depende ito kung saang parte sa Pilipinas tayo nakatira.Dito sa Pilipinas mayroon tayong mga Bisaya,Ilocano,Muslim at ipa pang mga taong may ibang wika.Minsan nga nagsisikap tayong matuto ng mga lengwaheng galing sa ibang bansa katulad ng Ingles,Nihonggo wika ng mga Hapones, Korean lalong lalo na ngayon dahil uso na uso na sa Pilipinas ang mga Kpop at mga Koreanong mga Nobela, at marami pang ibang wika tayong pinag-aaralan.Pero sa lahat ng ito meron tayong wika na tayong lahat ay nagkakaisa at ito an gating pambansang wika ang FILIPINO. Filipino yan ang pambansang wika nating mga Pilipino.Noong 1935 nang ito’y itinanghal ng dating pangulong Manuel L. Quezon bilang pambansang wika ng Pilipinas. Karami- han satin ay tinatawag itong Tagalog.Sa kasulukuyan hindi tayong lahat ay nagsasalita ng Filipino,dahil na rin siguro sa dami ng ating wika. Marami man tayong wikang ginagamit dapat parin nating tangkilikin ang ating pambansang wika,kahit minsan nalang itong ginagamit sa ibang bahagi ng Pilipinas.Kahit ang wikang Ingles ay nalalapit sa atin,di parin natin dapat kalimutan ang ating sariling wika.Ang wika rin ang nakapagpa-iba sa atin sa ibang mga bansa.Madali rin tayong natutukoy dahil dito.Kaya wag ikahiya at baguhin ang iyong wika sapagkat ipagmalaki at mahalin ng lubusan. Ang kakayahan at importasya ng wika ay kahangahanga talaga.Sana’y lahat ng ito’y matandaan at maibahagi sa susunod na henerasyon.Huwag kalimutan ang sinabi ng ating Pamban- sang Bayani na kung sino man ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isada.Kaya’t mahalin,yakapin at tangkilikin ang wika sapagkat ito ang susi sa isang matagumpay na bansa.