Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

PAGBASA AT PAGSUSURI

“EPEKTO NG PAGGAMIT NG CELLPHONE

SA SILID-ARALAN NG MGA MAG-AARAL

SA BAITANG 11”

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik

ng

Grade 11-GAS

Marso, 2019

1
Talaan ng mga Nilalaman

Dahon ng Pagpapatibay 3

KABANATA I: And Suliranin at Kaligiran Nito

Intrduksyon 4-5

Layuni ng Pag-aaral 5-6

Kahalagahan ng Pag-aaral 6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 7

Depinasyon ng mga Terminolohiya 7-9

KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 10-11

KABANATA III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik 12

Mga Respondente 12

Instrumento ng Pananaliksik 13

Tritment ng mga Datos 13

KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Pagsusuri ng Datos 14-15

KABANATA V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom 16

Rekomendasyon 16-17

Konklusyon 18

2
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

Pagbasa at Pagsuri. Pagbasa at Pagsusuri, ang pamanahong-papel na ito na

pinamagatang “Epekto ng paggamit ng Cellphone sa silid-aralan ng mga

Mag-aaral sa Baitang 11” sa Lumbia National High School ay iniharap ng

pangkat ng mga mananaliksik mula sa 11-GAS na binubuo nina:

Ghyle G. Janolino

Nikka Magic M. Adriano Jerlyn P. Fuentes

Nemecio P. Serad III Sherwin P. Fuentes

Jake U. Alam Dharyl A. Jagus

Molina Guisiel E. Magrina Jelina M. Lara

Tinanggap sa pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Lumbia National High

School, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri Tungo sa pananaliksik.

Kristin B. Buna
Guro

3
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Naninirahan tayo dito sa na kung saan teknolohiya o gadget na ang ating

ginagamit sa pakikipagkomunikasyon o pakikipagkapwa tao sa ating pamilya,

kaibigan, o kahit sino pa man saan daku ng mundo. Sa paggamit natin ng

personal mobile phones ito ay isang paraan upang mapadali ang mensahe tungo

sa pinaroroonan. Ito rin ay isang paraan upang tayo ay malibang sa paglalaro ng

mobile games. Sa kasalukuyan ito ay naging malaki at mabigat ang paggamit ng

gadgets o personal mobile phone. Sa nakalipas na limang taon kung saan ang

bawat palatandaan ay nagpapatuloy.

Kumakailan lamang, tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na gumagamit ng

mobile phones o gadgets sa loob ng silid aralan tuwing nagkaklase. Sa pulong at

tanong na kung ano nga ba ang patakaran ng paaralan, sa gayundin, ito ay

masolusyunan sa madaling proseso tungkol sa paggamit ng personal mobile

phone o gadgets. Sa makatuwid, kailangang ihigpit ang mga batas o regulasyon

upang ang mga mag-aaral ay makapokus sa kanilang pag-aaral. Bagamat, may

mga mag-aaral rin na gumagamit ng personal mobile phone para sa school

4
purposes. Ngunit sa kadahilanang ito, ang mga mag-aaral ay inaabuso ang

paggamit ng personal o gadget kaya humahantong sa maling direksyon. Sa

kasamaang palad ito rin ay nagbibigay ng mga maling impormasyon o balita.

Bilang isang mag-aaral sa Lumbia National High School ang aming layunin sa

aming ginawang pananaliksik ay upang mahibsan at mahinto ang paggamit ng

personal mobile phone. Sa gayundin, ginawa namin itong pagsusuri upang

malaman ang kahalagahan at kabuluhan kung paano gamitin ang isang personal

mobile phone sa akmang paraan na makakatulong sa pagtaas ng lebel ng

edukasyon sa mga mag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang Pag-aaral na ito ay nagsususri ng epekto ng paaggamit ng cellphone

sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral sa Baitang 11. Para sa S.Y.

2018-2019. Sumasagot ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod na

problema:

a) Gaano ba kahalaga ang paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan

ng mga mag-aaral sa Baitang 11?

b) Nakakatulong ba ito sa pagtaas ng lebel ng edukasyon ng mga

mag-aaral?

5
c) Ano ang mga negatibong epekto ng paggamit ng cellphone sa loob ng

silid-aralan?

d) Ano ang mga positibong epekto ng paggamit ng cellphone sa loob ng

silid-aralan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong pusong nanininwala na ang pag-aaral na ito

ay napakahalaga. Ito ay nagsisilbing payak na kaalaman na maaring makatulong

sa pagtaas ng lebel ng edukasyon ng mga mag-aaral at para rin matulongan sila

na makatapos sa pag-aaral.

Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki

ng maitutulong nito hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati narin sa mga guro

at sa ating paaralan.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaring malaman ang kahalagahan

ng paggamit ng personal mobile phones sa loob ng silid aralan ng Baitang 11

para sa mas mataas na lebel ng edukasyon ng mga mag-aaral.

6
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatoun sa pagsusuri ng mga epekto ng

paggamit ng personal mobile phones sa silid-aralan ng mga mag-aaral. Saklaw

nito ang mga estudyante sa Baitang 11 na Lumbia National High School.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa Baitang 11 sapagkat,

saklaw sa kanila ang pag-aaral na ito. Naniniwala ang mga mananaliksik sa

kasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng pag-aaral na ganito

upang masagot ang mga katanungan at makapagbigay ng sapat at

napapanahong impormasyon para matulungan ang mga mag-aaral na

makapag-pukos sa klase.

Depinasyon ng mga Terminolohiya

Upang mas mapadali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapatan ng mga mananaliksik na bigyan ng depinasyon ang mga sumosunod

na termiolohiya batay sa kung paano ginagamit ang bawat isa sa mapanahong

papel.

Cellphone

Ang isang cellphone ay isang portable telepono na maaaring gumawa at


tumanggap ng mga tawag sa loob ng isang radio frequency link habang ang user
ay gumagalaw sa loob ng isang lugar ng telepono serbisyo. Ang radio frequency
7
link ay nagtatatag ng isang koneksyon sa mga sistema ng paglipat ng isang
mobile phone operator, na nagbibigay ng access sa mga pampublikong inililipat
ng telepono ng network (PSTN). Karamihan sa modernong mga mobile mga
serbisyo ng telepono gamitin ang isang cellular network architecture, at,
samakatuwid, mga mobile na telepono ay madalas na tinatawag din na cellular
telepono o cell phone. Bilang karagdagan sa telephony, 2000s-panahon mobile
phone support isang iba't ibang mga iba pang mga serbisyo, tulad ng text
messaging, MMS, email, Internet access, maikling-range wireless na
komunikasyon (infrared, Bluetooth), mga aplikasyon ng negosyo, gaming, at
digital photography. Mobile phone na nag-aalok ng mga ito at mas
pangkalahatang computing kakayahan ay tinukoy bilang smartphone.

Social Networking Service (SNS)

Ang social networking service (SNS) ay tumutukoy sa alin mang plataporma


na lumilikha ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga
taong may magkatulad na interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa tunay
na buhay. Ito ay binubuo ng isang representasyon ng bawat gumagamit (na
kadalasan ay isang profile), ang mga ugnayan nito sa ibang mga tao, at iba pang
mga serbisyo. Ang karamihan ng mga social networking service ay nagbibigay ng
paraan sa mga gumagamit nito na makisalamuha sa sa Internet gaya ng e-mail at
agarang pagpapadala ng mensahe. Ang mga site na ito ay pumapayag sa mga
gumagamit na magpaskil ng mga ideya, mga larawan, mga aktibidad, mga
pangyayari at mga interest at iba pa sa mga taong nasa kanilang network. Ang
mga halimbawa ng mga serbisyong ito ay kinabibilangan ng Facebook, Google,
tumblr, Twitter, Nexopia, Badoo, Bebo, VKontakte, Delphi, Draugiem.lv, Hi5,
Hyves, iWiW, Nasza-Klasa, Soup, Glocals, Skyrock, The Sphere, StudiVZ,
Tagged, Tuenti, XING, Hi5, Orkut at marami pang iba.

8
Facebook

Ang 'Facebook ay isang social networking website na libre ang pagsali at


pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya.
Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod,
pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa
ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng
mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang
ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa mga mukhang
nasa aklat na papel(paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang
kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong
paaaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o
propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa
kampus.

Facebook Status

Ang facebook status ay ang kalagyan ng personal na account ng isang tao sa


facebook.

9
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang Cellphone ay isang uri ng gadget na kung saan ay mabisang paraan sa


pakikipag komunikasyon saan ka man naroroon. Ito ay gawa sa light materials
kung kayat madaling dalhin kahit saan ka man pumunta, pwedeng ilagay sa bag o
kaya naman ay sa bulsa. (Dxspeedy 2011)

Sa taong 1990’s, kung saan wala pang mga cellphone at tablet sa loob ng
paaralan, ang mga estudyante ay nakaasa lamang sa mga computer na nasa
computer lab at sa libro sa silid aklatan. Kaya hindi agad natatapos ng mga
estudyante ang kanilang mga thesis o iba pang gawain. (Madison Anderson 2014)

Sa henerasyon ngayon marami ng mga gadget ang ginagamit sa loob ng


paaralan katulad ng laptop, tablet, cellphone at maraming pang iba. Mas
mapadali na ng mga estudyante ang paggawa ng mga thesis dahil sa tulong ng
mga teknolohiya nito. (Madison Anderson 2014)

Ang positibong dulot ng cellphones ay napapadali nito ang ating


pakikikomunikasyon sa ating mga mahal sa buhay. Lalo na kung sila ay nasa
malalayong lugar dahil dito nasasabi agad natin ang mga mahahalagang
pangyayari na biglaan na dapat nilang malaman. Lalo na kung kaliangan ng
kanilang tulong. Dahil dito napapasaya tayo lalo na kung ang nagtext sa atin ay
ang ating napakaespesyal na tao sa ating buhay. Marami pang positibong epekto
dulot ng paggamit ng cellphones. (Lemuel Dagandan 2012)

Mayroong ding negatibong epekto ang cellphones sa mga estudyante. Isa


na rito ay ang pagkalulong ng mga kabataan at labis na paggamit nito ay
nagdudulot ng masamang epekto lalong-lalo na sa ating katawan. Natutunan rin
10
ng mga kabataan ang paggamit ng mga acronym na hindi angkop lalong-lalo na
sa mga estudyante dahil maaari niya itong madala sa kanyang pag-aaral. Ito rin
naging hadlang ng ibang estudyante sa kanilang kinabukasan. Dahil dito hindi na
sila makapokus sa kanilang pag-aaral. .( Lemuel Dagandan 2012)

Ayon sa article na mula sa thesis na “The Etiquette of In-Class Texting”. Ang


cellphone ay may positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral. Sa journal na
ito pinatunayan na ang mga estudyante na gumagamit ng cellphone ay hindi
nakakapokus sa leksyon ng kanyang guro. Sa journal ding ito sinasabi ang mga
mag-aaral na gumagamit ng cellphone ay kadalasang namamali sa pag spelling
at ang grammar.

11
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga hakbang bilang gabay sa


gagawing pag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang “questionnaire” o “survey sheet”
sa epekto ng paggamit ng cellphone sa loob ng klasi ng mga mag-aaral sa
Lumbia National High School kung saan ang talatanungan na may sampung (10)
katanungan ang siyang pinakamahalagang instrumento upang gamitin sa
pagkalap ng datos.

Ang “questionnaire” ay isang paraan ng paglalahad ng mga datos na


makakalap kung saan tutukuyin kung may maganda o masama bang maidudulot
ang paggamit ng cellphone sa loob ng klase.

Mga Respondente

Ang pag-aaral na ito ay may dalawampung (20) respondente sa Baitang 11


ng Lumbia National High School. Sa pamamagitan ng random sampling ay
natutukoy ang bilang ng mga respondanteng mag-aaral na kakatawan sa
pag-aaral na ito.

12
Instrumentong Pampananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng “questionnaire” na siyang sasagutan ng


mga respondente upang makuha ang hinahangad na mga datos.

Tritment ng mga Datos

Sa pagsusuri ng datos ay may ibibigay ang mga mananaliksik na mga


talatanungan sa mga mag- aaral. Sa pamamagitan ng mga sagot nila na galing sa
talatanungan ay matutukoy at masusuri na kung ano ba talaga nag magiging
epekto ng paggamit ng cellphone sa loob ng klase, ito ba ay may maganda o
masamang maidudulot sa mga mag-aaral. Ano man ang magiging sagot ng mga
respondente ay iyon ay susuriin ng mga mananaliksik. Dito na makikita at
malalaman ang mga sagot ng respondente na kinakailangan sa pagsusuri ng
mga datos. Ang magiging resulta sa pananaliksik ay nababatay sa mga sagot sa
mga respondente.

13
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Pagsusuri ng Datos

Sa pagsusuri ng datos ay gumawa ng talatanungan ang mga mananaliksik


bilang gabay para makakuha ng kinakailangang impormasyon tungkol sa
posibleng mga dahilan sa paggamit ng cellphone sa silid-aralan. Sa kanilang mga
sagot ay dito na malalaman kung ano talaga ang posibleng mga dahilan ng
paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan, ito ba ay mabuti o masama. Ano man
ang magiging sagot ng mga respondente ay yun ang susuriin ng mga
mananaliksik. Dito na makikita ang mga sagot ng mga respondente na
kinakailangan sa pagsusuri ng mga datos. Ang magiging resulta sa pananaliksik
ay nakabatay sa mga sagot ng respondente.
Ang mga sumusunod ay ang kalabasan ng sarbey ng mga mananaliksik.

Kasarian
Tanong Blg. Lalaki (10) Babae (10) Kabuohan
Mga Dahilan sa Paggamit ng Cellphone sa Silid-aralan
#1 6 10 16
#2 3 7 10
#3 6 8 14
#4 0 1 1
#5 5 7 12
Mga Dahilan sa Hindi Paggamit ng Cellphone sa Silid-aralan
#1 0 0 0
#2 0 0 0
#3 2 0 2
#4 1 0 1
#5 2 0 2

14
Mga Dahilan sa Paggamit ng Cellphone sa
Loob ng Silid-aralan
10
10

8 8
7
6
6 6 7

4 5
3

0 1
0
Tanong #5
Tanong #2
Tanong #3
Tanong #4
Tanong #5

Lalaki Babae

Mga Dahilan sa Hindi Paggamit ng Cellphone


sa Silid-aralan
2 2
2
1.8
1.6
1.4
1.2 1
1
0.8
0.6
0.4
0.2 0 0 0 0 0 0 0
0
Tanong #1 Tanong #2 Tanong #3 Tanogn #4 Tanong #5

Lalaki Babae

15
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom

Sa pananaliksik na ito, nalaman namin na ang mga posibleng dahilan sa


paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral sa baitang 11.
Nasuri dito na ang karamihan ng mga estyudante sa baitang 11 ay gumagamit ng
cellphone sa loob ng silid-aralan. At base din dito, ang dahilan ng ibang mga
mag-aaral kung bakit di sila gumagamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan ay
wala silang mga cellphone.

Karamihan sa mga dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit ng cellphone sa


silid-aralan ay ang paglikom ng mga datos sa kanilang mga leksyon. Ang iba
naman ay ginagamit ito upang mag-update sa kanilang status sa facebook at
ginagmit itong libangan sa bakanteng panahon. At sa nagawa naming sarbey,
nakita naming na bihira lamang ang mga estudyante sa panahon natin ngayon
ang hindi gumagamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan.

Rekomendasyon

Kaugnay ng konklusyon ay buong pagpapakumbaba na mabigyang pansin ng


mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Sa mga mag-aaaral

Sa mga mag-aaral na gumagamit ng cellphone, hinihiling naming


mananaliksik na huwag nalang magdala ng cellphone sa loob ng klase kung hindi
naman kinakailangan kasi hindi naman sa hindi ito ninyo magagamit dahil meron

16
naman tayong silid aklatan na mapagkunan ng impormasyon. Dito natin
mapatunayan na talagang maypag tugon tayo sa ating pag-aaral. Dito rin
masusubok ang ating kapursigido sa pagkamit ng ating tagumpay sa pag-aaral.

2. Sa mga magulang

Sa mga magulang, bilang isang magulang huwag sana kayong magsawang


gabayan ang iyong anak sa pagkamit sa kanilang pangarap. Palaging ipa alala sa
kanila na ang pagpupursigi sa pag-aaral ay ang susi para makamit ang
minimithing magandang kinabukasan. Para hindi sila mawili sa ibang materyal na
bagay na maaring makakasira sa kanilang kinabukasan.

3. Sa mga guro

Sa mga guro, kayo ang tinuturing na pangalawang magulang ng mga


mag-aaral. Humihingi kami sa patuloy na paggabay sa kanila sa pagtahak nila sa
kanilang kinabukasan.

17
Konklusyon

Sa makatuwid, na laman namin na hindi lang pala ito ginagamit sa personal


na dahilan kundi, nagiging instrument ang cellphone upang mas mapadali at
umangat ang lebel ng edukasyon nga mga mag-aaral sa ating henerasyon.
Nalaman din namin na kaya pala sila gumagamit ng cellphone ay dahil minsan
hindi sila pinapasukan ng kanilang mga guro kaya ginawa nila ito upang malibang
sila sa oras na bakante.

Nalaman naming dito na karamihan sa mga mag-aaral ay dumedepende sa


cellphone sa pagkuha ng mga importanteng impormasyon at datos. Marami ang
gumagamit nito dahil halos lahat ng tao ay nagmamayari ng isa sa mga ito. Kaya,
masasabi nating ang cellphone ay lubos na kailangan ng bawat isa atin, ngunit,
kailangan nating kontrolin ang ating mga sarili sa paggamit nito dahil maari rin
itong maging dahilan sa pagbagsak ng ating mga mag-aaral sa kanilang mga
asignatura.

18

You might also like