Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang apat na sulok ng parisukat

Maraming naghahangad ng magagarang damit,usong sapatos,at


brand new na telepono. Pero mayroon ding naghahangad ng simple
lang gaya ng maliliit na laruan,pinaglumaang bisikleta ng kapit-
bahay,at pinaglumaang mga gamit ng kuya mong madamot.Isa lamang
ako sa mga batang iyon na nag-aasam na mabiyayaan ng kahit
simpleng regalo lalo’t papalapit na ang araw na pinakahihintay
ng bawat bata sa buong mundo,ang araw ng Pasko.
Sa tuwing malalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin sa
madaling araw,napapangiti na lamang ako dahil batid ng mga
makukulay na dekorasyon at kumikislap na makukulay na bumbilya
na ang araw ng Pasko ay sasapit na.
Noong ako’y bata pa lagi kong inaasam na magkaroon ng
sarili kong lugar sa aming bahay.Nais kong mapagisa at maibahagi
ang aking nadarama sa apat na sulok ng kwarto na may nag-iisang
malambot na kama.Nais kong magkaroon nitong hugis kahon na lugar
sa aming bahay na kung saan dito, ako lang magisa nakaharap sa
makinis na pader habang iniisip at binubuo sa aking imahinasyon
ang magiging kulay at disenyo ng aking kwarto.Ako ay ang
magiging hari at mamumuno ng sarili kong mundo at ako ang bubuo
ng makulay na buhay sa loob ng aking kwarto.
Kapag pinapailawan na ng aking ina ang hindi kataasang puno
ng Pasko palagi akong umuupo sa harap nito at pipikit habang ang
dalawang palad ay magkadikit.Hihilingin sa talang nakasabit sa
tuktok ng puno na sana ay makatan na ang matagal nang ninanais
ng dalisay kong puso.Sana’y makamtan na ang pinakamimithing
panaginip upang masimulan nang disenyuhan itong ninanais na
kwarto,pipinturahan ng paborito kong kulay at didikitan ng
magagandang larawan na mismong iginuhit ng aking kamay.Pupunuin
ito ng iba’t-ibang mga gamit at sasabitan ng mga makikinang na
palawit.Kakabitan ng magandang kurtina ang bintana at pupunuin
ang palibot ng malalambot na manika.Ang kama na nagiisa ay
susuotan ng ternong punda ng unan,kumot at saping
pang-kama.Upang sa aking pagtulog ay aking malalanghap ang
mabangong amoy ng kumot upang mapahimbing ang aking pagtulog.
Ito ay ang tangi kong hinihiling na sa pagsapit ng Pasko’y
tuparin ang nais ng puso nawa’y ibigay sa akin.Ang sariling
kwarto na pinakaaasam sa akin ay iparanas man lang upang kahit
duon man lamang ang sumaya ay maranasan.

You might also like