Professional Documents
Culture Documents
Filipino-Ii Prelims PDF
Filipino-Ii Prelims PDF
© angelica garcia
1. Baybayin
Ø Katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Sinasabing dito maaaring ugatin ang
kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino.
Ø Sinaunang Paraan ng Pagsulat
Ø Tatlong (3) Patinig at Labing-apat (14) na Katinig
Doctrina Christiana
à Nailimbag noong 1593
à Hudyat ng Romanisasyon ng Alpabetong Filipino
à Pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas
à Dasal: “Ama Namin,” “Aba Ginoong Maria,” “Sampung Utos ng Santa Iglesya,”
“Pitong Sakramento,” “Tanungan”
à Nakasulat sa Español at Tagalog (alpabetong Romano at Baybaying Tagalog)
Balarila
à Aklat ni Lope K. Santos na nalathala noong 1940
à Naging batayan ng kaniyang ABAKADA.
Ortograpiyang Filipino
• 1977: Inilathala ang Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino, may 31 titik ("Pinagyamang
Alpabeto" – 20 titik ng Abakada at dagdag na 11 titik: C, Ch, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z)
• Kaugnay nitó, itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 1991 mula sa binuwag na
Linangan. Ito ang nagpalabas ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino na sa halip magpahupa ay lalòng nagpaalab sa mga alingasngas sa ispeling.
- “Kung ano ang bigkas, siyang baybay”
- Sinikap mamagitan ng Pambansang Lupon sa Wika at Salin, National Commission for Culture
and the Arts (NCCA) sa pagdaraos ng isang serye ng forum noong 13 Agosto 2005, 3 Marso
2006, at 21 Abril 2006. Naging patnubay ang mga ito sa muling pagsasaayos ng inilathalang
Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (2004 at nirebisa noong 2008) ng Sentro ng Wikang
Filipino-Diliman, Unibersidad ng Pilipinas gayundin sa rebisyon ng mga patnubay pang
manunulat na gaya ng Filipino ng mga Filipino (ikalawa at binagong edisyon, 2009) ng Anvil
Publishing (Almario, 2014).
• 2009 – Naglathala ang KWF ng bagong gabay na may ikaapat nang edisyon noong 2012.
Mga Grafema
• Pinakamaliit na yunit o bahagi ng isang sistema ng pagsulat
• Binubuo ng titik at di-titik
1. Titik
Ø Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig o
bokablo (vocablo) at ng mga katínig o konsonante (consonante).
Ø Dalawampu't walong (28) titik
Ø Binibigkas o binabása sa tunog-Ingles maliban sa Ñ
2. Di-Titik
Ø Binubuo ng tuldik at bantas
Ø Tuldík / Asénto – gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita
a. Pahilis (‘) – Diin at/o haba c. Pakupya (^) – Impit
b. Paiwa (`) – Impit d. Patuldok (¨) – Schwa
Ø Bantás – kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng titik at
pantig
a. Kuwit (,) e. Tuldok-kuwit (;)
b. Tuldok (.) f. Tutuldok (:)
c. Pananong (?) g. Kudlit (‘)
d. Padamdam (!) h. Gitling (–)
Pantig at Palapantigan
• Pantíg – yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambal-patinig at isa o mahigit pang
katinig.
• Págpapantíg – paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito
1. Kayarian ng Pantig
Aakyat A‧ak‧yat
Alaala A‧la‧a‧la
Totoo To‧to‧o
b. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasama sa
sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na pantig.
Espesyal Es‧pes‧yal
Aklat Ak‧lat
Ospital Os‧pi‧tal
Pansit Pan‧sit
Kataliwasan/Eksepsiyon
à Karaniwan, kung hiram sa Español ang mga digrapo gaya sa BR, TR, KR, at iba pa,
magkasama ito sa isang pantig at hindi pinaghihiwalay.
Sobre So‧bre
Litro Li‧tro
Okra O‧kra
Libro Li‧bro
c. Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa
ay sumasama sa sinundang patinig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig
Eksperto Eks‧per‧to
Transfer Trans‧fer
Inspirasyon Ins‧pi‧ras‧yon
Timbre Tim‧bre
Templo Tem‧plo
Sentro Sen‧tro
e. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, isinasáma ang
unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang
katinig sa kasunod na pantig.
Eksplosibo Eks‧plo‧si‧bo
Transplant Trans‧plant
3. Pantig na Inuulit
a. Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lámang ang inuulit.
A‧a‧kyat
I‧i‧big
U‧u‧bu‧hin
o Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lámang ang inuulit.
Nangyayari rin ito kung may panlapi ang salitang ugat.
La‧la‧kad
Ba‧ba‧lik
Mag‧la‧la‧kad
Pag‧ba‧ba‧lik
I‧pa‧pla‧no
Mag‧ta‧trans‧port
Pi‧pri‧tu‧hin
i‧pla‧plano
mag‧ble‧blessing
Pagbaybay na Pasalita
• Isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang
salita, pantig, akronim, daglat, inisyals, simbolong pang-agham, atbp
1. Pantig
2. Salita
3. Akronim
4. Daglat
5. Inisyals
a. Mga Bagay/Tao
b. Mga Samahan/Institusyon/Pook
6. Simbolong Pang-Agham/Matematika
Pagbaybay na Pasulat
• Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyáng
sulat/baybay” sa pagbaybay na pasulat.
Firma Pirma
Ventana Bintana
Calle Kalye
Cheque Tseke
Jamon Hamon
Ekistencia Eksistensiya
Zapatos Sapatos
7. Panghihiram/Eksperimento sa Ingles
- Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang eksperimento sa reispeling
o pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga
- Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga mag-aaral dahil higit na madalî niláng
makikilála ang nakasulat na bersiyon ng salita.
Standby Istambay
School Iskul
Police Pulis
Boxing Boksing
Traffic Trapik
Corny Korni
Fishball Pisbol
Kataliwasan/Eksepsiyon
- Tinitimpi ang pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram kapag:
a. Nagiging kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Filipino,
b. Nagiging higit pang mahirap basáhin ang bagong anyo kaysa orihinal,
c. Nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan,
d. Higit nang popular ang anyo sa orihinal, at
e. Lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig na salita sa Filipino.
9. Ingat sa Siyokoy
- Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang siyókoy ni Virgilio S. Almario, mga salitang
hindi Espanyol at hindi rin Ingles ang anyo at malimit na bunga ng kamangmangan sa
wastong anyong Espanyol ng mga edukadong nagnanais magtunog Espanyol ang
pananalita.
- Hal:
a. Konsernido (mula sa Ingles na “concerned”)
b. Imahen (dapat “imahe”)
c. Aspeto (dapat “aspekto”)
d. Kontemporaryo (dapat “kontemporaneo”
- PAYO: Kumonsulta sa mapagkakatiwalaang diksiyonaryo sa Espanyol; gamitin na lang ang
Ingles kung ito ang mas alam gamitin
13. Gamit ng J
- Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na /dyey/. Ibig sabihin,
hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Espanyol ng mga salitang ang J ay may
tunog na /ha/ at tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo na
ngayong hústo at huwés.
1. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Espanyol Filipino
Cheque Tseke
Litro Litro
Liquido Likido
Quilates Kilates
Kasong Kambal-Katinig
• Mahihinang patinig: i/u
• Malalakas na patinig: a/e/o
• Sa pangkahalatan, nawawala ang unang patinig sa mga kambal patinig na I+(A,E,O) at
U+(A,E,O) kapag nasisingitan ng Y at W sa pagsulat.
acacia akasya
teniente tenyente
beneficio benepisyo
aguador agwador
genuino henwino
Problema:
Ø INFLUENCIA [Esp]
IM‧PL‧WEN‧SYA
IM‧PLU‧WEN‧SI‧YA
2. Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o
mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita.
hostia ostiya
infierno impiyerno
eleccion eleksiyon
accion aksiyon
Lenguaje lengguwahe
encuentro engkuwentro
biscuit biskuwit
3. Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H.
estrategia estratehiya
colegio kolehiyo
region rehiyon
4. Kapag nasa dulo ng salita ang kambal-patinig at may diin ang bigkas sa unang patinig ang
orihinal.
e- co- no- mí- a ekonomiya
fi- lo- so- fí- a pilosopiya
ge- og- ra- pí- a heograpiya
Pansinin: Kapag nagkasunod ang malalakas na patinig (a, e, o), hindi na nasisingitan ng y o w
ang mga ito
aorta aórta
faraon paraón
teatro teátro
leon león
teorya teórya
idea ideá (ideya)
róta rúta
Diyósa dúsa
bóto búto, bútu, butù
bola búla, bulâ
bóte Búti
tóyo tuyô
Politika vs pulitika
Politica [Esp] à Politika
5. Epekto ng Hulapi
a. balae – balaihin hindi balaehin c. abo – abuhin hindi abohin
b. babae – kababaihan hindi d. takbo – takbuhan hindi takbohan
kababaehan
Gamit ng “NG”
• Ginagamit para maipakilala ang tagatanggap ng kilos
- Bumili [ng ano?] ng pagkain ang babae.
- Si Elena ay nagluto [ng ano?] ng manok.
• Ginagamit upang tukuyin ang ugnayan o relasyon
- Ang ina [nino?] ng bata ay nagpunta sa palengke.
- Ang bahay [nino?] ng lalaki ay bago.
• Para matukoy o makilala ang gumagawa ng kilos na balintiyak [passive action o tagatanggap
ng kilos]
- Kinain [nino?] ng aso ang tinapay.
- Binili [nino?] ng batang babae ang aklat.
Pagabalik sa Tuldik
pahilís ( ́ ) diin at/o haba Mabilís/malumay
paiwà ( ̀ ) impit Malumì
pakupyâ ( ̂ ) impit Maragsâ
Schwa (Mëranaw, Ilokano,
patuldok ( ¨ ) schwa Pangasinan, Ibaloy, Kankanay,
Kuyonon, Kinaray-a)
1. Malumay
Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig
dalága nánay
babáe silángan
saríli kilábot
táo tahímik
sampalatáya kapisánan
2. Malumi
batà (child) dalamhatì
talumpatì kulasisì
dambuhalà labì
Dagdag na Gamit ng Pakupya: Simbolo sa impit na tunog sa loob ng isang salita na nagaganap
sa Bikol at mga wika sa Cordillera.
a. Lîmuhen (Tiboli) ibong nagbibigay ng babala ang huni
b. Tîsing (Tiboli) singsing
c. Bûngaw (Bikol) bangin, na iba sa búngaw, Bikol din para sa sakit na luslós.
d. Kasâlan (Bikol) kasalanan
e. Bâgo (Bikol) bágo
f. Hûlung (Ifugaw) patibong sa daga
g. Mâkes (Ibaloy) pagbatì
h. Sâbot (Ibaloy) dayuhan
3. Mabilis
Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig
takbó bulaklák
isá katawán
malakí alagád
batubató alitaptáp
4. Ang Schwa
- Tunog na matatagpuan sa Mëranaw, Pangasinan, Ilokano, mga wika sa Cordillera,
Akëanon, Kinaray-a at iba pang wika sa bansa.
- ë; Dagdag ito sa mga tuldik na paiwà (`), pahilís (ˊ ), at pakupyâ (ˆ)
a. wën (Ilokano) katapat ng oo g. matëy (Mëranaw) katapat ng
b. kën (Ilokano) katapat ng din/rin matagal
c. këtkët (Pangasinan) katapat ng h. sëlëd (Kinaray-a) katapat ng
kagat loob
d. silëw (Pangasinan) katapat ng i. yuhëm (Kinaray-a) katapat ng
ilaw ngiti
e. Panagbënga (Kankanaëy) j. gërët (Kuyonon) katapat ng
panahon ng pamumulaklak hiwa
f. tëlo (Mëranaw) katapat ng tatlo
Gamit ng Gitling
1. Sa inuulit na salita
a. anó-anó h. kani-kaniya
b. aráw-áraw i. balu-baluktót
c. gabí-gabí j. pabálik-bálik
d. sirâ-sirâ k. nagkawasák-wasák
e. ibá-ibá l. pagbali-baligtarín
f. maya-maya m. pabula-bulagsák
g. pali-palíto
Sobra sa Gitling
a. kili-kili – kilikili d. ipu-ipo – ipuipo
b. ala-ala – alaala e. dib-dib – dibdib
c. gamu-gamo – gamugamo
Karaniwang mali
a. Nag puntá – Nagpunta
b. Pinag-sáma – Pinagsama
c. Nagibá – Nag-ibá (iba ang nagibâ!)
4. Kasunod ng “de”
a. de-kolór d. de-bóla
b. de-máno e. de-láta
c. de-kahón f. de-bóte
g. de-kalidad
5. Kasunod ng “di”
a. di-mahapáyang-gátang d. di-mahúgot-húgot
b. di-mahipò e. di-kágandáhan
c. di-maitúlak-kabígin f. di-maliparáng-uwák
Mag-ingat
a. iba-iba, iba’t iba – Iba’t-iba
b. Isa’t isa – Isa’t-isa
c. Samot-sari – Samo’t-sari
Pagsasalin
Mga Depinisyon ng Pagsasalin mula sa iba’t-ibang mga diksiyonaryo
1. Leo James English. 1986. Tagalog-English Dictionary. Manila: National Book Store and
Congregation of the Most Holy Redeemer.
- salin n. (1) translation. Syn. saling-wika; salinwika, Traduksiyón, Translasyón (Sp. translacion);
(2) copy; copying
- magsalin; isalin v. (1) to translate; to change from one language to another; to render; (2)
to transcribe; to put shorthand into regular writing or typewriting
- pagsasalin n. act of translating. syn. Pagsasaling-wika. Paghuhulog sa ibang wika.
- tagasalin, tagapagsalin n. translator; interpreter. Syn. Tagapagsaling-wika. Tagasalin sa
ibang wika
Ano ang kahulugan ng salitang salin, pagsasalin sa ibang konteksto o lawak ng kahulugan:
1. salin, pagsasalin n. pouring of liquid, grain or the like from one container to another. syn.
Buhos.
2. salin, pagsasalin n. (1) endorsement of a document from one person to another; (2)
turnover of an office or function to a successor.
Marami ang naniniwalang ang pagsasalin ay kasintanda ng panitikang nakasulat. Ayon kay Cohen
(1986), ilan sa mga bahagi ng epikong Gilgamesh ng Sumeria ay kinatagpuan ng salin sa iba’t ibang
wikang Asiatiko noon ikalawang milenyo B.K.
Sa Pilipinas, kasintanda na rin ang pagsasalin ng limbag na panitikan (Almario et.al. 1996) ang unang
aklat na nailimbag sa Pilipinas ang Doctrina Christiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at
tuntunin ng simabahang Katoliko.
Nasundan pa ito ng mga akdang tulad ng Meditaciones Cun Manga Mahal na Pagninilay na Sadia
sa Sanctong pag Eexercisios (1645) ni Fray Pedro de Herrera na unang salin sa Tagalog ng mga
gawaing espiritwal o Exercitia Spiritualia ni San Ignacio de Loyola mula sa Espanyol ni Fray Francisco
de Salazar
Manga Panalanging Pagtatagobilin sa Caloloua nang Tauong Naghihingalo (1703) ni Gaspar Aquino
de Belen na salin ng Recomendacion de alma (1613) ni Tomas de Villacastin; at Aral na tunay na
Totoong Pagaacay sa Tauo, nang manga Cabanalang Gaua nang manga Maloualhating Santos na
si Barlaan ni Josaphat (1712) na salin ni Fray Antonio de Borja sang-ayon sa teksto ni San Juan
Damaceno.
Marahil ang ganitong pagtingin sa gawain ng pagsasalin bilang kataksilan ang pinag-uugatan ng
paniniwalang nawawala ang pagiging tula ng isang tula kung ito ay isinasalin. Kakaiba ito sa
pananaw nina Ezra Pound at W.H. Auden na nagsasabing napananatili ang isang tula sapagkat
tanging ang tinig ng isang makata ang naririnig kahit isalin pa ito sa alinmang wika. (Almario et al
1996,19)
Sa pananaw naman ni Chabban (talakay mula sa Abdellah, 2002), isa itong mabubusising trabaho
sapagkat hindi pa ito natatakdaan ng istriktong siyentipikong panuntunan at patuloy na
tumatanggap ng iba’t ibang anyo ng salin ng isang teksto, dagdag pa niya, isa itong lubhang
subhetibing sining na kaiba sa agham kung saan may tiyak na termino sa mga tiyak na konsepto.
Sa paliwanag ni Liban-Iringan (2005-2006), sinasabing ang pagsasalin ay naiuugnay sa agham dulot
ng pinagdadaanan nitong proseso at sa sining dahil sa mga ginagamit na sangkap upang
maipaunawa ag isang akda sa pamamagitan ng muling palikha nito, na kung minsan pa ay
itinuturing na hiwalay na sa mismong orihinal na akda. Dagdag pa ni Liban-Iringan: “Ang pagsasalin
ay higit pa sa transmisyon ng mga paksa na nalalantad sa panahong ito’y nabubuhat kaya ito’y
masasabing umabot sa tugatog ng tagumpay. Ang pagpapanatili sa original ay natatamo sa muling
paglikha (ever renewed latest) sa huling sandal na ito’y kinilala.. Ang pagsasalin ay may misyong
tapusing ang pagiging isteril ng wika sa pamamagitan ng muling paglikha…”
Mula sa nabanggit, makikita ang magkakaibang pananaw hinggil sa pagsasalin na maaaring bunga
ng iba’t ibang estilo at layuning kakabit ng pagsasalin. Kaya naman, maging sa mismong
pagpapakahulugan sa pagsasalin, mapapansin din ang iba’t-ibang pananaw ng mga dalubhasa:
Sa kabuuan, batay sa paliwanag ni Santos (1996), ang pagsasalin ay: “ang malikhain at mahabang
proseso ng pagkilala at pag-unawa ng mga kahulugan sa isang wika at ang malikhain at mahabang
proseso ng paglilipat ng mga ito sa kinilala at inunawang mga kahulugan ng isa pang wika.”
Nagkakaisa man ang mga kahulugang nabanggit na ang “mensahe” ng SL ang tiyak na binibigyan
pukos sa ginagawang pagsasalin, batid ng sinumang tagasalin at mga dalugbaha sa pagsasalin na
hindi ito madaling maisakatuparan. Lagi’t-laging nahaharap ang anumang salin sa katotohanang
walang TL na may tiyak na tumbas sa lahat ng mga konsepto ng SL na particular na bahagi ng isip at
damdamin ng mga salita nito.
Sa pananaw ni Almario (1996), isang kalabisan ang tawaging “pagsasaling wika” ang proseso ng
pagsasalin. Hindi na kinakailangan ang mapalinaw ngunit mahabang pagdurugting ng “wika” upang
maibukod ang nasabing gawain sa iba pang uri ng “translation” (tulad ng tubig, sakit at iba pang
naisasalin). Ayon sa kanya, kung titignan sa Vocabulario de la Lengua Tagala nina Noceda at Sanlucar
(1754), ang nagungunang kahulugan ay ang transakador o ang paglalapat ng isang salita sa salitang
nasa ibang wika. Mula rito, malinaw na ang mismong pagsasalin ay may pagtukoy na proseso ng
paglilipat ng wika kung kaya’t hindi na kinakailangan dugtungan pa ng salitang “wika”.
Higit pang binusisi ni Lumbera (1995) ang salitang “translate” sa pagbibigay ng dalawang salitang
katumbas nito sa wikang Tagalog, ang “salin” at ang “hulog”. Sa literal na pagpapakahulugan, ang
“salin” ay nagsasaad na mayroon nang sisidlan ang binibigyang-diin. Samakatuwid, nasa proseso ng
paglilipat ang tuon ng nasabing konsepto.
Sa kabilang banda, ang pagbitaw sa isang bagay upang mapunta (o bumaba) sa naghihintay na
tao sa sisidlan ang literal na pagkahulugan sa “hulog”. Kung susuriin nagaganap ang “hulog” kung
naiiba na ang isang bagay sa dapat nitong tunguhan. Ibig sabihin, nasa kaganapan ng proseso ang
diin nito. Mula rito mahihiwatigan sa kabuuan ng naging pag-aaral ni Lumbera ang higit na
pagsasaalang-alang sa “salin” o sa mismong proseso. Nasa proseso ng paglilipat ang ikatagumpay
ng gawain at hindi lamang sa naging resulta.
Kaugnay sa pagbibigay-halaga sa “salin”, sinasabing may dalawang lebel ang isang wika kapag
ginagamit ito sa paglilipat sa ibang wika (Lumbera,1995). Una ay ang pagtatapat ng salita sa salita ng
SL at ang ikalawang lebel na higit na malalim sa una, kung saan hinahanap ang mga katumbas ng
karanasang hatid ng orihinal na wika. Ayon kay Lumbera, sa ganitong paglilipat: “lumulusong ang
tagasalin ng akdang pampanitikan upang sa muling pag-ahon niya ay mabigyan ng kaukulang mga
salita ang karanasang inihanap niya ng katumbas sa kailaliman.”
Malinaw sa puntong ito na ang pagdidiin sa proseso ng pagsasalin na kinakapalooban, hindi lamang
sa wika kundi lalo at higit ng kultura, kasaysayan, at lipunan sa mga pahayag ng may-akda upang
matiyak na ganap na naisasalin nito ang kabuuang akda, kalakip ang damdamin at kaisipan nito.
Sa higit na ikauunawa sa gawain at hamon ng pagsasalin, narito ang ilan sa mga pahayag ng mga
manunulat at iskolar hinggil dito:
1. Milan Kundera, Nobelista – “Common European though is the fruit of the immese toil of
translators. Without translators, Europe would not exist; translators are more important than
members of the European Parliament”
2. (Di-kilala) – “Many critic, no defenders, translators have but two regrets; when we hit, no one
remembers, when we miss, no one forgets.”
3. J.B. Goethe, Nobelista – “Say what we may of the inadequacy of translation, yet the work is
and will always be one of the weighties and worthiest undertaking in the general concerns
of the world.”
4. Anthony Burgess, Nobelista, Kritiko, at Kompositor – “Translator is not a metter of words only: I is
a meter of making intelligible a whole culture.”
5. Friedrich Schleiermacher, pilosopo – “Either the translator leaves the author in peace as much
as possible, and moves the reader towards him: or he leaves the reader in peace, as much as
possible, and moves the author towards him.”
6. Edmond Cary, manunulat – “Translator live off the differences between languages, all the
while working toward eliminating them.” –
Trivia
1. Fr. Francisco Blancas de San Jose – first Filipino translator
2. Fernando Bagongbanta – second Filipino translator
3. Gaspar Aquino de Belen – third Filipino translator
2. Intersemyotikong Salin
- Pagsasapelikula ng nobelang Noli Me Tangere
- Pagsasakomiks ng awit na Florante at Laura
- Transmutation; an interpretation of verbal signs by means of non-verbal system
3. Interlingguwal na Salin
- Pagsasalin mula sa Ingles patungong Filipino, Filipino pa-Ingles
- Pagsasalin mula sa Cebuano patungo sa Ilokano, Ilokano pa-Cebuano.
- “Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa Simulaang
Lengguwahe papunta sa Tunguhan Lengguwahe.”
- Simulaang Teksto (ST) à Tunguhang Teksto (TT)
- Simulaang Lengguwahe (ST) à Tunguhang Lengguwahe (TT)
- Translation proper; an interpretation of verbal signs by means of some other language
2.5 Kalikasan, Kakayahan ng mga wikang sangkot sa pagsasalin: ugnayan ng Filipino at Ingles
• Bago pa magsalin, alamin muna ang uganayan ng mga wikang kasangkot sa pagsasalin.
2. Maylapi
Ø Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi
a. Maliit – small d. Matulungin – helpful
b. Pagsulat – writing e. Bumili – bought
c. Kapangitan – ugliness
3. Inuulit
Ø Inuulit ang salita kung ang kabuoan o bahagi nito ay inuulit
a. Araw-araw – daily d. Kani-kanina – just a while ago
b. Bayan-bayan – town to town e. Maliit-liit – relatively small
c. Magandang-maganda – very
pretty
4. Tambalan
Ø Binubuo ito ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa. Ang dalawang salita sa
tamabalan ay parehong makapag-iisa na ginamitan ng pang-angkop na ng.
a. Palarawan
Þ Bahay-kubo Þ Tabang-lamig
Þ Daang-bakal Þ Hanging-amihan
Þ Punong-mangga
b. Layon
Þ Basag-ulo Þ Hanapbuhay
Þ Bayad-utang Þ Ingat-yaman
Þ Biyaheng-Bikol
c. Layunin
Þ Bahay-aklatan Þ Mesang-sulatan
Þ Bahay-kalakal Þ Silid-kainan
d. Pag-aari
Þ Anak-mayaman Þ Saligang-batas
Þ Matang-lawin Þ Tintang – Intsik
e. Pinagmulan
Þ Batang-lansangan Þ Bulateng-laot
Þ Bagoong-balayan Þ Dalagang-bukid
B. Kayarian ng Pangungusap
- Batayan ang pangungusap na pinakamaikli at pinapapayak na may kompletong
kahulugan sa isang wika.
Filipino Ingles
Paksa/Simuno Subject
Panaguri Predicate
Laging nauuna ang panaguri Laging nauuna ang subject
Naglalaro sa bakuran ang bata. The child is playing at the yard.
(Naglalaro – panaguri; Bata – simuno) (Child – subject; Playing – predicate)
- May pagkakataon na ang paksa ay hindi natutumbasan ng Ingles na subject at vise versa.
(Hal: Ginising ng ingay ang bata – A noise awakened the child)
- Sa Ingles, ang panaguri ay laging may pandiwa; samantala hindi laging ganito sa Filipino.
(Hal: Artista ang babae – The woman is an actress)
C. Ayos ng Bahagi
Ayos ng Bahagi ayon sa Pangngalan – Ang Filipino ay may tatlong pangkat ng markadong
pangngalan.
1. Anyong ang
Ø Ang bata ay tumatakbo – the child is running
Ø Dumating ang bata – the child came
2. Anyong ng
Ø Bago ang damit ng bata – The child’s dress is new
Ø Ginupit ng bata ang ribbon – The child cut the ribbon.
3. Anyong sa
Ø Sa bata ang bolpen – The ballpen belongs to the child.
Ø Pumunta sila sa Amerika – They went to America.
1. Anyong -ang
Þ Ako/kami - I, we Þ Ikaw/ka/kayo - you
Þ Kata/tayo – we, (you and I) Þ Siya/sila – he/she/they
2. Anyong -ng
Þ Ko/naming – we, us Þ Mo/ninyo – you
Þ Nita/natin – us Þ Niya/nila – her/him/they
3. Anyong -sa
Þ Akin/amin – my, mine/our Þ Iyo/inyo – your, yours
Þ Kanita/atin – our(ours) Þ Kaniya/kanila – their/theirs
3. Kaganapan ng Pandiwa
Ø Bumili siya ng (mahal/nasa probinsiya) – he bought the (expensive one/one in the
province)
- Sa Filipino, ‘di tulad sa ingles, iba-ibang alternatibo ang maaaring gamitin sa kayariang
panuring ng pang-uring ma- na may pang-angkop na -na/-ng.
a. Mga masisipag na bata/Mga masipag na bata/Masisipag na bata/Masisipag na mga
bata ang mga kapatid ko. – My brothers are industrious children
Ilang Paliwanag
1. Isa sa malinaw na pagbabago ay ang paglalapat ng katutubong pandamdam sa
pamamagitan ng paggamit ng at pagtutumbas sa “na”: