Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA IV

INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ipinapakita ng mananaliksik sa kabanatang ito ang mabigyang linaw ang bawat


katanungan at ang naayon nitong kasagutan na nakabase sa mga respondante. Upang
maisakatuparan ang paglalahad gagamit ang mananaliksik ng tsart upang mas
maintindihan ang ginawang pag-aaral. Ibibigay rin ng mananaliksik ang interpresyon at
konklusyon sa bawat katanungan upang mailahad ng mabuti ang pag-aaral na ginawa.

UNANG KATANUNGAN:

“Bakit nakakaranas ng diskriminasyon o hindi pantay na pagtingin ang mga senior


citizen pagdating sa trabaho?”

“TALAHANAYAN 1”

MGA PAGPIPILIAN DALAS (F) PORSYENTO (%)


a. Edad 45 56.25%
b. Mahinang katawan 31 38.75%
c. Kakayahan 21 26.25%
d. Itsura 5 6.25%
e. Iba pang dahilan 0 0%

Buhat sa katanungan na “bakit nakakaranas ng diskriminasyon o hindi pantay na


pagtingin ang mga senior citizen pagdating sa trabaho?” masusuri sa talahanayan ang
dalas at porsyento kung gaano kadami ang sumagot na respondante sa sarbey ng
mananaliksik. Naipakita sa unang hilera ng talahanayan ang edad na kung saan may dalas
itong 45 tao na mayroong katumbas na 56.25 porsyento, sumunod rito ang pagpipilian na
mahinang katawan na may dalas na 31 tao na may 38.75 porsyento. Makikita sa ikatlong
hilera ang kakayahan na mayroong dalas na 21 tao na katumbas ng 26.25 porsyento at
ang huli ay ang itsura na mayroong 5 tao na may 6.25 porsyento.
Pinapakita dito na kaya nakakaranas ng diskriminasyon o hindi pantay na pagtingin ang
mga senior citizen ay dahil sa edad. Napatunayn ito dahil mayroon itong dalas na 45 tao
na tumatapat sa 56.25 porsyento.

PANGALAWANG KATANUNGAN:

“Nakakaapekto ba ang diskriminasyon sa mga senior citizen?”


“TALAHANAYAN 2”

MGA PAGPIPILIAN DALAS (F) PORSYENTO (%)


a. Oo 77 96.25%

b. Hindi 3 3.75%

Pinapakita dito ang resulta sa katanungan na “ nakakaapekto ba ang diskriminasyon sa


mga senior citizen?” at makikita rito na ang nagsasabi ng Oo ay mayroong dalas na 77
tao na may katumbas na 96.25 porsyento at ang mga hindi naman sumangayon ay may
dalas na 3 tao na tumatapat sa 3.75 porsyento.

Nagpapatunay na mas mataas ang mga sumagot ng OO kaysa sa HINDI dahil ang mga
sumasang-ayon sa tanong na ito ay may dalas na 77 tao na tumatapat sa 96.25 porsyento
kaysa sa sumasalungat sa katanungang ito.

PANGATLONG KATANUNGAN:
“Paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa mga senior citizen?”
“TALAHANAYAN 3”

MGA PAGPIPILIAN DALAS (F) PORSYENTO (%)


a. Damdamin 35 43.75%
b. Pamumuhay 20 25%
c. Karapatan 31 38.75%
d. Kalayaan 9 11.25%
e. Iba pang dahilan 0 0%
Makikita sa ikatlong talahanayan ang dalas at porsyento ng bawat pagpipilian. Buhat sa
katanungan na “Paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa mga senior citizen?”
pinapakita ng unaang hilera na mayroong dalas ng 35 tao na tumatapat sa 43.75 na
nakakaapekto ang diskriminasyon sa damdamin ng isang senior citizen, sumunod rito ang
pamumuhay na mayroong dalas na 20 tao na katumbas ng 25 porsyento. Sa ikatlong
hilera ay makikita na mayroong dalas na 31 tao na tumatapat sa 38.75 porsyento na ang
sinasabi ay nakakaapekto ang diskriminasyon sa karapatan ng isang senior citizen at ang
huli na nagsasabi na nakakaapekto ang diskriminasyon sa kalayaan namay dalas na 9 tao
na katumbas ang 11.25 porsyento. Makikita sa huli na ang letrang ‘e’ ay sero (0) dahil
walang nagbahagi ng iba pang dahilan.

Masusuri sa resulta ng talahanayan ang pagkakaiba ng bawat dalas at porsyento. Makikita


na mas mataas ang nagsasabing nakakaapekto ang diskriminasyon sa damdamin ng isang
senior citizen. Ang damdamin ay mayroong dalas na 35 tao na tumatapat sa 43.75
porsyento.

IKA-APAT NA KATANUNGAN:
“Saan humahantong ang pagbabawal sa mga senior citizen magtrabaho?”
“TALAHANAYAN 4”

MGA PAGPIPILIAN DALAS (F) PORSYENTO (%)


a. Kahirapan 21 26.25%
b. Problemang pinansyal 31 38.75%
c. Depresyon 20 25%
d. Hindi matutulungan ang 16 20%
pamilya
e. Iba pang dahilan 0 0%

Buhat sa katanungan na “Saan humahantong ang pagbabawal sa mga senior citizen


magtrabaho?” ipinapakita ng ika-apat na talahanayan ang dalas at porsyento ng bawat
pagpipilian. Ang mga nagsasabing kahirapan ang kinahahantungan ng pagbabawal sa
mga senior citizen mag-trabaho ay mayroong dalas na 21 tao na tumatapat sa 26.25
porsyento at ang nagsasabi ng problemang pinansyal ay mayroong dalas na 31 tao at
may 38.75 porsyento na mas mataas kaysa sa ibang hantungan nito. Sumunod rito ang
depresyon na may dalas na 20 tao at tumatapat sa 25 porsyento, makikita rin ang mga
nagsasabi na humahantong ang pagbabawal sa mga senior citizen sa hindi
matutulungan ang pamilya na may dalas na 16 tao at katu7mbas ito ng 20 porsyento.
Samantala ang pagpipilian na nasa letrang ‘e’ ay wala dahil walang nagbigay ng iba
pang dahilan sa katanungang ito.

Makikita sa talahanayan na maraming nagsasabi na humahantong ang pagbabawal sa


sa kakulangan sa pera o problemang pinansyal na may dalas na 31 tao at may
porsyentong 38.75% at nahigitan nito ang iba.

IKA-LIMANG KATANUNGAN:
“Sa iyong palagay, paano natin mai-aalis ang diskriminasyon o hindi pantay na
pagtingin sa mga tao o sa isang senior citizen?”
“TALAHANAYAN 5”

MGA PAGPIPILIAN DALAS (F) PORSYENTO (%)


a. Hindi pag-pansin o pag- 8 10%
intindi sa kanila
b. Hindi pagtingin sa 17 21.25%
panlabas na kaanyuan
c. Pag-respeto at paggalang 56 70%
sa kagaya nila
d. Iba pang dahilan 1 1.25%

Buhat sa katanungan na “Sa iyong palagay, paano natin mai-aalis ang diskriminasyon o
hindi pantay na pagtingin sa mga tao o sa isang senior citizen?” makikita sa
talahanayan na ang bawat hilera ay may iba’t-ibang dalas at porsyento. Lumabas sa
unang hilera na ang pag hindi pag pansin sa kanila ay mayroong dalas na 8 tao na
tumatapat sa 10 porsyento sumunod namanrito ang hindi pagtingin sa panlabas na
kaanyuan na umabot ang dalas sa 17 tao na may katumbas na 21.25 porsyento at sa
pangatlong hilera na tumutukoy sa pag respeto at paggalang sa kanila na may dalas na
56 tao na may porsyentong 70%. Samantala mayroong ibang sagot galing sa isang
respondante na tumutukoy sa pagtingin sa kakayahan bago maghusga ng isang senior
citizen.
Makikita sa ika-limang talahanayan na para mai-alis ang diskriminasyon ay kailangan
i-respeto at i-galang ang kagaya nila o ang isang senior citizen.
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ipinapakita sa kabanatang ito ang buod, natuklasan, konklusyon at rekomendasyon ng


pananaliksik o pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Pagsasaliksik tungkol sa
diskriminasyon patungkol sa mga trabahador na senior citizen sa Langkaan I Dasmariñas
City, Cavite.”

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang Diskriminasyon patungkol sa


mga trabahador na senior citizen sa langkaan 1 Dasmariñas City, Cavite. Nangalap ng
mga datos at impormasyon ang mananaliksik sa pagkakakilanlan ng mga senior citzen
upang mas mapabuti ang pag-aaral. Una ay upang malaman kung nakakaranas ba ang
mga senior citizen ng diskriminasyon sa trabaho. Ikalawa ay kung nakakaapekto ba sa
mga senior citizen ang pagdanas ng diskriminasyon. Pang-huli ay kung saan
humahantong ang pag-babawal sa mga senior citizen mag-trabaho. Upang makakuha ng
datos at impormasyon ay namahagi ang mananaliksik ng survey questionnaire sa mga
senior citizen upang makakalap ng wastong impormasyon at magsisilbi itong
pangunahing kasagutan na kung saan maingat na iniharap at nasuri ng maayos.

Ayon sa resulta ng isinagawang sarbey na may 80 respondante na mayroong kalayaang


pumili higit sa isa ay nag-sasabing kaya sila nakakaranas ng diskriminasyon sa trabaho ay
dahil sa edad na may 56.25% na sumangayon, May 77 o 96.25% na respondante ang
sumang-ayon kung nakakaapekto ba ang diskriminasyon sa mga senior citizen. Sa
ikatlong tanong ay may 35 o 43.75% na respondante na nagsasabing nakakaapekto ito sa
damdamin ng isang senior citizen. Sumunod ang 31 o 38.75% na respondante ang
nagsasabing humahantong ang pagbabawal sa mga senior citizen magtarabaho sa
kawalan ng pera o problemang pinansyal. Ang 56 o 70% na respondante ay nagsasabing
i-respeto at igalang ang mga senior citizen para mai-alis ang diskriminasyon.
KONKLUSYON

Ayon sa datos na nakalap ng mananaliksik mula sa isinagawang sarbey ay napatunayan


sa pananaliksik na ito na nakakaranas pa rin sa kasalukuyan ang mga senior citizen ng
diskriminasyon pagdating sa trabaho. Nalaman ng mananaliksik na kaya nakakaranas ng
diskriminasyon o hindi pantay na pagtingin ang mga senior citizen ay dahil sa kanilang
edad, ayon ito sa mga respondante na may 56.25% na pagsang-ayon. Nalaman din ng
mananaliksik sa sarbey na labis nanakakaapekto ang diskriminasyon sa damdamin ng
isang senior citizen. Bunga ng diskriminasyon na ito ang mga problema kagaya na
lamang sa problemang pinansyal na kinakaharap ng 38.75 na respondante. Ang solusyon
para mai-alis ang diskriminasyon sa kanila ay pagrespeto at paggalang sa kanila at
maraming sumangayon na respondante na nasa 70% na naniniwalang paraan ito upang
mai-alis ang diskriminasyon.

REKOMENDASYON

You might also like