Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

University of Caloocan City

College of Liberal Arts and Communication

Bachelor in Public Administration

Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa


Edukasyon Sa Bansang Pilipinas

Pinasa ni: Quilong Quilong, Marvilyn C.

Pinasa kay: Propesor Toyong

Kurso at Pangkat: Bachelor in Public Administration – 1C

Ipinasa noong:
PASASALAMATPASASALAMAT

Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumusunod dahil sa pagbibigay ngsuporta upang aking
mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito:

Unang- una,ako’y nagpapasalamat sa Diyos na maykapal sa pag-gabay saakin sa paggawa


ngpananaliksik na ito at maisakatuparan ang mga bagay upang mabuo ito.

Sa aming butihing guro na si Ginoong Toyong, sa pagtulong at pagbibigay ng mga ideyang


makakatulong sa paggawa ng pananaliksik naito. Sa mga may awtor, mga teorista at iba pang
mga mananaliksik na aking kinuhanan ng mga impormasyon at proposisyon na ukol sa aking
paksa. Sa aking mga respondente, na sumagot sa aking mga tanong para sa sarbey at interbyu na
nakatulong ng malaki upang mas maging epektibo angpananaliksik na ito. Sa aking pamilya at
kaibigan, na naniwala sa akin sa pagtapos ng pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng suporta na
nakatulong rin sa akin para maisagawa ng tama ang aking pananaliksik.

MARAMING SALAMAT PO.


Talaan ng mga Nilalaman

Pasasalamat

Kabanata 1 “Ang Suliranin o Saligan Nito”

A. Panimula
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Saklaw at Limitasyon
E. Paglalahad ng Suliranin

Kabanata 2 “Mga kaugnay ng Pag-aaral o Literatura”

Kabanata 3 “Mga disenyo at Paraan ng Pananaliksik”

A. Mga Disenyo ng Pananaliksik


B. Metodolohiya
C. Mga Respondent
D. Instrumentong Pananaliksik
E. Tritment ng Datos

Lagom

Konklusyon

Rekomendasyon

Talasanggunian

Patungkol sa may-akda
KABANATA I

ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A. Panimula

Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral at kalidad ng


pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging
progresibo at maunlad. Ngunit kay raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating
bansa at isa na nga rito ang Edukasyon. Isang problemang nais ng matuldukan ng ating
gobyerno

Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng
bansang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit
naghihirapang ang ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi
nakakapagtapos dahil nagiging rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiyasa mga kabataan
ngayon. Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.

Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga sa mga
maling metodolohiya na naituturo sa mgakabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang
epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil
nga kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kanyang napiling asignatura. Kakulangan sa Pondo ay
isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi
maayos ang paggamit nito,hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito’y naglalayon na linangin ang mga kaisipan ng mga mamamayan ng
bansa tungkol sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa ating bansa. Itatalakay rin dito ang mga
problema, dahilan at epektibong solusyon sa mga suliranin na tungkol sa Edukasyon. Ang mga
impormasyong makukuha ay tumutulong upang mas makagawa ng isang mas epektibong
proposiyon at impormasyon na magmumulat sa mga tao na ang pag-aaral ng mabuti ang susi sa
isang masagang buhay at kinabukasan.
C.KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga mananaliksik

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa siya ng mga impormasyon


at makagawa ang isang pananaliksik ng isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang
tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.

Sa mga kabataan

Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para malaman ang mga problema at
sanhi ng mga suliranin sa Edukasyon. Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang malaman na
may malaking kinakaharap na problema ang ating bansa tungkol sa Edukasyon.

Sa mga magulang

Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ng mga magulang upang kanilang malaman
ang katotohanang malaki ang problema ng ating bansa lalong-lalo na sa Edukasyon.

Sa pamahalaan

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pamahalaan upang mas mapalawig pa nila


ang kanilang kaisipan at hanggang sila’y makagawa ng iba’t ibang solusyon at
paraan upangmasolusyunan ang problema sa Edukasyon ng ating bansa. Ang pag-aaral na ito’y
makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng Edukasyon sa ating bansa

Sa komunidad.

Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang
mga isip at makagawa ng mga iba’t ibang kuro-
kuro para makatulong sa estado ng Edukasyon ng ating bansa.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at paggawa ng mga kongkretong


impormasyon at datos na ukol sa mga Problema sa Edukasyon ng Bansang Pilipinas lamang.
Ako’y mangangalap ng mga datos sa Flos Carmeli Institution of Quezon City at sa Don
Fabian,Commonwealth Ave. Q.C. na makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga kinakaharap na Problema ng ating bansa tungkol sa
Edukasyon.
Sa pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang Edukasyon? Paano ito nakakatulong sa isang bansa?

2. Anu-ano ang mga nararanasan na mga Problema sa Edukasyon ng ating bansang


Pilipinas?

3. Malaki ba ang nagiging epekto nito sa ating bansa?

4. Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa mga problemang ito?


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at iba pa,
Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ng silid-aralan at guro sa
pampublikong paaralan ay maraming mga estudyante sa pribadong paaralan ang lumilipat sa
pampublikong paaralan.Sa ngayon, halos 20 milyon ang mga estudyante mula elementary
hanggang high school sa pampublikong paaralan. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na
mga 2.2 milyon na estudyante. Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga
estudyantemula sa pribadong paaralan sa pampublikong paaralan ay kahirapan. Pataas na pataas
na ang matrikula ngayon sa pribadong paaralan dahil sa pagtaas na rin ng lahat ng bilihin
(Ellen Tordesillas, journalist).

Sinasabi rin sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon, 58 lamang sa bawat 100 estudyante


na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa mga ito ang
nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang
problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataangPilipino
ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon,Artikulo IV Seksiyon I ng
1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa
mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang
matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad
ng pamahalaan ang edukasyon. (Mylene Padua).

Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay mayroong 34,295,000 na mga
estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan edad anim hanggang
dalawampu’t apat. Sa kabuuang ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong
paaralan. Mga paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ng silid, ang
“Ratio” ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu’t dalawang estudyante .Malinaw
na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sa sinasabing subject integration.
Samantalang ang Filipino ay itinuturing na “basic tool subject” katulad na lamang ng pagkatuto
ng alpabeto, pagbasa,at pagsulat nito, ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan,
pag-ibig sa bayan, at tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansa bilang Pilipino. Sa
kalaunan, ito ang magbibigay sa kanila ng giya upang maging mabubuting mamamayang
Pilipino -- sa loob at labas ng bansa. Ngunit kung “short cut” ang gagawin nating pagtuturo nito
sa kanila, hindi malayong “bansot” din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mgasarili. Bukod
pa rito, kailangan ding ma-retrain ang mga guro dahil sa sinasabing pagsasama-sama ng mga
aralin. Kailangan ding maglabas ng bagong babasahin at educational aides na aakma sa
tinaguriang “revisedsubject nomenclature.” Ito’y ilan lamang sa kagyat na makikitang problema
sa solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sa badyet para sa edukasyon
at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ng pamahalaan dito(Bro. Eddie Villanueva,2009).
Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansaang tig-isang taong dagdag sa
elementarya at hayskul kundi ang pagdagdag ng silid-aralan at mga guro. Hindi rin umano
natututukan ng isang guro ang kanilang mga estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral sa isang
silid-aralan gayung 30 hanggang 35 lamang ang dapat. Dahil dito, kailangang matutukan umano
ng susunod na gobyerno lalo na ang mamumuno sa Department of Education (DepEd) ang
pagdagdag sa silid-aralan at mga guro (Bernard Taguinod, 2010)

Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabingang kalidad ng edukasyon
sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania at Zambia, dalawang
bansa sa Africa na mas mahirap pa sa ating bansa. Malubha na talaga ang kalagayan ng
edukasyon sa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyon ng mga
bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang ng 66,881 na silid-aralan ang ating
bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyo ay para lamang makapagtayo ng 5,538 na silid-
aralan. Ibig sabihin, kulang pa din ng 61,343 na silid-aralan ang ating bansa. Kulang din ng
816,291 na silya para sa mga estudyante. Kung kaya naman kung hindi standing room only o
SRO sa maraming silid-aralan ay nakaupo sa sahig ang maraming estudyante. Kulang din ang
bansa ng 64,060 na guro ngunit ang hiningi ni Mrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa
10,000 guro. Kung kayat54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang
mga estudyante, para bang sinasabi ng administrasyon na kailangang turuan ng mahigit
dalawang milyong mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si Mrs.
Arroyo. Ang hiningi niyang badyet ay para lang sa 2,000 punong-guro. Ngunit ang
pangangailangan ng bansa ay para sa 6,538 na punong-guro
(Jejomar Binay).

Ayon mismo sa DepEd, mahigit 152,000 ang kulang na silid-aralan para sa 2012 pero naglaan
lamang ito ng pondo para sa 13,000. Wala pa sa bilang na ito ang mga silid-aralan na kailangang
makumpuni. Mahigit 13 milyong upuan at 135,000 palikuran ang kulang para matugunan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral sa papasok na taon. Umaabot sa 62% ng mga eskwelahan
ang walang sapat na palikuran. Mayroon lamang isang palikuran para sa 143 estudyante
samantalang ang resyo sa mauunlad na bansa ay isang palikuran para sa 20 estudyante. Kulang
din ng 96 milyon ang mga librong nakalaan para SA mga mag-aaral.

Sa mga nakaraang pagbubukas ng klase, ang kawalan ng mga silid-aralan ay isang malaking
isyu. At mapapansin na hindi binibigyang solusyon ng Department of Education (DepEd) ang
problemang ito. Taun-taon ay dumadagsa ang mga estudyante at sana ay nagkaroon na sila ng
sistema ukol dito. Malayo pa sana ang pasukan, napaghandaan na nila ang mga problemang
kahaharapin.(Philippine Star)

Lalong lumaki ang usapin hinggil sa kakulangan ng mga silid-aralan sa mga pampublikong
paaralan bunsod ng banta ng 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila,Bulacan,Laguna,Cavite at
Rizal.
Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng Catholic Bishops’
Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth.
Ipinaliwanag ng pari na nananatili pa rin sa 36,000 ang kakulangan ng mga silid-aralan, bukod
pa sa limang paaralan na ipapasara dahil nakatuntong sa West Valley Fault na posibleng
magbunsod ng malakas na pagyanig sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Tinatayang aabot sa 23 milyong mga mag-aaral ang papasok sa eskwela darating na pasukan,
kung saan 21 milyon dito ay papasok sa mga pampublikong paaralan.
“Yun nga ‘yung nakapagbibigay din sa atin ng malaking katanungan dahil lumabas na ‘yung
panganib ng lindol samantalang malaki pa rin ang kakulangan sa silid-aralan, lalong na-magnify
‘yung ganoong pagtingin ng mga grupo na nagbabantay kaya nasasabi ng ilang grupo na wala
nga bang zero backlog?” (Father Garganta sa Radio Veritas)

NAGSIMULA na ang klase para sa pampublikong paaralan. Ang estimate ay 23 milyong mag-aaral ang
babalik sa mga paaralan. At siyempre, naglabasan na naman ang mga tila walang katapusang mga
problema. Dinagsa rin ng mga reklamo ang DepEd noong Lunes, kaya napasabak kaagad ang ahensiya.
Ang mga karaniwang problema tulad ng kakulangan ng silid-aralan, may mga classroom na wala namang
blackboard, mga lumang gusali ng mga pampublikong paaralan na sigurado ay mga palikuran ay may
problema na rin.May mga bagong silid-aralan naman na nagawa para sa taong ito. May mga paaralan na
nagbigay pa nga ng pagkain tulad ng lugaw sa kanilang mga bumabalik na mag-aaral. Sa madaling
salita, may mga nakikitang pagbabago naman. Pero dahil na rin sa dami ng gustong mag-aral, hindi pa
natatapatan ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan at kailangang gawin para sa edukasyon ng mga
bata. (Korina Sanchez, June 2015)

Out of School Youth

Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi nakakapag-aral,walang trabaho at hindi


nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng 852,000 mula 3 milyon noong 1989 naging 3.8
milyon noong 1994.(NSO,1994)
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatib kung saan inilalahad ang mga sanhi
at dulot o epekto ng mga problema sa edukasyon. Pang-edukasyon na pananaliksik na
sinasakupan kung paano natututo angmga tao.

B. METODOLOHIYA

Nagbigay ako ng sampung (10) tanong sa bawat tao para sa isinasagawang


pananaliksik. Sa 100 talatanungan, hindi lahat ay umangkop sa aking pag-aaral. Ang
talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mag-aaral tungkol sa mga silid-aralan nila. Unang
tanong nito ay tungkol sa mga paraan ng pagtuturo ng kani-kanilang mga guro sa iba’t ibang
asignatura. Nagtanong din ako kung sa anong paraan nakakaapekto ang pagiging maraming
estudyante sa isang silid-aralan, at kung anong madalas na dahilan ng mga mag-aaral kung bakit
karamihan sa kanila ay hindi nakakapagtapos ng kani-kanilang pag-aaral, sa pamilya ba, mga
kaibigan o sa lipunang kanyang ginagalawan ba,. Huli, tinanong ko kung may ginagawa
bang hakbang ang mga estudyante upang mas mapabuti pa nila ang kanilang pag-aaral at hindi
na maapektuhan nito.

C. MGA RESPONDENT

Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay mga kalalakihan at mga kababaihan
na edad 12-42 na may sapat na kaalaman sa mga nangyayaring problema sa Edukasyon sa ating
bansa ngayon.

D.INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap ng mga


impormasyon sa pamamagitan ng mga aklat, diyaryo, dokumento,at ng internet.

E.TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kuwestiyoner na ipinamigay na


naglalaman ng tanong, at mga interbyu ukol sa nasabing paksa. Ang pagkuha ng porsiyento at
bahagdan ay batay at ang basehan ay ang mga sagot ng aking mga respondente sa aking mga
nagawang kwestyoner.
LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang-edukasyon ng ating


bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung baki tnagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y
nakakabuti o nakakaganda sa isang bansa. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga
tanong na magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang proposisyon at kuro-kuro na
nanggaling sa aking nasarbey.

KONKLUSYON

Maraming problemang pang-edukasyon ang ating bansa isa na rito ang mga mag-aaral na di
nakakapag tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan,problema sa pamilya, pagbibisyo, o kaya’y
napupunta sa masamang landas.May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan
ng atensiyon at hindi na naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang kakulangan ng kagamitan at
pasilidad sa bawat paaralan, Dahil nga sa malaking populasyonng ating bansa nagkukulang ang
mga kagamitang ito tulad ng mga libro,kwaderno, bolpen, maging silid-aralan o kaya’y paaralan.

Kung nagkukulang ang kagamitan ng ating bansa puwede rin dahil sa kakulangan ng pondo.
Mababang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nagiging dahilan ng maling pagkatuto nito.
Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa pagtuturo ng mga guro na nagbibigay ng kaalaman sa
kanilang mga Estudyante ngunit sa panahon ngayon tayo’y nahihirapan kung maganda ba ang
natuturo ng mga ito sa kanilang mag-aaral. Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang edukasyon sa
mga liblib na lugar dahil sa kalayuan na rin ng pook at kakulangan ngmga titser na nais
magboluntaryo dahil nga kaunti lng ang mga suweldo nito.

REKOMENDASYON

Nirerekumenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito na magkaroon ng isang mas epektibong


pag-aaral pa sa mga problemang pang-edukasyon ng ating bansa upang mas mapalawak pa ang
mga kaalaman at isipan ng mga tao tungkol na rin sa Problemang Pang-edukasyon na
nararanasan ng ating bansang Pilipinas.

BIBLIOGRAPIYABLIOGRAPIYA

http://www.abante.com.ph/issue/sep1909/op_ev.htm
http://cyndi18.multiply.com/journal/item/10/Edukasyong_Pilipino_Binabaliwala_Misedukasyon.
http://www.ellentordesillas.com/?p=279
http://www.abante.com.ph/issue/june2710/news04.
htmhttp://www.abante.com.ph/issue/jan2410/op_jb.htm
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20120607/lumalalang-kakulangan-sa-
edukasyon
http://www.philstar.com/opinyon/693382/editoryal-kulang-pa-rin-ang-silid-aralan
http://veritas846.ph/isyu-sa-kakulangan-ng-mga-silid-aralan-lumalala-2/
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/06/03/1461598/balik-paaralan-balik-problema
PATUNGKOL SA AWTORPATUNGKOL SA AWTOR

I.Personal na Inpormasyon
Pangalan : Marvilyn Quilong Quilong
Tirahan : Ph8b, Pkg 1 Blk 32 Lot Excess Bagong Silang Caloocan City
E-mail Address : quilongmarvilyn@gmail.com

II.Personal na Datos
Edad: 18
Kapanganakan : ika-15 ng Pebrero taong 1997
Lugar ng Kapanganakan : Caloocan City
Lahi : Filipino
Kasarian : Babae
Pangalan ng Ama : Vicente Quilong Quilong
Pangalan ng Ina : Marilyn Quilong Quilong

III. Pang-edukasyong Kakayahan

Paaralan :
Pang-umpisa : New Era University SKP

Elementarya : Pag-Asa Elementary School Unit-1

Sekondarya : Bagong Silang High School

I. Mga interes at pangarap


Ang aking tanging pangarap simula ako ay ipinanganak makapagtapos ng aking pag-
aaral. Nais ko rin makapunta sa iba’t ibangl ugar sa ating bansa o kung papalarin ay sa buong
mundo upang lumawak ang aking kaalaman. Nais kung magkaroon ng masayang buhay, gusto
kong magkaroon ng marangal at maayos na trabaho at makabuo ng isang pamilya. Sa
aking paglalakbay sa hinaharap, nais kung makasalamuha ng iba’t ibang uri ng tao na
makakatulong sa pagkamit ng mga pangarap na aking inaasam.

You might also like