Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Relo

Ni: Charisse Angel C. Yuin

Isang umaga ni Aleng Aning si Relona upang pumunta sa eskwela ngunit


nagdabog at nagbingibingihan lang ito.Hindi nya sinunod ang kanyang oras sa
pagkain at pagpasok sa eskwela. Laging ganito ang ginawa nya, wala siyang
pakialam sa halaga ng oras.Hanggang isang araw,Inutusan nang Nanay niya si
Relona upang bumili ng mantika sa tindahan imbis na sumunod ay sinigawan nito
ang kanyang butihing Ina at inirapan ng kanyang mga mata at ang sabi pa nay “
Ano ba naman inay ang aga pa nga eh “ Tingnan mo nga Relona kung anong oras
na? Tingnan mo sa relo mo.

Narining ng isang diwata ang sinabi at inasal ni Relona nagalit ito sa kanya
dahil sa hindi pagpapakita ng respetp sa kanyang Ina at sa hindi pagsunod sa oras
kaya bilang parusa ay ginawa ng diwata si Relona na maging isang relo “ MAhal
na Diwata patawad po, hindi ko na po uulitin” Pag mamakaawa ni relona sa
makapangyarihang diwata. Kailangan mong matutunan ang leksyon mo bilang
isang relo ng sa ganun ay maranasan mo at malaman kung gaano kahalaga ang
oras bawat tao.

Nagsisi man ngunit walang nagawa si Relona kaya sa bawat pagpatak ng


oras ay naaalala niya ang mga gawain niyang hindi maganda at sa bawat pag-ikot
ng kanyang mga paa ay nababatid niyang tama ang kanyang Ina na kailangang
pahalagahan ang oras at sumunod sa utos ng kanyang Ina ta magbigay ng respeto
hindi lang sa kanyang Ina kundi sa lahat ng taong kanyang nakakasalamuha.

You might also like