Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pananaliksik ay sistematik

May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa


pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik
Ang pananaliksik ay kontrolado
Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling konstant
Ang pananaliksik ay empirikal
Kailangang maging katanggaptanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap
Ang pananaliksik ay mapanuri
Ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali
ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kangyang nakalap
Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling
Kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang
ginawa upang baguhun ang resulta ng pananaliksik
Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo
Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa
pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at
kahalagahan
Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda
Sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat. Nagmula sa mga praymari sorses o mga
hanguang first-hand
Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
Kailangan maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humanting sa
pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat
Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali
Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangan pagtiyagaan
ang bawat hakbang nito
Ang pananaliksik ay pinagsisikapan
Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay
Sign up to view the remaining cards. It’s free!

You might also like