Ang Alamat Ni Robin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

University of Santo Tomas-Legazpi

Legazpi A. D. 1948

Proyekto sa
Filipino 7

Ipinasa kay: Bb. Angelene B. Calleja


Alamat ng Talon ng Aliwagwag
Noong panahon kung saan ang ating bansa ay malaya pa sa mga mananakop, may isang
mapayapang tribo sa bayan ng Cateel, Davao Oriental. Ngunit ang namumuno sa tribo ng Cateel ay isang
mapagbigay at maawain na babae, siya ay si Aliwagwag kung saan siya ay madalas o madaling umiyak. Si
Aliwagwag ay ang panganay sa 4 na magkakapatid, simula pagkabata pa lang ay talagang madalas na o
madaling umiyak. Ngunit kahit siya ay isang madamang tao, siya ay mayroong pusong ginto. Noong si
Aliwagwag ay bata pa, napapansin ng kanyang mga magulang at kapamilya ang kanyang kagandahang
loob, siya ay isang masipag at matulungin na anak sa kanyang ina at sa edad na 9 si Aliwagwag ay
naasahan na ng kaniyang mga magulang bilang isang responsableng tao para sa kanyang mga kapatid. Ng
si Aliwagwag ay dalaga na, siya na ay nakakapagtulong sa kaniyang tribo sa paraan ng pag-handog ng
kaniyang kabaitan at kasipagan, kahit ang pamilya ni Aliwagwag ay hindi mayaman, siya pa din ay
namimigay ng mga pangangailangan ng mga tao o pamilya na nangangailangan pa ng tulong kaysa sa
pamilya nila. Sa edad na 17, ang kaniyang ama ay lumipas na dahil sa malubhang sakit na hindi umano
kaya gamutin ng kanilang manggagamot, ngunit bago pumanaw ang kanilang ama, nagkaroon ng oras para
kausapin ng kanilang ama ang kaniyang pamilya habang siya ay nakahiga sa kamang ikamamatayan ng
kanilang ama, ang mga huling salita na nadinig ni Aliwagwag na nanggagaling sa kaniyang ama ay “anak,
kahit ako ay mamatay na, mayroon akong hiling na gusto ko itupad mo, gusto ko na ipagpatuloy mo ang
iyong pagbigay ng kagandahang loob sa mga taong nangangailangan” matapos madinig ni Aliwagwag ang
mensahe ng kanyang ama ay nagsimula nang tumulo ng mabilis ang mga luha na nanggagaling sa mga
mata at patuloy nang umiyak siya habang dahan- dahan nang pumipikit ang mga nata ng kanyang ama.
Nang ililibing na ang kanyang ama ay nagsimula ulit na dumaloy ang kanyang hindi mapagil na mga luha,
matapos ang ilang taon na namatay ang kaniyang ama, si Aliwagwag ay nagkaroon ng mang- iibig sa
kanya hanggang sa kaniyang pagtanda. Sa edad na 23 ay ikinasal siya sa kaniyang mang- iibig, ngunit sa
araw ng kasal ni Aliwagwag ay hindi niya napigilan ang kaniyang mga emosyon kaya siya ay lumuha
habang siya ay hinalikan ng kaniyang bagong asawa. Si Aliwagwag ay nagkaroon ng 3 mga anak sa edad
na 31, at sa oras na iyon ay nagkaroon ng pagpili ng bagong mamumuno sa kanilang tribo, at nagdesisyon
ang kaniyang tribo na ang kanilang bagong mamumuno ay si Aliwagwag dahil sa kaniyang kagandahang
loob, kaya sa araw ng pagdeklara ng kanilang bagong namumuno na si Aliwagwag, hindi niya napigilan
ang tensyon ng kanyang mga emosyon kaya sa harap ng kanyang tribo ay nagsimulang lumuha si
Aliwagwag dahil sa kanyang kasiyahan bilang mamumuno. Dahil si Aliwagwag na ang bagong namumuno
sa kanilang tribo, mas dumami na ang kanyang mga responsabilidad, ngunit walang problema sa kanya
ang pagkaroon ng mas madaming tungkulin dahil siya ay isang matapat na tao. Dahil sa taos puso niyang
pagbigay ng kaniyang makakaya, si Aliwagwag ay mas tumagal ang kaniyang pamumuno sa kanilang tribo,
dahil walang makapaggagawa ulit ng mga kabutihan na kaniyang naihandog sa kanyang kapwa tao. Ngunit
isang araw ay si Aliwagwag ay nakaramdam ng malubhang sakit sa kaniyang katawan, dito niya nalaman
na darating na din ang kanyang oras dahil walang gamot ang makakapagayos ng kaniyang sakit, kaya
madaming tao ang nagsidagsaan sa kanyang bahay at isa-isang nag-pasalamat sa kaniyang kabutinhang
gawa. Ng si Aliwagwag ay pumanaw na sa kaniyang kama, ang buong tribo na kanyang pinagmunoan ay
nagsidagsaan sa kanyang libing. Si Aliwagwag ay namatay sa edad na 73 at inilibing sa tuktok ng isang
bundok na mataas, ngunit matapos ang ilang araw ay mayroong misteryosong tubig na biglang dumaloy
pababa ng bundok na nilibingan ni Aliwagwag. Ang paniniwala ng mga tao, ang tubig na dumadaloy
hanggang ngayon ay ang luha na nanggagaling kay Aliwagwag.

Sa panahon natin ngayon ang tubig na pinaniniwalaang luha na nanggaling kay Aliwagwag ay dumadaloy
pa din ng mapayapa at malakas at naging isang talon na itinawag na “Aliwagwag Falls”

You might also like