Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MANUEL ROXAS

Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang ikalimangPangulo ng Republika ng Pilipinas (28
Mayo 1946 – 15 Abril 1948).

Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang lalawigang
Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuña ang kanyang mga magulang. Nagtapos
siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa
Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim
ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa
sumunod na taon ay naging Speaker of the House. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935),
naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni
Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang
nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa
paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas
MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang
Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang
nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang
buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban
kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15
Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating
base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni
Pangulong Elpidio Quirino.
ELPIDIO QUIRINO

Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera.
Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging
kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At
nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong
Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban
sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga
industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong
29 Pebrero 1956 sa gulang na 65.
RAMON MAGSAYSAY

Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang
ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa
kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.
Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del
Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang Pamantasang Jose
Rizal).
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak
ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at
Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang
pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging
napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng
Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil
niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na
lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang
tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga
inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang
sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.
CARLOS P. GARCIA

Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang
ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (23 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo
at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si
Magsaysay. Kilala si Garcia sa kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa
eroplano.
Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957
halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang tatakbo bilang
pangalawang pangulo.
DIOSDADO MACAPAGAL

Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21 Abril 1997) ay ang ika-9 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965). Siya ay ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin
sa Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin, wala nang limitasyon sa importasyon at
palitan ng piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay
ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal noong Agosto 8, 1963 upang maging ganap na batas. Sa ilalim
ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4,
tinawag na lamang na Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang Hulyo 4, 1946.
FERDINAND MARCOS
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang
ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinasmula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado
at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado
ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong
termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang
pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan
sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino.
Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang
pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at
talamak na korupsiyon sa pamahalaan.[1]Nagkaroon din ng isang pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga
mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas
mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa
pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente
gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa
bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan
ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno
Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago. Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa
nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang
isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang
dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong
23 Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag ang Kongreso ng
Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng
kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas
ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang
Batas na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga
kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at
Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat
ang Batas Militar.
CORAZON AQUINO

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25
Enero 1933 – 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-
isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero
1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng
demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral
siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy"
Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero
1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang
Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng
Agosto.
FIDEL V. RAMOS
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).
Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe
ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.
Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang
Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol. Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.
Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang tinatawag na
"Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na
pinapatakbo ng pamilihan.[1]Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago
ng GDP ay 3.1 porsiyento.[2] Tinangka ng administrasyong Ramos na akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa
pamamagitan ng mga reporma sa batas at piskal na nagpapanatili sa mga sahod na mababa at nagpapalawig ng
sonang nagpoproseso ng pagluluwas. Ang mga kasuotan at elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga
pagluluwas ng Pilipinas. Binuwag ni Ramos ang mga monopolyo at ginawang pribado ang mga mahahalagang
industriya. Gaya ni Corazon Aquino, umutang si Ramos mula sa IMF upang bayaran ang utang pandayuhan ng
Pilipinas. Sinasabing ang paglago ng utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang kakayahan ng pamahalaan na
lumikom ng mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa
Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa 4.2 milyong mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa
na nagpapadala ng kanilang sahod sa Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa
kesa sa buong sektor ng pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang GNP rate ay 7.2 porsiyento at
ang GDP at 5.2 porsiyento. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong 1995.
Ang Krisis Pinansiyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas.
Ang deficit ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa surplus na P1.564 bilyon noong 1997.
Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula P29.47 kada dolyar.
JOSEPH ESTRADA

Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1] ang
ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal na Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13
Mayo 2013.
Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang pangulo bago naging
pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng
korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay
nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng
kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.
Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP).
Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. Ang kanyang islogan sa kanyang panganampanya
ang "Erap Para sa Mahirap". Sa kanyang talumpati sa inaugurasyon noong 30 Hunyo 1998, isinaad ni Estrada:


Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-sino. Kung anu-anong deal
at kickback ang ipinangangako.

Binabalaan ko sila: ang kanilang inilalapit ay ebidensiyang gagamitin ko sa pag-usig sa kanila, kapag itinuloy
nila ang kanilang maruming balakin. Tandaan nila ito. Lalong mabuti, maghanda sila. Huwag nila akong
subukan!
Sa aking administrasyon, walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak.[2]
GLORIA MACAPAGAL ARROYO

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5 Abril 1947)
ay ang ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010). Siya ang ikalawang
babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang
pangalawang kalihim at ilalim-kalihim (undersecretary) ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa
kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay
nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang
partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsiyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang
kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga
oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng
mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan
namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni
Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong
Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong 20 Enero 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago
nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na
taon noong kontrobersiyal na eleksiyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon 30 Hunyo 2004.
Noong 20 Enero 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pampolitika at mga malawakang pagpoprotestang
tumatawag sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada dahil sa mga akusasyon ng korupsiyon, inihayag ng
Kataastaasang Hukuman na bakante na ang posisyon ng pagkapangulo. Noong kinahapunan din nang araw na
iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom na si Hillario Davide ,
Jr.[9]
Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal hinggil sa
pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi
niya kukunin muli ang kanyang posisyon.[11]. Noong 2 Marso 2001, ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay
nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang
pwesto.[9]
Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong 2004 ngunit ang halalang ito ay sinasabing
nabahiran ng pandaraya sa panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng usapan sa telepono sa pagitan nina
Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo.
BENIGNO AQUINO III

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) higit na kilalá sa paláyaw
na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010
hanggang Hunyo 30, 2016).

Pagkatapos ng kamatayan ng kaniyang inang si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009, maraming mga tao ang
tumawag kay Noynoy upang tumakbo sa halalan ng pagkapangulo kabílang ang Noynoy Aquino for President
Movement (NAPM) na kampanya sa buong bansa upang lumikom ng 1 milyong lagda upang hikayatin si Aquino na
tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Bago nito noong 26 Nobyembre 2008, hinalal ng partido Liberal si Mar
Roxas bilang pangulo ng partido at standard-bearer ng partido para sa halalan ng pagkapangulo sa darating na
2010 halalan ng pagkapangulo. Dahil sa malakas na pagsuporta kay Noynoy bílang kandidato ng partido Liberal
para sa pagkapangulo, inihayag ni Mar Roxas noong 1 Setyembre 2009 na aatras na siya bílang kandidato ng
pagkapangulo ng partido at inihayag ang kaniyang suporta sa pagtakbo ni Noynoy.
Tumakbo at nagwagi si Aquino sa halalang Pagkapangulo noong 2010 at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong
9 Hunyo 2010, naiproklama na si Noynoy bílang Pangulo ng Pilipinas kasáma si Jejomar Binay bílang Pangalawang
Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.[8]
RODRIGO DUTERTE

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte[6] (ipinanganak noong Marso 28, 1945), kilalá rin sa kanyang bansag na Digong,
ay isang Pilipinong abogado at politiko na kasalakuyang naninilbihan bílang ika-16 na Pangulo ng
Pilipinas.[7][8][9] Siya ang unang naging pangulo na mula sa Mindanao.[10]
Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng
Dabaw, isang urbanisadong lungsod sa kapuluan ng Mindanao nang pitóng termino o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin
siyang bise-alkalde at kongresista ng lungsod.

Si Duterte ay isinilang noong Marso 28, 1945, sa Maasin (na ngayon ay kabesera ng Timog Leyte ngunit dati ay
bahagi ng insular na lalawigan ng Leyte sa Komonwelt ng Pilipinas). Ang ama niya na si Vicente G. Duterte ay isang
abogadong Sebwano at ang kaniyang ina na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan, ay isang
guro at civic leader na Maranaw. Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng lalawigan ng (na
dáting hindi magkakahiwalay) na lalawigan ng Davao, ay naging akting meyor ng Danao, Cebu

You might also like