Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

New Era University

College of Business Administration


No.9 Central Avenue New Era, Quezon City 1107

PARAAN NG PAMAMAHALA
NG ORAS NG MGA NON-ABM

Pagtupad sa pangangailangan para sa kursonf Business Administration


Major in Human Resource

Nina:
Lopez, Loraine T.
Polarde, Aubrey
Retuerto, Kristine Jhoy
Borja, Karen Marie
Caasi, Ronan Rithzer Jean

Dr. Ligaya Del Rosario


2019
Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay umiikot lamang sa signipikong kaugnayan ng visual aids sa

asignaturang marketing ng mga mag-aaral ng ABM sa SJDM Cornerstone College Incorporated.

Nais mamulat ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral o mamababasa patungkol sa kahalagahan

ng paggamit ng panturong biswal. Sa unang kabanata o bahagi ng pananaliksik na ito makikita

ang introduksyon kung saan malalaman ang panimula ng pag-aaral, paglalahad ng suliranin kung

saan makikita ang mga katanungan na sasagutin ng pag-aaral na ito at patungkol lamang sa

nasabing paksa, kahalagahan ng pag-aaral, batayang konseptuwal o paradaym kung saan makikita

ang blueprint o proseso kung paano gagawin ang pag-aaral na ito, saklaw at delimitasyon ng pag-

aaral, at pagbibigay kahulugan sa mga katawagan o terminolohiya. Sa ikalawang kabanata o bahagi

naman makikita ang mga literatura at pag-aaral na kaugnay ng naturang paksa kung saan ito din

ay isa sa mga magsisislbing patunay o dagdag impormasyon sa pag-aaral na ito. Naglalaman ito

ng lokal at dayuhang pag-aaral at literatura kung kaya’t malalaman din ng mga mambabasa kung

ano-ano ang pagkakaiba ng mga impormasyon na manggagaling dito. Sa ikatlong kabanata o

bahagi naman makikita ang disenyo ng pananaliksik kung saan malalaman kung anong

metodolohiya ang ginamit sa pananaliksik, pamamaraan sa pagpili ng respondente, instrumento

ng pananaliksik, pamamaraan sa pagkalap ng datos, at estatistikal na pagsusuri sa datos. Sa ika-

apat na kabanata o bahagi naman makikita ang mga resulta ng mga nakuhang datos. Dito

malalaman ang paliwanag ng mga datos at konklusyon ng mga mananaliksik. Sa ikalimang

kabanata o bahagi naman, dito na makikita ang buod na paglalahad ng mga mananaliksik sa

kabuuang impormasyong nahinuha sa pag-aral at ano ang konklusyon nila sa nakalap na mga datos

at obserbasyon nila dito. Sa huling bahagi ng pag-aaral na ito malalaman kung nasagot nga ba ng

mga mananaliksik ang mga suliranin at na aayon nga ba ito sa kanilang inaasahan.
KABANATA 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN
Sa kabanatang ito, ipapakita ang mga suliranin na dapat sagutin ng pag-aaral na ito, parte

rin ng kabanatang ito ang saklaw at limitasyon na kung saan sinasaad doon kung ano ang

hangganan ng pag-aaral na ito, dito rin makikita ang kahalagahan ng pag-aaral na kung saan

binibigyan pansin ang pagbibigay importansya sa mga taong pwedeng gumamit ng pag-aaral na

ito.

Panimula
Sa panahon ngayon karamihan ng mga estudyante ay nagagahol ng oras. Nag rereklamo

sapagkat hindi nila magawa ang lahat ng takdang gawain at ipasa sa tamang oras. Ayon sa

artikulong “how thus studying affect the student.” Na ang pag kraming at ang pagrerebyu bago

ang pagsusulit ay hindi nakakatulong sa mga eatudyante upang makakuha ng mataas na marka.

Ayon naman sa pag aaral ni Tauhues, “Success and the balance of commitment and time: effect

of percieved time management control on college students performance. Ang ganitong uri ng

kaugalian ay nakakahadlang sa produktibo at pamamahala ng mga estudyante sa tamang oras.

Ang tamang pamamahala ng oras ay isang kaugalian na matutunan kung ito ay lilinangin sa

pamamagitan ng mabisang pagsasanay at patuloy na pag gawa.

Maliban dito ang pamamahala ng oras ay isa sa mga importanteng bagay na dapat na pag

gawa ng isang tao, mapa estudyante, propesyonal, o isang manggagawa, ito rin ay makakatulong

upang maka iwas sa “stress”. Ayon sa artikulong isinulat ni Matt Mayberry 2015, ang oras ay isa

sa pinaka importanteng bagay sapagkat kung hindi mo ito ginagamit ng wasto hindi ito

maibabalik pa sa iyo. Isa sa mga mabisang paraan ng pag gamit ay ang pagiging marunong o

tamang pag balanse ng oras. Ito din ay magiging paraan upang maging desiplinado ang tao
sapagkat kung ang tao ay marunong mag balanse ng kanyang oras siya ay mas lalong magiging

produktibo. Maliban sa pagtuklas kung ano nga ba talaga ang “time management” o wastong pag

gamit ng oras, ang pananaliksik na ito ay para sa mga mag aaral ng non-abm sa Pamantasan ng

New Era upang malaman kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nag kakaroon sila ng

hindi wastong pag oorganisa ng kanilang oras. Halimbawa ay ang di maayos na pag organisa ng

mga nakatakdang gawain kung alin ba ang dapat unahin at dapst na agad na tapusin upang

walang maging sagabal o hadlang sa iba pang mga naka takdang oras. Nagiging sakit na din ito

ng mga estudyante sa pagkat ginagawa nila lahat ng mga gawain kung saan malapit na ang

takdang araw at takdang oras ng pasahan nito. Panghuli ay ang pagkagulo ng kanilang isipan sa

mga isipan sa mga bagay na nakapalibot sa kanila na nakakadulot ng hindi pag tapos ng mga

takdang gawain o aralin sa paaralan.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay tumutulong upang suriin ang mga mabisang pamamaraan ng

mga NON-ABM sa kailang pag-aaral. Ang proseso ng pananaliksik na ito ay tumutuon sa batayan

ng mga katanungan sa pananaliksik na magiging gabay ng mga mananaliksik

Ang mga sumusunond na katanungan sa pananaliksik ay pinili upang matugunan ang

mga kinakailangan:

1. Ano-ano ang iba’t- ibang pamamaraan ng mga respondante sa kanilang pag-aaral?

2. Paano pinapahalagahan ng mga estudyante ang kanilang oras?

3. Paano nakaapekto ang pagpapahalaga ng oras ng mga estudyante sa kanilang oras?


Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng Pamantasan ng New Era na kung saan ang

mga mananaliksik ay layong mangolekta ng datos na may kaugnayan sa pamamahala ng oras at

layunin din ng mga mananaliksik nap ag-aaralan ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng mga

estudyante upang maiaayos nila ang kanilang pamamahala ng oras. Ang pag-aaral na ito ay

magkakaroon ng pitumpu’t pitong (75) na respondante na sumasaklaw lamang sa mga estudyante

na maroon “bridging subject” o mga non-abm na estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ano nga ba ang mga

pamamaraan ng mga esudyanteng meroong “briging subject” o mga non-abm na estudyante,

liban don tinutukoy din ng pag-aaral na ito kung paano nga pahalagahan ng mga mag aaral ang

kanilang oras upang mabalanse ang kanilang mga takdang gawain.

Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mgasumusunod:

Mag-aaral- ito ay mag sisilbing reperensya at gabay ng mag-aaral kung paano gamitin ng maayos,

makahulugan at prodaktibo ang kanilang mga oras. Ito rin ay tumutukoy sa mga mag-aaral na nag

karoon ng “bridging subject” o isang “non-abm” na estudyante na kumukuha ng kursong tungkol

sa “business”

Mga Guro- ito ay maaring maging basehan ng mga pwedeng aksyon sa mga estudyanteng non-abm

na kung saan na hihirapan sa pag oorganisa ng kanilang oras, tumutulong din itong pag-aaral na ito

upang malaman ng mga guro kung paano nga ba inaayos ng mga estudyante na non-abm ang

kanilang oras
Mga Mananaliksik- Ito ay makakatulong upang maging reperensya ng mga mananaliksik sa

kanilang gagawing pag-aaral patungkol sa wastong paraan ng pamamahala nng oras at ano nga ba

ang mga bagay na ginagawa ng mga estudyante upang mapabuti ang kanilang pag-aaral

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa depinisyon o

operasyonal upang ito ay mas maintindihan ng mga mambabasa ang mga terminong ginamit sa pag-

aaral na ito.

Bridging Subject- Karagdagang asignatura sa mga mag-aaral na kumuha ng kursong hindi

konektado sa kanilang kinuha noong senior high school

Filipino – Ito’y sa mga asignatura sa kurikulum ng sekondarya mula unang taon hanggang ikaapat

na antas, tinutukoy sa asignaturang ito ang mga bagaybagay na may kaugnayan sa bararila, bilang

kabilang sa medium ng pagtuturo.

Karunungang Nakamtam – Kaalam na natamo ng mga estudyanteng mula sa isang aralin o

asignatura (Abad, 1995) nakukuha ang mga pagmamasid o pagsasariling aral.

Kapaligiran ng Paaralan – Ang salik na ito ay may epekto sa pag-aaral ng estudyante, at kung

saan din ginawa ang pananaliksik

Non Abm- Mga mag-aaral na kung saan kumukuha ng kursong konektado sa business na kung saan

hindi kumuha na strand na ABM


Pamamahala ng Oras – Ito’y ang wastong pag-gamit ng oras at pag-gamit sa tamang panahon ng

oras.

Pananaliksik – Isang sistemang paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon.

Stress – Nakakatulong ito maiwasan ang panganib o matugunan ang deadline.

Time Management- Wastong pag gamit ng oras sa makabuluhang bagay


KABANATA 2
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Sa kabanatang ito, malalaman natin kung ano ang mga literature at pag-aaral na

konektado sa pag-aaral na ito, makikita rin dito ang teoretikal na balangkas na kung saan

bibigyan pansin ang teoryang pwedeng magbigay pakahulugan sa pag-aaral na ito dito rin sinaad

ang konseptwal na balangkas na kung saan binigyang pakahuluga kung paano gagawin ang pag-

aaral na ito

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Ayon kay Bittle, lumalagong kamalayan na dramatikong impluwensiya sap ag-uugali kung

paano nito tingnan at gamitin ang oras. Wala kayong kakayahan na kontrolin ito, maging binasa

sa pag gamit nito o gamitin ito sa madiskarteng kadahilanan liban na lamang kung lubos nating

nauunawaan ang epekto nito sa ating buhay bilang indibidwal o bilang kaanib sa isang pang kating

organisasyon. Sinabi rin sa tekstong ito ng maayos lamang tayong limitadong oras kung kaya’t

kailangan ng magkaroon ng maayos na pag oorganisa ng oras base sa durasyon. Sa madaling salita

kailangan mong i-organisa ang iyong oras sa mga sumusunod; (1.) gamitin ang mga minuto upang

maging isang bloke ng gusali para sa pagsukat ng pagiging epektibo para sa pag-gamit ng oras

para sa pagplapano para sa pagbubuti sa pagigigng produktibo. (2.) gamitin ang mga buwan at taon

upang markanan ang iyong mga pangako at mga obligasyon upang suriin ang inyong mga pangako

patungo sa milestone na ito. (3.) gamitin ang iyong mga bilang na araw para sa isang “ledger”

laban sa kung saan ang mga bagay para sa paggamit ng iyong oras.

Sabi naman ni Wif (1968) maraming mga mag-aaral sa kolehiyo ay nagrereklamo tungkol

sa pagiging maikling panahon. Ang una ay maaring pagtagumpayan sa pamamagitan ng

pagtatagumpay sa pagdaragdag sa iyong kasalukuyang sa dating bilang ng mga iba’t ibang paraan

tulad ng part time na trabaho, utang tulong sa pamilya ngunit ang pangalawang mahalagang oras
ay hindi maidaragdag. Ayon kina Thuy Lam at Manitoba (2018) sinabi din dito na ang wastong

pag-gamit ng oras ay tungkol din sa pag-organisa at pagplano ng iyong prayoridad, obligasyon at

iyong iskedyul.

Ang pamamahala ng oras ay pinagbuo-buo ng mga panuntunan mga pag-gawa ng mga

bagay sa naayon na oras, sa loob ng pamahalaan o paaralan ng Unibersidad ng New Era. Time

Management Matrix, ang isa sa mga nabigay ng mga mahahalagang bagay o kagamitan na ito ay

ang time management (Covey, 2000). Ang mabisang pamamahala ng oras ay patuloy na nagiging

isang mahalagang sektor ng pagtatrabaho ng mga mag-aaral hindi lamang dahil mahalaga ito sa

pagdaragdag ng kaalaman at mabuting pananaw ukol sa kanilang mga gawain kundi dahil na rin

ito’y nagiging mahalagang sakop sa pagpapadali ng kanilang pang araw-araw na proyekto (Brain

Tracy, 2003).

Ayon kila Sansgiry, Kawatkar, Dutta at Bhosle (2014), ang mga pangunahing kasanayan

sa pamamahala ng oras ay nagsisimula sa pag-prayoridad, paglalagay ng higit na diin sa mga

mahahalagang gawain, pagsisimula agad tiyak na mga aktibidad sa mga iskedyul dapat gumawa

ng listahan ng “gawain” at kailangan ng disiplina upang manatiling nakatuon sa listahan upang

magkaroon ng mas mahusay na pamamahala ng magagamit na oras.

Ang iba pang mga mananaliksik ay inilarawan ang pamamahala ng oras bilang paraan kung saan

ang isang indibidwal ay mas mahusay na nagagawa ang mga gawain at layunin; pagkakaroon ng

balanseng kakayahang umagkop at pagkontrol sa paglipas ng panahon; pagtatakda ng mga

prayoridad at pag-iiskedyul ng mga gawain na nakita ni Kaushar (2013).

Ang oras ay napakahalaga sapagkat hindi na naibabalik ang mga nasayang na oras at

pagkakataon. Gayun din ang pag-aaral, maraming pagkakataon at oportunidad ang maaring
mawala kung hindi pamamahalaan ng tamang oras. Ang pagkakaroon ng pamamahala at

pamamaraan kung paano pamamahalaan ang oras ay nakatutulong upang sa paglinang ng

kaalaman at sa pagkonserba ng oras. (Porevro, 2018).

Ang buhay kolehiyo ay nagbibigay daan sa mga estudyante ng kalayaan sapagkat hawak

nila ang kanilang oras. Subalit habang ang taon ay pataas ng pataas ay nagiging mahalaga na para

sa estudyante ang namamahala sa kanilang oras. Ang time management ay may mahahalagang

papel sa pag-gawa ng mag-aaral sa paaralan at sa pagtamo ng mga pagtatagumpay pang

akademiko. Lahat ng mag-aaral ay nararapat na magkaroon ng kakayahan sa time management

kasama na ito ang pagtatakda ng layunin, prayoridad na gawain, at pagiging organisado sa pag-

gamit ng oras. Posible lamang na maisakatuparan ang time management sa pamamagitan ng pag

ganyak sa sarili o pansariling motibasyon. (Brigitte, Claessens, Eerde at Ruttie, 2005).

Ayon kay Denlinger (2009), walang tamang paraan upang ating mapamahalaan ang ating oras; Sa

kabilang banda, mahalagang maunawaan natin ang ating sarili upang magkaroon tayo ng mabuting

pagpapasya sa pag gamit ng ating oras.

Ang pamamahala ng oras ay isang kasanayan na hindi lang dapat malaman ng isang

estudyante, dapat din ay gamitin. Marami sa mga estudyante ay nagrereklamo sa pagkaubos ng

oras kapag may ginagawang gawain. Nakakaramdam din sila ng pagkabigo dahil hindi sila

nakakaabot sa takdang araw. Ang pamamahala ng oras ay napaka halaga lalo na sa mga kolehiyo

dahil dito nagpapataas ng porsyento ng produktibo nila bilang isang estudyante (Laurie at Hellsten,

2002). Gayunpaman, karamihan sa mga estudyante ay kumakalap sa mga problema katulad ng

pag-ayaw at hindi sigurado sa mga bagay, at dahil don nagsisimula silang lumiban dahil meron

silang mababang pag-oorganisa ng oras na nagreresulta na ang estudyante ay hindi na aayos ang

kanilang tungkulin ayon sa kanilang prayoridad, at dahil don madaling maguguluhan at nag-
reresulta ito sa pagliban sa klase. Ang pag-organisa ng oras ay isang mahalagang bagay lalo na sa

kolehiyo, at ito ay isa sa mga bagay na makakatulong upang makakamit ng mataas na marka

(Kelly, 2004).

Ayon sa kanilang mga resulta, ang pamamahala ng oras ay isa sa nakakaambag sa

perpormans ng mga estudyante na naging masinop sa pamamahala ng kanilang oras upang walang

masayang (Kalamag,2004).

Ayon sa pag-aaral nina Shazia N at Muhammad Sagib K. nailathala sa research gate na ang

kahulugan ng pamamahala ng oras sa bawat estudyante sapagkat ito’y nakakaapekto sa kanilang

indibidwal na pag-ganap. Samakatuwid, ang tamang pamamahala ng estudyante nang oras ay isa

sa mga nagbibigay daan upang sila ay maging mabuting estudyante. Binigyan pansin din ng mga

mananaliksik na ang pamamahala ng oras ay maaring nakaka-stress sa mga estudyante sa

kagustuhan na mapagaan at magampanan lahat ng nakatakdang gawain. Ayon kay Faisal 2.

Migdadi noong Abril 4, 2014, “The relationship between time management and academic

achievement) performance at study from petreloum Institute in Abu Dhabi”, ang hindi pag-

oorganisa ng sariling kagamitan ay isa rin sa dahilan ng pagkaubos ng oras.

Ang mga sistema ng pamamahala ng panahon ay kadalasang nabigo dahil ipinanganak sila

ng pagiging perpekto at hindi makakatohanang mga inaasahan halimbawa, ang ilang mga tao ay

hindi nagpapasimula ng isang diskarte sa pamamahala ng oras hanggang sa nahuhulog na sa

kanilang gawain. Ang mga sinusubukan na sundan ang mga iskedyul, madalas na nahulog

sineseryoso sa likod ng kanilang hinahangad na bilis at aburdunahin ang plano ng buo na

nagreresulta sa patuloy na problema sa oras. Ang ilan ay nagtataka sa paanuman na ang mga

istratehiyang ito ng pagplapano. https://lss.info.yorku.ca/resouces/university-time-management


Teoretikal na Balangkas

Ang mga teorya patungkol sa “Time Management” ay pag-aaralan at ikonekta sa sitwasyon ng

mga estudyante katulad ng Maslow’s Hierarchy of Needs at Alfred Theory ano nga ba ang masasabi

ng teoryang nabanggit tungkol sa pamamahal ng oras sa trabaho, pag-aaral at social life,

pagkatapos ay ikokonekta sa sitwasyon ng mag-aaral.

Ang mga teoryang ito ay napili dahil tumutukoy ito sa pangangailangan ng tao, tulad ng

motibasyon , self esteem at iba pa.

Maslow’s Theory- Ayon kay Maslow (1954) “As long as the efficient use of the time helps

us meet higher goals of fulfilment spiritually and well being we perieved it as helpful. But for the

sake of interest in better efficiency if we give up bigger things like agenda and self-satisfaction in

life, then this can be seen a most victory.” Ang teorya ni MasLow ay tumutukoy sa

pangangailangan ng tao, bilang isang estudyante, na kung saan wala sa magandang estado ng pag-

iisip, ito ay isang mapamang hamon na bagay na kung saan ay gagawa ng plano sa pag-aaral at

maayos na pag-gamit ng oras. Itong teoryang ito ay sumasalamin kung paano naayos ang

estudyante ang kanilang sarili upang mapunan ang kanyang pangangailangan (Jeffrey,2011).

Ang teoryang Maslow ay umuugnay sa pag-aayos ng mga estudyante ang kanilang oras sa

aspeto ng layunin at satispaksyon. Gaano man kailangan mag trabaho ang mga estudyante,

mapagtatanto nila kung ano ang layunin ng kanilang pinagaaralan at para saan ito. Ang pag gamit

ng mas maraming oras at trabaho ay nagreresulta sa pagkawala ng pokus ng estudyante sa kanyang

layunin.
Alderfer’s ERG Theory- Ang pamamaraan ng ibat-ibang label ay mas nakikita bilang

karugtong kasya hiwalay na kategorya ay hindi kumukuha ng sunod sunod na pag-unlad hanggang

sa Hierarchy, ngunit nagbigay ng higit pa kaysa sa isang antas upang maging aktibo sa parehong

oras (Rollinson 2008, Organization Behaviour and Analysis).

Conceptual na Balangkas

TIME MANAGEMENT

Pag-paprayoridad ng Pagpapaliban ng gawain


gawain

Resulta ng gawain

Ang figure na nasa itaas ay nag papakita ng relasyon sa pagitan ng dependent at indepent baryabol

ng pag aaral na ito, at ang ginamit na method sa pag aaral na ito. Ipinapakita rito na ang resulta ng

gawain ay dumedepende sa pagpaprayoridad ng gawain at pagpapaliban ng gawain.


Kabanata 3
PAMAMARAAN
Sa kabanatang ito, bibigyan pansin kung ano-anong pamamaraan ang gagamitin ng mga
mananaliksik.
Disenyo ng pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong sarbey na disenyo para sa kanilang

pag aaral. Ang deskriptibong sarbey ay isang metodo sa pananaliksik na kung saan gumagamit

ng survey questionnaire o talatanungan na pupunan ng mga respondante. Naniniwala ang mga

mananaliksik na ang sinabing disenyo ay ang pinaka angkop para sa pag aaral

Mga Respodante

Ang mga respondante na ginamit sa pananaliksik ay nag mula sa pamantasan ng New Era

na kumukuha ng kursong may kinakaman sa business, na may roong karagdagang asignatura

(bridging subject) o ang mga estudyanteng NON-ABM. Ang mga mananaliksik ay may

pitongput-lima (75) na respondante na nang galing sa College of Business Administration.

Paraan ng pag Pili

Gumamit ng Simple Random sampling ang mga mananaliksik upang malaman ang

pangkat ng mga respondate para sa pag aaral na ito. Ang mga estudyanteng napili ay siyang mag

sasagot ng inihandang talatanungan ng mga mananaliksik.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa kanilang propesor upang mangalap

ng datos para sa ginagawang pag aaral at ito ay pinahinulutan ni Dr. Ligaya Del Rosario.

Gumamit ang mga mananaliksik ng survey questionnaire o talatanungan na may labing-limang

tanong ukol sa kanilang pag aaral sa loob ng pamantasan ng New Era.


Paraan ng Pagbuo

Humanap ang mga mananaliksik ng naangkop na talatanungan sa internet at ito ay

isinalin ng mga mananaliksik sa Tagalog. Kumuha ang mga mananaliksik ng ilang pahayag na

naangkop sa pag aaral sa Time management questionnaire for college student na inihanda ng

University of Kent. Kasama sa mga pinag kuhaan ay ang Study habits survey at How good is

your management.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang datos sa pananaliksik ay nagmula sa sagot ng mga respondent na nakalap sa pamamagitan ng

pagsagot sa kwestyoner. Gumamit ng Percentage at Likert Scale upang mas lalong maunawaan

ang mga nakalap na datos at matugunan ang suliranin ng mga mag-aaral sa pamamahala ng

kanilang oras.

Ang percentage ay nakukuha sa pagsasamasama ng frequency at hahatiin sa bilang ng respondente

at imumultiply sa 100.

Halimbawa:

P= x 100

P = Percentage

F = Frequency

N = Bilang ng respondente
Weighted mean: Sa pagkuha ng weighted mean kailangan na imultiply ang bilang ng respondente

sa ibinigay na timbang at ang resulta ay hahatiin sa kabuuang bilang ng respondente.

Halimbawa: Wx = Σ

Σ = Kabuuan ng Frequency

N = Bilang ng respondente

Sa istadistiko ang Likert Scale ay isang sikolohikal na pagsukat aparato na ginagamit para sukatin

ang mga ugali, pagpapahalaga, at mga opinyon. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagkakaroon

ng isang taong kumpletuhin ang isang kwestyoner na nangangailangan sa kanila upang ipahiwatig

ang lawak na sila ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa isang serye ng mga pahayag.
KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
Sa kabanatang ito, bibigyan interpretasyon ang mga impormasyong nakalap at malalaman rin

dito sa kabanatang ito kung epektibo ba ang pag kakaroon ng maayos na pag-oorganisa ng oras

sa mga estudyante (Non-abm)

KASARIAN

Frekwensi Balangkas
LALAKI 24 44%
BABAE 51 66%
75 100%

Sa kasarian ng mga respondente na nakiisa sa aming pananaliksik, ang bilang ng mga lalaki

ay dalawampu't apat (24) at ito'y may apatnapu't apat na porsyento (44%). Ang kabuuang bilang

naman ng mga babae ay limampu't isa (51) at may ito ay may animnapu't anim na porsyento (66%).

Mayroong kabuuang bilang na pitumpu't lima (75) ang lahat ng respondente at may katumbas na

isang daang porsyento (100%).

II. KURSO

Frekwensi Balangkas
Financial Management 22 29%
Human Resource 16 21%
Marketing Management 30 40%
Legal Management 7 9%

Sa pangangalap ng datos na aming ginawa may nakilahok na iba't ibang kurso na

nakapaloob sa Business Administration. Ang bilang ng mga kabilang sa financial management

ay dalawampu't dalawa (22) at mayroong dalawampu't siyam na porsyento (29%). Sa kabilang

banda ang mga nasa Human Resource Management Development naman ay may kabuuang
bilang na labing anim (16) at mayroong dalawampu't isang porsyento (21%). Samantala ang

respondente naman na kabilang sa Marketing Management at may kabuuang bilang na tatlumpu

(30) at may apatnapung porsyento (40%). Panghuli ay ang mga magaaral na kabilang sa kursong

Legal Management na may kabuuang bilang na pito (7) at may siyam na porsyento (9%).

III IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG MGA RESPONDANTE SA KANILANG PAG-AARAL

3.1 PAG TATALA NG LEKSYON HABANG NAG TUTURO

Frekwensi Bahagdan
Lubos na sumasang ayon (4) 23 31%
Sumasang ayon (3) 34 45%
Hindi sumasang ayon (2) 11 15%
Lubos na hindi sumasang ayon (1) 7 9%

Sa talahanayan 3.1 ay pinapakita na mas mataas ang bilang ng mga respondanteng

sumagot ng sumasangayon na may balangkas na 45% at ang lubos na di sumasangayon ang

pinaka mababa na may bahagdan na 9%.

Ayon sa datos maraming estudyante ang sumasangayon na ang pagtatala habang nag

tuturo ang guro ay isa sa kanilang paraan ng pag aaral. Ayon kay Grohol (2018), ang pag tatala

ay isang mabisang paraan para makakuha ng mataas na marka, sapagkat ito ay mas nakatutulong

sa mga estudyanteng matadaan ang kanilang aralin.

Ito ay nangangahulugan na marami sa mga estudyanteng NON-ABM sa pamantasan ng

New Era ay gumagamit ng ganitong pamamaraan sa kanilang pag aaral.


3.2 MAY SAPAT NA TULOG

Frekwensi Bahagdan
Lubos na sumasang ayon (4) 30 40%
Sumasang ayon (3) 27 36%
Hindi sumasang ayon (2) 9 12%
Lubos na hindi sumasang ayon (1) 9 12%

Sa talahanayan 3.2 maraming sumagot ng lubos na sumasangayon at ito ay may bahagdan

na 40% at ito ay may bilang na 40 sa 75 na respondanteng sumagot. Samantalang may parehas

na bilang at bahagdan naman ang hindi sumasangayo at lubos na hindi sumasangayon na may 9

at 12%.

Nangangahulugan lamang ito na marami sa mga respondante ang lubos na sumasangayon

na mas tumatatak sa kanilang isipan ang mga aralin kapag sila ay nakatulog ng wastong oras. Ito

ay pinatunayan ni Tesoro (2015) sa kanyang pag aaral, na ang pag kakaroon ng wastong oras ng

pag tulog ay hindi lamang para sa kalusugan kundi sa maayos na pag takbo nang ating utak.

Ayon din sa kanyang pag aaral na isa sa dahilan ang kakulangan ng tulog lalo na sa mga

estudyanteng nasa pinakamataas na antas ang pag baba ng kanilang marka.

Ipinapakita lamang sa talahanayan na ito na mas epektibo ang pag aaral kung ang mga

estudyante ay may sapat na oras ng tulog.


3.3 PAG OORGANISA NG ORAS
Frekwensi Bahagdan
Lubos na sumasang ayon (4) 32 43%
Sumasang ayon (3) 25 33%
Hindi sumasang ayon (2) 9 12%
Lubos na hindi sumasang ayon (1) 9 12%

Ang talahanayan 3.3 ay may resulta na mas maraming sumagot na mas nakatutulong sa

kanila pag aaral kung sila ay may roong kasama o group study sapagkat may bahagdan na 43%

ang nag sabi na sila ay lubos na sumasangayon samantalang parehas ng bilang at bahagdan

naman ang lubos na hindi sumasangayon at hindi sumasangayon.

Nangangahulugan lamang ito na marami sa mga respondante ang nag aaral ng may

kasama o nag gugroup study. Ayon sa Oxford (2018) na ang pag aaral ng may kasama ay

nakatutulong sa mentalidad at emosyon ng estudyante , sapagkat sila ang mag sisilbing

motibasyon ng isa’t isa, at maaring makatulong sa pag iintindi nang lektura.

3.4 MAS NAKAKATULONG ANG ITINALANG LEKSUR KESA SA MGA


LIBRO
Frekwensi Bahagdan
Lubos na sumasang ayon (4) 30 40%
Sumasang ayon (3) 28 37%
Hindi sumasang ayon (2) 10 13%
Lubos na hindi sumasang ayon (1) 7 9%

Ang resulta sa talahanayan 3.4 ay 40% ang nag sasabi na sila ay sumasangayon na mas

nakatutulong ang kanilang sariling itinala sa pag rerebyu habang ang guro ay nag leleksur

samantalang pitong (7) respondante naman ang nag sasabing sila ay hindi lubos na

sumasangayon.

Ipinapakita lamang nito na isa sa mabisang paraan ng pag aaral ay ang pag tatala ng mga

salita habang ang guro ay nag leleksur. Ayon kay Lundin (2019), na ang pag kakaroon ng
magandang bahagdan sa pag tatala ng mga salita ay mas lalong nakatutulong upang mapadali

ang pag aaral ng estudyante. Bagama’t sanay na ay mas mapauunlad at mapagaganda pa ito kung

palaging sinasanay.

3.5 PAG TULONG NG INTERNET SA PAG AARAL

Frekwensi Bahagdan
Lubos na sumasang ayon (4) 25 33%
Sumasang ayon (3) 30 40%
Hindi sumasang ayon (2) 11 15%
Lubos na hindi sumasang ayon (1) 9 12%

Sa talahanyan 3.5 ay may resulta na nag sasabing ang mga respondante ay lubos na

sumasangayon na nakatutulong ang internet sa kanilang pag aaral at ito ay may bahagdan 63% at

walang nag sasabi na lubos silang hindi sumasangayon.

Ipinapakita lang nito na ang mga estudyante ay nag aaral ng may internet sapagkat ito ay

makatutulong din sa kanilang pag aaral. Sabi ni Purwar (2015) na halos lahat ng tao ay may

kakayahang gumamit ng internet at nakatutulong ito sa nakakararami. Bagama’t nakatutulong ay

nakasisira din ito kung ito ay ginamit sa tamang paraan ay tayo ay makakakuha ng kaalaman.
IV. PAMAMARAAN NG PAG PAPAHALAGA NG MGA ESTUDYANTE SA
KANILANG ORAS
4.1 PINAGHAHANDAAN ANG PAG SUSULIT

Frekwensi Balangkas
Lubos na sumasang ayon (4) 28 37%
Sumasang ayon (3) 30 40%
Hindi sumasang ayon (2) 10 13%
Lubos na hindi sumasang 7 9%
ayon (1)

ipinapakita ang paghahanda sa pagsusulit ng mga respondente ng mga mananaliksik,

nangunguna ang Sumasang ayon na may frekwensi na tatlongput (30), sumusunod ang Lubos na

Sumasang ayon na may frekwensi na dalawangput walo (28), ayon sa resultang ito nagpapatunay

na pinaghahandaan ng mga respondente ang kanilang mga pagsusulit sa pamamaraan ng pag

papahalaga ng oras. Sa apat na pagpipilian, dalawa nito ay may malaking resulta sa frekwensi at

dalawa naman ay nanatili sa mga mababang resulta.

4.2 NAGLILISTA AT NAGLAAN NG ORAS BASE SA KANILANG IMPORTANSYA

Frekwensi Balangkas
Lubos na sumasang ayon (4) 24 32%
Sumasang ayon (3) 35 47%
Hindi sumasang ayon (2) 9 12%
Lubos na hindi sumasang 7 9%
ayon (1)
Ipinapakita dito ang resulta ng mga respondente kung naglilista at naglalaan sila ng oras

base sa kanilang importansya. Ang mga respondente na sumasang ayon ay may frekwensi na

tatlongput lima (35) o katumbas na apat na putpitong porsyento (47%). Sa apat na pagpipilian,

ang Sumasang-ayon ang nangunguna sa lahat sunod ang Lubos na sumasang-ayon na may

frekwensi na dalawang putapat (24) o tatlong na putdalwang porsyento (32%). Nagpapahiwatig

ito na ang mga respondente ay may naglilista na ng mga gagawin upang mapagkasya din oras sa

mga ibang bagay.


4.3 INUUNANG GAWIN ANG MADADALING GAWAIN
Frekwensi Balangkas
Lubos na sumasang ayon (4) 20 27%
Sumasang ayon (3) 35 47%
Hindi sumasang ayon (2) 15 20%
Lubos na hindi sumasang ayon (1) 5 7%

ipinapakita dito ang resulta ng mga respondente sa inuunang gawin ang madadaling

bagay, nangunguna ang Sumasang-ayon na may frekwensi na tatlong putlima 35 o katumbas na

apat na putpitong porsyento (47%). Sinundan naman ng Lubos na sumasang ayon na may

frekwensi na dalawangpu (20) o katumbas ng dalawangput pitong porsyento (27%).

Nagpapahiwatig na ang mga respondente ay gusto gawin ang mga madadaling bagay sa kanilang

sariling pamamahala ng oras.

4.4 INIIWASAN IPAGPALIBAN ANG MGA GAWAIN


Frekwensi Balangkas
Lubos na sumasang ayon (4) 30 40%
Sumasang ayon (3) 25 33%
Hindi sumasang ayon (2) 14 19%
Lubos na hindi sumasang ayon 9 12%
(1)

Inilalarawan ang resulta base sa iniiwasan ipagpaliban ang gawain. Nangunguna sa lahat ang

Lubos na sumasang ayon na may frekwensi na 30 o may 40% percent sa data. Sumunod ang

sumasang ayon sa frekwensi na 25 or 33%. Ipinahihiwatig nito na ang mga respondente ng mga

mananaliksik ay lubos na sumasang ayon na wag ipagpaliban ang mga gawain, marahil ito’y

importante parte ng kanilang pag-aaral tulad ng mga assignatura sa paaralan.


4.5 PINAPAHALAGAHAN ANG MGA GAWAIN
Frekwensi Balangkas
Lubos na sumasang ayon (4) 33 44%
Sumasang ayon (3) 25 33%
Hindi sumasang ayon (2) 9 12%
Lubos na hindi sumasang ayon (1) 8 11%

inilalathala ang resulta kung paano pinapahalagahan ng mga respondente ang kanilang mga

gawain, nangunguna ang Lubos na sumasang ayon na may tatlongput tatlo (33) na frekwensi o

apat na put apat (44%) na porsyento. Sumunod ang sumasang ayon na may dalang put lima (25)

na frekwensi o tatlongput tatlo (33%) na porsyento. Nagpapahiwatig na maraming respondente

ay pinapahalagahan ang kanilang mga gawain sa paaralan dahil maaaring dito sila nakakakuha

ng mga matataas na marka mula sa kanilang mga guro.

V. EPEKTO SA PAGPAPAHALAGA NG ORAS NG MGA ESTUDYANTE SA

KANILANG PAG-AARAL

5.1 MATAAS NA MARKA SA PAG SUSULIT


Frekwensi Bahagdan
Lubosnasumasangayon (4) 31 41%
Sumasangayon (3) 32 43
Hindi sumasangayon (2) 6 8%
Lubosnahindisumasangayon 6 8%
(1)
ang may pinaka mataas ay ang sumasangayon na may bahandag na 43% at parehas

naman ang hindi sumasangayon at lubos na hindi sumasangayon na may bahagdan na 8%.

Nangagahulugan lamang ito na mas mataas ang makukuhang marka ng mga estudyante kung sila

ay may pag papahalaga nang kanilang oras. Ito din ay binigyang diin sa pag aaral ni Migdadi

(2014), na sinasabi na ang pag lalaan ng 2-3 oras sa pag aaral ay may makatutulong sa

estudyante na mag karoon ng mataas na marka.


5.2 NAKAKAPAG PASA SA TAMANG ORAS

Frekwensi Bahagdan
Lubosnasumasangayon (4) 31 41%
Sumasangayon (3) 34 45%
Hindi sumasangayon (2) 8 11%
Lubosnahindisumasangayon 2 3%
(1)

Ang resulta sa talahanayan 5.2 ay ang sumasangayon ang nakakuha ng pinaka mataas na

bahagdan 45% at lubos na hindi sumasangayon na meroong 3%.

Ipinapakita lamang dito na ang mga estudyanteng may pag papahalaga sa kanilang oras ay

nakakapag pasa ng gawain sa tamang oras. Ayon kay Tracy (2014) na ang mabisang pamamahala

ng oras ay patuloy na nagiging isang mahalagang sector ng pag tratrabaho nang mga estudyante

hindi lamang ito sa pagdaragdag ng kaalaman at mabuting pananaw ukol sa kanilang mga gawain

kundi dahil na rin ito’y nagiging mahalagang sakop sa pagpapadali ng kanilang pang araw-araw

na proyekto.

5.3 NAIIWASAN ANG PAG GAGAHOL SA ORAS

Frekwensi Bahagdan
Lubosnasumasangayon (4) 36 48%
Sumasangayon (3) 30 40%
Hindi sumasangayon (2) 5 7%
Lubosnahindisumasangayon 4 5%
(1)

Sa talahanayan 5.3 mas maraming sumagot ng lubos na sumasangayon na may 48% na

bahagdan at ang hindi lubos na sumasangayon ay may 5% na bahagdan.

Nangangahulugan lamang ito na ang pag papahalaga ng oras ay nakatutulong sa mga estudyante

na maiwasan ang pag gagahol sa oras o ang pag ka cramming. Ayon kay (Porevro, 2018), Ang
oras ay napakahalaga sapagkat hindi na naibabalik ang mga nasayang na oras at pagkakataon.

Gayun din ang pag-aaral, maraming pagkakataon at oportunidad ang maaring mawala kung hindi

pamamahalaan ng tamang oras. Ang pagkakaroon ng pamamahala at pamamaraan kung paano

pamamahalaan ang oras ay nakatutulong upang sa paglinang ng kaalaman at sa pagkonserba ng

oras.

5.4 NAIIWASAN ANG PAGBAWAS NG MARKA DAHIL SA MAAGAP NA PAG PASA


Frekwensi Bahagdan
Lubosnasumasangayon (4) 31 41%
Sumasangayon (3) 35 47%
Hindi sumasangayon (2) 2 3%
Lubosnahindisumasangayon (1) 7 9%

Ang talahanayan 5.4 ay may resulta na ang may pinakamataas na bahagdan ay ang

sumasangayon na may bilang na 47% ay ang pinaka mababa naman ay ang hindi sumasangayon

na may 3% na bahagdan.

Ang pag papasa ng hindi sa tamang oras ng proyekto o takdang aralin ay nakakabawas ito

ng marka, ang estudyanteng may pag papahalaga sa kanyang oras ay kalimitang naiiwasan ang

ganitong pangyayarin sapagkat, ayon kay Briggitte et al., (2005) na ang buhay kolehiyo ay

nagbibigay daan sa mga estudyante ng kalayaan sapagkat hawak nila ang kanilang oras. Subalit

habang ang taon ay pataas ng pataas ay nagiging mahalaga na para sa estudyante ang

namamahala sa kanilang oras. Ang time management ay may mahahalagang papel sa pag-gawa

ng mag-aaral sa paaralan at sa pagtamo ng mga pagtatagumpay pang akademiko. Lahat ng mag-

aaral ay nararapat na magkaroon ng kakayahan sa time management kasama na ito ang

pagtatakda ng layunin, prayoridad na gawain, at pagiging organisado sa pag-gamit ng oras.


Posible lamang na maisakatuparan ang time management sa pamamagitan ng pag ganyak sa

sarili o pansariling motibasyon.

5.5 NAKAKAPASOK SA TAMANG ORAS


Frekwensi Bahagdan
Lubosnasumasangayon (4) 32 43%
Sumasangayon (3) 27 36%
Hindi sumasangayon (2) 3 4%
Lubosnahindisumasangayon (1) 13 17%

Ang resulta sa talahanayan 5.5 ay nag papakita na ang may pinakamataas na bahagdan ay ang

lubos na sumasangayon na may bilang na 43% at ang pinaka mababa naman ay may 3%.

Nangangahulugan lamang ito na ang pag kakaron ng tamang pag papahalaga sa oras ay laging

nasa tamang oras ng pag pasok sa paaralan, ayon kay sagib (2014) na ang kahulugan ng pamamahala ng

oras sa bawat estudyante sapagkat ito’y nakakaapekto sa kanilang indibidwal na pag-ganap.

Samakatuwid, ang tamang pamamahala ng estudyante nang oras ay isa sa mga nagbibigay daan upang sila

ay maging mabuting estudyante. Ang pag pasok ng nasa tamang oras ay isang kalidad ng mabuting

estudyante.
KABANATA 5
Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon
Sa kabanatang ito, ibubuod ang kabuuang ng papel at kung anong naging resulta ng

aming pag-aaral liban don, dito rin nag bigay rekomendasyon upang mas mapalawak ang pag-

aaral na ito

Buod

1 Ano-ano ang iba’t- ibang pamamaraan ng mga respondante sa kanilang pag-aaral?

.Mayroong iba’t ibang pamamaraan ang mga estudyante na nagsilbing respondente sa kanilang

pagaaral isa na dito ang pagtatala ng leksyon habang nagtuturo ang pinakamataas na frekwensi

ay ang sumasang ayon na may tala na tatlumpu’t apat (34) . marami naman ang lubusang

sumasang ayon sa pagkakaroon ng sapat na tulog at ito ay may bilang na tatlumpu (30) , sa pag

oorganisa ng oras na may bilang na tatlumpu’t dalawa (32), mas nakatutulong din ang

paglelektura kaysa libro at ito’y may bilang na apatnapu (40). Pang huli ay ang pag gamit ng

internet na nakatutulong sa pag aaral na may kabuuang bilang na 30 ang sumang ayon at ito ang

may pinakamataas na frekwensy.

2. Paano pinapahalagahan ng mga estudyante ang kanilang oras?

Mayroong mga pamamaraan ang mga respondente kung paano nila pinahahalagahan ang

kanilang oras. May pinakamataas na frekwensy sa hanay ng sumasang ayon ay ang mga

sumusunod: pinaghahandaan ang pagsusulit na may kabuuang bilang na tatlumpu (30), naglilista

at naglalan ng oras base sa kanilng importansya na may bilang na tatlumpu’t lima (35), at

inuunang gawin ang madadaling gawain na may bilang na tatlumpu’t lima (35). Sa kabilang

banda, sa hanay ng lubusang sumasang ayon ay ang pagiwas na ipagpaliban ang mga gawain na
may bilang na talumpu (30) at ang pagpapahalaga sa mga gawain na may kabuuang bilang na

tatlumpu’t tatlo (33).

3. Paano nakaapekto ang pagpapahalaga ng oras ng mga estudyante sa kanilang oras?

Sa ikatlong bahagi ay ang epekto ng pagpapahalaga ng oras sa pag aaral. Ang kabilang sa

sumasang ayon na may mataas na frekwensy ay ang mga sumusunod: mataas na marka sa

pagsusulit na may bilang na tatlumpu’t dalwa (32), nakakapagpasa sa tamang oras na may bilang

na tatlumpu’t apat (34), at ang naiiwasan ang mababang marka dahil sa maagap na pagpapasa na

may kabuuan bilang na (35). Samantala sa hanay ng lubusang sumasang ayon ay ang naiiwasan

ang pag gagahol sa oras na may bilang na (36), at ang nakakapasok sa tamang oras na may

kabuuang bilang na tatlumpu’t dalawa (32).


Konklusyon

1. Sa aming isinagawang pananaliksik, lubusang mahalaga na malaman kung ano ang mga wasto

at angkop na pamamaraan sa pag aaral upang mas lalong maging produktibo ang mga mag aaral

at walang masayang na oras.

2. Sa aming isinagawang pananaliksik. Lubusang mahalaga na magkaroon ng wastong

pamamaraan sa pagpapahalaga sa oras upang walang anumang mapinsala sa pagaaral lalong higit

sa pang araw araw na buhay.

3. Sa aming isinagawang pananaliksik, aming napagtanto na lubusang mahalaga ang tamang

pamamahala sa oras lalong lalo na sa mga estudyante. May malaking kinalaman din ito sa

kanilang pag gawa lalong lalo na sa mga pang akademikong gawain. Lubos ding mahalaga na

magtakda ng dapat unahin na gawain at pagkakasunod-sunod nito upang walang masasayang na

oras.
Rekomendasyon

Nais naming na makatulong itong aming isinagawang pananaliksik sa mga mag aaral na

magsasagawa din ng ganitong uri ng pananaliksik sa hinaharap na may kinalaman sa

pamamahala sa oras. Nais din naming na makatulong ito sa mga estudyante na may suliranin

patungkol sa wastong pamamahala ng kanilang oras.

1. Epektibo ang pagkakaroon ng mga talaan ng iilang mga pamamaraan upang mas lalong

maunawaan ang mga aralin at di mahirapan sa ginagawang pag aaral. Ngunit dapat maging

disiplinado sa pag gawa ng mga pamamaraan na ito upang makatulong ito at hindi makapinsala.

2. Maraming pamamaraan sa pagpapahalaga sa oras at dapat na gawin upang di makapinsala sa

ginagawang pag aaral. Dapat na huwag iwasan ang gawain at dapat itong pahalagahan upang

matapos ito ng naaayon sa takdang panahon.

3. Dapat na magtakda ng listahan ng mga gawain upang ito’y matapos ng maayos at naaayon sa

takdang panahon. Mula sa pinakamahalaga hanggang sa huli upang matapos ito ng di naghahabol

sa oras. Wag sayangin ang panahon sa mga bagay na walang kinalaman sa pagaaral at ituon ng

lubusan ng isip sa ginagawang gawain upang di ito maging mitsa ng pagkakaroon ng mababang

marka.

You might also like