Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1

Tatlong Yugto sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik


Salin-Filipino ni:
Christian George C. Francisco

Ang sulating pananaliksik ay isang pang-akademikong uri ng sulatin na


tumutukoy pag-alam, pagsusuri, pagsisiyasat o maaari ring pagtuklas sa iba’t ibang
impormasyon sa isang partikular na larangan. Masaklaw ang gawaing ito dahil
nararapat itong sumailalim sa paprosesong pagdulog upang maging patas at
sistematiko ang paghuhusga sa resulta nito. Upang maisakatuparan ito, gawing gabay
ang tatlong yugto sa pagbuo ng pananaliksik: Preliminaryong Hakbang, Pangangalap,
Ebalwasyon at Interpretasyon ng mga Datos at Pag-oorganisa ng mga Datos at ang
Aktuwal na Pagsulat ng Pananaliksik.

I. UNANG YUGTO:
Preliminaryong Hakbang

1. Pumili ng paksa na may halaga sa iyo at sa komunidad o disiplina na iyong


kinabibilangan. Dumibelop din ng tsart tungo sa pagpapalawig nito.
2. Tukuyin ang mga tiyak na makikinabang sa iyong isasagawang pananaliksik.
3. Magtakda ng limitasyon hinggil sa iyong paksa. Hanggat maaari, hingin ang
tulong ng iyong propesor o ng mga eksperto kaugnay sa napiling paksa.
4. Tukuyin ang iba’t ibang pananaw ukol sa napiling paksa (isagawa ito sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga literatura ng iyong paksa). Makatutulong ito
upang mabalanse ang lahat ng impormasyong iyong nakalap.
5. Gumawa ng tala o bibliograpiya upang masiguro kung sapat ang mga primarya
at sekondaryang materyal na mayroon ka.
6. Itala at isa-isahin ang lahat ng impormasyong mayroon ka.
7. Isumite sa iyong propesor ang layunin kung bakit mo sasaliksikin ang napili
mong paksa.
8. Gumawa ng balangkas o outline ng iyong pananaliksik.

II. IKALAWANG YUGTO:


Pangangalap, Ebalwasyon at Interpretasyon ng mga Datos

1. Sa iyong pananaliksik, siguraduhing malinaw sa iyo ang pangkalahatan at mga


ispesipikong paksa na iyong susuriin.
2. Mangalap ng datos at tingnan ang kawastuan ng pagkakasulat ng mga ito.
3. Iebalweyt ang resulta para sa katiyakan, katotohanan, pagiging balanse at
kumpleto ng mga ito.
4. Maging detalyado sa pagtatala. Gumamit ng nowtkard o alinmang
elektronikong kagamitan na makatutulong sa pagkalap ng mga datos.
5. Mahusay na pagpasyahan ang resulta ng pananaliksik.
6. Muling balikan ang itinakdang tesis at layunin ng iyong pananaliksik.
III. IKATLONG YUGTO:
2

Pag-oorganisa ng mga Datos at Aktuwal na Pagsulat ng Pananaliksik

1. Rebisahin ang itinakdang balangkas kung kinakailangan.


2. Sundin ang itinakdang pormat sa paggawa ng Introduksyon, Diskusyon at
Kongklusyon.
3. Siguraduhing dokumentado ang lahat ng mga batayang materyal na iyong
ginamit.
4. Isulat ang pinal na borador.
5. Muli itong basahin tungo sa teknikal at konseptuwal na pagwawasto.

Takdang Petsa:

Gawain Petsa Lagda ng Propesor

1. Pagtatala ng Posibleng Paksa ______________ ________________


2. Pinal na Paksa ______________ ________________
3. Bibliograpiya at Balangkas ______________ ________________
4. Nowtkard ______________ ________________
5. Rebisyon ng Balangkas ______________ ________________
6. Unang Balangkas ______________ ________________
7. Pinal na Borador at
Dokumentasyon ______________ ________________

Pinagbatayan:

Lannon, J.M. (2001). The writing process: A concise rhetoric. USA: Longman.
(pp. 345-348)

You might also like