Professional Documents
Culture Documents
Wastong Gamit NG Salita
Wastong Gamit NG Salita
Nang at Ng
Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung
ano ang dapat gamitin sa ng o nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay
ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin ang nangang sa isang
pangungusap:
1. Pag-uulit ng pandiwa
Halimbawa:
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Ibang halimbawa:
Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya ng kanyang kasintahan.
Biglang nagkagulo ang mga tao nang lumabas sa pinto si Lovi Poe.
Mga Halimbawa:
1. Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez.
2. Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina.
3. Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.
4. Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan niya.
KUNG AT KONG
Kung
Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak
ng pera.
Kong
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.
MAY AT MAYROON
Wastong gamit ng MAY
Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
May pera ka ba?
Lahat sila ay may regalong matatatanggap.
SUBUKIN
Ang subukinay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisi-yasat sa uri,lakas o kakayahan
ng isang tao o bagay.
Subukinmong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
Subukinmong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
Susubukinng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.
SUBUKAN
Ang subukanay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang
tao o mga tao.
Subukanmo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
Ani Erap noon, “Wag n'yo akongsubukan!”.
Subukanmo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa kanyang
paroroonan.
PAHIRIN
Angpahirinay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay,alisin ang bagay.
Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
PAHIRAN
Dalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.
OPERAHIN
Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
Kailan nakatakdangoperahin ang iyong bukol sa dibdib?
Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.
OPERAHAN
Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
Ooperahanna ng doktor ang naghihirap na may sakit.
Inoperahanna si Emil kahapon.
Si Vic ay kasalukuyanginooperahansa pagamutan ng St.Luke.
RIN at RAW
Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos
sa patinig at sa malapatinig naw at y.
Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.
Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan.
DIN at DAW
Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig
maliban sa wat y.
Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.
Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo.
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang
ilagay sa pintuan.
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok angt lamok.
Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan
kapag bumukas na ang pinto.
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya maisara ang
pinto.