang Latin na
nangangahulugang.
a.Huwag Mo Akong Apihin b.Huwag Mo Akong Galitin
c.Huwag Mo Akong Linlangin d. Huwag MoAkong Salingin
______2. Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a. Iliad & Odyssey b.Les Miserables c.Pride & Prejudice d.Uncle Tom’s Cabin
______3. Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa kanyang buhay.Sino sa mga
tauhan ang kumakatawan sa kanyang kapatid na si Paciano na madalas niyang hingan ng payo?
a.Don Rafael Ibarra b.Kapitan Tiyago c.Pilosopo Tasyo d.Tinyente Guevarra
______4. Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero,”ang kwento ni Tinyente
Guevarra kay Crisostomo.Alin ang kahulugan ng salitang “erehe”?
a.isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan
b.isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
c.isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
d.isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan
______5. Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa?
a.pagkakakulong ng dalawang anak b.pagkamatay ni Crispin
c.pagkawala ng dalawang anak d.pagpaparusa kay Basilio
______6. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nag-aral sa Europa at nangarap na makapagtayo ng bahay-
paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
a. Elias b. Crisostomo Ibarra c. Andeng d. Lucas
_______7. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa .a. GOMBURZA b. kasintahan c. pamilya d. Inang Bayan
_______8. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV b. Kanser c. Dengue d. Tuberculosis
_______9. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay ___.
a. mangmang b. tamad c. erehe d. indiyo
_______10. Ito ay ang kalagayan na kung saan itinatakwil o itinitiwalag mula sa simbahang katoliko ang isang
makasalanang tao. a. Indulgencia b. Excomunion c. Reverencia d. Erehe
_______11. Ang paring nag-utos kay Kapitan Tiyago na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib ni Maria
Clara kay Ibarra. a. Padre Damaso b. Padre Martin c. Padre Sibyla d. Padre Salvi
_______12. Isa itong uri ng makina na walong metro ang taas at tinutukuran ng apat na malalaking troso na
pinagkabit-kabit sa tuktok ng malalaking pako. Ginagamit itong pambuhat ng mabibigat na bagay.
a. Panghugos b. Telegrama c. Agnos d. Onsa
_______13. Sila ang mga tauhan ng Noli Me Tangere na nagpapakita ng Kaisipang Kolonyal (Colonial
Mentality).
a. Maria Clara, Crisostomo Ibarra, Elias b. Don Filipo, Don Saturnino, Don Rafael
c. Donya Consolacion, Donya Victorina, Kapitan Tiyago d. Sisa, Crispin, Basilio
_______14. Mga taong kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego.
a. Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiyago b. Pilosopo Tasyo at Don Filipo
c. Gobernadorcillo at Kapitan ng bayan d. Kura paroko at Alperes
_______15. Ang huling pag-ibig ni Jose Rizal ay si ___.
a. Josephine Bracken b. Leonor Rivera c. Segunda Katigbak d. Maria Clara
_______16. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere ___.
a. Paciano Rizal b. Ferdinand Blumentritt c. Maximo Viola d. Valentin Ventura
_______17. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
a. pampolitika b. panrelihiyon c. panlipunan d. pampamilya
_______18. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, maraming tunggalian, at
masalimuot ang mga pangyayari. a. sanaysay b. nobela c. maikling kwento d. dula
_______19. Kaibigang Aleman ni Rizal na pinagpaliwanagan niya ng kanyang layunin kung bakit isinulat ang
nobelang Noli Me Tangere.
a. Ferdinand Blumentritt b. Andres Bonifacio c. Maximo Viola d. Valentin Ventura
_______20. Petsa ng kapanganakan ni Jose Rizal.
a. Hunyo 19, 1861 b. Hunyo 19, 1862 c. Hunyo 20, 1861 d. Hunyo 20, 1862
_______21. Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal sa Calamba, sa gulang na walang taon lamang.
a. Sa Aking mga Kabata b. Ang Aking Huling Paalam
c. Isang Alaala ng Aking Bayan d. Sa Kabataang Pilipino
_______22. Alin sa mga sumusunod na kanser ng lipunan ang HINDI ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere?
a. Pananakot ng mga prayle sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan.
b. Kawalang pansin sa kahalagahan ng edukasyon
c. Pang-aabuso sa mga kababaihan
d. Pagpapautang nang may patubo sa kapwa
________23. Tawag sa larong pinagkakaabalahan ng mga kadalagahan at kabinataan sa lugar ng piknik.
a. Patintero b. Gulong ng kapalaran c. Luksong-lubid d. Palo Sebo
________24. Ang sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara ng Noli Me Tangere.
a. Segunda Katigbak b. O-Sei San c. Nelly Bousted d. Leonor Rivera
________25. Ang unang bahagi ng Noli Me Tangere ay naisulat sa taong 1884 sa bansang ___.
a. Madrid, Spain b. Berlin, Germany c. Paris, France d. Tokyo, Japan
________26. Pinalitan ng Mercado ang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador
Narciso Claveria na nag-aatas na gamitin ng lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849. Ang Mercado ay
nangangahulugang .a.palengke b.pera c.talino d.yaman
________27. Samantalang ang apelyidong ‘Rizal’ ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang pamilya sa bisa rin
ng kautusan ni Gobernador Claveria noong 1849 na nangangahulugan naming.
a.katalinuan b.luntiang bukid c.pagsasaka d.palengke
________28. Ang Noli Me Tangere ang binubuo ng ___ na Kabanata. a. 34 b. 44 c. 54 d. 64
________29. Alin sa mga sumusunod na elemento ng nobela ang tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa nobela? a. Banghay b. Tagpuan c. Tema d. Pananaw
________30. Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog?
a. Alejandro G.Abadilla b.Lope K.Santos c.Pascual Poblete d.Virgilio Almario
II. Tukuyin kung sinong tauhan ang nagwika ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
a.Basilio b.Elias c.Pilosopo Tasyo d.Tinyente Guevarra e. Tiya Isabel
____1. “Ang mga taong kinamumuhian ay hindi lamang ang mga kriminal kundi maging ang mga may
magandang kalooban.”
____2. “Makikiusap po ako kay Don Crisostomo Ibarra na gawin akong tagapastol ng kanyang mga hayop
at hihingi po ako ng kapirasong lupa upang sakahin.”
____3. “Ang pagpipyesta ay paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang .”
____4. “Ikinagagalak kong makilala ang anak ng itinuturing kong pinakamarangal na tao sa bayan ng San
Diego.”
____5. “Ang pagpapalit ng kasintahan ay hindi parang nagpapalit lamang ng damit.”
III. Kilalanin kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

Sisa Tinyente Guevarra Alfonso Linares Basilio


Alperes Pia Alba Padre Salvi Gumamela
Tribunal Rosas Kapitan Nobyembre 11
Heneral
Padre Damaso Crispin Nobyembre 10 Tiya Isabel
Don Tiburcio Nol Juan Kapitan Tiyago Padre Martin
_______________ 1. Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay kaagad matapos na maisilang niya ito.
_______________ 2. Mapanghusgang kurang napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na
panahon sa San Diego.
_______________ 3. Sunud-sunuran sa mga prayle sa paniniwalang ang mga Kastila ay karapat-dapat pag-ukulan
ng paggalan at pagpapahalaga.
_______________ 4. Bagong kura ng San Diego na pumalit kay Padre Damaso.
_______________ 5. Binatang nanggaling mula sa Europa na inireretong makasal kay Maria Clara.
_______________ 6. Pinuno ng mga gwardiya sibil at asawa ni Donya Consolacion.
_______________ 7. Tagapangasiwa sa pagpapatayo ng bahay-paaralan ni Crisostomo Ibarra.
_______________ 8. Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.
_______________ 9. Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas na gumawa ng paraan upang maalisan ng pagka-
excomunion si Ibarra.
_______________ 10. Ina ni Basilio at Crispin na minalas na nakapag-asawa ng lalaking iresponsable.
_______________ 11. Ang nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at
mayayaman sa bayan ng San Diego.
_______________ 12. Bulaklak na inihalintulad ni Pilosopo Tasyo sa pananaw ni Crisostomo Ibarra.
_______________ 13. Ang sakristan na napagbintangang nagnakaw ng dalwang onsa o halagang P32.00.
_______________ 14. Petsa kung kalian ipinagdiriwang ng taumbayan ang bisperas ng pista sa San Diego.
_______________ 15.. Kastilang napangasawa ni Doña Victorin na nagpapanggap na doktor ng medisina at
espesyalista sa lahat ng sakit.
IV-Isulat sa PATLANG ang titik ng tamang sagot.
_________1.Bakit napalunok si Padre Manuel Martin nang simulan ni Padre Damaso ang sermon?
a) Dahil masakit ang kanyang lalamunan sa ginawang misa nang nagdaang araw
b) Sapagkat nangangamba siya na baka magkamali si Padre Damaso sa kanyang ibibigay na sermon
c) Dahil mas mahusay ang ginawang panimula ni Padre Damaso kaysa sa kanya
d) Sapagkat napamangha siya sa dami ng taong dumalo sa misa
_________2.Ano ang dalawang bahagi ng sermon ni Padre Damaso?
e) Ang unang bahagi ay sa wikang Tagalog at ang ikalawa ay sa wikang Kastila.
f) Ang unang bahagi ay sa wikang Kastila at ang ikalawa ay sa wikang Tagalog.
g) Ang unang bahagi ng sermon ay binatay sa Lumang Tipan at Bagong Tipan.
h) Ang unang bahagi ng sermon ay para sa mga Kastila at ang ikalawa ay para sa mga Pilipino.
_________3.Ano ang tawag sa pambungad na bahagi ng sermon na ginawa ni Padre Damaso?
a)Misa cantada b)Exordio c)Himno d)Salmo
_________4.Sa halip magdasal si Padre Damaso, ano ang kanyang ginawa?
a.Nagalit sa isang babaing nagsisigaw c.Kumain ng minatamis at uminom ng alak
b.Umakyat sa pulpito upang masdan ang mga tao d.Kinagalitan niya ang prayleng nagdikta ng
sermon
________5.Bakit hindi naghanda si Padre Damaso sa ikalawang bahagi ng kanyang sermon?
a.Nagkulang ang kanyang oras sa paghahanda b. Dahil mahusay na siyang bumigkas ng wikang
Tagalog
c.Dahil ipinalagay niyang walang alam sa pagbigkas ang mga Pilipinong nakatira sa lalawigan
d.Dahil alam naman niya ang kanyang sasabihin na nauukol sa mga Pilipino at Kastila
________6.Bakit nakatulog si Kapitan Tiago habang nagsesermon si Padre Damaso?
a.Siya ay nagnilay-nilay hanggang sa nakatulog b.Napuyat kasi siya sa nagdaang pista ng San Diego
c.Mahaba ang sermon ng pari kaya siya nakatulog d.Napakain siya nang marami kaya hindi
maiwasang makatulog
________7.Ano ang ginawa ni Hermana Pule nang napayukayok sa kanya ang isang lalaking natutulog?
a.Hinampas ng abaniko ang lalaki b.Siniko ang kamay ng lalaki para magising
c.Kinagalitan at sinigawan niya ang lalaki d.Tinulak ang lalaki sa kinauupuan nito
________8.Ayon kay Padre Damaso, ano ang dapat gawin ng mga tao sa mga excomulgado?
a.Iwasan sila at huwag tularan b.Itakwil dahil sila ay makasalanan
c.Dapat silang ikulong sa loob ng bilangguan d.Parusahan sila at ipatapon sa malayong lugar
________9.Ano ang ginawang hudyat ni Padre Salvi para matigil na ang pagsesermon ni Padre Damaso?
a.Kinawayan niya ang pari b.Sinenyasan niya si Padre Damaso na tumigil na sa pagsasalita
c.Pinatunog ang kulingling d.Inutusan niya na huminto na ang prayle sa pagdidikta ng sermon
________10..May lumapit kay Ibarra at ito si Elias. Ano ang ipinayo niya kay Ibarra?
a.Iwasang lumapit kay Maria Clara b.Iwasang mapalapit sa batong ihuhugos
c.Huwag ituloy ang pagtatayo ng paaralan d.Huwag imbitahin ang kura sa paglalagay ng unang bato
V-KABANATA 44 PAGGUNITA SA KASALANAN
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
____1.Si Maria Clara ay nabinat dahilan sa .a.Pangungumpisal b.Napagod sa paglalahad c.Kumain ng marami
____2.Matindi ang paniniwala ni Doña Victorina sa kanyang asawa na _____.
a.Matapang b.Hindi sumusuko sa laban c.Mahusay na doctor
____3.Ang gamot na ibinigay ni Dr. Tiburcio kay Maria Clara ay _____.a.Liquen b.Viatico c.Janabe de altea
____4.Si Maria Clara ay nabinat at sa gitna ng kanyang pagkahibang ay wala siyang sinasambit kung hindi ang
pangalan ng kanyang _____.a.Ama b.Ina c.Ninong
____5.Si Kapitan Tiyago ay nangakong maghahandog ng gintong baston sa _____.
a.Kapitan Heneral b.Santong Pintakasi c.Birhen ng Antipolo
____6.Ang ililipat ng panunungkulan sa Tayabas ay si _____a.Padri Salvi b.Padre Damaso c.Alperes
____7.Kaugnay nito, si Maria Clara ay lalong magdaramdam dahil _____.a.Wala nang aaliw sa kanya
b.Wala na siyang mapagkukumpisalan c.Higit pa sa isang ama ang turing niya rito
____8.Si Maria Clara ay nagdaramdam kay Crisostomo Ibarra dahil _____.a.Hindi ito dumadalaw sa kanya
b.Ayaw makipagkasundo kay Padre Damaso c.Sumira ito sa kasunduan nilang magpakasal
____9.Ang bilin kay Sinang ng doktor ni Maria Clara ay _____.a.Ipainom ang gamot tatlong beses maghapon
b.Ipagpatuloy ang gamot hanggang ito’y gumaling c.Ihihinto lang ang gamot kapag nakakaramdam
ng pagkabingi
____10.Nang lumabas si Padre Salvi sa silid mula sa pangungumpisal kay Maria Clara, siya ay namumutla at
kulay itim ang mga labi sapagkat _____.a.Lalong naglubha ang dalaga b.Ayaw mangumpisal ng dalaga
c.Nagtapat siya ng pag-ibig sa dalaga
VI KABANATA 45 ANG MGA NAGREREBELDE
_____1.Si Elias ay patungo sa .a.Bahay ni Ibarra b.Bahay nila sa Batangas c.Kuweba ni Kapitan Pablo
_____2.Si Kapitan Pablo ay umakyat sa bundok dahilan sa hindi niya kayang ipaghiganti ang kanyang anak. Ito
ay nagpapahiwatig ng kanyang .a.Pagiging duwag b.Kawalan ng pagmamahal sa mga anak
c.Pag-ayon sa batas
_____3.Si Elias ay nagmungkahi kay Kapitan Pablo na .a.Huwag sumuko sa may kapangyarihan
b.Ipagpatuloy ang pakikipaglaban c.Sumama sa kanya sa pook ng mga hindi binyagan
_____4.Si Kapitan Pablo ay hindi pumayag sa mungkahi ni Elias sapagkat______
a.Nais niyang manatili sa bundok
b.Maligaya siya sa kasalukuyang pamumuhay
c.Nais niyang ipaghiganti ang kasawiang sinapit ng kanyang mga anak
_____5.Ibinalita ni Elias kay Kapitan Pablo na nakilala niya ang binatang marangal. Ito ay si ___.
a.Ibarra b.Alfonso Linares c.Don Filipo
_____6.Ayon pa rin kay Elias ang binatang ito ay maaaring _____
a.Magparating ng karaingan ng mga taong-bayan
b.Magsumbong c.Manghingi ng tulong
_____7.Sina Elias at Kapitan Pablo ay nagkasundong kapag hindi nila nahimog si Ibarra.
a.Makikipaglaban sila sa mga prayle b.Mamumuno sa paghihimagsik
c.Mamumundok na rin ang binata
_____8.Sa mga kasawiang sinapit ni Kapitan Pablo, higit niyang dinamdam ang
a.Pagkasunog ng kanilang bahay
b.Pagkamatay ng kanyang asawa
c.Pagsasamantala sa kahinaan ng kanyang anak na babae ng isang pari
______9.Ayon kay Elias, ipaaalam niya kay Kapitan Pablo ang kanilang napagkasunduan _____.
a.Sa loob ng tatlong araw b.Sa loob ng apat na araw c.Sa loob ng anim na araw
______10.Sa kabanatang binasa inilarawan ang katauhan ni Kapitan Pablo na may hinanakit sa _____.
aSimbahan at pamahalaan b.Simbahan at mamamayan c.Simbahan at mga rebelled
VII-KABANATA 49 – TINIG NG MGA PINAG-UUSIG
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
_______1.Sina Elias at Ibarra ay nagkasundong mag-usap a.Habang namamangka sa lawa
b.Sa bukiring malayo sa kuwartel c.Habang naglalakad sa dalampasigan
_______2.Si Elias ay nakipagkita kay Ibarra bilang pagsunod sa pakiusap
a.Ni Lucas b.Ni Kapitan Pablo c.Ng lahat ng sawimpalad
_______3.Ayon kay Elias ang mga guwardiya sibil ay
a.Kailangang paramihin a.Dapat bawasan ang puwersa b.Isang masamang pangangailangan
_______4.Batay sa pag-aaral na ginawa ni Elias, noong wala pa ang guwardiya sibil ay
a.Napakaraming criminal b.Napakaraming nagugutom c.Walang katahimikan ang bayan
________5.Ayon kay Elias, kailangan lamang ang malakas na hukbo kung
a.May pakikidigma b.Napakarami nang rebelle d. Umaabuso na ang mga taong pamahalaan
________6.Ang kabutihang ginawa ng Kapitan Heneral dela Torre ay ang pagpapatawad na iginawad niya sa
mga a.Rebelde b.Sawimpalad c.Guwardiya sibil
________7.Malaki ang utang na loob ng mga Pilipino sa korporasyon ng mga prayle ayon kay Ibarra dahil
a.Nagtatag ng guwardiya sibil b.Sila ang nagpakilala sa atin sa Diyos
c.Utang sa kanila ang disiplina ng mga Pilipino
________8.Mahal ni Ibarra ang Pilipinas dahil utang niya rito ang
a.Kanyang kasawian b.Kanyang pagsilang c.Kanyang kaligayahan
________9.Mahal ni Elias ang Pilipinas dahil a.Sa kanyang kaligayahan b.Sa kanyang mga kasawian
c.Tungkulin ng lahat na mahalin ang kanyang bayan
_____10.Si Elias ay humingi ng paumanhin kay Ibarra sa kanyang ginawang pakikipagtalo sapagkat siya raw ay
a.Isang taong nagpapanggap na malapit sa pamahalaan
b.Hindi mahusay magsalita upang siya ay kanyang paniwalaan
c.Isang sawimpalad na ang pagbibigay ng tiwala sa tao ay dapat ilipat sa Diyos
VIII-KABANATA 51 – ANG MGA PAGBABAGO
_________1.Si Alfonso Linares ay tumanggap ng liham mula kay
a.Doña Consolacion b.Doña Victorina c.Don Tiburcio de Espadaña
_________2.Ang may payo kay Linares na magyabang at magsinungaling ay si
a.Tiburcio b.Doña Consolacion c.Doña Victorina
_________3.Ang naghatid ng balita kay Kapitan Tiyago na pinatatawad na ng simbahan si Ibarra ay si
a.Linares b.Elias c.Carlicos
_________4.Si Padre Damaso ay tutol na mapangasawa ni Maria Clara si Ibarra sapagkat ang gusto niya ay si
a.Linares b.Elias c.Carlicos
_________5.Si Ibarra ay itinuturing na isang kaluluwang kaaahon lang mula sa
a.Langit b.Purgatoryo c.Lupa
_________6.Ang kakampi ni Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Linares ay si
a.Tiya Isabel b.Kapitan Tiyago d.Kapitan Basilio
_________7.Si Padre Damasa ay may karapatang tumutol na mapangasawa ni Maria Clara si Ibarra sa dahilang
siya’y a.Inaama sa binyag b.Kompesor ni Pia Alba c.Kaaway ni Ibarra
_________8.Ipinasabi ni Ibarra kay Sinang na ibig niyang makausap si Maria Clara nang
a.Malapitan b.Maramihan c.Sarilinan
_________9.Si Padre Salvi ay lumapit kay Ibarra at magiliw na _____ sa binata.
a.Kumamay b.Bumati c.Nagalit
_________10.Ang gusto ni Kapitan Tiyago at Padre Damaso na ang mapangasawa ni Maria Clara ay si Linares
ngunit ang dalaga ay a.Sumang-ayon b.Tumutol c.Lumaban

IX-Isulat ang angkop na salita, pangalan, lugar, pangyayari at sitwasyon sa patlang upang mabuo ang
buod ng Noli Me Tangere. Ikukunsidera na MALI ang kasagutang may binurahan.
Si _______________________________ ay isang binatang Pilipino na pinag-aral sa ___________________ng kanyang
amang si ______________________. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi doon ay nagbalik siya ng
_______________________. Sa kanyang pagdating ay naghandog si ____________________ ng isang marangyang
pagtitipon. Naging panauhin ang mga ___________________________sa bayan ng ______________________. Napahiya
ang binata sa inasal ni ___________________________kaya maaga itong nagpaalam.
Ang binata ay kasintahan ni _________________________, isang napakagandang binibini at larawan ng babaeng
_______________________. Siya ay anak-anakan ni ______________________isang mayamang taga-Binondo. Ang
binata ay dumalaw sa dalaga pagkatapos ng pagtitipon. Sa kanilang ____________________sa azotea muli nilang ginunita ang
kanilang pagmamahalan. Muling binasa ng dalaga ang mga _________________________ng binata bago pa man ito nag-aral
sa Europa.
Ipinagtapat ng ________________________ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay isang
mayamang asendero sa bayan ng ________________________.
Nalaman niya na ang kanyang ama ay pinaratangang _______________at________________________. Nang malapit ng
malutas ang paglilitis ay nagkasakit ang matanda at namatay sa _________________.Di pa nasiyahan si
_____________________________ipinahukay niya ang bangkay nito at ipinalilipat sa libingan ng
___________________________. Dahil umuulan noon ipinasya na lamang ng naghukay na itapon sa
___________________________.Hindi ninais ng binata na maghiganti. Ipinagpatuloy na lamang niya ang hangarin ng
kanyang ama, ang pagpapatayo ng ___________________________.
Sa paglalagay ng unang bato ng paaralan ay muntik ng mapatay ang binata kung hindi nailigtas ni
_________________________. Ang nasawi ay ang _______________________ na binayaran ng lihim na kaaway ng nito.
Naghandog ng pananghalian ang binata pagkatapos ng pagbabasbas. Muling nagpasaring si ________________________
ngunit hindi ito pinatulan ng binata subalit ng hamakin nito ang alaala ng kanyang ____________________hindi na siya
nakapagtimpi at sasaksakin na sana niya ang Pari, ngunit laking pasasalamat na lamang at napigilan ni
________________________.Sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ___________________________ang binata ng
Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ng Pari upang sirain ang kasunduan sa
________________________________ ng binata at ni Maria Clara. Ang gusto ng Pari ay mapangasawa nito si
______________________________, isang binatang Kastila na bagong dating sa Pilipinas.Si
__________________________ang tumulong sa binata upang mapawalang bisa ang pagkakakulong at muling tanggapin ng
simbahang Katoliko. Subalit nagkataon naman na sinalakay ng mga _________________________ang kwartel ng sibil at ang
napagbintangang may kagagawan ay ang binata kaya muli siyang hinuli at ikinulong. Wala talagang kinalaman dito ang binata
sapagkat ng kausapin siya ni _____________________upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at
sinabi niyang hindi siya maaaring mamuno sa mga taong hindi kumakatawan sa bayan.
Ikinuwento ng Piloto ang dahilan kung bakit siya ay naging __________________________. Hinahanap niya ang mga taong
pumatay sa kanyang pamilya upang _________________________. Laking gulat nito na ang hinahanap niya ay si
_____________________ dahil lolo nito si ______________________.
Sa kabila nito nangibabaw pa rin sa piloto ang pag-asang ang _____________________________ ang tanging magliligtas sa
bayan. Napawalang-bisa ang bintang sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sinumang makapagsasabi na may kinalaman ito sa
kaguluhan. Siya ay nakatakas sa tulong ni ____________________.Bago tuluyang tumakas nagkaroon ng pagkakataong
makausap niya si ____________________.Winika ng binata na ipinagkakaloob na nya rito ang kalayaan at nawa’y lumigaya siya
at matahimik ang kalooban. Ipinaliwanag ng dalaga na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa
kanya sa pamamagitan ng pagbabanta. Ipinalit sa mga __________________ na ito ang dalawang liham ng kanyang ina bago
siya ipinanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito isinasaad na ang tunay niyang__________________ ay si
____________________________.Ipinagtapat ng dalaga na siya ay pakakasal kay _____________________ upang
ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ______________________ subalit ang ________________________ niya sa binata
ay mananatiling wagas at dalisay.
Tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa _____________________, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng
_________________________ at binaybay ang Ilog Pasig hanggang makarating sa lawa ng Bay. Subalit nakita sila, inisip ni
Elias na iligaw ang mga ito kaya ____________________ sa tubig. Sa pag-aakalang ang binata ang tumalon ay hinabol at
pinaputukan ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay ______________________ ang tubig.
Inakala ng dalaga na ang binata ay _____________________ sa kanyang pagtakas. Ang dalaga ay nawalan ng pag-asa kaya’t
hiniling niya kay __________________________na ipasok sa ______________________ ng Santa Clara upang
________________________. Napilitang pumayag ang Pari sapagkat sinabi ng dalaga na siya ay
_________________________ kapag di ito pinayagang magmongha.
Ngunit ang balitang nabasa nito sa pahayagan ay pawang di totoo sapagkat ang binata ay hindi napatay. Salamat sa tulong ni
________________________. ____________________________ ng makarating si Elias sa maalamat ng gubat ng mga
Ibarra, sugatan at nanghihina na. Sa gubat niya nakatagpo si ________________________ at _____________________ ang
ina nito na wala ng buhay. Bago bawian ng ______________________ si Elias ay sinabi niyang mamamatay siyang hindi
makikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang _______________________at ang makakakita ay huwag sanang kalilimutan
ang mga namayapa dahil sa pagtatanggol at pagmamahal sa bayan.

You might also like