Panimulang Pagtatasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

PANIMULANG PAGTATASA

SA FILIPINO

SET A
Level Pamagat ng mga seleksyon:
Grade 1 Ang Daga
Grade 2 Si Mila
Grade 3 Magpalipad Tayo ng Saranggola
Grade 4 Isang Pangarap
Grade 5 Tagtuyot Hatid ng El Niño
Grade 6 Buhayin ang Kabundukan
Grade 7 Pagpapala sa Pangingisda
ANG DAGA

Pumunta sa lawa si
Tito. Kasama niya
si Lina sa lawa.
Malayo ang lawa.

Nakita nila ang


palaka sa lawa.
Nakita nila ang bibe
sa lawa. Nakita rin
nila ang buwaya.
Naku! Ang laki ng
buway
Mga Tanong:
1. Ano ang nasa mesa?
a. baso
b. daga
c. pusa

2. Anong mayroon ang daga?


a. damit
b. laruan
c. pagkain

3. Ano ang unang nangyari sa kuwento?


a. Nakita ng pusa ang daga.
b. Nakita ng daga ang keso.
c. Tumakas ang daga sa pusa.

4. Ano ang gagawin ng daga sa keso?


a. lulutuin
b. kakainin
c. paglalaruan

5. Bakit kaya nawala ang daga?


a. natakot sa pusa
b. nahuli ng bata
c. ayaw maagawan ng keso
SI MILA

Si Mila ay nakatira sa
bukid. Maraming hayop
sa bukid. Marami ring
halaman sa bukid.
Maraming alagang hayop
si Mila. May alagang
baboy si Mila.
May alaga din siyang baka at
kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang
kanyang paborito.
Tiko ang pangalan ng
manok niya.
Si Tiko ay kulay pula
at puti.
Siya ang gumigising kay Mila tuwing
umaga. Masaya si Mila kapag
naririnig ang tilaok ni Tiko.
Mga Tanong:
1. Sino ang may alaga?
a. si Mila
b. si Olla
c. si Tiko

2. Saan nakatira si Mila?


a. sa zoo
b. sa Maynila
c. sa probinsya

3. Ano ang alaga ni Mila?


a. isda
b. buwaya
c. tandang

4. Paano ginigising ni Tiko si Mila sa umaga?


a. tumatahol
b. tumitilaok
c. umiiyak

5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Ang Tandang ni Mila
b. Ang Kambing ni Mila
c. Hayop sa Guba
MAGPALIPAD TAYO NG
SARANGGOLA

Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya


ni Niko na maglaro ang kakambal na si Noli. Pumunta ang kambal
sa labas. May dala silang mga saranggola. Makukulay ang mga
saranggola ng kambal.

Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang


lipad ng
saranggola ni Niko.

Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni


Noli habang nakatingin kay Niko.
“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang
Niko
. saranggola.” sabi ni

Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano


magpalipad. Ilang saglit pa, nakangiti na si Noli.

“Salamat, Niko,” wika niya.

“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang


gawain kung

nagtutulungan,” sabi niya.


Mga Tanong:
1. Saan pumunta ang mga bata?
a. sa labas
b. sa paaralan
c. sa simbahan

2. Ano ang gusto nilang gawin?


a. kumain
b. maglaro
c. magpahinga

3. Anong panahon kaya magandang magpalipad ng saranggola?


a. maaraw
b. mahangin
c. maulan

4. Bakit kaya tinuruan ni Niko ng tamang paglipad si Noli?


a. Walang sariling saranggola si Niko.
b. Nasira ang hawak na saranggola ni Niko.
c. Hindi mapalipad ni Niko ang saranggola niya.

5. Anong uri ng kapatid si Niko?


a. maasikaso
b. magalang
c. matulungin

6. Bakit napangiti na si Noli sa katapusan ng kuwento?


a. Napalipad na niya ang saranggola.
b. Binigyan siya ng premyo.
c. Nanalo siya sa paglalaro
ISANG PANGARAP
Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa pagdating
ng kanyang tiyuhin.

“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong ni Jamil.

“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga Muslim.


Bawat isa sa atin ay nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako dahil
narating ko iyon.”

“Bakit ngayon po kayo nagpunta roon?”

“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang Ramadan, ang pinakabanal na


gawain ng mga Muslim. Pag-alala ito sa ating banal na aklat na tinatawag na
Koran. Doon ipinahayag na sugo ni Allah si Mohammed.”

“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno tayo at hindi kumakain mula


sa pagsikat ng araw hanggang hapon.”

“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang ipakita ang pagsisisi sa
nagawa nating kasalanan.”

“Pangarap ko rin pong makapunta sa Mecca,” sabi ni Jamil.


Mga Tanong:
1. Saang banal na sambahan nanggaling si Tito Abdul?
a. sa Mecca
b. sa Israel
c. sa Jerusalem
d. sa Bethlehem

2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?


a. Bibliya
b. Koran
c. Misal
d. Vedas

3. Ano ang pakiramdam ni Tito Abdul nang makarating siya sa Mecca?


a. nagsisi
b. napagod
c. nasiyahan
d. nanghinayang

4. Ano ang natupad sa pagpunta ni Tito Abdul sa Mecca?


a. ang pangako kay Allah
b. ang plano na makapangibang-bansa
c. ang tungkulin na makapagsisi sa mga kasalanan
d. ang pangarap na makapunta sa banal na sambahan

5. Anong katangian ang pinapakita nina Tito Abdul at Jamil?


a. magalang
b. masunurin
c. maalalahanin
d. mapagbigay

6. Ano ang tingin ni Jamil sa kanyang Tito Abdul?


a. Mahusay siyang maglakbay.
b. Siya ay isang mapagmahal na ama.
c. Isa siyang masipag na mamamayan.
d. Siya ay isang magandang halimbawa.

7. Ano ang tinutukoy sa kuwento?


a. ang mga tungkulin ng mga Muslim
b. ang pagmamahalan sa pamilya
c. ang pamamasyal ni Tito Abdul
d. ang kagandahan ng Mecc
TAGTUYOT HATID NG EL NIÑO

Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water


level at nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng
mga ilog at batis. Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan
gaya ng La Mesa Dam na matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam
sa Bulacan. Ang mga ito ang pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa
mga karatig probinsya nito.

Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao.


Kukulangin ang suplay ng tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting tubig
para sa iba pang pangangailangan.

Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung kulang


ang tubig, magkakasakit ang mga hayop at maaari rin silang mamatay.

Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan. Maraming


apektadong taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa sobrang init,
maaaring mag-apoy ang mga puno na nagdudulot ng sunog.

Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang pagtitipid ng


tubig. Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa hindi mahahalagang
bagay.
Mga Tanong:
1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?
a. tagtuyo
b. red tide
c. ipu-ipo
d. bagyo

2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maaapektuhan sa El Niño?


a. hayop, halaman at gubat
b. hangin, lupa at buhangin
c. bato, semento at tubig
d. ulap, araw at bituin

3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?


a. pag-ihip ng hangin
b. pag-ulan
c. pagdilim
d. pag-araw

4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El Nino?


a. giniginaw
b. masigla
c. naiinitan
d. nanlalamig

5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag tagtuyot?


a. Magkakasakit ang mga tao.
b. Tatamarin magluto ang mga tao.
c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
d. Hindi makapagtatanim ang magsas

6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan ang talatang ito?


a. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño
b. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
c. para magkaroon ng lakas ng loob
d. para hindi maging handa sa tag-ulan

7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?


a. ang dahilan ng El Nino
b. ang mga epekto ng El Nino
c. ang maaaring gawin kapag may El Nino
d. kung sino at ano ang apektado sa El Nino
BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating


kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga
pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas
ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil


ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin
itong watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating


lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti
nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami
na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t
ibang pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of


Environment and Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na
tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng
kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling
pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa
mga programa ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na
darating ang panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng
mga kabundukan.
Mga Tanong:
1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng
tao?
a. bato
b. ginto
c. lupa
d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?


a. pagsunog ng puno
b. pagtanim ng puno
c. pagputol ng puno
d. pagparami ng puno

3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga


puno?
a. Naliligaw sila sa gubat.
b. Wala silang matitirahan.
c. Nakakain sila ng ibang hayop.
d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)


a. erosyon
b. kalamidad
c. reforestation
d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol


ng mga puno ng kagubatan?
a. mapagbigay
b. masipag
c. sakim
d. tamad

6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?


a. maiiwasan ang tagtuyot
b. maiiwasan ang pagbaha
c. maiiwasan ang pag-ulan
d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang


Kabundukan: ”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha


sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabunduk
PAGPAPALA SA PANGINGISDA

Ang ating bansa ay napaliligiran ng malawak na karagatan. Sagana ito


sa iba’t ibang uri ng isda. Kaya marami sa mga Pilipino ay pangingisda ang
ikinabubuhay.

Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kumpanya ng pangingisda,


ang ating pamahalaan ay nag-eeksport sa Hongkong at Taiwan. Iba’t ibang
uri ng isda ang dinadala natin sa mga bansang ito tulad ng tuna at lapu-lapu.
Malaki ang naitutulong nito sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda. Subalit
ang kasaganahang ito ay malimit na inaabuso. May mga mangingisdang
gumagamit ng mga pampasabog at lasong kemikal para makahuli ng
maraming isda. Namamatay ang maliliit na isda na dapat sana ay lumaki
at dumami pa. Ang iba naman ay sinisira ang mga coral reefs na tirahan ng
mga isda.

Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of Fisheries


and Aquatic Resources (BFAR) ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang
para masugpo ang mga mangingisdang lumalabag sa batas pagdating sa
paraan ng pangingisda. Ang BFAR ay nagsasagawa ng mga proyekto na
magpapaunlad sa produksyon ng isda. Kasama rito ang pagbabawal ng
pangingisda na nakasisira sa coral reefs, ang pagbubuo ng mga artificial
reefs, at pagmomonitor ng red tide sa iba’t ibang karagatan sa buong bansa.

Malaking bahagi ng ekonomiya ang nagbubuhat sa sektor ng mga


mangingisda. Maraming tao rin ang nakikinabang sa pagtatrabaho sa
industriya ng pangingisda tulad ng fish marketing, fish processing, net making,
boat-building at fish trading. Ito ang mga dahilan kung bakit kailangang alagaan
ang industriyang ito.
Mga Tanong:
1. Ano-anong isda ang ipinapadala sa ibang bansa?
a. dilis at tawilis
b. tilapia at bangus c.
tuna at lapu-lapu
d. galunggong at bisugo

2. Alin sa sumusunod ang paraan ng pangingisda na ipinagbabawal?


(Paghinuha)
a. pamimingwit
b. paggamit ng lambat
c. ang paraang pagbubuslo d.
paggamit ng pampasabog

3. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag na batas na


paraan ng pangingisda?
a. Bureau of Food and Drug
b. Metro Manila Development Authority
c. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
d. Department of Energy and Natural Resources

4. Bakit maraming Pilipinong may hanapbuhay na pangingisda?


a. Magaling lumangoy ang mga Pilipino.
b. Maraming hindi nais magtrabaho sa taniman.
c. Walang ibang makuhang trabaho ang mga Pilipino.
d. Napaliligiran ng malawak na karagatan ang Pilipinas.

5. Ano kaya ang masamang epekto ng paggamit ng pampasabog at lason


sa pangingisda sa tao?
a. Natatakot ang mga isda.
b. Hindi na lumalaki ang mga isda.
c. Wala nang makakaing isda ang mga tao.
d. Namamatay ang maliliit at batang isda.

6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ipagbawal ang maling paraan ng
pangingisda?

a. Mauubos ang mga isda sa dagat.

b. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda. c.


Matatakot na gumamit ng pampasabog ang mga tao

. d. Maraming gagamit ng tamang paraan ng


pangingisda.
7. Anong ugali ang ipinakikita ng mga mangingisdang patuloy na gumagamit
ng maling paraan ng pangingisda?

a. mahilig sa gulo
b. matigas ang ulo
c. malikhain sa trabaho
d. masipag maghanapbuhay

8. Ano ang layunin ng manunulat ng seleksyon? (Pagsusuri)


Nais ng manunulat na .
a. ipagmalaki ang Pilipinas bilang isang mayamang bansa
b. makilala ang Pilipinas bilang magandang pinagkukunan ng isda
c. ipaubaya sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga katubigan ng bansa
d. malaman ng tao na sa bawat gawain ay may kaakibat na responsibili

You might also like