Ikatlongng Markahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region IV A-CALABARZON
Distrito ng Majayjay-Magdalena
MAGDALENA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Malaking Ambling, Magdalena Laguna

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: _____________________


Baitang/Seksyon: ____________________________________ Guro: _____________________

I.PANUTO: Piliin at Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin?
a. panlapi b. gramatika c. pagpapakahulugan d. pagsasaling-wika

2. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa


pagsasalin?
“Love excuses everything believe all things,hopes “Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan
all things,endures all things”. ang lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa mga
bagay, nakakaya ang lahat ng bagay.”
a. Basahin nang paulit-ulit.
b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

3. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

“A negative mind will never give you a positive life”

a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”


b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

4. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.


a. pangangatuwiran b. paglalarawan c. paglalahad d. pagsasalaysay

5. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming


tao.
a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan

6. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nagiiwan ng isang


kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. nobela b. karilyo c. dula d. maikling kuwento

7. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.


a. idyoma b. matatalinghagang pananalita c. simbolismo d. tayutay

8. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. pandamdamin b. malaya c. blangko berso d. tradisyonal

9. Uri ng pagsasalaysay na nahahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na


pangyayari.
a.nobela b. tula c. sanaysay d. talumpati

10. Ang pagsasalaysay ay batay sa tunay na pangyayari.


a. anekdota b. dagli c. maikling kuwento d. tula

11. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal sa tanghalan.


a. dagli b. maiklingkKuwento c. dulang pandulaan d. epiko

12. Ito ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala
a. tuwirang pahayag b. pagsasalaysay c. di-tuwirang Pahayag d. dagli

13. Ayon sa kanya ang sanaysay ay “pagsasalayasay ng isang sanay”.


a. Michel de Montaigne b. Genoveva Edroza Matute c. Alejandro G Abadilla d. Amado V. H

14. Ito ay nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng


paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
a. mitolohiya b. maikling kuwento c. dulang pandulaan d. anekdota

15. Ito ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinion ay nakahihikayat naman sa mga
tagapakinig o tagapagbasa.
a. Tuwirang Pahayag b. Di-Tuwirang Pahayag c. Pagsasaling-wika. d. Pagsasalaysay

16. Ang akdang “Mullah Nassreddin” ay anekdota na mula sa Persia?Iran na isinalin sa Filipino ni:
a. Idries Shah b. Roderick P. Urgelles c. Alejandro G Abadilla d. Grace Tabora

Para sa bilang 17 at 18

“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na
gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot
ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng
nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama
ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal

17.Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d.Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng
pagpapahayag.

18. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

Para sa bilang 19-20

Alanganing Dalaw
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang may isang
panauhing dumating.
“Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan.
Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na sinabi, “Napakaalanganin
naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.”
Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang kinaroroonan ng kaibigan.
“Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas siyete ang aming hapunan.”
“Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin nang anyayahan mo
akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.”
Halaw sa Little Book of Music Anecdote ni Helen Kauffman

19. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang
kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang
nakagawian.

20. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?


a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.
Para sa bilang 21-24

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng
sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng
mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo.
Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

21. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangangahulugang


____________________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi

22. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.


a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

23. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay

24. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng
____________.
a. paghihinuha b. paglalarawan c. panghihikayat d. pangangatuwiran

25. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?


a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.

26. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano
ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.

a. nais b. mithi c. hangad d. pangarap

27. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago b. ilibing c. kalimutan d. magpatawad

28. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang pananalita
ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad b. kapos-palad c. sawimpalad d. makapal ang palad

29. Isa sa mga magkukunan ng paksa na pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng


pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong
nagsasalaysay.
a. Likhang-isip b. Sariling Karanasan c. Narinig o napakinggan sa iba d. Napanood

30. Isa sa mga magkukunan ng paksa na mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalilikha ng isang salaysay.
a. Likhang-isip b. Sariling Karanasan c. Narinig o napakinggan sa iba d. Napanood

II. Paglinang ng Talasalitaan - Analohiya


Panuto: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating binasa. Piliin ito
sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang mabigyang-linaw kung bakit ito ang
iyong naging sagot.

31. bulaklak : hardin :: aklat : _____________


32. berde : kapaligiran :: asul : ______________
33. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _______________
34. puso : katawan :: ___________ : puno
35. ____________ : gutom :: tubig : uhaw

Panuto: Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng
bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas.

______36. kagalakan ______41. lungkot


______37. katuwaan ______42. lumbay
______38. kaluwalhatian ______43. dalamhati
______39. kaligayahan ______44. pighati
______40. kasiyahan ______45. pagdurusa

D. PANUTO: Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung Tuwiran o Di-tuwiran ang pahayag na ginamit.

46. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.
47. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom.
48. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa Senado.
49. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng
kapwa.
50. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na
dinarayo ng mga turista.
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D
2. D
3. D
4. D
5. C
6. D
7. C
8. B
9. A
10. A
11. C
12. A
13. C
14. B
15. B
16. B
17. D
18. D
19. B
20. B
21. D
22. D
23. D
24. A
25. C
26. D
27. C
28. D
29. B
30. A
31. SILID-AKLATAN
32. KARAGATAN
33. KATAWAN
34. PRUTAS
35. TINAPAY
36. 4
37. 2
38. 5
39. 3
40. 1
41. 1
42. 2
43. 4
44. 5
45. 3
46. TUWIRAN
47. DI-TUWIRAN
48. DI-TUWIRAN
49. DI-TUWIRAN
50. TUWIRAN
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
Provincial Capitol Compound
Santa Cruz

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
FILIPINO 10
BAHAGDAN
CODE NG BILANG NG ARAW BILANG KINALALAGYAN NG
LAYUNIN KOMPETENSI NA ITINURO NG AYTEM AYTEM

PAG-INAWA SA NAPAKINGGAN
1.Nagagamit nang angkop ang mga
F10PN-IIIa-71 4 3 1,2,3 6%
pamantayan sa pagsasaling wika
2. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng
F10PN-IIIc-78 8 6 4,5,6,7,8,9
tula batay sa napakinggan 12%
3. Naipaliliwanag ang mga likhang
F10PN-IIIf-g-80 6 6 10,11,12,13,14
sanaysay batay sa napakinggan 12%
PAGBASA

1.Nasusuri ang binasang anekdota


batay sa: paksa,tauhan,tagpuan, F10PB-IIIb-81
5 5 16,17,18,19,20 10%
motibo ng awtor paraan ng pagsulat
at iba pa

2.Naihahambing ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng sanaysay at iba F10PB-IIIf-g-84 5 5 21,22,23,24,25 10%
pang akda
3.Nabibigyang kahulugan ang
iba’t ibang simbolismo at 10%
F10PB-IIIc-78 6 5 26,27,28,29,30
matatalinghagang pahayag
sa tula
PAGLINANG SA TALASALITAAN

1. Naibibigay ang katumbas na salita 10%


F10PT-IIIf-g-80 5 5 31,32,33,34,35
ng ilang salita sa akda (analohiya)

2. Naiaantas ang mga salita ayon sa 36,37,38,39,40


antas ng damdaming ipinahahayag F10PT-IIIc-78 8 10 ,41,42,43,44,4 20%
ng bawat isa 5
WIKA AT GRAMATIKA
1.Nagagamit ang angkop na mga
tuwiran at di-tuwirang pahayag na F10WG-IIIf-g-75 5 5 46,47,48,49,50 10%
paghahatid ng mensahe
KABUUAN 52 50 1-50 100%

You might also like