Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon sa libro ni Stephans, ang pangunahing dahilan ng istress sa mga


estudyante ay ang sobrang trabaho sa pag-aaral, presyur, mga isyu sa
lipunan, at time management. Ang resulta ng istress ay hindi lamang sa
akademiko ng isang estudyante kung hindi pati na rin sa kalusugan ng
estudyante (Stephans, J., 2005).

Nakasaad sa libro ni Jensen, ang pamilya na nakakaranas ng


kahirapan sa buhay ay mayroong mas malaking tyansa na magkaroon ng
tinedyer na ina, makaranas ng depression at hindi sapat na
pangangailangan sa kalusugan. Lahat ng ito ay patungo sa mababang
sensitibidad tungo sa parte ng nanay sa kanyang anak hanggang siya ay
tumanda, hindi maayos na pag-uugali sa parte ng anak at mababang
performans sa eskwelahan (Jensen, E., 2009).

Sa pag-aaral ni Mustaq, gumamit siya ng apat na teyorya para


malaman ang epekto ng independienteng salik sa dependienteng salik.
Gamit ang tamang istatistikal na pamamaraan, maari ng malaman ang mga
resulta. Ang lumabas na resulta ay ang komunikasyon, mga kagamitan sa
pag-aaral, tamang patnubay, at istres sa pamilya ang mga salik na
nakakaapekto sa performans ng estudyante (Mushtaq, I., 2012)
Sa pag-aaral ni Hunter, ang sosyo-ekonomik at indibidwal na personalidad
ang ilan lamang sa mga nakakaapekto sa akademik performans ng mga
estudyante. Ang mga resulta sa pag-aaral na ito ay hindi maaaring
pagasihan sa lahat ng paaralan ngunit maaring magamit ang nasagawang
metodolohiya (Hunter, R.C.A., 2000).

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa mananaliksik na nagngangalang Kalamag, ang kanyang pag-


aaral ay naka-pokus sa epekto ng gawi ng pag-aaral sa akademik
performans ng mga estudyante ng Computer Science. Ayon sa kanyang mga
resulta, ang study habits ay ang isa sa nakakaambag sa performans ng
isang estudyante dahil sa malawak na gamit ng internet, hypertext, at mga
multimedia (Kalamag, A., 2013).

Nakalagay sa pag-aaral ng mayroong kaukulang koneksyon ang mga


grado ng mga student assistant para malaman ang mga salik na
nakakaapekto sakanila. Gamit ang mga istatistikal na pamamaraan sa mga
nalikom na datos, nalaman ng mananaliksik na ang ilan sa mga salik na
nakakaapekto sa performans ng estudyante sa larangan ng Ingles ay ang
oras na ibinibigay nito sa pagiging student assistant (Dagoc, J. L., et al.
2007).

Ayon sa pag-aaral, mayroong apat na teyoryang ginamit ang


mananaliksik. Natuklasan ng mananaliksik na walang makabuluhang
relasyon ang nakaraang eskwelahan kung saan nanggaling ang estudyante
at ang akademik performans nito sa Polytechnic University oft he Philippines.
Nakita rin sa resulta na walang epekto ang set-up ng classroom, personal na
pagganyak, at sosyo-ekonomik istatus ng mga magulang sa pag-aaral ng
mga estudyante (Argentera, M., 2012).

Ang pinakamalakas at pinaka-karaniwan na determinant ay ang


trabaho sa pag-aaral habang ang iba naman ay ang pamilya, mga kaibigan,
study habits, kalusugan at persepsyon bilang student assistant, katangian,
pinanggalingang lugar, at persepsyon ng student assistant sa mga guro. Ang
mga determinant na ito at matinding nagpapahayag sakanila at ang mga ito
ay anf mga salik na nakakaambag sa pagiging masigasig at sa akademik
performans sa eskwelahan (Almario, M., 2005).

https://www.academia.edu/19596980/Isang_pag-
aaral_ukol_sa_iba_t_ibang_salik_na_nakakaapekto_sa_akademik_performans_ng_mga_iskolar_sa_Ass
umption_College_Makati_School_Year_2013_2014?fbclid=IwAR032HEXkvc95PWoiqvrHrFdUVazCN6037
Lue0Rt6HloGFQS4XYvtJB2TjU

You might also like