Ikaapat Na Markahang Pagsusulitsa Ep PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

i. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa papel.

1. Nais ni Mang Jose na magtayo ng pagawaan ng sasakyan. Ano ang dapat gawin?
a. Magsaliksik kung ito ay papatok sa inyong lugar.
b. Ipatayo agad ang pagawaan basta’t may pera nang kapit.
c. Huwag nang magdalwang isip, mangutang kung kinakailangan.
2. Nais mong magkaroon ng dagdag na kita. Naisip mong magbenta ng mga produkto sa
inyong kaopisina. Ano ang dapat mong gawin?
a. Kumuha ng anumang produkto sa kakilala at ibenta agad ito sa mga kaopisina.
b. Mag-obserba kung anung mga produkto ang hiligng mga kaopisina at saka ibenta
ang mga produkto na maaaring utangin.
c. Alamin ang hilig na mga produkto ng mga kasamahan sa opisina at saka magbenta
sa mga ito ng produkto ng kung maaari ay may down payment.
3. Nais magtayo ni Aling Sioni ng sari-sari store sa kanyang tapat ng bahay. Ano ang dapat
gawin?
a. Tingnan ang paligid kung marami nang nakatayong sari-sari store o may malapit na
pamilihan bago magtayo ng sari-sari store.
b. Magpatayo aga ng sari-sari store sa tapat ng bahay kahit maraming
kakumpetensiya, babaan na lamang ang presyo ng paninda kahit wala nang
masyadong kitain.
c. Magpatayo ng sari-sari store kung kalian nais at magpautang para marami kang
mahikayat na kostumer.
4. Nakaipon nang malaking halaga ang mag-asawang Karding at Tinay. Nais nilang
sumubok nagnegosyo. Ano ang dapat gawin?
a. Magtayo ng anumang negosyo malapit sa bahay upang tipid sa pamasahe.
b. Magtanong sa mga kapitbahay kung anong negosyo ang magandang itayo.
c. Magtanong sa mga taong may karanasan na sa pagpapatayo ng negosyo kung
anong negosyo ang magandang itayo sa panahon ngayon, magbasa sa mga
pahayagan o magasin upang makakuha ng kaunting kaalaman tungkol sa
pagnenegosyo.
5. Naging pabigla-bigla si Fe sa pagsosyo sa kanyang pinsan kaya\t nalugi ito. Anong
dapat gawin upang hindi na ito maulit?
a. Magalit sa pinsan at piloting ibalik ang perang ibinigay.
b. Maging aral ang pangyayaring ito at pag-aralan muna ang negosyong sasalihan.
c. Idimandan ang pinsan sa pangyayaring ito at magtanda si8ya.
6. Unang nagtayo ng tindahan si Aling Mameng sa kanilang lugar, ngunit napapansin
niyang mas marami nang bumibili sa mga kakumpetensiya niyang tindahan. Ano ang
dapat gawin?
a. Magalit sa mga kakumpetensiya niyang tindahan at ireklamo sa opisyal ng
barangay.
b. Alamin at magsaliksik kung bakit ito ang nangyayari at alamin ang hilig ng mga
mamaimili sa panahon ngayon.
c. Pabayaan na lamang ito at bigyan na lamang nila ng respeto ang aking tindahan
sapagkat ito ang nauna sa lahat ng tindahan sa kanilang lugar.
7. Nagtayo ng maliit na negosyo ang iyong ina, ito ay ang pagtitinda ng mga fishballs,
barebecue, hotdogs at iba pa. Ano ang dapat gawin?
a. Huwag tulungan ang ina sapagkat baka maraming makakita sa iyong nagbebenta ka
nito.
b. Hikayatin ang mga kaibigan na bumili sa ina.
c. Iwasang ikuwento sa mga kanag-aral ang pinasok na negosyo ng ina.
8. Gumagawa ang iyong buong pamilya ng mga bracelet, kuwintas, basket, pitaka, at iba
pang produkto. Dahil ditto nakilala kayo sa inyong lugar at ito ang dahilan ng inyong
pagyaman. Ano ang dapat gawin?
a. Ipagmayabang ito sa mga kaklase.
b. Magdala ng sample sa mga jkaklase upang mahikayat silang bumili nito.
c. Kupitan ang perang kinikita ng pamilya sapagkat hindi na nila ito mapapansin.
9. Mayroon kayong malapad na bukid at umaani ito ng mga palay, mais at iba pang gulay.
Dahil ditto kaya ka nakakapag-aral at natutustusan nito ang inyong gastusin sa pang-
araw-araw. Ano ang dapat gawin?
a. Hindi ko sasabihin sa aking mga kaklase ang tunay na pinagkukunan ng
pangkabuhayan n gaming pamilya pagkat baka pagtawanan nila lang kami.
b. Ipagmamalaki kong mayroon kaming malapad na bukirin at isa sa aking ama sa
sumasaka nito.
c. Ikahihiya ko ang aking pamilya at ito pa ang napiling pinagkukunang
pangkabuhayan.
10. Ang negosyo nina Ricardo ay pag-uuling. Maraming tumutukso sa kanya na boy-uling.
Ano ang dapat niyang gawin?
a. Huwag na lamang pansinin ito at tumulong sa negosyo.
b. Titigil na siya sa pgtulong sa kanilang negosyo pang din a siya kutyain ng mga
kapitbahay.
c. Babatuhin niya ng uling ang mga tumutukso sa kanya.
11. May negosyong babuyan sina Yana. Hinikayat siya ng guro na magsalita upang
mabigyan ng ionspirasyon ang ibang mga tao sa kanila. Ano ang dapat gawin?
a. Hindi papaya si Yana sapagkat pagtatawanan lamang siya ng kanyang mga kaklase.
b. Liliban na lamang sa klase si Yana upang hindi siya makapagsalita at malimutan na
ito ng guro.
c. Papayag si Yana sapagkat wala naman siyang dapat ikahiya at ito ay marangal na
negosyo.
12. Isang mananahi ang ina ni Martha. May sarili nang negosyo ang ina. Narinig mo na ang
iyong guro na wala nang mapagpatahian ng kanilang bagong uniporme4 pagkat puno
na ang mga patahian sa bayan. Ano ang dapat gawin?
a. Imingkahi ko sa guro na sa patahian na lamang nila sila magpatahi.
b. Magsasawalang kibo na lamang upang hindi malaman ng iba ang inyong negosyo.
c. Hindi nna lamang makikialam sa problema ng guro.
13. Naglalaro kayo ng basketball. Hiniling ng iyong kasamahan na pasimpleng sikuhin ang
pinakamahusay na manlalaro ng kalaban. Ano ang dapat gawin?
a. Hindi ko ito gagawin sapagkat ito ay masama.
b. Susunod ako sa utos ng aming kasamahan sapagkat alam kong makakabuti ito sa
aming grupo.
c. Sisikuhin ko lamang ng mahina upang maipakita ko sa aming kasamahan na
sinunod ko siya.
14. Naglalaro kayo ng taguan. Gusto mong pahirapan ang taya sapagkat ikaw ay
napahirapan din. Ano ang dapat gawin?
a. Uuwi na nang tuluyan upang mapahirapan siyang makita ako.
b. Uuwi at hindi na makikipagkita ng ilang araw sa mga kalaro.
c. Magtitiis na magtago sa lugar na mahihirapan akong Makita.
15. Naglalaro kayo ng tayaan, itinulak ka ng iyong kalaro at napaupo ka nang malakas. Ano
ang dapat mong gawin?
a. Tatayo at itutulak rin ang tumulak sa akin.
b. Tatayo at makikipaglaro muli.
c. Tatayo ka at hindi na makikipaglaro.
16. Kaunting segundo na lamang at matatapos na ang larong basketball. Kapag naibuslo ng
kalaban ang bola matatalo ang iyong koponan. Ano ang dapat gawin?
a. Patirin ang may hawak ng bola.
b. Bantayang maigi ang may hawak ng bola.
c. Hayaan na lamang manalo ang kalaban.
17. Kasali ka sa larong football at hindi mo na nagugustuhan ang laro ng iyong mga
kalaban sapagkat may kasamang pananakit ang kanilang paglalaro. Nasa iyo ang bola,
at dinidikitan ka ng kalaban. Ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag na lamang pansinin ang kalaban at mag-focus sa laro.
b. Sikuhin ang kalaban upang lumauo siya nang bahagya.
c. Sipain ng pasimple upang mabuwal siya.
18. Nagtatakbuhan kayong mga manlalaro ng soccer. Pilit nilang inaagaw ang bola at

You might also like