Professional Documents
Culture Documents
Komisyong Pagsusuri
Komisyong Pagsusuri
SEKSYON 4
Ang lahat ng mga pinuno at mga kawaning pambayan ay dapat manumpa o magpatotoo na
ipagsasanggalang at ipagtatanggol ang Konstitusyong ito.
SEKSYON 5
Dapat magtadhana ang Kongreso ng mga pamantayan sa sweldo ukol sa mga pinuno at kawani
ng pamahalaan, kasama na rin ang mga nasa korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan na
may mga orihinal na karta, na isinasaalang-alang ang uri ng mga pananagutan na nauukol, at
ang mga kwalipikasyong hinihingi para sa kanilang mga katungkulan.
SEKSYON 6
Ang sino mang kandidato na natalo sa alin mang halalan ay hindi dapat hirangin, sa loob ng
isang taon makaraan ang halalang iyon, sa alin mang katungkulan sa Pamahalaan, o sa alin
mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o sa mga sangay nito.
seksyon 7
Hindi magiging karapat-dapat ang sino mang pinunong halal sa paghirang o pagtatalaga sa alin mang
katungkulan o posisyong pambayan sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Matangi kung kinakailangan ng batas o ng mga pangunahing gawain ng katungkulan, hindi dapat
humawak ang sino mang halal na pinuno ng ano mang iba pang katungkulan o trabaho sa Pamahalaan o
alin mang bahagi, sangay o instrumentaliti niyon kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng
pamahalaan o sa mga sangay nito.
seksyon 8
Ang sino mang halal o hinirang na pinuno o kawaning pambayan ay hindi dapat tumanggap ng dagdag,
doble, o di-tuwirang suweldo maliban kung tiyakang ipinahihintulot ng batas, ni tumanggap ng ano
mang regalo, pabuya, katungkulan, o ano mang uri ng titulo mula sa alin mang banyagang pamahalaan
nang walang pagsang-ayon ang Kongreso.
Ang mga pensyon o gratwiti ay hindi dapat ituring na dagdag, doble, o di-tuwirang kompensasyon.