Fourth Periodic Test in Mapeh

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

MAPEH IV

TP: 2017-2018

PANGALAN: ________________________________________ PETSA: _____________________


BAITANG AT SEKSYON: _____________________________ MARKA: __________
I. PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap o tanong. Piliin ang letra/titik ng iyong sagot. Isulat ito
sa sagutang papel.
MUSIC
1. Anong kilos ng katawan ang maaaring gawin habang inaawit ang Leron-Leron Sinta?
A. pagkandirit B. paglukso C. pagmamartsa D. pagtakbo
2. Anong uri ng tempo kabilang ang awiting “ Magtanim ay Hindi Biro”?
A. forte B. largo C. piano D. presto
3. Anong elemento ng musika ang nabubuo sa pag-awit ng 2-part vocal?
A. melody B. rhythm C. texture D. timbre
4. Ito ay ginagamit na pansaliw sa isang awitin. Binubuo ito ng mga rhythmic pattern na may
kasamang melody.
A. melody C. ostinato
B. melodic ostinato D. rhythmic ostinato
5. Ito ay kalimitang isinusulat sa itaas ng pangunahing melody. Nagdadagdag ito sa texture ng
Awitin.
A. descant B. melodic ostinato C. ostinato D. rhythmic ostinato
6. Paano inaawit ang harmonic interval?
A. inaawit ng magkasabay C. inaawit ng magkahiwalay
B. paisa-isa D. sunud-sunod
7. Sa paanong paraan nakikilala ang texture ng isang awitin o tugtugin?
A.sa pagsulat B.sa pakikinig C. sa pagsasalita D. sa paggalaw
8. Paano inaawit ang Pilipinas Kong Mahal?
A. katamtamang bilis B. mabilis C. mabilis na mabilis D. madalang
9. Alin sa mga ito ang may manipis na texture?
A. duet B. choir C. orchestra D. solo singing
10. Alin sa mga sumusunod ang binubuo ng dalawa o higit pang magkaugnay na tones?
A. descant C. harmonic ostinato
B. melodic ostinato D. rhythmic ostinato
11. Aling elemento ng musika ang maaaring ilarawan sa pamamagitan ng kilos ng katawan?
A. descant B. ostinato C. tempo D. texture
12. Sa paanong paraan maaaringg ihambing angg tempong presto?
A. paglakad ng pusa
B. pagtakbo ng kabayo
C. paglukso ng kangaroo
D. paggapang ng pagong
13. Alin sa mga sumusunod na awitin ang may tempong largo?
A. Bahay Kubo C. Leron-leron Sinta
B. Ili-ili D. Lupang Hinirang
ART
14. Ano ang may pinakamapusyaw na kulay?
A. berde B. lila C. pula D. puti
15. Paanong magagawang madilim ang isang kulay?
A. Ilagay sa dakong madilim.
B. Haluan ng puti ang kulay
C. Ilagay malapit sa ilaw.
D. Haluan ng konting kulay itim.
16. Anong kulay ang nabubuo kapag pinaghalo ang pula at asul sa pagtitina?
A. berde B. dalandan C. dilaw D. lila
17. Ang ___________ sa paglalala ng banig ay may kumbinasyon ng mga linyang pahilis, pahiga
at patayo.
A. disenyong pa-zigzag
B. disenyong parisukat
C. disenyong stripes
D. disenyong checkered
18. Paanong magagawang mapusyaw ang isang kulay?
A. Ilagay sa dakong madilim.
B. Haluan ng puti ang kulay.
C. Ilagay malapit sa ilaw.
D. Haluan ng konting kulay itim.
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibat-ibang likhang
sining?
A. pagbebenta B. pagtatanghal C. pagtatago D. pamamahagi
20. Sa paglalala, ano ang pangunahing kagamitan ang kailangang ihanda?
A. buri B. pandikit C. pangkulay D. panukat
21. Ano ang pangunahing hakbang sa tie-dyeing?
A. pagtatali ng tela
B. paglubog ng solusyon
C. pagpapatuyo ng tela
D. paglalagay ng kulay
22. Sa paglalala, anong prinsipyo ng sining ang makikita?
A. paekis-ekis
B. parayos-rayos
C. pasalit-salit
D. paulit-ulit
23. Alin ang hindi paraan ng pagtitina ng tela?
A. paglukot B. pagpilipit C. pagtiklop D. pag-unat
24. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit sa pagawa ng pot holder?
A. gunting,papel,pandikit C. gunting,tela, panukat
B. buri,dye,tubig D. retaso,gunting, pandikit
25. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa tye-dyeing maliban sa isa. Ano ito?
A. dye C. pintura
B. goma D. tela
PHYSICAL EDUCATION

26. Ito ay ang kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan nang mabilisan at
naayon sa pagkilos.
A. Agility B. Balance C. Power D. Speed
27. Ang _________ ay ang kakayahan ng katawan na gumalaw o makasaklaw ng distansiya sa
maikling takdang panahon.
A. Balance B. Coordination C. Reaction Time D. Speed
28. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at
kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa at pag-ikot sa ere.
A. Balance B. Coordination C. Reaction Time D. Speed
29. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nakalilinang ng reaction time?
A. backward hop B. ballet C. coin catch D. fun run
30. Ang mga sumusunod ay mga sangkap ng skill-related fitness maliban sa isa. Alin ito?
A. Balance B. Coordination C. Flexibility D. Power
31. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa mga katutubong sayaw?
A. Boogie B. Cha-cha C. Tango D. Tiklos
32. Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw na nagmula sa ______________.
A. Cabugao, Ilocos Sur
B. Ilocos Norte
C. Vigan Ilocos Sur
D. Albay
33. Ang Ba-Ingles ay hinalaw sa salitang ________ at ingles na ang ibig sabihin ay English
Dance.
A. baila B. baile C. bailo D. bile
34.Ang Ba-Ingles ay sayaw na ginaya mula sa __________.
A. Amerika B. England C. España D. Tsina
35. Ilang figure mayroon ang sayaw na Ba-Ingles?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
36. Alin sa mga sumusunod ang nakalilinang ng coordination?
A. pagsasayaw C. paglalaro ng play station
B. paglalaro ng sungka D. panonood ng computer
37. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang nililinang ng mga likhang sayaw at mga
katutubong sayaw?
A. flexibility at coordination C. speed at muscular endurance
B. balance at speed D. agility at speed

HEALTH

38. Ito ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad.


A. bagyo B. baha C. lindol D. sakuna
39. Ang ____________ ay naglalaman ng mga pangunahing kailangan sa oras ng sakuna
tulad ng flashlight,radio,pagkain,tubig at kumot.
A. First Aid Kit B. Make up Kit C. Survival Kit D. Zip-lock Kit
40. Anong tawag sa isang grupo o samahan na dumaan sa pagsasanay upang magkaroon
ng sapat na kakayahan upang mabilis na tumugon sa panahon ng kalamidad.
A. Civil Society
B. DRRM
C. Emergency Response Team
D. NDRRMC
41. Anong ahensiya ang nangangasiwa sa pagbigay ng signal upang malaman ang lakas o bugso
ng hangin dulot ng bagyo?
A. DENR B. DOH C. DOLE D. PAG-ASA
42. Ito ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko.
A. Bagyo B. Baha C. Lindol D. Pagputok ng Bulkan
43. Alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kapag may bagyo?
A. Maglaro sa labas ng bahay.
B. Pumasok sa eskwelahan kahit signal number 3 na.
C. Makinig sa balita sa radio o sa TV at maghanda sa posibleng pag baha.
D. Bumyahe papunta ng ibang bansa.
44. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan habang may lindol maliban sa isa.
A. Manatiling kalmado at maging alerto.
B. duck, cover and hold
C. Ilayo ang sarili sa anumang maaaring mahulog na bagay.
D. Magtago sa silong ng mesang salamin.
45. Alin sa mga sumusunod na Storm Signal ang nagsasabi na wala ng klase sa lahat ng antas
ng paaralan maging sa mga opisina.
A. Signal No. 1 C. Signal No. 3
B. Signal No. 2 D. Signal No. 4
46. Anu-anong mga bagay ang makikita sa emergency kit?
A. tubig,pagkain,gamot,damit,flashlight
B. flashlight,radio,computer,washing machine
C. dokumento, tsokolate, sabon,bigas,kama
D. silya, manika,suklay,pagkain
47. Sina Mang Raul ay nakatira malapit sa may Bulkang Mayon.Ano ang dapat nilang gawin?
A. mamasyal sa paligid
B. gumawa ng malaking bahay
C. makipag-usap sa mga kapit-bahay
D. maghanda na para sa paglikas
48. Ito ay uri ng kalamidad na sanhi ng walang tigil nap ag ulan.
A. bagyo
B. baha
C. lindol
D. pagputok ng bulkan
49. Alin sa mga sumusunod ang nararpat na gawin bago dumating ang bagyo?
A. Lumabas at panoorin ang mga nagliliparang bagay dulot ng malakas na hangin.
B. Manatili sa loob ng tahanan.
C. Makinig ng balita sa radyo, telebisyon o internet para malaman ang lagay ng panahon.
D. Mamasyal sa mall.
50. Si Mang Ador ay nagtatrabaho sa gobyerno. Narinig niya sa radyo na ang kanilang lugar ay
Itinaas na sa storm signal number 4. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Ihanda ang mga bagay na dapat na bitbitin sa paglikas mula sa kanilang lugar.
B. Pumasok sa kanyang opisina.
C. Sundin ang mga paalala at pag iingat na dapat gawin.
D. A at C
TABLE OF SPECIFICATION
MAPEH IV
NUMBER OF TEST
OBJECTIVES
ITEMS PLACEMENT
MUSIC
1 1
1. Nakatutugon sa tempo ng awitin ayon sa kilos o galaw
2. Natutukoy ang katawagan sa sumusunod na tempo:
5 2,8,11-13
mabilis-presto, mabagal –largo
3. Nakikilala sa pamamagitan ng pakikinig at
pagbabasa ang mga halimbawa ng two-part vocal 3 3,6,9
or instrumental music
4. Natutukoy ang descant ng awitin sa pamamagitan
1 5
ng pakikinig at pagbabasa
5. Natutukoy ang ostinato ng awitin 1 4
6. Natutukoy ang harmonic interval ng isang awitin
2 7,10
ART
1. Natutukoy ang kulay at kahulugan nito. 4 14-16;18
2. Nakikilala ang disenyong ginamit sa paglalala. 2 17;24
3.Napapahalagahan ang sariling likha sa pamamagitan ng
1 19
exhibit,pagbebenta at paggamit(paglalala)
4. Natutukoy ang pangunahing kagamitan sa paglalala 1 20
5. Nakikilala ang prinsipyong ginamit sa paggawa ng likhang
1 21
sining sa Paglalala
6. Natutukoy ang pangunahing hakbang sa tie- Dyeing 1 22
7. . Nasasabi ang tamang paraan ng pagtitina ng tela 2 23;25
PHYSICAL EDUCATION
6
1. Nakikilala ang mga sangkap ng Skill-Related Fitness 26-28;30;36-37
2. Nakapagbibigay ng gawaing nakalilinang ng Reaction Time 1 29
3. Nakikilala ang mga katutubong sayaw 1 31
4. Nakikilala ang pinagmulan ng sayaw na Ba- Ingles 4 32-35
HEALTH
1.Natutukoy ang kahulugan ng sakuna 1 38
2.Natutukoy ang mga bagay na nialalaman ng survival kit 2 39;46
3. Natutukoy ang ibat-ibang uri ng kalamidad 2 48;42
4. Nakikilala ang mga ahensiya at mga grupo ng samahan na
tumutulong sa panahon ng kalamidad 2 40-41
5. Nasasabi ang mga dapat gawin bago,habang at pagkatapos ng
kalamidad 6 43-45;47;49-50
TOTAL 50 50

Prepared by:

Mrs. ARLENE S. ESTRADA


MAPEH Teacher

You might also like