Sales

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mayroong mga modelo ng Pambansang Ekonomiya, una rito ay ang unang modelo ito ay naglalarawan

ng simpleng ekonomiya. Pinag-iisa rito ang sambahayan at bahay-kalakal. Dito, kailangan mo maging isang
independent upang matugunan mo ang iyong mga pangangailangan. Sa unang modelo, upang lumago ang
kanyang produksiyon at pagkonsumo, kailangang maitaas ang kinauukulang sektor. Sa ikalawang modelo,
ang sistema ng pamilihan ang umiiral. Dito makalilikha ng produkto. Dito sinasabing umaasa ang sambahayan
at bahay-kalakal sa isa't-isa. Nakasalalay ang ekonomiya sa pagtaas ng produksiyon. Sa ikatlong modelo,
sambahayan at bahay-kalakal ang dalawang pangunahing sektor dahil dito pa lamang, nag-iimpok na ang
dalawang sektor ng pamumuhunan sa hinaharap. May tatlong klase ng pamilihan sa ikatlong modelo, ito ay
ang para sa salik ng produksiyon, commodity, at para sa mga pinasiyal na kapital. Humihiram ang mga
negosyante sa bahay-kalakal dahil nag-iimpok ito para mapalawak ang negosyo sa iba't-ibang panig ng
mundo. Mayroon paring binabayarang interes ang bahay-kalakal sa sambahayan upang maging kabayaran sa
kanila. Ang gastos ng sambahayan at bahay-kalakal ay ang buong kita ng pambansang ekonomiya. Sa ika-
apat na modelo, sa sistema ng pamilihin sumasali ang ating pamahalaan. Ang ating pamhalaan na ang
nagiging sektor dito. Dito na pumapasok ang pagbabayad ng sambahayan at bahay-kalakal ng buwis. Ang
pagbabayad ng buwis sa pamahalaan ay nakabubuo ng pampublikong lingkod na siyang nag-uuri ng mga
pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal. Kailangan maisakatuparan ito upang makasingil ng buwis.
Dito sa modelog ito naipapakita na tayo'y dapat maging produktibo at hindi umaasa sa kakayahan ng iba. Sa
apat na modelo naipapakita ang export at import. Nakikipagkalakalan sa dayuhan upang magkaroon ng
bagong kaalaman sa mga produkto.
Natutunan ko rito ang pagiging produktibo at hindi ang pagiging palaasa sa iba. Sa una palang ay
makikita mo na kung paano nailalarawan ang pagiging independent. Natutunan ko rin dito ang pagbabadyet
na dapat ay hindi puro gastos ka lang, dapat ay nag-iimpok o naglalaan para sa iyong hinaharap. Kailangan
din natin ng pagkakaisa tulad ng sambahayan at bahay-kalakal upang magkaroon ng magandang samahan.
Tungkulin din natin ang pagbabayad ng buwis upang matulungan din natin ang pamahalaan sa kanilang mga
gastusin. Kailangan nating magbukas ng pinto para sa opportunidad na maaring makamit sa
pakikipagkalakalan sa mga dayuhan.
Dito, naipapakita na rin saatin ang maagang proseso ng produksiyon. Maagang pagsisimula ng
magandang negosyo ang ilan sa aking naintindihan. Magkakaroon ka ng karagdagang kaalaman na iyong
magagamit sa maayos na pagpapatakbo ng negosyo na iyong sisimulan.
Naikokonekta ang mga modelo sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglago ng ekonomiya na
nakabatay sa pagtaas ng produksiyon.
Ang pamahalaan ang namamahala sa paggawa ng mga patakarang ipinatutupad upang maging
maayos ang pagtanggap ng mga tungkulin sa bawat sektor. Produkutibilidad ang pinakamahalagang batayan
ng mahusay na pagganap ng industriya. Maayos ang takbo ng ekonomiya kung ang ugnayan ng iba't-ibang
bahagi nito tulad ng dayuhang sektor ay nagiging produktibo, at kapag may trabaho at may mataas na kita sa
halos lahat ng pwersa ng paggawa. Katulad ng sambahayan na nagmamay-ari sa salik ng produksiyon,
nagbabayad sa gastos ng mga produkto't serbisyo at tumatanggap ito ng kita sa bahay-kalakal bilang
kabayaran sa inuutos nilang salik ng produksyon. Samantalang sa bahay-kalakal, gumagamit ng mga salik ng
produksyon na nagmula sa sambahayan upang gawing produkto at serbisyo at nagbibili ng mga produkto at
serbisyo sa mga sambahayan.

You might also like