Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nina: Ang Buod ng Kabanata XVI ang pamagat ng Kabanata ay Si Sisa

Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago
marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-
asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa
lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng
kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi
ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.

Hroesha: ang unangenehm tauhan ay si Sisa. Si Sisa ay masintahing ina na ang tanging
kasalanan lang ay pagkakaroon na asawang pabaya at malupit. Ang pangalawang ay
pangatlong tauhan naman ay Si Crispin at basilyo. Sila ay Anak ni Sisa sila ang Sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan nag San Diego. At ang pangapat na tauhan naman ay Si
Pedro. Si pedro ay Isang walang puso at gamhanan, at inaatupag ang pagbibisyo at
pagsasabong. Siya ang asawa ni Sisa at ama ni crispin at Basilio.

Bernard: Ang mga isyung panlipunan ay pagmamaltrato sa asawa, at pagbibisyo. Ito ay


pinapakita sa tauhang si pedro na asawa Ni Sisa. Dahil kanyang minamaltrato si Sisa. Ito ay
nakikita parin sa karamihang mga pilipino dahil marami paring mga kalalakihan ang
minamaltrato ang kabilang asawa. Pinapakita Rin sa tauhan ni Pedro ang pagbibisyo dahil
syang Isang irresponsableng ama na sugarol at palaboy laboy lang sa lansangan. Hanggang
nayon ay Kitang Kita parin na marami sa mga Pilipino ay irresponsable ang mahilig sumugal.

Nathan:Ang mga simbolismo ay Si Sisa, si pedro, si crispin at Basilio at ang pagkaing hinanda
ni Sisa. Sinisimbulo ni Sisa ang pilipinas dahil ito ay maganda ngunit naghihirap. Si pedro
naman ay sumisimbulo sa mga Espanyol dahil sya ay magpang abuso at pabaya. Pinapakita
naman nila crispin at Basilio ang pagasa dahil kahit mahirap Ang Buhay nila nakakapagaral at
nakakpagtrabaho parin. At pinapakita naman ng pagkaing inihanda ni sisa Ang Lahat na
pinaghirapan nating mga Pilipino na basta basta nalang kinukuha na mga Espanyol.

Graxie: Ang Buod ng Kabanata XVII pamagat na kabanata ay Si Basilio


Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na
nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa
kamay ng sakristan mayor.

Nina: Ang mga tauhan ay si sisa ay Si Basilio. Si Sisa ay masintahing ina na ang tanging
kasalanan lang ay pagkakaroon na asawang pabaya at malupit. Si Basilio ay ang Anak ni sisa
at ni pedro na Kapariwaan Ni crispin.

Hroesha:Ang mga isyung panlipunan ay ang agwat sa pagitan ng mga makapangyarihanat


mahihirap at ang pagtanggi ng mga Pilipino na Mamulat sa katotohanan. Dahil noong nabaril Si
Basilio kanyang sinabi sa kanyang ina na huwag sabihin na sya ay nabaril kanyang nais taipan
ang totoong nangyari sa kanya. Nakikita parin ito hanggang ngayon dahil mahilig tayong mga
Pilipino takpan ang katotohanan at hindi natin laging gusto buksan ang ating mga mata as
nasasapit nating kahirapan.

Bernard: Ang mga simbolismo ay ang Tunay at ang imbentong panaginip ni Basilio. Ang Tunay
na panginip ni Basilio ay pinapakita ang kalupitan na gobyerno habang ang imbentong
panaginip Ni basilio pinapakita ang Hangarin nating mga Pilipino.

Nathan:Ang Buod ng Kabanata XVIIIAng pamagat na kabanata ay Mga Kaluluwang Naghihirap


Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang
makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang
tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang
sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng
dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos
ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina
Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Graxie:Ang Mga tauhan sa kabanata ay Si Padre Salvi at si sisa. Si Padre Salvi ang Kurang
pumalit ka Padre Damaso. Si Sisa ay masintahing ina na ang tanging kasalanan lang ay
pagkakaroon na asawang pabaya at malupit.

Nina: Ang mga isyung panlipunan ay ang pagiging mababaw ng mga kasapi na simbahan dahil
pinaplano nila Kung paano makamit ang indulgecia plenaria sa halip na magisip na paraan
upang makagawa na mabuti upang sila ay dumeretso na sa langit imbis na dumaan pa sa
purgatoryo. At isa pa sa mga isyung panlipunan ay hindi pagiging Tapat ng mga opisyal ng
simbahan.

Hroesha: Ang Buod ng Kabanata XIX Ang pamagat na kabanata ay Mga Suliranin ng Isang
Guro

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito
ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.

Bernard:Ang mga isyun panlipunan ay ang pagiging pasibo na mga Tao at ang maraming had
lang said pagkamit na edukasyon dahil sa kakapusan nag mga pangangailangan sa paaralan,
kawalan na interest na mga kabataan was pinagaaralan, at kakapusan na mga pamilya.

Nathan:Ang buod ng Kabanata XX Ang pamagat na kabanata ay Ang Pulong sa Tribunal


Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga
may kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista
na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga
paghahanda sa pyesta.

Graxie:Ang mga isyung panlipunan ay ang pagkakaroon mga saradong isipan ng mga Pilipino
dahil sa kawalan nag tamang panghuhusga sa pagitan ng magkalaban sa kapangyarihan. At isa
pang isyung panlipunan ay Paglimot nating mga Pilipino sa ating sariling karangalan

Nina:Ang mga simbolismo sa kabanata got ito ay Ang mga lumang kagamitan, ang kurtinang
pula na hindi nalalabahan, sirang silya sa ilalim ng Lara wan ng hari at ang sira sirang bangko
at silya. Pinapakita ng mga lumang kagamitan ang pagkalayo ng kaunlaran nating mga Pilipino.
Habang ang pulang kurtina na Hindi nalalabahan ay sinisimbulo ang madugo at maruming
pamamalakad ng mga kastila sa ating mga Pilipino. Pinapakita naman na sirang silya sa ilalim
nag larawan ng Hari ang kawalan na kapangyarihan ng mga Lokal na pinuno sa gobyerno ng
Pilipinas. At pinapakita naman na sira sirang bangko at silya ang kawalan na Tunay na
kapangyarihan na mga kinakabahan na bayan.

Hroesha:yun lang po at maraming salamat sa pakikinig.

You might also like