Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PAGSUSURI SA FILIPINO

IKAWALONG BAITANG
IKALAWANG MARKAHAN
8.2.4.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BALAGTASAN

- Isang pagtatalo na ginagamitan ng pamamaraang patula na umunsod mula sa “duplo”, isang uri ng
larong patula na tungkol sa pagtatalo ng dalawang panig dahil sa nawawalang loro ng hari tuwing
may lamay na laan para sa aliwin ang mga naulila’t bisita.
- Ayon kay Teodoro E. Gener, ginagamit ang elemento ng pagtatagisan ng dunong at bait sa
pamamagitan ng mabubulaklak na pananatlita at matatalim na pananalinghaga.
- Nabuo at ikinabit sa pangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar y de la Cruz para sa pagpaparangal
at paggunita sa dakilang makata ng Katagalugan at pagpapahalaga sa pampanulaang pamanang
iniwan niya sa sambayanan.
- Hindi lamang sa Tagalog itinatanghal ang Balagtasan:

- Sa Ilocos, ang tawag doon ay Bukanegan na ipinangalan kay Pedro Bukaneg.


- Sa Kapampangan, ang tawag doon ay Crissotan na ipinangalan kay Juan Crisostomo Soto.
- Sebwano, Ilonggo, Espanyol, Ingles at iba pa.

- May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan na ginanap noong Abril 6, 1924
sa Instituto de Mujeres na itinatag ni Sevilla:

- Rafael Olay at Tomas L. de Jesus


- Amado Vera Hernandez at Guillermo A. Holandez
- Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes

- Pinakatanyag at matagumpay ang kina De Jesus at Collantes dahil nakagiliwan ng mga manonood
sila at kinakatawan nila ang dalawang samahan ng “Bulalakaw”, ang dalawang makatang ito ang
kababaliwan ng madla at hahabulin ng mga dalaga dahil sa angking kisig, talino at tinig bilang
mambabalagtas, ngunit pinagtapat sila at ginawang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng
galling noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium.
- Sumikat nang lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga pinakamalaki at
pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950.
FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR Y DE LA CRUZ (1788 – 1862)

- Ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Bigaa, Bulacan at itinuturing na pinakadakilang makata ng


Pilipinas.
- Walang sinulat na balagtasan si Balagtas, kundi si Patricio A. Dionisio ang ikinabit ang karangalang
sumulat ng kauna-unahang balagtasan sa Pilipinas, nang ilathala ng Bagong Lipang Kalabaw noong
Abril 5, 1924.

FLORENTINO COLLANTES (KUNTIL – BUTIL; 1896 – 1951)

- Ipinanganak noong Okutbre 16, 1896 sa Pulilan, Bulacan at nag-aral sa isang pampublikong
paaralan noong elementarya sa Pulilan at sa Bulacan High School sa Malolos.
- Bihasa sa salitang Tagalog, gayundin sa Pampango, Ilokano at Bisaya at sa murang edad, nagbabasa
at nagmememorya na siya ng mga awit, korido at pasyon.
- Nagsimulang mag-ambag ng mga tula katulad ng mga pahayag na Buntot Pagi, Pagkakaisa,
Watawat, Pakakakat at Ang Bansa sa gulang na 15.
- Naging guro sa loob ng dalawang taon at pag-katapos ay nagtrabaho sa Bureau of Lands.
- Nagingpangunahing katunggali ni Jose Corazon de Jesus sa unang balagtasan na naganap noon sa
Instituo de Mujeres.

JOSE CORAZON DE JESUS (HUSENG BATUTE; 1896 – 1932)

- Ipinanganak noong Nobyembre 22, 1896 sa Santa Cruz, Maynila.


- Isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo,
Maynila, na ipinatawag na manunulat na si Rosa Sevilla upang pagusapan ang pagdiriwang ng
kaarawan ni Francisco Baltazar sa Abril 2 kung saan napagpasyahan ng mga manunulat na
magpalabas ng tradisyunal na duplo at binansagan itong balagtasan para sa pagkilala kay Balagtas,
o isinadulang debate sa tula ng uso noong araw ngunit nalalaos na noong mga 1920.
- Hinawakan niya ang titulo na “Hari ng Balagtasan” hanggang sa kamatayan niya noong 1932.

KAYARIAN NG MGA SALITA

- Payak

- Salitang ugat na walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal.


- Maylapi

- Binubuo ng salitang ugat at panlapi.


- Mga Uri ng Panlapi:

- Unlapi

- Nasa unahan ang panlapi.

- Gitlapi

- Nasa gitna ang panlapi.

- Hulapi

- Nasa hulihan ang panlapi.

- Kabilaan

- Nasa unahan at hulihan ang panlapi.

- Laguhan

- Nasa unahan, gitna at hulihan ang panlapi.

- Unlapi at Gitlapi

- Nasa unahan at gitna ang panlapi.

- Gitlapi at Hulapi
- Nasa gitna at hulihan ang panlapi.

SARSWELA

- Isang komedya o melodramang may kasamang awit o tugtog na nahihinggil sa mga punong
damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya
naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampulitika.
- Binubuo ng tatlong yugto na ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa na melo
drama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya na hango sa tunay na buhay ang paksa at kung
minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic.
- Bagamat’t ipinakilala noong panahon ng mga Espanyol ay lubos na namulaklak noong panahon ng
himagsikang Pilipino at Amerikano ngunit unti-unting nanghina ito ng nakilala sa bansa ang Bodabil
o Stage Show.
- Hinango ng mga Espanyol sa Opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit dito:

- Patula

- Karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng


komposisyon na maaaring awitin.

- Pasalita

- Ginagamit ng mga katulong na tauhan.

BODABIL / STAGE SHOW

- Pagtatanghal na halos wala ng istorya, puro kantahat at sayawan lamang ang nangyayari kung kaya
naging purong lanlibangan na lamang ang teatro.
- Sa kasalukuyan, ito ay naging pag-aalala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa
pananampalatayang Kristiyanismo at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang nagaganapa
sa bansa.
DULA

- Ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na
naging pagkakakilanlan ng ating pahi.
- Isang mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at
sa pagpapakilos ng sambayanan.
- Mga Sangkap ng Dula:

- Tanghalan

- Kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal.

- Iskrip

- Itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng pangyayaring isinasaalang-


alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip.

- Aktor

- Gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula; sila ang nagpapahayag ng diyalogo,


nagsasagawa ng mga aksiyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood.

- Direktor

- Nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip.

- Manonood

- Mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal.

- Eksena
- Ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo ang
nagpapalit ng mga pangyayari sa dula.

- Mga Uri ng Dula:

- Komedya

- Katawa-tawa, magaan sa loob, dalhin ang tema at nag mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.

- Trahedya

- Dulang ang tema’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga
tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan at maging
sa kamatayan kaya nagwawakas sa malungkot.

- Melodrama / Soap Opera

- Dulang sadyang namimiga ng luha sa manonood na pawing wala ng masayang


bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawing problema na lamanag ang nangyayari sa
araw-araw niyang buhay.

- Tragikomedya

- Dulang magkahalo ang katatawanan at kasawian na laging may mga tauhang


katawa-tawa tulad ng pasyo para magsilbing tagapagpatawa subalit sa huli’y
nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

- Saynete

- Itinuturing na isa sa mga dualng panlibangan ng mga huling taon ng pananakop sa


atin ng mga Epanyol.
- Ang paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o
katutubo sa kanyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.
- Parsa

- Kapag puro tawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento at ang mga aksyon
ay slapstick na walang ibang ginagawa kundi magpaluan o maghampasan at
magbitiw ng mga kabalbalan.

- Parodya

- Kapag ito ay mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y
pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakasasakit ng damdamin ng pinag-uukulan.

- Proberbyo

- Isang dula na may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang


kuwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

SEVERINO REYES (LOLA BASYANG; 1861 – 1942)

- Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 11, 1861, anak nina Rufino Reyes at Andrea Rivero
na may anim na supling.
- Kilala bilang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”, nagsimula magsulat ng dula noong 1902, naging
patnugot ng Lingguhang Magasing “Liwayway” at nagtatag ng “Gran Compania de Zarzuela
Tagala”.
- Sinikap mapaunlad ang dulang Tagalog dahil nakita niyang ang Moro-moro at Komedya na siyang
tanyag na uri ng dula noon ay walang buti at kapakinabangang dulot sa manonood.
- Sumulat ng mga Dulang:

- Walang Sugat

- Ikalawang dulang kanyang natulat na nagpatanyag sa kanya na gumigising sa


kamalayan ng mga Pilipino upang higit na mahalin ang ating bansa at pahalagahan
ang mga kultura ng ating lahi.
- Nang unang itanghal, ay inumaga sa lansangan ang mga manonood, naaliw sila sa
panonood dahil sa mga awit at tugtugan nitong nakapagbigay-lugod sa kanila na
kaiba sa Moro-morong madalas nilang mapanood na pawing labanan at sigawan
ang tema.
- Dalawang ulit na isinapelikula noong 1939 at 1957.

- Requiescat in Pace (RIP)

- Ibig sabihin ay “Sumalangit nawa ang Kaluluwa” na isang sarsuwelang tumutuya sa


pagkamatay ng Moro-moro sa bansa.

PANDIWA

- Mga salitang nagpapahayag ng:

- Kilos, Aksyon o Gawa


- Proseso o Pangyayaring Karaniwang Sadya, Di-sadya, Likas o Di-likas
- Karanasan o Damdamin

- Aspekto ng Pandiwa:

- Katangian ng pandiwa na nagsasaad kung kalian nangyayari, mangyayari o isasagawa pa


lamang ang kilos.
- Mga Uri ng Aspekto ng Pandiwa:

- Aspektong Nganap / Pepektibo

- Nagsasaad na tapos na gawin ang kilos.


- Perpektibong Katatapos

- Nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa.


- Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at
pag-uulit sa unang pantig ng salitang ugat.
- Aspektong Nagaganap / Imperpektibo

- Nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi


pa tapos.

- Aspektong Magaganap / Kontemplatibo

- Ang kilos ay hindi lamang pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.

SANAYSAY

- Isang paglalahad ng sariling opinion o kuro-kuro ng sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa.
- Ang salitang “essay” o sanaysay ay hango sa salitang Pranses na “essayer” na ang ibig sabihin ay
“sumubok” o “tangkain”.
- Nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni Michel Eyquem de Montaigne (1533 – 1592), pero bago
pa man isilang si Kristo, ito mula na rin sa Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng
“Analects”, Lao-Tzu na sumulat ng “Tao Te Ching” at si Yushida Kenko sumulat ng “Mga
Sanaysay sa Katamaran” noong ika-14 na dantaon.
- Ayon kay Alejandro Abadilla, and salitang sanaysay ay nangangahulugang “nakasulat na karanasan
ng isang sanay sa pagsasalaysay”.
- Pagsusulat ng Sanaysay:

- Panimula

- Kinakailangang nakatatawag ng pansin o nakapupukaw ng damdamin ng


mambabasa.

- Katawan

- Ang pinakanilalaman ng akda ay kinakailangang maging mayaman sa kaisipan at


marapat na nagtataglay ng kaisahan ang mga detalye.

- Wakas
- Karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda
- Maaring ilahad sa bahaging ito ang buod o konklusyon ng sumulat.

PAGLALAHAD

- Nagpapaliwanag, nagbibigay ng kaalaman o pakahulugan at nagsusuri upang lubos na maipaunawa


ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita o sumusulat.
- Maaring tumugon sa mga katanungan kung ano ang katuturan ng isang salita o bagay, kung paano
ang pagsasagawa ng isang bagay, kung ano ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.
- Uri ng Pagpapahayag:

- Pag-iisa-isa

- Paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

- Paghahambing at Pagsasalungatan

- Paghahambing ng magkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.

- Pagsusuri

- Sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang


pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.

- Sanhi at Bunga

- Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan.

- Pagbibigay Halimbawa

- Nagpapatibay ng isang paglalahad sa pamamgitan ng pagbibigay ng halimbawa ay


medaling makumbinsi o mahikayat ang mambabasa o nakikinig.
PANG-URI

- Bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o


ginagawang mas partikular ito.
- Kaantasan ng Pang-uri:

- Lantay

- Karaniwang anyo ng pang-uri.

- Katamtaman

- Nagpapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng: “medyo”, “nang kaunti” o pag-


ulit ng salitang ugat o sa unang pantig nito.

- Masidhi

- Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng: “napaka”, “nag-an”, “pagka”,


“kay”, “lubha”, “masyado”, “totoo”, “talaga”, “tunay” o pag-ulit ng salitang ugat.

- Kayarian ng Pang-uri:

- Payak

- Binubuo lamang ng salitang ugat o walang lapi.

- Inuulit

- Pag-uulit ng salita o pantig ng pang-uri.


- Mga Uri ng Inuulit:

- Inuulit na Ganap

- Inuulit ang buong salita.

- Inuulit na Di-ganap

- Inuulit ang panlapi.

- Maylapi

- Binubuo ng salitang ugat at panlapi.

- Tambalan

- Binubuo ng dalawang salitang pinag-isa.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Ne, za kawaii.”
“Hoy, mga kyut.”
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ORIHINAL NI: NATHAN JOSHUA BERNARTE FRIALDE
KLASIPIKASYON: DARWINIAN – LEEUWENIAN

You might also like